Chapter 2

2063 Words
Chapter 2 "Magnanakaw ng 1000 pesos?!"  Sinong mag-aakala na magkikita na naman kaming dalawa? Matapos ang agawan-ng-1000-pesos incident na 'yon ay hindi ko inaasahan na magtatagpo pa rin ang landas naming dalawa. Kumpara noong huli naming pagkikita, may mga bago na naman siyang pasa sa mukha pero nakaloloka, ang gwapo niya, ha! He was wearing a white shirt that revealed the tattoo on his right arm. He has these dark and smoky eyes, high and full cheekbones, and a sharp jawline. This is illegal! Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. He gave me a cold look. His lips twitched like he wanted to snarl. Ibang-iba ang aura niya kumpara noong una kaming nagkita.  "Are you my stalker?" I was cut out from my trance because of what he said. Ang kapal ng mukha, a! Sapakin ko kaya ang isang 'to ngayon na? "Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi kita sinusundan, 'no! Akala mo kung sino!" Masama akong tumingin sa kanya at humalukipkip.  "Stay out of my way." His voice carried so much intensity. Binunggo pa niya ako bago siya lumakad palayo. "Basura talaga 'yang ugali mo!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin. "Ah, Miss? Pagpasensyahan mo na si Saturn, a?" Nag-aalangang ngumiti sa akin 'yong isang lalakeng kasama niya. "I'm Wesley, by the way." maikling pakikipagkilala niya at sumunod na siya roon kay Saturn. Ibinaling ko naman ang tingin ko kina Shellie at Xander para sana yayain nang bumalik ng classroom. Naabutan ko naman si Shellie na nakikipag-usap doon sa isa pang kasama nina Saturn at Wesley. Sobrang puti niya at nahiya ang balat ko sa balat niya. Mas makinis pa yata siya kaysa sa akin.   "Bye bye Shellie! Nice to meet you! I'm Jonas nga pala." then he winked at her. Naiwan naman si Shellie na nakatulala at nganga pa. "Nakaka-imbyerna to death! Bakit nilapitan nila kayo ako, hindi? Ayaw ba nila sa beauty ko?! I pity myself" sabi ni Xander na nag-walling pa.  "Umayos nga kayong dalawa riyan!" Pumasok na kami sa loob ng classroom pagkatapos ng scene na 'yon. Nakakainis ang Saturn na 'yon, a. Stalker daw? E, siya nga 'tong may utang pa sa aking sampung piso! Aba, sayang din 'yon, 'no! Every peso counts!  "Chloe, bakit magkakilala kayo ni Saturn?" Inilapit pa ni Shellie ang silya niya sa tabi ko. Si Xander naman, may hawak pang maliit na flashlight na nakatutok sa ulo ko na parang i-interrogate ako.  "Ano 'yong magnanakaw ng 1000 pesos?" "Close kayo?" "Ano'ng nangyari sa inyo na hindi namin alam?" Panay ang tanong nila na halos hindi ko na alam kung alin sa mga tanong nila ang sasagutin ko. "Isa-isa nga lang!" pagpigil ko sa kanila. "At saka Alexander, patayin mo nga 'yan!" turo ko sa maliit na pink flashlight na hawak niya. Ah, naalala ko na kung bakit may dala siyang gano'n. Para raw 'yon kapag ginabi siya ng uwi, may ilaw siya kapag madilim. Natatakot daw siya kasi baka ma-r**e siya at makuha ang pinaka-iingatan niyang virginity. Sinunod naman nila ang sinabi ko at umupo sa harapan ko. Para magtigil na sila ay sinabi ko na sa kanilang dalawa ang nangyari simula umpisa. Akalain mong kinilig pa?! Ano namang nakakakilig do'n, e, halos magbugbugan na kaming dalawa para lang sa 1000 pesos? Magkekwentuhan pa sana kami kaso dumating na 'yong professor namin na may kasunod na tatlong lalake. Nagsimula namang kiligin at magbulong-bulongan ang mga kaklase ko kasama sina Shellie at Xander. Humalumbaba na lang ako at umirap sa kawalan. Wala na bang mas mamalas pa sa akin? "Good Morning, Class A! These guys will be your new classmate!" masayang bati ni Mrs. Dominguez. Sa dinami-dami ng klaseng pwedeng mapuntahan nila, bakit dito pa? Ibig sabihin ba no'n ay magaganda ang grades nila kaya sa Class A sila bumagsak? Nagsimula na silang magpakilala at halos mapunit na ang lalamunan ng mga kaklase ko katitili. Ako na lang yata at ang mga lalake ang hindi tumitili. Kitang-kita ko sa mga lalake kong kaklase na ayaw nila sa kanilang tatlo. Bakit? Aba, wala na sa kanila ang atensyon ng mga kaklase kong babae at nasa tatlong ito na. "Hi! I'm Wesley Flores!" nakangiting bati