Chapter Four

1224 Words
KUMAKAIN ng ubas si Sigal nang maabutan ko ito sa garden maze ng pamilya. It was located near the forest of the island near a cliff. Napangiti ito habang kumakaway sa akin nang makita ako. Napailing na lamang ako at humugot ng hininga. Baka kung ano pang magawa ko sa kanya dahil sa ginawa niya kay Silver tatlong taon na ang nakakalipas. Sobrang sariwa pa sa alaala ko ang ginawa nito. Ganito rin ang naganap noon. Wala itong pasabing bumisita sa isla. It was father's birthday at nagulat na lang ako dahil instead na dumalo sa grandiyosong kaarawan na ginanap sa exclusive private resort ng clan ay pumunta siya dito at ang dahilan nito ay para may kasama akong kamag-anak na mag-celebrate. "I never really celebrate papa's birthday." sabi ko rito at napatingin muli sa malaking bilog na buwan sa kalangitan. "You are so cold kasing lamig ng hangin dito sa isla." aniya habang umaaktong nanginginig ang katawan. Well, malamig naman talaga ang hangin tuwing gabi rito sa isla. Lalo pa't it's ber season na. "Whatever, Sigal." "Ayaw mo talagang mag-celebrate kasama ko? I bought an expensive champagne from France." wika nito na may panghihinayang sa kanyang boses. "Moet & Chandon Esprit du Siecle Brut. I know it's your favourite." dagdag pa nito na ngayon ay pinipindot ang pisngi ko. I sighed at tinabig ang kamay nito. Humarap ako sa kanya. He was smiling from ear to ear. "Ito na ang huli na pupunta ka rito sa isla para lang i-celebrate ang kaarawan ng matandang hukluban na 'yon." malamig kong anya at naunang naglakad pababa ng cliff. Martini was silently walking beside me at naramdaman ko agad na nakasunod na sa amin sina Sigal while humming a certain song at si Indigo. "Malalim yata ang iniisip mo, dear cousin?" tanong ni Sigal sabay kagat ng ubas nito. Napailing ako dahil sa alaalang bumalik sa isipan ko. Kinuha ko ang maliit na kutsilyo at tinidor. Hinati ko ang avocado and egg sandwich at kumain bago muling binalingan ng pansin si Sigal. "Bumalik lang naman ang alaalang gusto kong limutin pero mukhang imposible dahil ang lalim ng iniwang sugat sa puso ko." sagot ko at matalim na tinitigan ito. Sigal heaved a sigh at nagpunas ng labi. "Look, hindi ko gusto ang nangyari kay Silver." panimula nito. "Besides, hindi naman 'yon mangyayari kung hindi niya ako inatake." dagdag pa nito at sumandal sa bangko na gawa sa ratan. "Inatake?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito. Sigal just smirks at me. At bumalik ang malagim na nangyari noong gabing 'yon. Umalis saglit si Sigal para kunin ang ipinagmamalaki nitong mamahaling champagne galing pang Francia. Nakamasid lamang ako kina Manang Helena at Leonor habang inaayos ang mga pagkaing kanilang niluto para sa kaarawan ng papa ko. Alam kong naghahanda sila kahit na hindi naman ako nakikicelebrate ng kaarawan ni papa. Utos ito ng chief kaya ginagawa nila ito tuwing birthday nito kahit alam ng lahat na hindi ako nakikisaya sa kanila. Napansin ko ang humahangos na si Martini. "What is wrong?" tanong ko agad rito. Pati sina Manang ay napahinto sa kanilang ginagawa. "Silver is attacking Sigal in your room, my lady." wika nito. "What is he doing there?" ubod ng lakas kong sigaw saka tumakbo papuntang mansyon. Nagulat ako nang makita si Sigal sa dulo ng hagdanan na hinawakan ang nakabuka at naglalaway na bibig ni Silver. Sinusubukang hindi malapa ang mukha. "Silver!" I shouted pero balewala lang 'yon ng kalmutin niya ang braso ni Sigal na siyang kinasigaw nito sa sakit. I immediately run towards them at humarang sa pagitan ng dalawa. "Enough, Silver." I calmly commanded. Nararamdaman ko parin ang galit nito ngunit umatras ito ng makita ako. Nabaling ang paningin ko kay Indigo na nakahiga malapit sa sira kong pintuan. May mga kalmot sa katawan nito. Napabuntong hininga ako. Silver growled ferociously behind my back. Sigal was standing while holding a kukri knife. "What are you doing?" I asked him while still sitting down. Nahihirapan man sa kondisyon nito ngayon, ngumisi lamang si Sigal sa akin. Mas lalo nagngangalit si Silver at sinusubukan kong amuin ito pero mukhang huli na ang lahat nang maramdaman nitong nasa panganib siya. Silver lunges and jumps at me kaya napatakip na lamang ako ng tenga saka yumuko. The next thing I heard was a loud crash and a painful thud followed by a sinister silence. Nanginginig akong tumayo at kumapit sa hagdanan. Nakita ko si Silver na nakasalampak sa baba with no sign of Sigal. My body was trembling badly. Masama ang pakiramdam ko at tila masusuka ako anumang oras ngayon. Dahan-dahan akong bumaba at napahinto ng umagos ang malapot na dugo sa marmol na sahig. Hindi makapaniwalang napaupo ako sa hagdanan. Nakita kong itinulak ni Sigal ang walang buhay na si Silver saka ito humugot ng malalim na hininga. Duguan ang buong katawan nito. Silver, my best pal was the only gift na nagustuhan ko mula kay papa. I remembered him as a small aloof white tiger cub then. Matagal bago ko nakuha ang loob nito. Pero bakit ganito? Ganito na lang kadali sa kanila ang pumatay ng nilalang? I remembered crying so much that night. I cried like a baby sa ubod ng lakas nito. Alam kong kaagad dumalo si Martini sa akin para tingnan ang kalagayan ko pati ang mga katulong sa isla pero wala akong naririnig na ingay bukod sa pag-iyak ko. It was that time that I was broken beyond repair. Mas lalong nadaragdagan ang galit ko sa Giordano clan. I sighed. "Martini," "Yes, Lady Gianna?" "I want to eat some ice cream." saad ko rito. "Right away, my lady." aniya saka yumuko. I can't forgive Sigal sa ginawa nito kay Silver. Hindi ko rin mapapatawad ang clan sa pagwalang bahala nila sa hiling kong parusahan si Sigal sa ginawa nito sa alaga ko. If I am really the next commander in chief sa clan na ito. Sisiguraduhin kong magbabayad sila. For now, I should endure everything on this island. Alone because I don't trust anyone here na sumusunod sa matandang hukluban na 'yon. Kakayanin ko ng mag-isa. Dadalhin ko ang nabasag kong pagkatao at gagamitin ko ito bilang panaksak pagdating ng panahon. "Gianna, nagsasawa ka na bang maligo sa dagat?" sigaw ni Sigal habang masayang nagtatampisaw sa dagat. Napangisi ako. "Magsawa ka, Sigal hanggang sa'yo pa." bulong ko. "I can't hear you." aniya. Hindi ko ito pinansin at bumaling sa tahimik na si Indigo. Diretso lamang ang tingin nito sa karagatan. "Mabuti na ba ang pakiramdam mo, Indigo?" tanong ko. Humarap ito sa akin at yumuko. "Yes, Lady Gianna. Maraming salamat sa pagpapagamot sa akin." turan nito. Mas lalo pa itong yumuko. "I'm sorry for Silver's untimely death. May you accept my deepest condolences, my lady." Napatawa ako. "It's been three years. I've moved on. No need for that, Indigo." "Yes, my lady." Bumalik ito sa kanyang posisyon. Nakakuyom na lamang ako ng palad at huminga ng malalim. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na nasasaktan ako at naapektuhan parin sa nangyari kay Silver. I should control my emotions starting from now. I can't win this game if my heart is on the sleeve. I will never let them play with me. I'll make sure to become a player that's full of surprises. I will show them what kind of heiress I am.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD