KINABUKASAN, tanghali na nang magising ako. I was feeling empty nang maalala ang nangyari kagabi. I was reunited with Flora, my former yaya in the most bizarre way. Sino bang mag-aakala na babalik ito sa isla para lang sabihan ako na hindi ako ang totoong tagapagmana?
Nabaling ang atensyon ko sa ibon na pilit pumapasok sa loob ng silid ko. Tumayo ako at tinungo ito. I open it at pumasok kaagad ngunit bumagsak rin sa sahig ang nilalang at duguan. He was shot near the ribcage. Dali-dali kong tinungo ang bedside drawer ko at kinuha ang box ng first-aid kit.
Nagpupumilit lumipad palayo ang ibon sa akin ngunit wala na itong lakas kaya bumabagsak ito sa sahig.
"Stay still," bulong ko.
I sighed. Ngayon, kinakausap ko na ang ibon. Ngunit namangha ako dahil tila naiintindihan ako ng munting nilalang at huminto ito sa pagpapagaspas ng kanyang duguang pakpak at hinayaang gamutin ko ang sugat nito.
After applying some betadine ay pinalibutan ko na ang katawan nito ng benda. Mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko dahil tinutuka nito ang benda at pilit tinatanggal gamit ang kanyang pakpak.
"There. There. You're gonna be fine."
Pinipihing niya ang munting ulo na tila nakikinig sa akin. I smiled and patted it lightly. Kinuha ko ito at dinala sa aking kama. I laid him on one of my pillows. Nilinis ko ang bakas ng kanyang dugo sa kwarto ko at pagkatapos ay naligo narin ako.
It was already 12:30 nang matapos ako. The bird was still in my room, resting.
Pagkababa ko ng hagdanan ay napansin ko kaagad si Manang Helena na seryosong kinakausap si Peck. Nagmamadaling umalis si Peck at napatingin si manang sa akin. Yumuko ito at bumati sa akin saka kaagad ring nilisan ang sala papuntang kusina.
Hinayaan ko na lamang at lumabas ako ng mansyon. As usual, Dos and Uno were politely guarding the mansion. Pinagbuksan ako ng dalawa at bumati sa akin habang nakayuko. I just nodded as a reply.
Wala ang kotse sa paligid at hindi ko pa nakikita ang personal butler ko.
"Excuse me, senyorita." ani Dos. Tinignan ko lang ito urging him to continue what he's saying. "Martini has gone to the deck. Parating po ngayon si Senyor Giran sa isla."
Words travels so fast nga naman. Muli akong bumalik sa loob at sinarado ang silid ko. The bird was sleeping soundly on my bed. Napangiti ako at dumiretso sa veranda. The breeze is extra hot today. Humahaplos sa malamyos kong balat.
I heard gunshots near the forest. Kasunod nang mga ibong nag-uunahan makalayo lang sa lugar. Don't tell me? As if on cue, lumabas si Sigal dala ang hunting rifle nito at may bitbit pa itong munting kuneho. Sumunod naman sa kanya si Indigo na kaagad tumingin sa kinaroroonan ko. He immediately paid respect and bowed to me. Sigal looks up at ngumiti ng malaki sabay pinakita ang nahuli nito.
Napailing na lamang ako at pumasok sa loob.
I closed the curtains at umupo sa sofa.
He's also here.
Napatingin kaagad ako sa sunod-sunod na pagkatok sa may pintuan ko.
"Come in," ani ko.
Iniluwa nito si Martini at binuksan nang mas malaki ang pintuan saka pumasok si papa kasunod ang mistress nito na si Lydia.
Napatayo ako.
"Gianna," wika ni papa at lumapit sa akin sabay yakap ng mahigpit. "I'm glad nothing bad happened to you. Oh, dear. I can't forgive myself kapag may nangyaring masama sa'yo."
I sighed. "I'm fine."
Napansin ko ang paglibot ng mga mata ni Lydia sabay upo sa harapan ko. She put her bag on the side and tap the space for papa to sit down.
"Honey, I already said nothing bad will happen to our heiress. So sit down now. You are making Gia uncomfortable." saad nito. Ngumiti siya ng malaki kay papa at binigyan lamang ako ng irap.
Umupo kaagad si papa sa tabi nito at binaling ang tingin sa akin. Kahit na gusto kong tumakbo palabas ay pinigilan ko muna ang sarili. I sat down.
"Are you really okay, Gianna?" tanong ni papa. Bakas sa mukha ang pag-aalala.
If only he really cared for me, but I knew sa facade na 'yan. He only care sa top posisyon sa clan. Hindi niya gustong may makaagaw as next in chief kapag nawala ako.
Sigal will be the next heir kung natuluyan ako kagabi.
"Don't worry about me, Mr. Giordano. I will make sure to inherit the top position of the clan."
"Gia!" asik nito.
Napatingin kami ng tumawa ng malakas si Lydia sa tabi nito.
"Feisty as ever, Gia." aniya. "We're glad you were fine. Right, honey?"
Tumango-tango si papa. Bumalik muli sa normal ang nalukot na mukha ni papa at tinignan ang mistress nito nang puno ng pagmamahal.
"Bakit nandito karin, Lydia?" tanong ko.
"Gia! Mind your manners or else!"
Hinawakan nito ang likod ng kamay ni papa na napupuno ng mga gintong singsing.
"It's okay, honey. I can understand Gia well. Alam kong tatawagin niya rin akong mama, sooner or later kapag naikasal na tayo."
Napatayo ako habang nanlalaki ang mga mata.
"What?" sigaw ko. "Pakakasalan mo talaga ang secretary mo?"
Napakuyom ako ng kamao.
"I will, Gia. Kaya kami nandito ngayon para ipaalam sa'yo na magpapakasal na kami ni Lydia pagkatapos ng kaarawan mo." wika ni papa.
"Really, tito?" bungad ni Sigal habang pumalakpak.
Iba na ang suot nitong damit at kaagad tumungo sa kinauupuan ko. Padabog akong umupo at tumingin sa malayo. Naiinis ako.
"Congratulations, tito. Buti naman at naisipan niyo ng magpakasal." dagdag pa nito.
Napangiti si papa. "Yes, ijo. We've been ecstatic to share this news to my only daughter, Gia."
"Thank you, Sigal." ani naman ni Lydia na may kakaibang kislap sa mga mata nito.
"Anything for my professor."
Nabaling ang atensyon ko rito. "Professor?"
Sigal laughed at tumango sa akin. "Hindi ko ba nasabi sa'yo? Miss Lydia Cunningham was my law professor back then."
"Really?"
Ngumiti lamang si Lydia sa akin at napapatakip ng kanyang baba sa tuwing pinupuri ito ni Sigal at ni papa. Nagtagal pa ang usapan hanggang sa pumasok si Manang Helena at ipinaalam na maayos na ang hapagkainan para sa lahat.
Naunang lumabas ng kwarto si papa at Lydia. Sumunod naman ang mga barakong mga bodyguards nito. Napatayo narin ako at napahinto ng tawagin ako ni Sigal.
"I'm glad you're really fine, my dear cousin." aniya saka tinapik ang balikat ko. Nilagpasan ako nito at sumunod narin sa kanya si Indigo.
"My lady?"
"Yes, Martini."
"Are you alright?" tanong nito.
Tumango ako at ngumiti ng kunti.
"I will be, Martini. I will."