Chapter 6
Nagising na lang ako na nakahiga na ako sa kama. Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Hindi ba kagabi sa couch ako natulog? Ibig sabihin ba nito binuhat ako ni Saturn?
Lumabas na ako ng kwarto at saktong nakasalubong ko naman siya na may bitbit na pagkain. Pagkakita niya sa akin ay 'agad siyang sumimangot. Ang aga-aga ang sungit niya, a!
"Oh? Saan ka pupunta? Kakain na."
Hindi na lang ako nagsalita. Ang ganda-ganda ng umaga ko, e. Ayokong masira dahil magtatalo na naman kaming dalawa. Sumunod na lang ako sa kanya papasok muli sa loob ng kwarto. Dumeretso kami sa kusina at pinanood ko lang siya habang naghahanda ng pagkain.
Kumain na lang kami nang tahimik pero hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya ng isang tanong na kanina ko pa gustong makuha ang sagot.
"Paano nga pala ako napunta sa kama?"
Muntik na niyang maibuga ang kinakain niya. Mabuti na lamang ay naitakip niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig. Nakakagulat ba 'yong tinanong ko?
Umiwas siya ng tingin. "M-malamang binuhat kita! Common sense nga!" sigaw niya. "Ang likot-likot mo kasing matulog. Bigla na lang may lalagabag at makikita na lang kitang nakahiga sa sahig. Grabe kang matulog. Nahulog ka na't lahat, hindi ka man lang nagising."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-peace sign. "Sorry?"
Nakakahiya pala ako kagabi. I want to dig my own grave now.
NANDITO pa rin kami sa Batangas pero umalis na kami sa beach resort para lumipat sa ibang lugar. Nakuha na namin lahat ng impormasyon at litrato na kailangan namin kaya tanging ang paggawa na lang ng mismong advertisment ang kailangan.
Naisipan naming tumigil sa isang malawak na parangan kung saan may burol na hindi kalayuan sa kalsada.
Sobrang lawak ng parangan at fresh na fresh pa ang hangin. Umakyat kami sa burol sa gitna ng parangan at nagsimula na akong kumuha ng picture. Hindi naman kataasan itong burol pero mas kita rito ang kabuuan ng lupain. May malaking puno sa tabi nito na pwedeng pagsilungan kaya roon kami umupo sa ilalim nito para hindi kami mainitan.
"Ang ganda rito." nakangiting sabi ko.
"Yeah." expressionless niyang sabi.
Napanguso na lang ako. Ano ba 'yan? Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Kundi mapanlokong ngiti, ngisi lang ang madalas kong nakikita na ginagawa niya. Hindi ko pa nakikita ang natural na ngiti niya. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob?
Naka-cross legs akong humarap sa kanya.
"Bakit ABM ang pinili mo?"
Wala kasi sa hitsura niya ang kukuha ng Business related na course. Bagay siya sa mga kursong katulad ng Engineering o kaya kursong may kinalaman sa medicine.
"I didn't choose it. My father did."
Napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga.
"But if you were to choose, what will you choose?"
Hindi siya nagsalita at hindi na rin ako namilit. Pakiramdam ko'y napakasensitibo nitong topic ngunit laking gulat ko nang madinig ko siyang magsalita.
"Probably something related to arts."
"Wow." I whispered. I'm a bit shocked. Sabi nga nila, huwag i-judge ang tao sa panglabas nilang anyo. I didn't expect he was aiming for arts. "So, like drawing? Writing? Or music and dance related?"
Humiga siya at umunan sa kanyang braso. "Drawing."
"Bakit hinayaan mo ang iyong ama na piliin ang tatahakin mo?"
It was sad to think that a person's dream was broken just because their parents dictated them of what to do. Hindi ba dapat ay sila ang unang sumusuporta sa kung anoman ang gustong tahakin ng kanilang anak?
He shut his eyes tightly like he was trying to hide the emotions inside it. "I don't give a s**t about what I don't want and what I wanted to do anymore."
I frowned. Hindi ko alam kung bakit may kung anong pakiramdam sa aking dibdib na gusto siyang tulungan para magawa ang gusto niya. "If it's worth fighting for, why don't you make your father understand?"
"Sa tingin mo ba'y aabot ako sa puntong ito kung hindi ko ipinaglaban ang gusto ko? In the end, I still failed. I was bound to be his heir so I'm just living most of my life before it happens." Kinagat niya ang ibaba niyang labi. "And why am I even answering your questions?" He clenched his teeth and looked away.
Hindi na ako muling nagtanong. Ayokong isipin niya na masyado akong chismosa sa buhay niya.
"What about you? Why did you choose ABM?"
Pinaglaruan ko ang aking mga daliri. Bahagya akong ngumiti. "I just want to make my parents proud."
He scoffed. "That's it? You don't like it either?"
Tumango ako. "I love reading and writing. Gusto kong mas mapalawak pa ang kaalaman ko rito pero mas nangibabaw sa'kin ang kagustuhan kong matuwa sila sa'kin."
"Wala akong choice pero ikaw ay meron. Your parents didn't even tell you what course and subject to take but you still choose a course you don't want to study. You're an idiot." He reached out and flicked my forehead.
Napasigaw naman ako sa sakit. Humawak ako sa aking noo at hinimas-himas ito. I glared at him. "You don't understand."
Inirapan niya ako at hindi na muling nagsalita.
"Do you still draw?" Niyakap ko ang aking mga binti at ipinatong ang aking ulo sa aking tuhod.
"No." Isang salita man ang sinabi niya, dinig na dinig ko ang diin nito.
"Then you're still not living most of your life. If you do, you'll do what you love to do without caring for what your parents might say."
Hindi siya sumagot. Akala ko ay mumurahin niya ako dahil masyado na akong madaming sinasabi. Para naman maiba ang atmosphere, hinawakan ko ang magkabilang gilid ng labi niya at ini-stretch ito para mag-form ng smile.
Ngumisi ako sa kanya. "Ayan! Ngumiti ka naman! Hindi 'yong panay simangot lang ang ginagawa mo!"
Tinabig niya ang aking kamay. Sinamaan niya ako ng tingin pero nginisian ko lang siya.
"You're annoying, froglet." he said, annoyed.
Nag-make face na lang ako. Ang cold na nga, masungit pa. Saan ka pa? E, 'di kay Saturn!
Tumahimik na lang ako. Baka kasi masapak na niya ako sa pangungulit ko sa kanya.
Humiga ako at ipinatong ko ang braso ko sa aking noo. Napabuntong-hininga na lang ako. Ang sarap sa pakiramdam kapag dumadampi ang hangin sa balat ko. Ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko na lang na humiga na rin siya sa tabi ko.
Lumipas ang maraming minuto na walang nagsasalita sa aming dalawa.
"Chloe."
Bigla akong kinilabutan nang banggitin niya ang pangalan ko. Hindi na lang ako sumagot at nagkunwaring tulog.
"Nakakairita ka."
Pinigilan kong magprotesta kaya nakinig na lamang ako sa mga susunod pa niyang sasabihin.
"Nakakainis ka."
Mas nakakainis siya, 'no!
"Pampadagdag ka sa stress."
Pampadagdag ka naman ng pimples!
"Ang ingay mo."
Sino kaya 'tong palaging nakasigaw sa ating dalawa?
"Wala ka nang ginawa kundi asarin ako."
Hindi kita aasarin kung hindi ikaw ang nauna!
"Pero bakit gano'n?"
Kinabahan ako bigla. Ano ba'ng trip ng lalakeng 'to? Ang alam niya yata ay tulog ako.
"Bakit—"
Bakit ano?
"Bakit—damn it!"
Ang tagal naman! Ano ba kasi 'yon?
"Bakit—"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Napabangon ako bigla. "Bakit ano? Lintik naman, hindi mo na naituloy ang sinasabi mo! Kanina pa ako naghihintay, a! Kairita much."
Biglang dumaan ang awkward na katahimikan. Tanging pag-ihip ng hangin ang aking naririnig.
Saka ko lang na-realize ang sinabi ko pagkatapos ng ilang minuto na natahimik kaming dalawa. Ang shunga ko talaga to the 100th level! Bakit ba ako bumangon at sumigaw?! Masyado naman akong nagpadala sa emotions ko!
"Gising ka?!" nanlalaki ang mga matang tanong niya.
Inirapan ko siya. "Ay, hindi! Tulog ako! Nananaginip pa nga ako, e!" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Guni-guni mo lang 'yong mga nadinig mo kanina." paliwanag niya. "Wala kang nadinig. Hangin lang 'yon" Umiwas siya ng tingin at bahagyang kumunot ang kanyang noo.
Napangisi na lang ako dahil sa ipinapakita niya.
"Bakit ka nakangiti nang ganyan?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ba'ng dapat ang kasunod no'ng 'bakit'?"
"B-bakit ang panget mo? Oo! 'Yon ang kasunod no'n! Sa sobrang panget mo kasi, hindi ko na masikmura!"
Aray ha! Diyan ako hindi papayag! Madaming nagsasabi na maganda ako, 'no! Siya lang ang nagsabing panget ako! Baka may sira na ang mga mata nito!
"Hindi ako panget! Halimaw ka!" sigaw ko sa kanya.
Inirapan niya ako. "E, anong tingin mo sa sarili mo? Maganda?" Tumawa siya nang may kasamang pang-uuyam. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa at ngumisi.
"Oo! Maganda ako!" puno ng determinasyong sabi ko.
"Kung maganda ka," Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha. "E, 'di bagay pala tayong dalawa kasi gwapo ako." Nakatingin siya sa aking mga mata habang sinasabi ito. Hindi lang iyon, nakangiti pa siya! Oh fudge, nakangiti siya!
Papalapit na nang papalapit ang kanyang mukha. Para naman akong napako sa aking kinatatayuan dahil hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano'ng masamang hangin ang nalanghap ko dahil napapikit na lamang ako na para bang may gusto akong mangyari pero bigla akong napamulat nang marinig ko siyang humalakhak. Nakita ko na lang siya na nagpapagulong-gulong sa damuhan habang hawak ang tiyan niya at tawa nang tawa na parang walang bukas. How I wish na may pumasok na alikabok sa bibig niya para maubo siya hanggang sa maubusan na siya ng hininga!
Kaysa kung ano-anong isipin ko ay kinuha ko ang aking bag at ibinato sa kanya.
"What the f**k?! Why did you do that?!" Pero muli na naman siyang tumawa na mas lalong nakadagdag sa pagkairita ko.
"Sige, tawa pa!" sarkastikong sabi ko sa kanya.
At ang walanghiya, tumawa pa nga!
"Akala mo siguro hahalikan kita, 'no? In your dreams! Hindi ako humahalik sa froglet!"
Imbis na pansinin ang pang-iinsulto niya, mas pinansin ko na lang ang walang sawang pagtawa niya. Natigilan ako kasi ngayon ko lang siya nakitang tumawa nang ganyan kaya naman nagkaroon ako ng magandang ideya.
Kinuha ko ang aking cellphone at habang tawa siya nang tawa, kinuhanan ko siya ng video. Siguradong kapag kinalat ko 'to sa buong school with bayad ay yayaman na ako!
Habang hawak ko ang cellphone ko, pinipigilan ko ring matawa kasi para siyang tanga na pagulong-gulong sa damuhan. Hindi naman siya masyadong masaya, ano?
Pagkatapos ng ilang minutong pagtawa niya ay ini-save ko na rin 'yong video.
"Hoy! Ano 'yan?!"
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Nahuli niya pa yata ako! Nandoon na, e! Ilalagay ko na sa bulsa ko 'yong cellphone ko tapos nahuli pa!
"A-ano? Wala naman, a?" pagmamaang-maangan ko.
Lumapit siya papalapit sa akin at pilit kinukuha ang cellphone ko sa kamay ko. Nakaupo kaming pareho sa damuhan ngayon.
"Akin na 'yan sabi, e!" aniya.
"Bakit ba?!" Itinutulak-tulak ko ang mukha niya pero inaabot pa rin niya ang cellphone ko. "Sinabi ko na sa'yong wala nga 'yon, e?! Bakit ba pilit mong kinukuha?!"
Dahil sa pag-abot niya sa cellphone ko, natumba siya. Kaya naman nasa ibabaw ko siya ngayon na halos magdikit na ang aming ilong. 'Agad ko siyang itinulak at lumayo rin naman siya. Kaagad siyang tumayo at pinagpagan ang sarili niya.
"Umuwi na tayo."
Iyon lang ang sinabi niya at nauna nang lumakad papalayo. Naiwan naman akong nakahiga pa rin sa damuhan. Ipinilig ko ang aking ulo. Mabilis akong tumayo at tumakbo papalapit sa kanya. Nasa likudan niya ako habang naglalakad. Hindi ko siya kayang tingnan dahil nahihiya ako sa nangyari kanina.
"You're really annoying."
Ano raw?
Sumabay na ako sa paglalakad niya para itanong ulit kung ano ba 'yong sinabi niya.
"Huh?"
And to my surprise, he smiled. "Happy now?" then he walked faster leaving me flabbergasted.
He smiled. He freaking smiled! Hindi ko aakalaing napakaganda ng ngiti niya. For a sulky and impatient man like him, I never imagined that he can be an angel in just one smile.