Chapter 3.

3228 Words
Nine pov: Nagising ako ng madaling araw dahil sa gutom kaya naman dire-diretso akong bumaba papunta sa kusina para tumingin na makakain. 1:49 in the morning and here I am heating up the food that is left and mama is probably sleeping because the light in her room was turned off. Habang naghihitay ng makakain ko ay iniisip ko pa din yung sinabi nila mama at lolo kaya ng matapos akong kumain at hugasan ang plato ko ay umakyat na din ako kaagad sa kwarto para mag-isip ulit. The thought keep me awake until 3 a.m. and then my heavy eyelids let me sleep. Pagpasok ko sa classroom ay wala pa si Lauryl, may oras pa din naman kaya balak kong matulog sana kaso lang may mga asungot na naman. "O to m to the g, hindi ko alam na may ipapangit ka pa pala Nine, gosh so ugly." nandidiring lait sa akin ni Dara pero inikutan ko lang siya ng mata dahil antok talaga ako. "So nakakadiri, do you know that you look like a trash and now you look like a stinky garbage." dagdag pa ng kaibigan niya pero hindi kuna pinakinggan dahil talagang sobra yung antok ko. "Ano ba, we are talking to you. May gosh walang breeding." "Halika na nga wala tayong mapapala sa itim na pangit na yan." sabi ni Dara ng hindi ko pinansin man lang kaya umalis na din sila at umupo na sa upuan nila. Wala akong pakialam ngayong araw kahit anong sabihin nila dahil kulang na kulang yung tulog ko, kahit siguro may magsaboy ng pera ngayon hindi ako tatakbo para makipag-agawan, at siguradong mukha akong wakwak na ready ng lumipad dahil sa buhaghag at kulot na kulot kong buhok "Morning friend." rinig kong bati sa akin ni Lauryl. Gosh, hindi ba matatapos itong mga taong to. "Friend... friend what happen to you? Bakit parang kulang ka sa tulog tsaka mukha ka pang aswang?" tanong sa akin ni Lauryl habang niyuyugyug ang dalawang balikat ko. Pigilan niyo ako, please lang sisipain ko tong babae na to. Antok ako baka makabitay ako ng isda,naku. "Ryl please, sobrang antok ako wag ngayon." paki-usap ko sa kanya na parang nagmamaka-awa kaya tumahimik naman siya at sa wakas ay nakatulog din ako. Nagising ako ng pumasok ang teacher namin sa third period dahil wala daw yung dalawang teacher namin kanina, na pinagpasalamat ko naman dahil nakatulog ako ng mahaba-haba. Kaya naman pagdating ng lunch ay nasa canteen ulit kami dahil wala akong dalang lunch at walang choice si Lauryl kundi samahan ako. "Friend, pautang ako. Bayadan ko lang kapag yumaman na ako." utang ko kay Ryl at ngumiti pa ng alanganin habang nakapila kami para umorder ng pagkain. Samantalang tumaas naman ang isang kilay niya sa akin. Maldita! "Sige na." taas baba ko sa kilay ko para mapapayag ko siya dahil malapit na kami sa counter pero hindi pa din bumababa ang isang kilay niya. "So nagpila ka, tapos wala kang pera? Tsaka kelan pa nakalimutan ni tita na bigyan ka ng pera?" sunod-sunod na taning niya sa akin. "Nakalimutan ko kasi kanina, akala ko kasi late na ako." paliwanag ko sa kanya ng may lambing sabay kapit pa sa isang braso niya kaya naman sa huli ay napapayag ko din siya at naghanap na kami ng upuan para maka-upo. The truth is, hindi talaga ako nagpaalam kay mama ng umalis ako dahil hindi ko siya kinikibo ng bumaba ako kanina para kumain dahil sa hindi ko malamang dahilan galit pa din ako, I felt betrayed with the thought that they never tell me anything before. But I know I should not be feeling this way, kaya nga nakokonsensya ako kay mama dahil nakikita kong malungkot siya dahil sa nangyayari sa amin pero kahit din naman ako, but I think I just need time to think things through. "Bakit parang ang aga nila?" "Dapat mamaya pa sila dadating eh, magpapaganda pa ako." "Oo nga, ginulat naman ako ni papa Brio." "Hay, ang gwapo talaga ni Aiken, Para talaga siya sa akin,hehehe." Ang corny po, saang planeta ba kayo galing. Mukhang napa-aga nga ang mga kings pero nakakapanibago dahil wala ang mga queens. Mabilis na silang kumuha ng pagkain at nagsipanghila na lang ng upuan sa mesa namin at umupo. At ang bulungan ng mga langaw, mukhang may bagong balita na naman. "Hi friends." bati sa amin ni Brio at kumaway pa kahit katabi lang namin siya. Tahimik ding umupo si Euon at Aiken sa tabi namin. "Sila Yvonne?" nagtataka kong tanong kay Brio pero tinaasan niya alng ako ng balikat, na ang ibig sabihin ay hindi niya alam. At mas lumakas pa ang bulungan kaya naman na pa tingin tuloy ako sa pintuan kasabay ni Lauryl, napatulala tuloy ako ng wala sa oras. "Hay, ang ganda niya talaga." baliwalang sabi ko at ngumiti pa, sa kanya lang ata bumabagay ang uniform namin na maiksi, ang classy niyang tingnan, intimidating at ang ganda. Kahit wala siyang alalay ay sopistikada pa rin siyang tingnan at parang lahat kami kailangang yumuko sa kanya. "Hoy, gandang-ganda ka naman." sabi sa akin ni Lauryl at tapik ang braso ko kaya napatingin ako ng wala sa oras sa kanya. "Eh, bat di mo kasi sinabi na ngayon ang dating niya?" nagtatampo kong sabi pero halatang excited. "Hehe, sorry nakalimutan ko akala ko kasi next week pa, sabi niya kasi tinatamad pa siyang pumasok." paliwanag niya pero hindi kuna siya pinansin at tumingin na lang ulit kay Ethylhexyl Cetyl Azuelo, ang dating queen bee ng school na to at idol ko. Napatingin naman ako kay Aiken ng hindi sinasadya, and she is looking at her dearly, watching her every move na parang mawawala siya ng anumang oras and most of all I can see sadness and love...lost love. Nalungkot naman ako bigla, everyone in this school knew what happen, when they started and ended. Nagulat nalang ako ng may kamay na biglang tumakip sa mata ko kaya naman mabilis akong napapitlag at inalis yung kamay ng kung sino mang nagtakip sa mata ko. "Ano ba?" inis kong sabi kay Euon dahil kamay niya pala yung nagtakip sa mata ko. Binitawan ko naman ang kamay niya ng mapansin kong hawak ko pa iyon. "Wag mo kasing titigan." inis rin niya sagot sa akin. "Sino?" "Si Aiken, hindi kayo bagay. Hindi muna nga ako gusto magkakagusto ka pa sa iba." sabi niya na nagtatampo at parang batang na inagawan ng lollipop dahil nakanguso pa, ayaw kong sabihing nakapout siya kasi nakanguso talaga, at ang sagwa. Kaya naman napangiwi ako ng wala sa oras. Tiningnan ko lang siya dahil nagpatuloy na siyang kumain na parang walang kasama, kaya hinayaan kuna lang din. "Ate, dito." tawag ni Lauryl kay queen ng matapos itong kumuha ng pagkain. Samantalang napansin ko namang pumasok ang kambal at tumingin silang pareho sa mesa namin at tuloy-tuloy nang kumukuha ng pagkain at umupo sa mesa sa may dulo ng canteen. "Sino yun?... Wag na pala." tanong ni Euon sa akin sabay bawi din kaya hindi kuna pinansin at napatingin na lang ako sa harap ko. Nakangisi sa akin si Lauryl at Brio na nahalatang nag-uuyam lang, sa tabi naman ni Lauryl ay nakaupo si queen at tahimik na kumakain kaya napatingin ako kay Aiken, and he goes again with that stare, kung kaninang wala pa si queen ay tuloy-tuloy lang siya kong sumubo ngayon naman ay nakatitig lang siya kay queen na parang mawawala ng ano mang oras. Nalulungkot talaga ako habang tinitingnan si Aiken, bakas na bakas sa mukha niya ang panghihinayang, lungkot at higit sa lahat sakit. Pagkatapos naming kumain ay niyaya kuna si Lauryl kahit ayaw ko pa, sumabay na din sa amin si queen pero hindi naman siya nagsasalita at nakasunod lang kami kaya mukha tuloy kaming alalay niya. "Anong meron sa inyo ni queen, nagkabati na kayo?" tanong ko kay Lauryl nang makarating kami sa loob ng classroom. "Ahhhh." sabi niya at pumusisyon pa na parang nag-iisip kaya naman naningkit ang mata ko sa kanya ng wala sa oras. "Hoy, ano nga?" "Parang okey na din kami, nagsorry na siya sabi din niya hindi niya na ako ibubully kaya pinatawad ko na din, pero hindi pa kami nag-uusap." "Talaga? Like zero, zero bullying na ang mangyayari?" "Hmm." sagot niya habang tumatango. Tumigil naman kami sa chismisan ng pumasok na ang math teacher naman at nagpaquiz kaagad. "Friend, pakopya!" "Anong number?" "Lahat." Tumingin naman sa akin si Lauryl at na parang nakakita ng daga. "Wala kang sagot?"umiiling niya pangsabi kaya napangiti lang ako ng alanganin. "Wala eh, wala kasi akong maintindihan."sabi ko kaya binigay niya lahat ng scratch niya sa akin kong nasasaan ang sagot at bahala nalang akong maghanap dahil nagpasa na siya ng papel. Natapos ang maghapon naming klase na sumasakit pa din ang ulo ko dahil sa math, eh wala din naman akong naintindihan. "Salamat kanina friend hah, wala kasi talaga akong magets sa sinasabi ni ma'am kundi "Oh kuha mo? Sige kumuha ka ng papel." paliwanag ko habang ginagaya si ma'am Bravantes. "Okey lang, lagi ka namang walang naintindihan sa math, hindi ko nga alam kong anong mangyayari sayo kapag wala ako eh." "Alam mo malaman ko lang talaga kong sinong nag-imbento ng math ipapadoble kill ko talaga." "Ewan sayo, yung ghoster mo oh." sabi niya at tinuro naman sila Aiken sa may gate banda kaya naman hinila ko siya patalikod ng wala sa oras at bumalik sa kong saan. "Bat tayo bumalik?" "Pauwiin muna natin sila." "Anong pauwiin, loka to. Tara na." hila niya din sa akin pabalik habang nakangisi, kaya ng nasa gate na kami ay hindi na namin nakita sila Euon. Ilang araw kaming ganoon ni mama, kaya ilang araw din akong nanghihiram kay Lauryl ng pera pero wala namang problema dahil sobrang yaman nila, hindi din ako nilalapitan ng kambal maliban sa kaway at malawak na ngiti ni Chord tuwing makikita ako pero snob naman ang kapatid at hindi na namin ulit nakasabay si queen at ang mga kings. Pero mukhang bumawi naman sila Yvonne dahil araw-araw silang namimeste, akala mo pumapasok lang sila para laitin ako at sirain ang araw ko. Linggo ngayon at ngayon kami mag-uusap ni mama tungkol sa mafia gaya ng pinag-usapan namin kagabi, first week of March na din at malapit na ang final exam. Pagbaba ko ay nanonood si mama ng palabas na hindi ko alam, dumiretso na ako sa kusina para kumain dahil alas nuebe na at gutom na gutom na ako. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos pa akong isang libro. "May pagkain sa ref, initin mo lang ulit, maligo ka pagkatapos ay pag-usapan natin ang tungkol sa mafia." sabi ni mama galing sa labas ng kusina. Ginawa ko naman ang sinabi niya, bumaba na ako pagkatapos kong maligo, tumutulo pa ang buhok ko pero hinayaan ko nalang. Pagka-upo ko sa sofa ay pinatay na ni mama ang tv. "Anong gusto mong itanong?" tanong niya matapos patayin ang TV at humarap sa akin. Kinakabahan ako ng hindi ko maintindihan. "What's with the mafia?"malumanay na tanong ko kahit na parang nagrarambulan na ang bituka ko sa kaba. "Ang sabi sa akin ni papa, the mafia is called maffia in Italian which is doble ff but states the same meaning, dahil gusto ng lola natin na maiba ang ibig sabihin ng mafia, kaya nagtayo siya ng grupo na puros criminal ang miyembro pero may puso para tumulong at gumawa ng mabuti." "Wait, lola?" takang tanong ko. Babae? "Yes, Ennea Bianca de Sforza is the daughter of the duchess of Milan, Italy. Basagulera, patapon ang buhay ni lola, not until she met lolo Alonzo Medici who is a bell boy in one of their hotels." nakangiting kwento ni mama na halatang kinikilig kaya napangiti din ako ng hindi sinasadya. "Love will bend the universe, if God designed you together." "That is one of lola's qoute, because their love story is us against the world and survive it." "Bakit ang lungkot muna?" tanong ko ng mapansin kong nagbago ang expression niya. "Because not every love story is a happy ending and not every couple end up together at the end...anyway the mark that you have is a hereditary mark that appears in every generation, that is why your the next in line because that mark is lola Ennea trade mark." It was past 2 in the afternoon when we finished talking, kaya nagpadeliver na lang kami ni mama ng pagkain, but it keeps up until 8 in the evening dahil may ibang mga bahay pa kaming pinag-usapan, kasama na ang history nito at ang mga naging leader hanggang kay tands. Marami na din kaming napag-usapan ni mama at karamihan ng mga tanong ko ay nasagot na din. "Do you know the lola Ennea's name means nine in Italian? Just like you, also your the next woman in line who will inherit the position, and just like her i know you will do a lot of great things." mama said that makes me teary. It warms my heart because I know that she will be there for me what ever happens. "Alam kong antok kana at tingin ko sapat ang mga kiniwento at sinabi para maliwanagan ko." sabi niya ng mapansing humikab ako. Hindi pa naman ako inaantok pero dahil na rin siguro sa mahabang usapan namin kaya napagod ako samantalang wala naman akong ginawa kundi umupo at makinig lang. Tumayo na si mama at pumunta sa kusina, indikasyon na tapos na ang pag-uusap namin kaya tumayo na din ako, tapos na kaming kumain kaya dumiretso na ako sa taas at pumikit. We went shopping the next day and spent the whole day inside the malls strolling and buy the things that we like but before I went to may room to sleep she told me that I will start learning martial arts again, and just like always I have to join beauty pageants in the province to boost my confidence more. "Anong nangyari sayo friend, bat parang lantang gulay ka?" tanong sa akin ni Lauryl ng nakangiwi habang tinitingnan ang kalagayan ko. Today is tuesday and we are having lunch on the school's manggahan because it is close to our room,at hindi ko kayang kumilos ng kumilos dahil ang sakit ng katawan ko. "I just did exercise the other day and my whole body is aching right now." I said while trying to move my whole body slowly to sit. Aww! Shoots naman. Napapangiwi na lang ako, nagsimula na kasi kahapon yung martial arts training ko, hindi naman masakit yung katawan ko kahapon pero mukhang bumawi siya ngayon, at siguradong isang linggo to dahil hindi naman sanay ang katawan ko. Mukhang ready si mama. It happen to me for the whole week, but on the next week it started to fade, at least ngayon kaya ko ng gumalaw ng mabilis kesa nakaraang linggo na tinalo ko pa ang pagong sa sobrang bagal ng lakad at kilos ko. Final exam namin ngayon sa P.E. at next week ay final exams na din pati sa ibang subjects nauuna lang talaga sa P.E. kasi nga nakakapagod siya. Volleyball at Basketball ang theme, basketball sa lalaki at volleyball ang sa babae, nagsimula na din kaming maggrupo dahil mamaya lang ay magsisimula na ang laro, dalawang team kadalaro at kanina pa nakabuo ng team sila Dara. Dahil 30 kaming lahat sa room at equal naman ang dami ng lalaki, naghati na kami at may dalawang refferee sa dalawang laro. And guess what, hindi ko man lang naiisip yun, sobrang bago at napakatalinong idea dahil kinuha na lahat ni Dara ang magagaling at varsitt players ng volleyball sa section namin kaya ang natira ay kami-kaming hindi naglalaro. "Ahh, kawawa naman ang grupo niyo Nine, isang maria clara na sa loob ang kulo si Lauryl, isang sakiting payatot na si Jenna, isang weirdong mahilig sa cartoons presenting Alex, isang pilay Rea, isang lalampa-lampa April, dalawang patay-gutom na balyena Haira at Alice at ang center ng lahat... isang pangit, maitim, pandak, kulot-salot na si Nine." lait sa amin ni Dara isa-isa ng may diin habang nakangisi ang mga kasama niya ding players. Tss, mga pangit din naman. Lord please lang, konti pa po, konting pasensya pa baka po kasi may mabaon ako sa lupang pangit, madudumihan po yung lupa. Bigyan niyo po ako ng konting pasensya pa. Pwede ko kayang ipatimbog tong mga babaeng to kila Chord? Huminga ako ng malalim at pumikit. Hayy, relief. "Alam mo Dara, hindi ako payatot at please sexy ako baka inggit ka lang kasi may abs ako ikaw wala."malditang sabi ni Jenna. "And please wag mo nang pagsikapang magka-abs hindi bagay kasi yang katawan mo buto-buto na lang." dagdag pa ni Jenna habang nakataas ang kilay at ngisi ng mapanlait. "Atsaka Dara, hindi cartoons ang anime, hindi cartoons." galit na sabi ni Alex kaya naman hinawakan siya ni Jenna para pakalmahin. "And by the way, mataba ako oo pero aminin nating lahat, yummy yung boyfriend ko at siguradong pinaglalawayan niyo." nakataas ang kilay na sagot ni Haira at tumingin pa mga alipores ni Dara. Yan, who you kayo ngayon. Go girls! Sabagay tama naman siya dahil maraming may gusto kay Brio, na hindi ko maintindihan kong anong nagustuhan ni Haira dahil napakabully. "At pwede ba sa susunod wag kami yung awayin mo, at kayo-" turo ni Jenna sa mga alalay ni Dara. "Mga alalay ng mukhang paa na babaeng to, sa susunod paki-iwasan maging plastik masakit sa mata." Sabi niya bago kami hinila. Tahimik lang ako, si April, si Alice at si Lauryl, hindi na din naman ako nagtaka kasi nga mahina ang self-confidence ng tatlong to, binigyan ko lang talaga ng exposure sila Jenna, lagi din kasi silang binubully ni Dara sa room. "Sa susunod wag kayong papaapi sa babaeng yun, lalo na kayo April, Alice at ikaw Lauryl... buti pa nga tong si Nine ah, lumalaban na hindi kagaya dati." halatang inis na sabi ni Jenna. Nandito kami ngayon sa may bleachers samantalang nasa kabilang side naman sila Dara and froglets. "Sobra na din kasi tsaka kota na ako, tama na yung tatlong taon nila akong nilalait, mabait ako sa mabait pero hindi naman ako anghel." madamdamin kong sabi. "Alam mo Lauryl, sana maging b***h ulit yung ate mo, kasi may class yung pagiging b***h niya, tsaka nilalagay niya sa lugar hindi kagaya nila Dara lalong lalo na yang si Yvonne." dagdag pa ni Haira kaya naman napangiti din ako. I really admired a great person. Pumasok naman si ma'am kaya napatayo na din kami dahil tinawag niya na kami para magsimula ang laro. "You know what goodluck na lang sa inyo, loosers."biglang sabi ni Dara ng madaanan kami at nagsign pa ng letter L sa kamay niya. "Guys pigilan niyo ako, pipiratin ko yang dagang yan." biglang sabi ni Haira kaya napatingin kami sa kanya, dahil nakahawak siya sa braso ni Jenna na parang nagpapapigil kaya naman tawa kami ng wala sa oras. "Naku Haira, hindi kita pipigilan baka tulungan pa kitang dikdikin yang mukhang dikya na babaeng yan." Sabi ni Jenna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD