Chapter 5
"Hoy! Gising na!"
Naalimpungatan ako dahil sa boses na nanggigising sa akin. Hindi ako naingli at nagpatuloy sa pagtulog.
"Gumising ka na sabi, e!"
"Argggh! Kuya naman, e! Mamaya na! Sabado ngayon, ano ka ba?!" sigaw ko habang tinatapik ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.
Nababaliw na ba ang mga Kuya ko? Sabado ngayon! Walang pasok! At saka alam naman nilang kapag tuwing Sabado, 10 o'clock na akong gumigising! Tuwing Biyernes kasi ay nagpupuyat ako dahil iyon lang ang araw na nakakapag-internet ako nang matagal kaya minsan umaabot na ng madaling araw.
"Hindi ako ang Kuya mo!" sigaw niya.
"Sino ka?! Si Doraemon?!" sabi ko habang nakatalukbong ng kumot. Ano na namang trip ng mga Kuya ko? Hindi raw siya si Kuya, e, sino? Leche. Kapag hindi ako nakapagpigil sasapakin ko na ang mga 'to.
"Wake up, Chloe!"
Bigla akong napabangon. Hindi ako tinatawag nina Kuya sa pangalan kong Chloe. Palaging Princess ang tawag nila sa akin. Dahan-dahan akong tumingin sa gilid ng aking kama para makita kung sino ang pangahas na pumasok sa loob ng kwarto ko.
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang makita ang taong hindi ko inaasahan.
"Ano'ng ginagawa mo sa kwarto ko?!" sigaw ko. "Mga Kuya!"
Pabagsak na bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Harris na tuwalya lang ang nakatapis sa ibaba niya. May kaunting bula pa ang ulo niya na mukhang hindi pa niya nababanlawan nang maayos.
"Saan may sunog?!" tanong niya habang inililibot ang tingin sa paligid.
Sunod na dumating si Kuya Steff na naka-boxer at wala ring suot na pang-itaas.
"May magnanakaw ba?!" tanong niya habang inililibot din ang tingin sa kwarto ko.
Last na dumating si Kuya Justin na hubo't-hubad. Joke lang. Nakaboxer din siya at gulo-gulo pa ang buhok.
"Leche, ang iingay niyo." sabi ni Kuya Justin habang kinukusot ang mga mata niya.
"Bakit niyo pinapasok 'tong monster na 'to sa kwarto ko?!" sabi ko habang nakaturo kay Saturn.
Sabay-sabay naman silang napatingin sa aming dalawa. Ngumiti si Kuya Harris at lumapit kay Saturn. Napanganga ako nang akbayan niya ito.
"Bakit? Mabait naman itong si Saturn. In fact, nakakasama namin siya sa mga photoshoot."
Lumapit na rin si Kuya Steff at umupo sa aking tabi. "Alam naman naming safe ka sa kanya."
Napangiwi naman ako. Ang baho ng hininga ni Kuya Steff! Hindi pa yata nagtu-toothbrush ang lokong 'to!
"Ipinagkakatiwala ka na namin sa kanya." sabi naman ni Kuya Justin.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ng mga Kuya ko. Nasaan na 'yong pagiging protective nila?! Kung kailan naman kailangan ko 'yon saka naman nila inalis! Kailan pa naging safe ang pagsama sa halimaw?!
"Princess, maligo ka na. Baka ma-late na kayo sa pupuntahan niyo." ani Kuya Harris.
Ginawa na nila 'yong ritwal nilang paghalik sa noo ko at lumabas na. Si Saturn naman ay nanatiling nakatayo sa harap ko habang nakapoker face.
"Oh? Inaantay mo? Labas na!" pagtataray ko sa kanya.
Imbis na lumabas, umupo siya sa kama ko at humiga.
"Sino'ng may sabi sa'yong humiga ka riyan?"
"Maligo ka na lang, ang dami pang arte." sabi niya habang nakapikit.
Aamba akong susuntukin siya pero hindi ko na itinuloy kahit na bwisit na bwisit pa rin ako sa kanya sa pang-iiwan niya sa'kin sa party noong isang araw!
Tumayo na ako at nagpunta ng banyo kaysa tumaas pa ang altapresyon ko sa kanya.
Nang matapos ako ay naabutan ko pa rin siya na nakahiga sa kama. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ang amo ng mukha niya kapag tulog. Sana tulog na lang siya palagi.
Bigla siyang nagmulat ng mga mata kaya naman napahakbang ako patalikod sa gulat. Mabilis siyang tumayo. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa.
Nawala sa isip ko na kailangan naming gumawa ng advertisement para sa isang business. Napili namin ang beach resort. Since group project ito, kasama namin sina Xander, Alliya, Shellie, Jonas at Wesley.
"Let's go." sabi niya. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay at lumakad na siya palabas ng pinto. Sumunod na lang ako sa kanya.
Pagbaba namin, wala na sina Kuya. Hindi man lang sila nagpaalam. Talagang iniwan na nila ako kasama ng monster na 'to.
BINALOT kami ng mahabang katahimikan habang nasa biyahe. Ayoko siyang kausapin dahil siguradong mag-aaway lang kami.
Tinawagan ko na lang si Xander.
"Hello, Baklaaaaa! Napatawag ka?" Inilayo ko ang cellphone ko sa tainga. Grabe lang makasigaw si Xander, e.
"Xander, nasaan na kayo?" tanong ko sa kanya.
"H-huh? W-w-w-w-ait...l-lang. C-chloe, c-c-c-choppy k-k-ka. M-m-mamaya n-na l-lang. Toot toot toot BAM!"
Napapoker face na lang ako. Akala niya ba madadala niya ako sa choppy chenes niyang 'yan? Naku! 'Yong baklang 'yon talaga! Nakakainis! If they are planning to ditch me then they will definitely know the true meaning of pain. Gosh, wala na ba akong makakausap na matino ngayon?
Matapos ang ilang oras pang biyahe ay nakarating na rin kami sa wakas! Mabilis akong lumabas ng kotse at nilanghap ang sariwang hangin.
Nasaan na kaya sina Xander? Siguro nandito na rin sila.
NAKAKAINIS! Mga walanghiya! Wala pala rito sina Xander at Shellie sa Batangas! Napagtripan na naman ako ng dalawang bruha na 'yon!
"Sorry Chloe, enjoy na lang kayo ni Fafa Saturn diyan!"
"What the hell?! Wait-"
He ended the call.
Bwisit talaga si Xander! Mababalatan ko talaga siya ng buhay kapag nakita ko siya! Siguradong siya ang may ideya nito!
Kanina pa kami nag-hihintay sa kanila rito kaya medyo nagdidilim na. And worst, nasiraan pa kami.
"Nasaan na raw sila?" tanong niya habang nakasandal sa kanyang kotse at naninigarilyo. Maaga sigurong mamamatay ang monster na 'to. Ang lakas manigarilyo, e.
Ginulo-gulo ko ang aking buhok dahil sa inis. "Imbyernang buhay 'to! Wala sila rito! Sa ibang lugar sila!" pagmamaktol ko.
"You mean, tayo lang dalawa?"
"Ay, hindi, tayong tatlo."
"Bahala ka nga riyan."
Itinapon niya ang kanyang sigarilyo sa lupa. Sinimangutan ko siya nang bongga kahit hindi naman niya ako nakikita kasi nakatalikod na siya sa akin. Ako na ang nagtapak doon sa sigarilyo niyang basta na lang niya itinapon para alisin 'yong baga. Nilimot ko ito at itinapon sa malapit na basurahan.
"Saan ka pupunta?" Hindi siya sumagot o lumingon man lang. Tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad kaya naman sumunod na lang ako.
Kasalukuyan kaming nandito sa isang beach sa Batangas. Maganda rito kaso hindi ko masyadong ma-enjoy dahil gabi na at hindi ko na makita ang blue na dagat at isa pang problema ay kasama ko itong si Saturn. Mas mag-eenjoy ako kung kasama ko sina Shellie at Xander. Kahit na magugulo ang mga 'yon, okay lang.
Imbis na sundan ko siya nang sundan ay hinayaan ko na lang siya. Hindi naman siguro ako mawawala rito. Though medyo nakakatakot na kasi lumayo na ako sa maraming tao. Naglakad ako nang naglakad habang panay ang kuha ng litrato ng kahit ano'ng makita ko. Ngumiti ako nang tumingin ako sa araw. Sunset na at sobrang ganda.
Abala ako sa pagkuha ng picture kaya hindi ko namalayan na may tao pala kaya nabunggo ko.
"Aray naman!" reklamo ng isang matandang lalake na amoy alak.
Feeling ko pinagpawisan kaagad ang kili-kili ko sa kaba. "Sorry po! Hindi ko po sinasadya!" 'Agad kong paghingi ng dispensa.
Tumingin siya sa akin na may mapupungay na mga mata. Mukhang lasing na lasing na talaga siya.
"Anong sorry?! Walang magagawa 'yang sorry mo! Sumama ka na lang sa akin nang makabayad ka!"
Hinawakan niya ang aking braso nang sobrang higpit kaya napangiwi na lamang ako sa sakit.
"T-teka naman po! Nabunggo lang naman kita, a! Nasugatan ka ba? Namatay ka ba? Shunga ka ba-este bakit naman ako sasama sa'yo?! Ayoko po!"
"Aba't sumasagot ka pa, a!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso.
Nagpupumiglas na ako pero hindi pa rin niya ako binibitawan. "Bitawan mo nga ako! M-masakit na, a!"
"Dinaig ko pa nito ang nanalo sa Lotto." ngumisi siya sa akin. Hinawakan niya ang aking buhok at inamoy pa ito.
"Bitawan mo nga ako!"
Hindi pa rin siya nagpatinag at hinila ako sa mas lalong tagong parte kung saan may iilang mga puno. Masyado na kasing malayo ang narating ko na hindi ko man lang namamalayan. Pinagsisisihan ko nang pumunta ako sa parteng 'to. Natatakot na ako sa kung ano mang pwedeng gawin sa akin nito.
Tuluyan na akong naiyak dahil naubusan na ako ng lakas sa kakapiglas ko sa kanya. Nasaan ka na, Saturn? Maaasahan ko ba siya sa mga oras na 'to?
"Please po. Bitawan niyo na po ako." hagulhol ko.
Hindi niya ako pinakinggan, bagkus ay isinandal niya ako sa puno. Sobrang lakas pa ng pagkakatulak niya sa akin kaya napahampas ang likod ko rito. Mas napahagulhol ako nang halikan na niya ang leeg ko. Hindi ko siya magawang itulak dahil hawak niya pareho ang aking braso. Ang lakas-lakas niya kaya hindi na ako makalaban pa.
"T-tama na po!" sigaw ko pero patuloy pa rin siya sa paghalik sa aking leeg. Kinikilabutan ako sa ginagawa niya. Hindi ko siya mapapatawad kapag itinuloy niya 'to. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata.
"You f*****g s**t!"
Napamulat na lamang ako at nakitang wala na ang lalake sa aking harapan. Tuluyan nang lumubog ang araw kaya naman halos wala na akong makita, idagdag pa na puro puno sa parteng ito. Guni-guni ko lang ba 'yong narinig kong sigaw? Hindi ko alam kung saan siya napunta kaya naman naglakad ako ng ilang hakbang. Napasinghap ako nang makitang nakaupo na sa lupa ang lalake at hawak ni Saturn ang kwelyo nito.
"How dare you do that to her?!" Bawat salita na binitawan niya ay may katumbas na isang suntok hanggang sa napahiga na lang ang lalake at nawalan ng malay.
Napasandal ako sa isa sa mga puno na malapit sa akin. Napahikbi na lamang ako dahil akala ko ay mawawala sa akin ng gano'n na lang ang isang bagay na pinaka-iingatan ko. Hindi ako makapaniwala na mangyayari sa akin ito. Pumukit ako nang mariin. Mayamaya ay naramdaman kong may yumakap sa akin.
"You're safe now, don't cry." sabi niya habang nakayakap sa akin at nakapatong ang baba niya sa ulo ko.
"S-saturn." I whispered.
"Yeah?"
Pakiramdam ko ay uminit ang aking pisngi. Nakayakap pa rin siya sa akin. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa nerbiyos na dulot nang nangyari kanina o dahil sa yakap niya ako.
"O-okay na ako."
Humiwalay na siya sa akin. Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. Masama siyang tumingin sa akin na siya namang ikinapagtaka ko.
"Kung saan-saan ka nagpupunta! Ano'ng napala mo?! Muntik ka nang ma-r**e ng gagong 'yan!" sigaw niya. Napapikit na lang ako sa lakas ng boses niya. "Pasalamat siya 'yan lang ang inabot niya! Kung sakaling nagalaw ka niya, tangina, mapapatay ko 'yan!"
Kahit na sinisigawan niya ako ay medyo na-touch ako sa mga sinabi niya. Pinagtanggol niya ako roon sa manyak at lasing na lalake.
"S-sorry. Hindi ko naman inakala na gano'n ang mangyayari, e." malungkot na sabi ko. "At saka salamat sa pagtulong sa akin."
"I didn't help you. Nagkataon lang na napadaan ako!"
Palihim na lang akong napangiti. "Sus, hindi raw. Kunwari pa, e." I muttered.
"Anong sabi mo?!"
"Sabi ko gwapo ka na sana kaso bingi ka lang."
Nauna na akong lumakad. Binilisan niya ang lakad para magkasabay kami. Napangiti na lamang ako. Kahit papaano naman pala ay may natatagong kabaitan ang monster na 'to.
-
Madami na akong nakuhang picture. Hindi na ako nagreklamo na kahit isa ay walang nakuha si Saturn kasi tinulungan naman niya ako kaya bonus ko na 'yon sa kanya.
Nang makarating kami sa tabi ng kotse niya ay nagkatinginan kaming dalawa.
"s**t!" sigaw niya.
Nakalimutan naming nasiraan nga pala kami kanina noong saktong pagdating namin dito. Wala na naman sigurong bukas na talyer ngayon para ipagawa itong kotse niya. Gabi na kasi talaga.
"Hala, paano na 'yan, monster?" tanong ko sa kanya.
Sinipa niya nang malakas ang gulong ng kotse kaya ang kinalabasan, tatalon-talon siya na parang palaka. Masakit daw, e. Siya na ngayon ang froglet sa aming dalawa kasi para siyang palaka na talon nang talon.
"Alam mo, kaysa kinakawawa mo 'yang gulong ng kotse mo, maghanap ng lang tayo ng room na pwedeng tulugan ngayong gabi. Since beach resort naman ito, hindi mawawalan ng room na available. Tara na."
Inunahan ko na ulit siyang maglakad. Hindi rin nagtagal ay nakahanap kami ng matutuluyan. Nakailang beses kaming lumibot sa buong resort para lang makapaghanap dahil halos lahat ng rooms ay may nag-o-occupy na.
"I'm sorry, Ma'am and Sir. Isang room na lang po ang available at may isang bed for two po siya. May bathroom din po at mini kitchen."
Nagkatinginan kami ni Saturn pero parang wala siyang pakealam sa sinabi ng receptionist.
"Huh?! Paano na 'yan?!" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Hindi niya ako pinansin. Ibinaling niya ang tingin sa babae na kaunti na lang ay tutulo na ang laway habang nakatitig sa kanya. "Sige, kukunin na namin."
Nagulat ako sa sinabi niya. Kukunin niya?! Saan niya ako balak patulugin, e, iisa lang ang kama? Oh, no way. 'Wag niyang sabihin na sa sahig ako? Sa ugali ng lalakeng 'to, siguradong magpapaka-monster na naman siya!
Laglag ang aking balikat dahil sa huli ay wala na rin akong nagawa. Ayoko namang matulog sa labas dahil lang sa nasa iisang kwarto kami. Saka pagod na pagod na ako at gusto ko na talagang matulog. Pagkarating namin sa aming room ay 'agad siyang humiga sa kama.
"Hoy! Saan mo ako balak patulugin?" tanong ko sa kanya.
Iminulat niya ang isa niyang mata. "Sa sahig."
I knew it.
"Ano?! Ikaw nga dapat ang sa sahig, e!" reklamo ko.
Tuluyan na niyang ipinikit ang kanyang mga mata. "Ako ang naunang humiga kaya dapat diyan ka sa sahig at ako rin ang nagbayad."
Ang sama talaga ng ugali niya! Nakakaiyak! Buti na lang may couch dito kaso pang-isahan lang. Mukhang tutulog akong nakaupo ngayon. Ayokong humiga sa sahig dahil malamig 'yon at saka sasakit ang likod ko. Mala-prinsesa ako sa bahay tapos pagdating dito sa monster na 'to, nagiging echepwera ako.
Padabog akong umupo sa couch. Tiningnan ko na lang ang likod niya. Mabuti pa siya. Ang sarap-sarap ng higa niya sa malambot na kama samantalang ako nasa couch! Ang daya niya talaga!
Sumandal ako at tumingin sa kisame. Nag-hintay pa ako ng ilang minuto, baka sakaling makikipagpalit siya sa akin.
"Froglet."
"Ay palaka! Bakit ba?!" sigaw ko sa kanya dahil sa gulat. Napahawak na lang ako sa dibdib ko.
"'Wag ka nang lalayo sa akin. Subukan mong lumayo at may masama na namang mangyari sa'yo, ikaw ang uupakan ko."