Chapter Six

1171 Words
NAKATAYO ako ng tahimik habang pinagmamasdan ang malaking portrait ni mama noong maternity shoot nito. She was wearing a black see through lace and her hair is wavy styled to look like she's one of the goddesses from Greece. She's so breathtaking and majestic in this shoot. Sobrang ganda ni mama. "I'm sorry if I destroy your portrait, ma." panimula ko at nag-uunahan na ang mga luha sa pagtulo sa aking pisngi. Hinayaan ko lamang ito. "I'm sorry kung hindi kita napagbigyan sa hiling mo. I am regretting it now so badly, ma. Maraming pumapasok sa isip ko kung ano nga bang sasabihin mo nung araw na 'yon. If only I wasn't a hard headed kid back then. If only I could turn back time." Napapahikbi ako sa pagitan ng mga salitang sinasabi ko. Napapalakas narin ang ingay na ginagawa ko. I want to cry loudly para hindi sumisikip ang dibdib ko. Walang pag-aalinlangan sa puso ko na ilabas ang mga pagsisisi ko ngayon dahil alam kong naiintindihan ako ni Martini at hindi ito magpapapasok ng maid sa loob ng museum habang nandito ako. "Ma," ngayon ay para na akong baliw na nakangiti. "Lastly, I'm sorry if I can't forgive papa. I just can't give him that luxury. I despise him so much. Hindi ko siya mapapatawad sa mga kasamaan niya lalo na sa ginawa niya sa'yo. You don't deserve that kind of man, ma. I'll make sure na maipaghihiganti kita balang-araw." Humugot ako ng malalim na hininga saka pinahiran ang mga luha ko. Yumuko ako at nagbigay-galang kay mama. Nilisan ko ang museum nito ng may lakas ng loob na labanan si papa pagdating ng araw. Hindi ko hahayaan na hindi mabigyan ng hustisya ang malungkot na pagkamatay ni mama sa islang 'to. Mas lalong hindi ko rin hahayaan na makulong ako rito ng mahabang panahon na walang ibang kalalabasan kundi ang kamatayan. I won't give them that satisfaction. Knowing that they possibly turn the heiress towards insanity. Nope. Alam ko na ngayon kung bakit ako nakakulong sa pisteng isla na 'to. Sa kadahilanang, hayok ang papa sa kapanyarihang pamunuan ang clan. Alam kong hindi nito ibibigay ang clan sa akin kaya niya ako ikinulong sa islang 'to ng walang kahit anong access at kaalaman sa totoong buhay. I am pretty sure na gagamitin nila ito laban sa akin para sabihing wala akong alam sa lahat ng bagay at mas lalo na sa pagiging isang chief. Napangisi ako. Ito ang malaki nilang pagkakamali. Pagkatapos ko sa museum ay namalagi ako sa library buong araw. Gusto kong mapag-isa kaya pinaalis ko si Martini at nagbasa nang nagbasa ng iba't ibang libro na makakatulong sa akin. Hanggang sa hindi ko namalayan na takipsilim na pala. I stretches myself at pinapatunog ang bawat daliri at ang leeg ko sa magkabilang gilid. Napangiti ako sa sarap na naibibigay nito sa akin "Lady, Gianna." bungad ni Martini nang pumasok ito sa library. "Sorry for disturbing you once more pero kailangan niyo na pong magpahinga." Napangiti ako at tumango. "Aye, aye, Martini. I'm done for today." saad ko rito. Inayos ko ang mga nakabuklat na libro sa lamesa at ibinalik sa kani-kanilang hanay. Nakangiti akong dumulog kay Martini saka ako nito pinagbuksan ng pintuan. Tumango ako rito at sinalubong ng mga maids. Napayuko ang lahat. Nagtataka akong napatingin kay Martini. "The maids prepared a hot spa for you, my lady." aniya. "Really?" "We're at your service, senyorita." sabay-sabay na wika ng lahat. Dinala ako ng grupo sa silid na hindi ko pa napupuntahan buong buhay ko. I really don't like other people touching me. So, never talaga ako dumadayo rito. Nakikita ko lang noon si mama at manang. Pati narin sa mga bisita ni papa na dito naglalagi tuwing dumadalaw sila. Even Sigal loves this place. Pumasok ako sa loob at namangha sa nakita. Sobrang lawak, mas malawak pa ang espasyo nito kaysa sa kwarto ko. There's a gold colored Jacuzzi in the middle of the room. Napapalibutan naman ito ng mga higaan para sa masahe at may separated room sa gilid na ang istilo ng kanyang pintuan ay katulad ng sa Japan. Para akong pumasok sa ibang mundo, real quick. I felt like I wasn't on the island. I was mesmerised and flabbergasted by the looks of it. The room smells like spring and organic things. I felt more relaxed here by just simply standing still. "This way, senyorita." sabi ng isa sa apat na mga babaeng kasama ko. Wait, hindi ko kilala ang mga 'to. "You guys, anong mga pangalan niyo?" tanong ko sa lima. Nagulat naman sila at nagsiyuko. Nagtutulakan kong sinong mauna. "How about we start with you?" turo ka sa babaeng pabukas na sana ng shoji paper door na may printa ng iba't ibang bulaklak. "Pardon me. I am Jessa, senyorita." aniya. Tumango ako sa kanya at bumaling sa iba. "My name's Ursula, senyorita." "Hitter naman po ang tawag nila sa akin, senyorita." "Hitter?" I repeated. "Opo, senyorita." "That sounds unique and cool." komento ko at ngumiti sa kanya. "How about you? What is your name?" I asked the maid na may naiibang kulay ng buhok bukod sa apat. She dyed her hair a vibrant green hue. Yumuko ito. "I don't really have a name, senyorita but everyone in my hometown calls me Ineng." "Why is that?" I asked curiously. "I.. I was an orphan with no memory of my past, senyorita." Nagulat ako sa kwento nito. Hindi halata sa kanya na may dinadala siya ganitong kabigat na bagay. "It must be so hard for you to go on with your life." saad ko. Ngumiti ito at umiling. "Hindi. Okay lang po ako, senyorita. Matagal ko na pong kinalimutan ang nakaraang 'yon ng buhay ko. Maayos na ho ako ngayon at Ineng na po ang dinadala kong pangalan." What a strong girl. "You know what, Ineng? You're a brave girl. You lost everything yet here you are. I admire you for that and I mean it." wika ko at binigyan ito ng matamis na ngiti. "T-thank you, senyorita." The last girl is Hannah. She has a sister with a cancer kaya naisipan nitong lisanin ang kanilang baryo para humanap ng trabaho at makatulong sa pagpapagamot ng kanyang kapatid. They all have something to tell in their lives. Just like me. Pinagbuksan ako ni Jessa at bumungad sa akin ang malawak na hot spring ng pamilya. Kasya hanggang sampung tao rito. The room is quiet foggy and hazy dahil sa usok ng hot water. Bukod pa sa nakakamanghang spring ay matatanaw mo ang malawak na kalangitan sa itaas kasama ang mga bituing nagniningning at ang buwan. Open area na pala ito ng home spa. Kung alam ko lang noon na merong ganito. I slowly dip my foot at dahan-dahang lumoblob ng maramdamang kaya ko naman ang init nito. Sumandal ako sa bato at unti-unting ipinikit ang aking mga mata. Nang muling pagdilat ko ay may nakatutok ng baril sa ulo ko. "You." Ngumisi lamang siya saka pinalapat ang baril sa noo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD