Chapter 3
Wala pa akong isang oras dito sa detention room, hindi ko na matiis pa ang ugali ni Saturn. Paano pa kung hanggang mamaya pa kami rito? Tama ba namang pati ako'y idamay sa kalokohan ng damuhong 'to?! Ang unfair!
Ang isa pang nakakainis, patuloy pa rin siya sa paninigarilyo kahit nahuli na siya! Kung gusto niyang maparusahan, 'wag niya akong idamay!
"Bakit, Ms. Rosette? Kasama ka rin dito!" Pinagdidiinan pa rin ng officer na may kasalanan din ako sa nangyari. Baka ginagawa niya lang akong dahilan para hindi siya maiwan dito kasama ni Saturn!
"Ma'am, hindi naman ako naninigarilyo, e!"
"Alam ko. Nakita mo na siyang naninigarilyo hindi mo pa pinigilan."
As if namang magpapapigil sa'kin ang lalakeng 'to! Baka mamaya suntukin niya ako bigla kung sakaling pinigilan ko pa siya lalong manigarilyo! Duh? Kilalang basag-ulo ang isang 'to! Ano'ng ieexpect niya?
Makikipagtalo pa sana ako pero bigla niya akong tinalikuran at lumabas na siya ng room. Pakiramdam ko'y ini-lock niya pa 'yong pinto. Bigla tuloy dumilim. Pinakadulo pa naman ng building itong room. Sarado pa ang mga bintana at hindi nakabukas ang ilaw.
Pabagsak akong umupo sa upuan. "May balat ka siguro sa puwet, ano?! Ang malas, malas, malas, malas, mo!"
"Can you shut the f**k up?" suway niya sa 'kin. "Ok naman sana lahat 'wag mo lang buksan 'yang bunganga mo!"
Nagpapadyak ako sa sahig. "Ayaw ko na rito!"
"You're so annoying!" Gigil na gigil na siya sa'kin na halos lumabas na ang mga ugat niya sa noo.
Deep inside, gusto kong matawa dahil ang sarap niyang asarin. Mas lalo ko pang nilakasan ang pagtatantrums ko kuno. "Ilabas niyo ako rito!"
"You're so f*****g noisy! Manahimik ka nga!"
Nagpatuloy pa rin ako sa pang-aasar sa kanya hanggang sa madinig ko na lang na napabuntong-hininga siya. Hindi na siya nagsalita pa kaya naman mayamaya pa'y tumigil na rin ako. Sumubsob na lang ako sa lamesa. Tutal hindi na niya pinapatulan ang pang-aasar ko, tutulog na lang ako.
Pipikit na sana ako nang maramdaman kong may kung anong tumama sa ulo ko.
Marahas akong lumingon sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Bakit mo 'ko binato?!"
"Why would I? Nananahimik ako rito." aniya.
Nanlaki ang aking mga mata. "E-e, sino 'yong nambato?"
Kaagad akong kinabahan nang ngumisi siya sa'kin. Pinakaayaw ko talaga sa lahat ay mga bagay na may kinalaman sa multo o kung ano-ano pang nakakatakot na nilalang. Weakness ko sa lahat 'yon.
"Hindi mo ba alam 'yong mga kwento tungkol dito sa Detention Room?" Malalim ang kanyang boses at talaga namang nakakakilabot.
Tumayo ako para pumunta sa upuan na katabi niya. Doon ako umupo dahil nararamdaman ko na ang takot.
"A-ano naman 'yon?" nanginginig na tanong ko.
"May babaeng estudyante raw na nagpakamatay rito. Ang sabi nila, palagi raw binubully ang babaeng estudyante at na-set up siya kaya naman nadala siya rito sa Detention Room. Dahil sa sobrang depressed, gamit ang dala niyang maliit na kutsilyo, naglaslas siya at isinumpa niya na gagambalain niya lahat ng mapupunta rito. Ang dami ring nagsasabi na kamukha niya si Sadako. Pati ang galaw nito'y kagaya rin."
Habang nagkekwento siya ay palapit ako nang palapit sa kanya. Kumapit ako sa braso niya na kaagad naman niyang ikinairita.
"Don't touch me."
Bahagya siyang lumayo sa'kin.
Mas lalo akong lumapit. "E-e, kasi naman! Baka mamaya may mumu nga rito! Ayaw ko pa naman 'yong mga mumu na kamukha ni Sadako! Ang dilim-dilim pa man din!" mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya.
Lumawak ang kanyang ngisi. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga at bumulong.
"Chloe." he said using in a deep and breathy voice. "Si Sadako, nasa tabi mo."
Napayakap ako sa kanya dahil sa takot. Nagulat kasi ako sa bigla niyang pagbulong, isama pa 'yong sinabi niya na katabi ko si Sadako! Pahawakin niyo na ako sa ipis, 'wag lang akong takutin ng ganun! Bata pa lang kasi ako nung napanood ko ang pelikulang 'The Ring' at sobrang natakot talaga ako noon. Dahil doon, ayaw ko na talaga sa mga horror na may mga babaeng mahaba ang buhok na multo.
Pero in fairness naman kay Saturn, ang bango. Ay!
"I said don't touch me!"
Itinulak niya ako papalayo sa kanya. Napanguso na lang ako. Hindi ko naman sinasadya na yakapin siya, e. Bumitaw na ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Nananakot ka kasi, e!
Ako naman ang tumulak sa kanya kaya kamuntik na siyang mahulog sa upuan. Oops, napalakas yata. Ang sama tuloy ng tingin niya sa'kin! 'Yong tingin niya parang gusto niya akong patayin!
"Damn annoying frog!" he roared.
Akala ko susuntukin niya ako or whatsoever pero ang ginawa niya lang ay pinisil niya ang magkabila kong pisngi at ang walanghiya, nagawa pang i-stretch!
"You're really an annoying frog! Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang sirain ang mood ko?" sabi niya habang nakapisil pa rin sa pisngi ko. Hinahampas-hampas ko ang kamay niya pero hindi pa rin niya ako binibitawan.
"Bitawan mo na ako, plish! Mashakit na, e!" sabi ko sa kanya. Nagiging 'sh' na tuloy 'yung 's' ko dahil ayaw pa rin niyang bitawan ang pisngi ko.
Mabuti na lang, pagkatapos ng ilang beses kong paghampas sa braso niya ay binitawan na niya ang pisngi ko. I puffed my cheeks like a squirrel while massaging the wounded part.
Lumayo ako sa kanya at humalumbaba sa lamesa. Lumipas ang mga oras na walang nagsasalita sa aming dalawa. Ilang beses kong kinagat ang aking dila. Para bang nangangati na ang dila ko dahil gustong-gusto kong magsalita. Hindi ako sanay na ganitong katahimik. Nabibingi ako sa sobrang katahimikan!
"Magsalita ka naman!" sigaw ko sa kanya habang ginugulo-gulo ang buhok ko. Wala ba talaga siyang balak magsalita? Para siyang tuod na nakaupo lang, e!
"I don't want to talk to the likes of you." masungit na sabi niya.
"E, kung ingudngod kita sa lamesa? Sayang laway mo, oy!"
"Ang ingay mo! Manahimik ka na nga lang diyan!"
You can't stop me.
"Ayaw."
"Shut up."
No, I won't.
"Don't wanna."
Tumayo naman siya at lumapit siya sa'kin. Napasandal naman ako sa aking upuan habang nakatingin sa kanya. Ano kayang binabalak ng lokong 'to?
"O-oy, anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
He just smirked and before I knew it, he pinched my precious cheeks again!
Napasigaw na lang ako sa sakit. I can't believe this! Inii-stretch pa niya to the left, to the right, and up and down. Ugh.
"If I said shut up, you shut up kung ayaw mong humiwalay 'yang pisngi mo sa mukha mo."
Maluha-luha kong tinabig ang kanyang kamay sa mukha ko. Nakakadalawa na siya at hindi pa rin ako nakakaganti! Paano ako makakaganti kung sunod na pag-iingay na gawin ko, aalisin na niya ang pisngi ko? I won't allow that! Kaya nanahimik na lang ako. Baka ulitin na naman niya. Ang sakit na nga ng pisngi ko, hindi na siya naawa! Ang cute ko pa man din.
Muli kaming binalot ng matinding katahimikan hanggang sa natapos na ang oras naming dalawa. Nung time na binuksan na ng Disciplinary Officer ang pinto ay 'agad akong lumabas ng kwartong iyon. Nilanghap ko ang sariwang hangin!
"Finally, I'm free!" sigaw ko habang nag-iinit pa.
Ikaw ba naman ang umupo nang maghapon sa loob ng kwartong 'yon kasama ang isang walanghiyang katulad ni Saturn, sino ba naman ang hindi matutuwa kapag nakaalis na doon, hindi ba?
"Bakla! Namiss kita!" salubong sa akin ni Xander. "Kamusta ang staylalu mo with Fafa Saturn?"
I sighed. "It's hell."
"Sus! Hell daw, o? Baka naman na-enjoy mo?" pang-aasar naman ni Shellie.
"Nag-enjoy?!" I exclaimed. "Are you joking? Iyon na yata ang pinakanakakainis at pinakanakakainit ng ulong oras sa buong buhay ko! Hell is better than being in a close room with that guy!"
"Chloe Janelle Rosette."
May sasabihin pa sana ako kina Shellie nang marinig kong may tumawag sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko si Saturn na nakapamulsa.
"You'll pay for what you've done for this day." poker face na sabi niya.
With that, he left.
What?!