niya. "Jonas Salcedo here!" Kumindat pa siya at mas lalong nagtilian ang mga kaklase ko. Si Saturn naman ay poker face lamang na nakatayo sa unahan at nakapamulsa pa ang dalawa niyang kamay. Siya na lang ang hinihintay na magpakilala pero nakalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nagsasalita. Walang imik siyang dumeretso sa bakanteng upuan sa likod ng classroom. Humalumbaba siya at tumingin sa labas ng bintana. "Ah, Mr. Riff, bakit hindi ka pa magpakilala?" nakangiting tanong ni Mrs. Dominguez. Mukha siyang kinakabahan. Ano ba'ng mayroon? Kung ako sa kanya, pinagalitan ko na ang Saturn na 'yan dahil sa behavior niya. Hindi siya pinansin ni Saturn na para bang wala itong nadinig. Napabuntong-hininga na lang si Ma'am.  Umirap ako sa kawalan. What a douche. Sumubsob na lang ako sa aking lamesa. Ano siya, batas? Kung ano lang ang gusto niyang gawin, 'yon lang ang gagawin niya? He's a delinquent after all. Sinabi ni Ma'am kung saan uupo sina Jonas at Wesley pero mas pinili nilang umupo malapit kay Saturn.  Lumabas muna si Ma'am dahil may kukuhanin daw siya sa office.  Kinulbit ko si Xander na katabi ko ng upuan. "Bakla, bakit dito sila sa Class A napunta? Ibig sabihin, matataas ang grades nila?" Umiling si Xander with matching wagayway ng index finger niya. "Balita ko, patapon ang mga grades nila pero dahil may impluwensya ang mga magulang nila, napunta sila rito sa klase natin." Pasimple akong sumulyap sa likod. Nakahalumbaba pa rin siya at nakatingin sa bintana. I noticed the dark circles around his eyes. His bruises are still fresh like he got into a fight before going here. I noticed the coldness in his eyes. I've never seen someone looks so empty like him. I know we all have issues but what caused him to look that way? Nagtama ang aming mga mata. Huli na para umiwas pa ako ng tingin. "What the f**k are you looking at?" Humalukipkip siya at sumandal sa kanyang upuan. I swallowed the lump on my throat. Nagtaas ako ng noo para ipakita kong hindi ako nasisindak sa kanya. "May mata ako, e! Ano'ng gusto mong gawin ko?" Hindi ako magpapatalo sa kanya, 'no! Umabot na ng ilan pang minuto pero hindi pa rin bumabalik si Ma'am. Aba, nagbreaktime na yata si Ma'am. Ibinaling ko ang aking upuan kay Xander. Nginisian ko siya nang makitang nasa kabilang tabi niya si Alliya na noon pang Junior High School may gusto sa kanya. Tiningnan niya ako nang masama. "Huwag mo akong mangiti-ngitian ng ganyan, girl. Masasabunutan kita." Humagalpak ako ng tawa. Sinundot ko ang kanyang tagiliran. "Destiny nga naman, o!" Tinapik niya ang aking kamay. "Che! Magtigil ka!" Mayamaya ay nakisali na rin sa'min si Shellie. Kagaya nang palagi naming ginagawa ay nagkwentohan kami tungkol sa kung ano-anong bagay. Sinamahan pa ng malakas na tawanan dahil sa mga kalokohan ni Xander. Natigil kami sa pag-uusap nang makadinig kami ng kalabog sa likod. Nang lumingon ako'y napansin kong bahagyang nausod sa unahan ang lamesa ni Saturn. Masama ang tining niya sa'kin. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin baka nag-aagaw buhay na kaming dalawa. Kulang na nga lang labasanan ng kuryente ang mga mata namin. Tumindi ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Kahit ang aming mga kaklase ay nakatingin lang sa'ming dalawa. "What's your problem?" tanong ko. "You and your friends are too loud." sabi niya. Ang mga tingin niya ay nakakapaso na para bang tumatagos sa'king balat. "You are not the only one here." Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi ito library at wala pa namang klase. Bakit kami ang mag-a-adjust sa'yo?" Is he acting high and mighty just because his parents are influential? Hindi uubra sa'kin 'yan! Naputol ang tensyon nang dumating si Ma'am. Iniayos ko na ang pwesto ng aking upuan at humarap sa unahan. Nararamdaman ko ang tinging ipinupukol niya sa'king likod na halos kilabutan na ako. Natapos ang first period na hindi ako lumilingon sa likod ko. Baka kapag lumingon ako, bumalik na naman ang tensyon. "You should be thankful that the teacher got here first."  Tumingala ako. Nakatayo na siya sa gilid ng lamesa ko.  "Ano naman ngayon? May magagawa ka pa ba?"  Pinantayan ko ang intensidad ng kanyang nagbabagang tingin. Hindi ko alam kung bakit parang galit na galit siya sa'kin. If this was about the 1000 pesos we had fought about, then this was just a childish argument.  Inihampas niya ang kanyang kanang kamay sa'king lamesa. Bahagya siyang yumukod upang magkapantay ang aming mukha. Napalunok ako. Ramdam na ramdam ko ang pagkabadtrip niya. "I don't know why but you're really getting on my nerves." Mayroong pagkakataon na may kaisa-isang tao tayong kinaiinisan kahit wala namang dahilan o kaya kahit wala naman siyang masamang ginawa sa'yo at mukhang ito na ang pagkakataon na 'yon. "Same here, jerk." I stuck my tongue out and that made him even more furious.  Umayos na siya ng tayo. 'Yong hitsura niya ay parang kaunti na lang ay susuntukin niya ako. Tumayo na rin ako mula sa aking kinauupuan. Inihanda ko ang aking sarili sa pagtakbo kung sakaling magkahabulan kami. Umamba siyang lalapit sa'kin kaya napatakbo na ako palabas ng classroom. Nang tumingin ako sa aking likudan ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil hinahabol niya ako! Help me! Hinahabol ako ng halimaw!   "Hindi mo ako maaabutan, slowpoke!" Muli ko siyang nilingon pagkatapos ko siyang sabihan ng 'slowpoke' at s**t, hindi ko dapat sinabi 'yon kasi mas bumilis ang pagtakbo niya! Uggh, you and your unstoppable mouth, Chloe! Mayamaya ay nakarinig ako nang pagpito kaya napatigil ako sa pagtakbo. Ganoon din ang ginawa niya. Sa gitna naming dalawa ay nakatayo ang Disciplinary Officer na nakapamewang at masamang nakatingin sa amin. "You two! Hindi niyo ba nabasa ang Rule Book? Rule Number 8, bawal tumakbo sa corridor! Sumama kayong dalawa sa akin ngayon din!" Kulang na lang umusok ang ilong niya sa inis. Napakaterror pa man din nito. Makita ka nga lang na magtapon ng maliit na balat ng candy sa Detention na ang bagsak mo kaya naman ang bagsak naming dalawa – nagniningning na DETENTION. Hindi ako makapaniwala na kasama ko ang pinakanakakairitang halimaw na 'to sa iisang kwarto na kami lamang dalawa. Isama mo pa 'yong pagsusulat namin ng 'I will never run to the corridor again". Isa pang matindi, pupunuin namin ang dalawang piece ng yellow paper at higit sa lahat, first day of school pa lang Detention na kaagad! Ito ang unang beses na nakapasok ako sa kwartong 'to! Balak ko pa namang maka-graduate nang hindi nararanasang ma-detention! Siguradong kapag nalaman 'to nina Kuya, pagtatawanan ako ng mga 'yun! Oo, hindi sila magagalit, aasarin pa nila ako. Noon kasing pumapasok pa sila, suki sila sa Detention, e. "Nakakainis ka!" Hindi na niya ako pinansin. Tiningnan ko lang siya habang kinukuha niya 'yong isang stick ng sigarilyo sa bulsa niya at sinindihan ito. Napanganga naman ako sa ginawa niya. Bago pa siya makapagproduce ng usok ay inagaw ko kaagad sa kanya. "What the?! Ano na naman ba?" he shouted. "Hello? Are you totally out of your mind? Na-detention na nga tayo! Balak mo bang madagdagan ang oras ng itatagal natin dito?" Inagaw naman niya sa akin ang kanyang sigarilyo at humithit dito. "You don't care. You should stay out of my f*****g business, you nosy frog." Gusto ko na lang siyang ipagdasal dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Dumating ang Disciplinary Officer at sakto naming nakita siya nitong nagsisindi ng panibagong sigarilyo. Yes, that's right. Let him rot himself inside this Detention Room. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang aking pagtawa. Kulang na lang umusok 'yong ilong niya sa galit habang nakatingin kay Saturn. Lagot ka ngayon, Saturn. Hinihintay ko ang sasabihin niya kay Saturn kaya naman nakangiti ako na halos mapupunit na ang aking pisngi. "Mr. Riff and Ms. Rosette! Hanggang mamaya kayong 6 dito!" My broad smile faded when I heard what she said. Slowly, I turned my head to Saturn. He just shrugged his shoulders as if he wasn't bothered by it. I whipped my head towards the Disciplinary Officer, my eyes were widening and my jaw hanging in shock. "What?! Why?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD