Chapter Eight

1232 Words
NABIBINGI na ba ako? Did she just say that I am not the heiress? "What?" Muli kong tanong rito. She rolled her eyes and sneered at me. "Ang sabi ko, ako ang heiress at hindi ikaw." Napangisi ako. Tama nga ang dinig ko. "Nakakamangha naman kung ganoon nga." ani ko. Napasimangot ang mukha nito. Pati na ang mga alipores niyang parang mga tutang nakatayo sa tabi nito na handa akong lapain anumang oras. "Believe me or not. You are the real impostor here." Napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi nito. Ngayon naman ay impostor ako? Really, Flora? "Kung ganoon naman pala. Bakit ngayon mo lang naisipang bawiin ang truno mo, Flora?" wika ko at sumandal sa upuan at napadekwatro. "Hinintay mo pa talagang lumaki ako." "This bitch.. Susugod na sana si Hitter nang pigilan ito ni Flora. Tumayo ito at naglakad papunta sa pwesto ko. Viciously stepping Hannah and Ursula's body on the way. I greeted my teeth and clenched my fist. "Oh my. Hindi ko sila nakita. Haharang-harang kasi sila sa daan." nakangising turan nito saka tinakpan ang baba gamit ang kamay nito. "Oops. They can't move na pala. Why? Oh, cause they're dead." Narinig ko ang pinipigilang halakhak ng mga alipores nito. Tss. They really got on my nerves. I'll make sure they pay for this. Big time. Blankong tinignan ko si Flora habang nililibot nito ang spa. Umupo ito sa isang higaan malapit sa may maliit na bintanang nakaawang. "You know what, Flora?" walang emosyon kong sabi. "What?" taas-kilay nitong sagot. "I used to like your personality before. Sobrang mahinhin at matalino. Nakakamangha ang mga lugar sa labas ng isla kapag ikaw ang nagkukwento sa akin." panimula ko. Tahimik lamang itong nakikinig. Hinihintay kung ano pa ang sasabihin ko. "Pero ang sobrang namimiss ko ay.." Pabitin kong turan. "What?" asik nito. "Sobrang na-miss ko ang pagiging yaya mo." Umangat ang gilid ng aking labi saka tinignan ito na parang isang ipis sa tabi. Nanggagalaiti naman ito sa galit at akmang susugurin ako nang bigla akong sumipol. Isang sipol na ang kahulugan ay kamatayan. Si Flora ay kaagad natumba sa basang sahig. Natatarantang dumulog naman ang dalawa sa kanilang senyora. Nag-uumpisang umagos ang dugo nito patungo sa gintong Jacuzzi. A shining object can be seen from afar. Flora was hit from behind her head by my personal butler on a long range area. Nakatayo ito sa itaas ng cliff with his modified rifle. Martini is not an ordinary butler. He knows me more than any staff on this island. Alam niyang hindi ako kailanman nagpapahatid ng pagkain sa kahit na sinong katulong. Kaya isang malaking pagkakamali ang sabihan nilang ihatid ang pagkain ko. As I've said, Martini is a loyal watchdog. He will make sure to protect the heiress of Giordano clan. He's ruthless and cold, especially to those that want to harm the next commander in chief. "You, bitch." sigaw ni Hitter at sumugod sa akin. Bigla itong natuod sa kinatatayuan ng madaplisan ng bala ang kanyang mukha. He's really the real deal here. Hindi ko gugustuhing maging kaaway ang lalaking 'yon na hindi mukhang sampung taon ang agwat namin dahil sa baby face nito. Napabuntong-hininga ako ng masilayan ang pagkalukot ng mukha ni Hitter. "Stop it, Hitter. Kung ayaw mo pang mamatay." ani ko at tumayo. Kusang natanggal ang lubid na itinali ni Ineng kanina. Well, I already untie myself habang nag-uusap kami. Alam ko namang wala talaga silang balak na patayin ako. Kaya nga nagdadalawang-isip ako kung gagamitin ko ba ang natatanging code na binuo ko para lamang kay Martini. Pero nagbago ang desisyon ko ng apakan ni Flora ang katawan ni Ursula at Hannah. I can't forgive her for that. Well, maayos na nga siguro ang sinapit nito dahil hindi na ito magdudusa sa malamig na lugar na 'yon. Panghabam-buhay. Bumukas ng malakas ang pintuan ng spa at iniluwa nito ang magkakambal na sina Uno at Dos. Yumuko sila ng makita ako. "Take them." pag-uutos ko. "Saan mo kami dadalhin?" sigaw ni Hitter habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Uno. "You're just like your father." saad ni Ineng. Pinahinto ko si Dos at kaagad naman niyang binitawan ito at yumuko. "Pareho kayong walang puso. Matapos niyong gamitin ng ganun na lang si senyora saka niyo siya aabandunahin na parang aso sa kalye." Punong-puno ng galit ang mga mata nito habang pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. "I don't really have any idea about the thing you just said." walang emosyon kong sabi. Lumapit ako sa mukha nito hanggang ilang dangkal na lamang ang layo namin sa isa't isa. Dahan-dahan ngunit may diing sinabi ko ang mga huling salita sa kanya. "Don't you dare compare me to that old man. Do you understand me?" Nakita ko ang namumuong takot sa mga mata ni Ineng. "Take them away!" I fiercely commanded. Nang makalabas sa spa ay tinungo ko ang mga katawan ng tatlong maids. Napansin ko naman agad ang presensiya ni Martini sa tabi ko. "I'm sorry, my lady." aniya. "Why are you saying sorry? Hindi naman ikaw ang may pakana nito." Bigla itong tumahimik sa tabi ko. Bumaling ako rito. "Martini," "Yes, my lady." I smiled. "You did a really good job." Umiwas naman kaagad siya ng tingin ngunit huli na dahil nakita ko ang pamumula ng pisngi nito. Napangiti ako ng lihim. "Anyway, please make sure na makakauwi sila sa kani-kanilang pamilya at siguraduhing mababayaran sila sa kanilang serbisyo ng triple." ani ko. "Yes, Lady Gianna." Pinikit ko ang dilat na mga mata ni Hannah. "Make sure to treat Hannah's sister at ibigay lahat ng kakailangan nito sa kanyang pagpapagaling. Make sure they will live a comfortable life." "I will see to it that everything will be put into place, my lady." magalang na tugon ni Martini. Tumango ako. Hindi nagtagal ay dumating ang ilang mga tauhan sa isla at may dala-dala silang body bag. Nilisan ko ang spa na may halu-halong emosyon sa puso ko. I really thought I could enjoy the night. "Are you alright, my lady?" nag-aalangang tanong ni Martini pagkarating namin sa tapat ng grandiyosong hagdanan. Humarap ako rito. "I am fine, Martini." Napansin kong tila may sasabihin pa siya sa akin. "May sasabihin ka ba, Martini?" "Gusto ko lang humingi ng paumanhin sa nangyari ngayon. Kung sana tinignan ko muna ang mga background ng mga maids edi sana hindi nalagay ang buhay niyo sa alanganin." Namangha ako rito. "Wow. That's more than four words." Napaubo ito at bumalik sa dating demeanor. "Anyway, have a good night, Martini. See you tomorrow." nakangiti kong sambit. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at umakyat na ako. All the way tahimik lamang ako hanggang sa makapasok sa kwarto ko. Unti-unti ay bumagsak ako sa sahig. Hindi ko na napigil ang mga luhang sunod-sunod na kumawala sa mga mata ko. I feel guilty sa nangyari kina Ursula, Hannah at Jessa. Akala ko masasanay na ako sa ganitong eksena pero hindi ko kaya. I am such a weakling. Wala man lang akong magawa para ipagtanggol ang mga tao sa paligid ko. I'm a disgrace to be an heiress. Baka tama nga si Flora. Hindi nararapat sa akin ang maging susunod na chief ng Giordano clan. How could I face them if they're all demons in disguise? In order to defeat them, I should become one of them. I need to get a hold of myself, until then.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD