Chapter 6
Asul na Liwanag
|ANDRASTE|
NAGUGULUHAN ako at masyadong madaming gumugulo sa isip ko ngayon. Lalo pa nang malaman kong si Haylal pala ang taong pinababantayan ni miss Jean sa akin.
Tinanong ko na siya dati kung ano ang dahilan kung bakit niya pinababantayan sa akin at kung bakit ako ang napili niya na isang hamak na bata lamang kumpara sa kanilang dalubhasa na sa trabahong ganyan. Pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Sinabihan niya lang ako na malalaman ko daw sa takdang panahon.
"Good morning, Andraste!" Nabigla ako nang pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang masayang mukha ni Crimson.
"Oh, you look so down this early in the morning. May nangyari ba?" Napabuntong hininga pa ako bago umiling at ngumiti na lang para hindi na siya magtanong pa. Tumango lang siya at hindi na nga nagtanong pa. Ramdam niya sigurong ayokong ibahagi ang kung ano mang nasa isip ko ngayon. Ini-lock ko na din ang pintuan ng apartment tapos sabay na kaming naglakad palabas ng gate.
"May saklay ka na. That's great. Hindi ka na mahihirapan gaanong maglakad niyan. Hindi na mag-aalala sa 'yo ang mahal kong si Carms." Nakangiti ito nang malapad no'ng lingunin ko siya. Makikitang sobrang saya niya samantalang ako naman ay nababahala. Mabuti na lang at hindi niya tinanong kung sino ang nagbigay sa akin nito. Kung hindi ay baka masabi ko ngang si Haylal. Hindi ko kayang magsinungaling.
"Bakit ka nga pala nandito nang ganito kaaga?"
"About that, Carms asked me to go to your apartment para sunduin ka at isabay na for school. She's very worried about you. Man, that girl really was fund in girls' friendship."
"Anong ibig mong sabihin?" Natawa siya nang bahagya sa tanong ko saka ako nilingon.
"Matagal niya nang gustong magkaroon ng babaeng kaibigan but she can't find the right girl who would fit on the characteristics that she wants. Para lang siyang naghahanap ng boyfriend sa sobrang pagka-fetish niya sa girl friendship." Bumuntong hininga pa ito matapos magsalita saka niya isinilid ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon.
"Bakit parang problemado ka sa isyu na yan? Mali ba makipagkaibigan sa babae?" Tumawa ulit siya. Tapos tumingin siya sa langit kaya napasunod din ako ng tingin doon. Napangiti ako sa nakita. Asul ang kalangitan at walang ulap na nagliliparan. Maganda nga siya pero masasabi kong mainit ngayon dahil wala ni isang ulap sa kalangitan.
Mabuti pa ang kalangitan ay clear, hindi tulad ng isip ko ngayon, cloudy. Ipinagdadasal ko na lang na sana ay maging malinaw na din ang aking isipan dahil ayoko nang madaming iniisip. Hindi ako makapagpokus sa kung ano ang dapat kong gawin dahil iyon at iyon ang magiging laman ng aking isipan. Napabuntong hininga akong muli. Mukhang hindi naman napansin ni Crimson dahil patuloy lang siya sa pagsasalita.
"No, it's not bad. It's really a great thing. The girl friendship that is. Hindi kasi masyadong nagtitiwala kahit kanino si Carms, lalo na sa mga babae kaya kung makikita mo wala kaming babaeng kaibigan or wala siyang nakakasundong babaeng kaedad niya. Lahat ay kaaway niya." Naalala ko nga yung kahapon, galit na galit siya dun sa mga kaklase naming limang babae na lumapit sa akin. Hmm, siguro dahil nang-aaway sila ng kapwa nila kaya siya galit sa kanila.
"Ayaw niya ba sa inyo?" Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko at parang nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha.
"Yan ang pinakamasakit na narinig ko ngayon, napakadirect to the point. Parang si Haylal lang." Nakanguso na ito habang naglalakad pa din kami.
"Hayl!" Natigil ako sa paglalakad nang biglang may tawagin si Crimson at kumaway kaway pa siya.
"Yo! Kulot," humihikab na tugon ni Haylal sa hindi kalayuan.
"I said quit calling me that. Tsk." Naiinis na pakli ni Crimson sa lalaking parang kababangon lang sa kama dahil sa kanyang bagong gising na itsura. Napalingon siya sa akin dahil magkatabi lang kami ni Crimson ng kinatatayuan.
Hindi siya nagsalita at titig na titig lang sa akin at antok na antok ang kanyang mukha. Nag-umpisa siyang maglakad palapit sa amin habang ang kanang kamay niya ay nagkakamot ng ulo at nakasuot naman ang kanyang kaliwang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
Mukha talaga siyang bagong gising. Hindi ba dapat ay kanina pa siya nakapasok sa school dahil maaga siyang pumunta sa apartment ko. Nang malapit na siya sa akin ay dun ko napansin na may galos pala ito sa kanyang kanang pisngi. May pasa sa gilid ng bibig at may band-aid sa ilong. Nakipag-away ba siya?
"Magandang umaga Haylal. Salam--"
"Yo!" Natigil ako sa aking sasabihin nang bigla akong dambahin ni Haylal at inakbayan na halos sakalin na.
"Ayusin mo Haylal, nasasaktan siya." Naghalukipkip pa si Crimson sa harapan namin habang pinagmamasdan kaming dalawa.
"Tss. Wag ka ngang epal dyan kulot. Baka gusto mo ikaw saktan ko." Pagbabanta niya sa kasama namin na hindi niya naman pinagtuunan ng pansin.
"Sino ka na nga ulit?" Baling sa akin ni Haylal kaya nilingon ko siya at tumambad sa akin ang malapad niyang ngiti. Napabuntong hininga ako dahil sa tanong niya. Naalala ko kahapon na hindi nga pala ako naipakilala ni Crimson at Carmine sa kanya.
"She's Andraste," pagpapakilala ni Crimson sa akin at taas noo pa itong nakatingin sa katabi ko.
"Pota! Tinatanong ba kita? Ikaw ba siya? Ha?" Nabigla ako nung biglang sunggaban ni Haylal si Crimson. Nataranta pa ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko oras na magwala na naman si Haylal dito. Napatingin pa ako sa aking paligid at dito ang parte kung saan walang masyadong dumadaan na tao.
"Tumigil na kayo," pag-agaw ko sa atensyon nila pero hindi pa din nagpatinag si Haylal at nakadaklot pa din siya sa kwelyo ng uniform ni Crimson. Habang ang isa naman ay nakangiti pa at kalmadong kalmadong nakatingin sa galit na galit na si Haylal.
"Cool down bro. Hindi ako kaaway mo. Ang mabuti pa, ililibre na lang kita ng hotdog sa canteen." Nakakunot pa din ang noo ni Haylal nang bumitaw kay Crimson at inakbayan siya nito na tipong pinakakalma.
Tila nabunutan naman ako ng tinik dahil mukha mang galit si Haylal ngayon, atleast ay napakalma na siya ni Crimson. Nakahahanga. Napakabilis niyang mapakalma ang galit na si Haylal. Para siyang isang amo ng mabangis na Leon.
"Tara na. Baka ma-late tayo sa first subject natin. We don't like that to happen. At baka nandun na si Carms my loves. I'm really excited to see her raging face because we are so late at the time she required me to come." Minsan gusto kong isipin na masokista si Crimson dahil masaya siya sa lagay na palagi silang nag-aaway ni Carmine pero wala pa naman akong nasaksihan na pisikal na sakitan kaya hindi ko pa masabing masokista talaga.
"Oi Tete," mag-uumpisa na sana akong maglakad nang matigilan ako at tiningnan ang nakalingon na si Haylal sa akin. Seryoso, sa akin siya nakatingin. Ako ba ang tinatawag niya?
"May utang ka pa sa akin, Tete. Ililibre mo din ako. Kaya tara na!" Nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa utang ko daw na sinasabi niya dahil ang ikinagugulat ko ngayon ay nang tawagin niya ako sa pangalang iyon. Nakalapit na din siya sa akin at nakaakbay pa at tuwang tuwa siya na parang isang batang ibibilhan ng candies ng kanyang nanay.
"What the hell Haylal?" Tila natatawang tanong ni Crimson sa kanya.
"Huh?" Nag-iba na naman ang tono ng boses ni Haylal na katabi ko. Para na naman siyang galit dahil yung boses niyang husky na nga ay lalo pang naging husky.
"What's with that name? That name you just called her." Natatawa pa ding tugon ni Crimson. At hindi na nga iyon napigilan dahil nauwi sa hagalpak ng tawa ang kanina pa pinipigilang hagikgik niya.
"Tsk. Masyadong mahaba ang pangalan niya at tinatamad akong bigkasin. Andraste, Tete for short, tapos. Kokontra ka pang tangina ka?" Naghahamok ng away ang naging pag-asta ni Haylal sa kasama namin na hindi na mapigilan ang pagtawa.
"Tara na nga. Libre mo ako, Tete ah?" Napapanganga akong nagpatianod ng mag-umpisa na siyang maglakad.
"A-ah, H-Haylal?" Huminto siya nang tawagin ko siya at bagot na bagot akong nilingon. Nakapasok na kami sa campus at hindi ko alam kung sumunod ba si Crimson sa amin.
"Ano?!" Nakakunot noong tanong niya sa akin.
"Y-Yung pangalan--"
"May problema ka sa pangalan?" Maangas na tanong niya. Galit ata siya. Naku naman, baka kapag sinabi kong wag niya akong tawagin nang ganun ay bigla niya akong itapon sa kung saan.
"Ah e, w-wala." Alangan kong ngiti. Pero siya, binigyan na naman ako nang ngiting sobrang lapad na akala mo napakabait na bata. Umakbay siya sa akin at hinila ako na kamuntikan na din akong masubsob sa daan dahil hindi ko naayos ang paglapat ng saklay ko sa daanan.
"Ano ba yan, ang lampa lampa mo naman. Kapag magaling ka na Tete, tuturuan kita ng martial arts. Para naman tumigas tigas ng kaunti yang katawan mo." Sinuntok niya ako sa kanang braso na nagpapikit sa akin kasi ang sakit. Aware ba siya na babae ako?
"Ano, Tete?" Nanlaki na naman ang mga mata ko nang banggitin niya iyon. Narinig ko ding nagbubulungan ang mga estudyanteng dumadaan at nililingon pa kami. Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan. Hindi na talaga ako magpapakita kay Haylal dahil ayokong ipagsigawan niya ang pangalan na iyon. Nakakahiya talaga. Nag-umpisa akong maglakad na nakayuko dahil sa kahihiyan kaya sumunod na din siya.
"Ililibre mo akong hotdog, Tete ha?" Napahinto ako sa paglalakad at napapikit. Ayoko mag-angat ng tingin dahil paniguradong nagtitinginan ang mga tao sa paligid ko.
"Ililibre mo ba ako? Ha? Ha? Ha?" Pangungulit pa niya. Tumango na lang ako para matigil na siya pero nagulat ako nung umakbay siya sa akin na halos sakalin na naman ako.
"Ayos! Tara--" natigil siya at biglang bumitaw sa akin. Nagtaka naman ako kaya nag-angat na ako ng tingin. Nagtaka ako sa aking nakita.
"Hey, newbie."
"Could you spare us some time?"
"We need to talk to you." Sila iyong kaklase ko kahapon na sinita ni Carmine na nagtapon ng notebook ko. Napaisip tuloy ako sa kung ano ang sadya nila sa akin.
"Sige," pagsang-ayon ko pa. Baka humingi na sila ng sorry dahil sa ginawa nila kahapon. Sabi nga nila sister na kahit gaano daw kasama ang isang tao ay may naitatago pa din itong kabutihan sa kanyang puso.
Nag-umpisa na akong maglakad upang paunlakan sila sa kanilang pabor. Pero hinarang ako ni Haylal. Medyo na-touch naman ako dahil parang concern siya sa kalagayan ko.
"Ayos la--"
"Yung hotdog ko," natigil ako at parang nanigas ang bibig ko sa kalagitnaan ng pagsasalita dahil nakanganga pa din ako. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Haylal. Yung hotdog talaga ang iniisip niya at hindi ang kapakanan ko. Hayy. Akala ko pa naman ay itutuloy tuloy niya na ang pagiging mabait niya.
"Mamaya na lang, kakausapin ko lang ang mga kaklase ko." Kumunot ang noo niya. Para na naman siyang susunggab kaya kinabahan ako.
"Ayoko. Gusto ko ngayon na!" Pagdemand pa niya. Nilingon niya ang mga kaklase ko at sinamaan sila ng tingin. Nagulat ako nang mapansin na parang nag-iiba ata ang porma ng kanyang ngipin. Nakalabas kasi ito na parang sa galit na Leon. Parang nagkaroon siya ng pangil sa magkabilang gilid ng kanyang ngipin. Ganyan na ba talaga ang ngipin niya dati? Kasi hindi ko maalalang mayroon siyang canine teeth dahil palagi naman siyang nakangiti.
"Let's go," tumalikod na ang limang babaeng kaklase ko kaya sinundan ko na sila. Pero natigil ako nung hawakan ni Haylal ang ulo ko. Masama ang tingin niya at parang lalapain ako. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili.
"Mamaya na, kahit sampung hotdog pa ipabili mo." Pinanliitan niya pa ako ng mata at parang sinisiguro kung nagsasabi ba ako ng totoo o nagsisinungaling lang ako.
"Maghihintay ako dito para siguradong ibibili mo talaga ako, Tete." Gusto kong pasakan ng tela ang kanyang bibig kapag sinasabi niya ang pangalang iyon. At sa wakas ay bumitaw na din siya sa ulo ko kaya ipinagpatuloy ko na ang paglalakad at pagsunod sa mga kaklase ko habang naiwan siya sa kinatatayuan niya. Wala ata siyang balak umalis doon sa kinatatayuan niya kahit na nasa gitna siya ng daan. Iba din talaga ang trip nito ni Haylal. Hayys.
Nakarating kami sa medyo tagong parte ng school. Dito yung lumang building na hindi na ginagamit. Dahil ayon sa nakikita ko ay wala ng mga estudyanteng naglalagi dito at parang ginawa na din siyang tambakan. Ang mga bintana ng classroom ay basag basag na ang salamin.
Natigil ako sa pagtingin tingin sa paligid dahil napansin ko din ang pagtigil ng mga taong sinusundan ko. Nakaharap sila sa akin at nakaporma nang horizontal line. Ang nasa gitnang babae na naka-pigtails ang buhok ay nakahalukipkip sa harapan ko at nakatingin ng masama.
Biglang kumabog ang dibdib ko nang malakas nang magtagpo ang mga mata namin. Iba ang pakiramdam ko sa magaganap ngayon. Iyong tingin niya ay parang gusto akong gawan ng masama. Ngumisi siya na parang sa m******s.
Hala, bakit ganun? Babae siya diba? Bakit ganun siya kung ngumisi? Para siyang nasasapian ng isang lalaking demonyo--
Natigil ako sa naiisip at unti unting nanlaki ang mga mata nang mapagtanto ko kung ano ang naisip ko. Naalala ko na naman noon yung sinabi sa akin nina sister, na maaari daw sapian ng mga demonyo ang tao. Meron kasi dating idinala sa kumbento na nasasapian kaya kaagad ipinatawag ang Kura Paroko sa lugar namin na nagsasagawa ng exorcism sa mga ganung kaso. May mga demonyong nabubuhay sa pagkain ng tao na tinatawag na 'Man Eating Demon'. At meron din daw yung sasapi para i-consume ang spiritual-energy ng isang tao at unti-unti nitong kukunin ang kaluluwa mo dahil sa sobrang galit na nararamdaman mo, yun ang nagsisilbing susi nila para mapasok ang katawan mo at ang kawalan o kaya ang kaunting faith daw kay Papa God. Sila ang tinatawag na 'Soul Consuming Demon'. Sila din ang mga demons na nakakatagal sa umaga. Pero once na nilisan na nila ang katawan ng tao, hindi na sila makakasurvive sa umaga.
Once kasi na nakapasok ang isang demonyo sa katawan, mahirap na itong mapaalis dahil kailangan mong i-exorcise yung tao para mapaalis na isinasagawa nga ng mga pari. Pero yun ay kung mababang uri ng Soul Consuming Demon ang sumapi sayo. Pero kung yung matataas na uri ng demonyo ay kailangan na ang tulong ng demon slayers dahil ginagamitan na sila nung mga sandata na ginagamit nila.
Napaatras ako ng isang hakbang nang humakbang paabante yung kaklase ko. Nakita ko ang kabuuan niya, nababalot siya ng kulay itim na aura. Totoo nga. Nasapian siya ng isang demonyo. Bakit hindi ko ito nakita kanina. Tiningnan ko ang mga kasama niya, normal pa din naman silang tao. Siya lang ang sinapian.
"Ibigay mo sa akin ang kwintas," nagtaka ako sa sinabi niya. Anong kwintas? Hindi ko maalalang may ipinatago siya sa akin.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Nangangatal na sagot ko. Nanginginig ang mga kalamnan. Parang lalo ata akong napilay dahil sa aking takot. Kumabog ng malakas ang dibdib na tipong gustong lumabas ng puso ko.
"Ibigay mo ang kwintas," inilahad niya pa ang palad at yung mukha niya ay parang nauubusan na ng pasensya.
"Girl, what are you talking about? We didn't talk about that necklace."
"Yeah girl, plano lang nating takutin siya for her to withdraw from school. Like duh?"
"Manahimik kayo!" Inihampas niya ang kanyang kamay sa ere at sa isang iglap, lumipad ang dalawa niyang kasama at tumama sila sa pader. Sa sobrang lakas ng pagkakahampas nung dalawa ay halos magcrack iyon. Napabuga pa ng dugo ang dalawa at bumagsak sa lupa na wala nang malay. Hindi na talaga ako pwedeng magkamali. Nasasapian talaga siya ng demonyo. Hindi magiging ganyan kalakas ang isang normal lang na tao.
Balak ko sanang puntahan at tulungan iyong dalawa kaso nakatingin sa akin yung kaklase kong nasapian kaya hindi ako makahakbang sa kinaroroonan ko.
"Steph? What did you do to them?" Natatakot na tanong nung dalawa pang kasama niya na nasa likuran niya. Nilingon niya ito at tiningnan ng masama. Napatili ang dalawang babae saka tumakbo ng mabilis palayo sa lugar. Sa isang iglap ay naglaho na sila sa paningin ko.
"Ngayon, wala nang manggugulo sa atin." Ngumisi na naman siya na akala mo napopossess pero napo-possess naman talaga siya. Hindi na ako nagtaka nang biglang magbago ang kanyang boses. Isa ngang lalaking demonyo ang sumapi sa kanya dahil lalaki ang boses na lumabas dun sa kaklase ko. Kahit expected ko na magiging ganun ang boses niya, hindi ko pa din maiwasang matakot.
"Ibigay mo na sa akin ang kwintas hangga't may respeto pa ako sa 'yo." Ano ang sinasabi niya? Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit irerespeto ng isang demonyo ang isang hamak na tao lamang?
"Huwag mo akong titigan lang. Ibigay mo na sa akin ang kwintas kung ayaw mong sapilitan ko na kunin yun sa 'yo." Hindi pa din ako makakilos at nanginginig pa din ang buong katawan sa takot na baka mamaya ay sunggaban ako at kainin.
"Nauubos na ang pasensya ko, kamahalan."
Kamahalan?
Anong sinasabi niya? Royalty ang kamahalan, at bakit niya ako tinatawag na ganun?
Halos takasan ako ng kaluluwa nung bigla siyang nawala sa paningin ko at naglaho na parang bula. Nang makita ko siya ay nasa itaas ko na at nakahanda na ang kanyang mga kamay na may matutulis na kuko upang ako ay sunggaban. Hindi ako makasigaw para makahingi ng tulong dahil parang nagyelo na ang lalamunan ko sa sobrang panlalamig ng aking katawan.
At sa hindi ko inaasahang pangyayari, may biglang dumaang kulay asul na liwanag sa harapan ko. Mabilis at hindi kayang sundan ng mata. Nagsusumigaw ang demonyo at nakita ko ang katawan ng kaklase kong nasapian na parang nilalabasan ng kulay itim na aura na parang isang abong naaalis mula sa kanyang katawan.
"Paano mo itong nagagawa sa amin? Hindi ko matanggap na ikaw pa mismo ang pupuksa sa lahing ito." Pagkasabi niya nun ay tuluyan na ngang naglaho ang demonyo sa katawan ng kaklase ko. Halos himatayin ako sa sobrang nerbyos ko at mapaupo sa lupa. Mabuti na lang at nakaalalay ang aking saklay kaya napanatili kong makatayo pa din.
"Andraste?!" Hindi ako makalingon dahil para akong nagka-stiff neck dahil sa mga nangyari dito pero alam ko kung sino iyon.
Hindi ko na napigilan ang aking luha nang yapusin niya ako. Humagulgol ako habang hinahaplos niya ang aking likod upang patahanin.
"Sshh, I'm sorry. We are late." Mahigpit akong napakapit sa uniform niya at patuloy pa din sa pag-iyak.
"Man, what the hell did you do? You almost killed her. Oh boy, we really need to fix this, Carms." Lumayo na sa akin si Carmine at sabay naming nilingon si Crimson na nakapamewang at problemadong problemado habang nakatingin sa isang direksyon.
"We told you that you can't act on your own, you idiot. Lady Tenshi told you that already." Napapahilamos sa mukha si Crimson saka kami nilingon at humihingi ng tulong kay Carmine. Nakita ko na ang bagay na naglalabas ng asul na apoy na nakita ko kanina. Nasa harapan siya ni Crimson na nakatayo. Hindi pala siya bagay, kung hindi ay tao. At mas lalo kong ikinagulat nang makita kung sino ang taong iyon.
"I-Ikaw?"