LIVING IN THE ISLAND makes me wonder kung anong klase ng lugar meron sa dulo ng horizon na 'yan. Walang araw na lumipas na hindi ko iniisip kung anong buhay ang mararanasan ko sa oras na makaalis ako sa islang 'to. What kind of people are there? Masaya kaya sa likod ng nagtagpong ulap at dagat? Were they living their lives to the fullest? Masaya ba.
I have too many questions running through my mind. Too many - that no one could give me the answers. Ang lagi lamang nilang sinasabi ay napaka-delikado ng lugar sa labas ng isla. Itong isla lamang ang bukod tanging ligtas na lugar para sa isang katulad kong next in line as chief ng Giordano clan.
Maraming gustong pumatay sa akin.
I smirk. Hindi narin nakapagtataka dahil sa kasamaan ng pamilya namin. Lahat na nga siguro binangga nila. Sino ba namang ayaw matigil ang ganitong uri ng clan, hindi ba?
If I were them, I'd also want to kill the next chief of the Giordano clan just to stop their unending madness of greed and power.
They can even control a politician, especially the corrupt one just to get whatever they want and pay even lesser taxes. They're all above the law. Pansin ko nga minsan may mga police officers ang pumupunta dito sa isla just to check the vicinity of the island. May ibang nananatili para maging bantay at ang iba naman ay binabayaran ni papa para malaman kung sinong politiko o myembro ng kapulisan ang hindi sumasang-ayon sa kanilang adhikain.
I don't have any access to the the outside world dahil hindi naman ako pinapayagan ni papa magkaroon ng sariling cellphone at wala rin akong television o ni radyo man lang.
Nakakasagap lang ako ng balita sa mga katulong na nagchichismiss dito sa isla at kay Manang Helena. Of course, manang is discreet about it kasi malalagot kami kay papa kapag nalaman niya. I also make sure na wala si Martini sa tabi ko kapag may gusto akong malaman na nagaganap sa labas ng isla.
Si Manang Helena at Peck ang minsang pumupunta sa bayan para bumili ng mga pagkain kapag nauubos na ang stocks. Madalas kasing delay ng isang araw ang mall na buwanang binabayaran ni papa para sa stocks ng isla. Tatawag si papa sa mga tauhan sa isla para kunin ang mga karton-kartong mga pagkain at iba pang kailangan sa pantalan.
Hindi na pinapayagan ang staff ng mall na pumunta sa isla kaya hanggang pantalan na lamang sila at inililipat ang mga pagkain sa naghihintay na malaking bangka.
Ang buwanang transaksyon na ito ay lihim ng may-ari ng mall at ni papa.
"Ito na po ang favorite mong ice cream, senyorita." Peck said. Napangiti ako dahil hindi humahangos ngayon.
Peck has curly hair and dark skin tone. Hanggang balikat ko lang ito at 5 years ang agwat namin. Siya ang bagong salta dito sa isla, ang pumalit kay Manang Leonor. Si Manang Leonor ang matagal ng missing na tao. Nabalitaan ko kay Manang Helena ang malagim na nangyari sa kanya.
She tried to kill me.
"Did you know that I was poisoned using this ice cream?" tanong ko kay Peck.
Tahimik lang na nakatayo si Martini sa tabi ko. Diretso ang tingin sa malawak na karagatan. Napalunok ng laway si Peck at nanginginig ang mga kamay.
"Hindi ko alam, senyorita." garalgal na sagot nito.
Napatawa ako ng kunti. "Huwag kang matakot, Peck." sabi ko rito at sumubo.
I close my eyes at ninamnam ang lamig sa bibig ko. Napaharap ako kay Peck at ngumiti ng malaki.
"Thank you for this, Peck. Na-miss kong kumain ng ice cream."
Napayuko si Peck ng ilang beses at nagpaalam. Napatawa lamang ako sa inasta nito. Binalingan ko si Martini na hindi man lang natinag sa kanyang kinatatayuan. Mukhang nababad ang paa nito sa semento at hindi na makagalaw.
What an unyielding stance.
"Here," ani ko.
Ibinigay ko ang baso sa kanya na siyang kinagulat nito. Napailing ako sa reaksyon nito.
"Eat some ice cream and feel the cool wind. Masyado kang stiff, y'know." sabi ko rito.
"But my lady..
"No buts again, Martini." I sighed. "Kapag di mo 'yan naubos, malalagot ka sa akin."
Tinanggal ko ang suot na bathrobe. I am going swimming today. Nag-iwas ng tingin si Martini at pinamulahan ng pisngi. Napangisi na lamang ako. Hindi masyadong mainit ngayon dahil narin siguro sa makulimlim na panahon. Tamang-tama para maligo at magbabad sa dagat.
I was wearing a bright red bikini with polka dots.
Lumusong ako sa dagat at ramdam ko agad ang lamig nito. It is so refreshing and relaxing. Isa ang dagat sa mga bagay na nagpipigil sa aking magwala at mabaliw ng tuluyan.
I can enjoy this luxury all by myself.
Gusto ko na nga sanang huwag ng umahon.
Matagal bago ako tuluyang kinapos ng hininga sa ilalim ng dagat. Umahon ako at napansin ang paparating na yate. Lumangoy ako pabalik sa dalampasigan at kaagad namang tinakpan ni Martini ang katawan ko ng aking puting bathrobe.
"May bisita ba tayo ngayon, Martini?" tanong ko rito habang inaayos ang buhok ko.
Yumuko ito. "Yes, Lady Gianna. Mr. Sigal, son of the late Hanzo Giordano, your cousin wants to talk to you over lunch about your upcoming birthday."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Why? Akala ko ba si papa na ang bahala ng lahat?" tanong ko at naglakad tungo sa lilim ng puno ng Talisay kung saan nakalatay ang banig ko.
"Chief Giran just called me, seconds ago, my lady."
"Napaka-unpredictable nga naman talaga ng matandang 'yon. Kung sinabi niyang hindi niya pala kayang mag-organize edi sana sinabi niya sa akin at huwag ng humingi ng tulong sa Sigal na 'yan." Nanggagalaiti kong wika.
"Still angry at me, dear cousin?"
That annoying screechy voice. Blanko ko itong hinarap at tinaasan ng kilay. Sigal Giordano, my first cousin who owes me his life. Napatingin ako sa butler nito, Indigo na kaagad yumuko bilang pagbigay-galang sa akin. Martini also bows his head down na kinainis ko lalo.
"You haven't paid your debt, Sigal." sabi ko at ngumisi.
"Oh, dear cousin. Don't you worry. Mababayaran ko rin ang utang ko sa'yo." natatawang aniya. "And that is a surprise."
Napakuyom ako. Mababayaran? Paano niya mababayaran ang buhay na kinuha niya? This gay guy took my best pal away from me.
Ngumisi ito habang nagpapaypay sa sarili.
Sigal killed Silver. And I can't forgive him for that.