TRUST NO ONE.
When I was a little kid, I always give my trust so easily sa mga kasama ko sa isla. I grew fond of them dahil sila lang naman ang mga nakakasama at nakakausap ko. Nababawasan ang kalungkutan ko sa tuwing kinukwentuhan nila ako patungkol sa labas ng isla.
Isa sa mga sobrang pinagkatiwalaan ko ay si Flora. Isang mahinhin na katulong sa mansyon at sobrang ganda rin nito. Pagdating pa lang nito sa isla ay nagustuhan ko na agad siya.
"Siya ang bago mong yaya, Gia. Magpakabait ka sa kanya. Maliwanag ba?
Hindi ko matignan si papa sa mga mata nito dahil nakakatakot ang awra niya. Kaya imbes na sumagot ay tumango na lamang ako sa kanya na parang isang tuta.
"Good. Maiwan ko na kayo rito. Pupuntahan ko lang ang mama mo." aniya.
Narinig ko ang mga yapak nito palabas sa sala. Napaangat kaagad ako ng tingin at nakitang nakangiti ng malaki ang bagong yaya.
"Hi, Gia." sabi nito at umupo para pumantay sa taas ko. Hindi maalis ang ngiti sa mapupulang labi nito. "Ako nga pala si Flora. Simula ngayon ako na ang mag-aalaga sa'yo. Ayos lang ba 'yon sa'yo?"
Sobrang malamyos din ng boses nito.
"Opo." sagot ko.
Nabaling ang tingin nito sa hawak kong libro. "Wow. Marunong ka ng magbasa? Ilang taon ka na pala, Gia?"
Bukod sa ibang mga katulong. Si Flora lamang ang tumatawag sa pangalan ko.
Inangat ko sa ere ang mga daliri ko para ipakita sa kanya.
"Tatlong taon ka pa lang? Nakakamangha naman. Marunong ka na agad bumasa." Nagagalak na saad nito at pumalakpak. Napaatras ako nang bigla nitong hawakan ang buhok ko. "Oops, sorry. Nadala lang ako sa aking kasiyahan."
Tumayo so Flora at ngayon ko lang napansin ang haba ng suot nitong sapatos. Matulis ang bawat dulo. Paano kaya ito nakakalakad ng tuwid sa suot nito?
Lumipas ang mga araw sa isla at hindi nagtagal ay gumaan na ang loob ko kay Flora. Palagi kaming magkasama at marami itong baong kwento sa akin. Ngunit, hanggang alas-5 lamang ito sa hapon at palagi itong sinusundo ng tauhan ni papa. Hindi nakatira si Flora rito gaya ng ibang mga katulong kaya't hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing aalis na ito.
"Huwag ka ng malungkot. Babalik naman ako kinabukasan." saad nito.
Sa tuwing sinasabi niya ito ay naniniwala ako sa kanya. Palagi akong naghihintay sa dalampasigan para sa muli nitong pagbabalik.
Pero hindi na siya bumalik noong araw na 'yon.
Hindi na rin nito maipagpapatuloy pa ang kwento ng isang babae na labis na nahulog sa isang lalaking may asawa.
Ngunit bakit siya nakatayo sa harapan ko ngayon? Bakit iba na ang hawak nito sa halip na libro? Bakit parang tumanda ang itsura niya at naging malamlam ang mga mata?
"You." mahina kong sabi. Ngunit tanging pagngisi lang ang ginawa nito.
Sa muling pagdilat ng aking mga mata ay sinalubong ako ng hawak na baril ni Flora. Inilapat niya iyon sa noo ko. Dahan-dahang diniinan.
Tahimik lamang ako at diretso ang tingin sa kanyang malamlam na mga mata. Hindi na ako naninibago sa ganitong bagay dahil palagi ko naman itong nahahawakan sa tuwing dadalaw si papa sa isla.
"Long time no see, heiress." sabi nito.
"Flora,"
"Mabuti naman at kilala mo pa ako. Hindi ko na kailangang umaktong mabait sa harapan mo."
Nag-iba narin ang tono sa kanyang boses. Hindi na gaya ng dati.
"Tayo! Tumayo ka." utos nito habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa akin.
Itinukod ko ang kamay sa bato saka dahan-dahang tumayo. Gaya ng dati, hindi na siya matangkad sa paningin ko.
"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?" asik nito sa akin. "Labas."
I was buttnaked in front of my former yaya.
Napabuntong-hininga ako. What a messy reunion it is. Tahimik akong pumwesto sa dulo. Umalis rin ito sa spring at tinapon sa akin ang puting tuwalya.
Ngumiti ako nang masalo ko ito. "Thanks."
Umiling lamang ito at isinilid ang baril sa likuran ng kanyang pantalon. Nag-iba narin pala ang pananamit nito. Sa dating mapulang stiletto at saya ngayon ay isang maangas na combat boots and tattered skinny jeans.
"Celestine."
May tinawag ito sa loob ng spa. Napaangat ang kilay ko. Dahan-dahang bumukas ang shoji at iniluwa nito ang isa sa apat na mga katulong.
"Itali mo ang isang 'to." pag-uutos nito.
"Masusunod po, senyora."
Mas lalong tumaas ang kilay ko sa narinig. Pinasadahan lamang ako ng masamang tingin ni Flora saka ito pumasok sa loob.
"Ganito na pala ang nagagawa ng isang orphan at walang memorya sa kanyang nakaraan?" Namamanghang tanong ko kay Ineng habang tahimik ako nitong ginagapos. "Sabihin mo, Ineng este Celestine. Nawalan ka ba talaga ng memorya o nagsisinungaling ka lang?" dagdag ko pa.
Marahas niya akong hinawakan sa braso at tinulak.
"Tumahimik ka. Wala kang karapatang magtanong. Pumasok ka sa loob." aniya at sinamaan ako ng tingin.
Muli akong napabuntong-hininga. Bakit parang inuutusan na ako ng lahat? Napahinto ako sa aking pagpasok nang makita kong nakabulagta sa sahig si Hannah at Ursula habang nakatalikod ang katawan ni Jessa sa Jacuzzi na ngayon ay napupuno ng dugo.
Napakuyom ako ng kamao.
Why?
"Anong tinatayu-tayo mo d'yan. Upo." bungad ni Hitter pagkabukas ng pintuan. Isinarado niya ito at kaagad yumuko kay Flora. "Nasabihan ko na ang personal butler nito na matatagalan pa ang kanyang pamamalagi sa spa at ako na ang magdadala ng pagkain rito, senyora."
Ngumiti naman ng malaki si Flora. "Good. Very good, Hitter. Maaasahan ka talaga."
Pinamulahan naman ng pisngi si Hitter. "Anything for you, senyora."
Tumawa ito na parang isang baliw. Walang emosyon ko lamang itong tinignan.
"What a cold looking b***h. Look, Gia. No hard feelings," natatawang sabi nito saka tinignan sina Ursula, Jessa at Hannah. "They're just one of your maids, right? Hindi naman talaga sila kawalan at importante, diba?"
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. Ramdam ko na ang pamumula ng aking pisngi sa galit na umuusbong sa puso ko para sa bruhang 'to. Alam kong namumula na rin ang mga mata ko.
"Why are you doing this?" I seethed.
"My, my."
"They did nothing wrong, Flora. Bakit mo sila kailangang patayin?"
"Well, partly yes. Wala silang ginawang masama sa akin pero nga lang, may ginawa sila sa'yo. They served you when it was supposed to be.. me."
Bumigat ang paligid at tila ba maraming blocks ang nakapasan ngayon sa balikat ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.
"You are not the heiress, Gianna."
"What?"
"I am!" exclaimed her.