Chapter Two

1106 Words
NAPADILAT ako at mabilis na bumangon. Tuloy bigla na lang umikot mundo ko. Napahawak ako ng mahigpit sa makapal na kumot habang tinatansya ko ang pakiramdam ko. Muli akong dumilat at napansing madilim na ang paligid. Anong nangyari? Napatingin ako sa kamay ko at nakabenda na ito ngayon. Baka si Martini na ang gumamot sa akin. Inalis ko ang kumot at isinilid ang tsinelas. Pansin kong nakasuot na rin pala ako ng nightgown ko. Lumabas ako ng silid at pansin na sobrang tahimik ng mansyon. Nasaan na kaya sila? Tahimik akong bumaba ng hagdan at kita ko agad ang bagong portrait na nakasabit malapit sa grand entrance ng mansyon. It was a portrait of me kasama ang alaga kong puting tigre na si Silver. Napabuntong-hininga ako. Mukhang totoo nga ang nangyari kanina. Napatingin ako sa hallway tungo sa newly renovated na museum ni mama. Napansin ko si Manang Helena na kakalabas lang dito. Yumuko ito ng mapansin ako. "Magandang gabi, Lady Gianna." bati nito. Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa inasta ko kanina. "Magandang gabi rin, Manang Helena." bati ko pabalik. Napaubo ako at umiwas ng tingin. "Pasensya ka na sa nangyari kanina." Umiling ito at tipid na ngumiti. "No, ako dapat ang humingi ng paumanhin sa inyo, Lady Gianna. I should've never said that to you." "..you ungrateful child." Muling bumalik ang sinabi nito kanina. "No, you didn't say anything wrong, Manang. I'm really sorry." Muli ay paghingi ko ng paumanhin. Yumuko ako ng konti at iniwan ito. Manang Helena is my mom's sister. Binigyan siya ni papa ng trabaho bilang katulong ko sa isla na ito. Bata pa lang ako ay isa na ito sa tumayong nanay ko nang pumanaw ang mama ko noong limang taong gulang pa lang ako dahil sa sakit sa puso. Simula noon, Manang Helena is always willing to be my mom's proxy. Malaki ang tulong na nabibigay nito sa akin lalo pa noong kailangan ko ng patnubay at kalinga ng isang ina sa pagpasok ko sa lady zone. Napangiti ako sa alala. "Manang, mamamatay na ba ako?" nahihikbi kong tanong at muling tinignan ang kumot at bedsheet ko na napupuno ng dugo. "Hindi. Ibig sabihin lang nito ay dalaga ka na." natatawang turan naman ni Manang Helena habang tinupi ang kumot at inilagay sa basket. "Dalaga?" Tumango ito at ginulo ang buhok ko. I was so embarrassed. Hindi dahil umiyak ako saying the absurd thing kay manang kundi sa alaalang si Martini ang unang nakatuklas nito. Unang beses kong makita ang paglukot ng mukha nito at pagkabalisa. He runs fast at tumawag ng back-up. "Are you alright, Lady Gianna?" Out of the blue ay nakatayo si Martini sa giliran ko. I was sitting on a sofa, smiling like an idiot. "I'm fine." I coughed at umiwas ng tingin. "You're turning red, my lady.. Napatayo ako at tinignan ito ng masama. Martini seems to be taken aback at napayuko. "I'm sorry, Lady Gianna." "Let's go and have some dinner. I am hungry." saad ko at nilagpasan ito. Nakakahiya. As we we're walking down the hallway patungong dining hall ay napapatingin ako sa mga larawan ng mga past chiefs ng Giordano Clan. Hanggang sa napahinto ako sa larawan ng aking ama. "Giran Giordano, II. 1996-present." I read our clan's history and I can say Giran, my father is quite a mischievous and cunning man. Hindi lamang ito isang malaking scumbag kundi tuso rin. Narinig ko mismo kung paano niya kinuha ang posisyon sa kuya nito. Yes, hindi dapat ito naging chief kung hindi namatay ang kapatid niya na susunod sa yapak ni lolo. Rumour has it that Giran killed Ali at pinalabas lang itong isang aksidente ng ama ko at paniniwalaan naman ng mga myembro na boto sa kanya kesa kay Ali. Nahulog ang sasakyan nito sa bangin matapos magmaneho ng lasing. Simula noon, hindi kailanman natagpuan ang bangkay ng kapatid nito. Hanggang ngayon ay ibinaon na sa limot ang lahat at tila walang nagngangalang Ali na parte ng pamilya Giordano. Pero, nakatala na ito sa history ng clan at maipapasa sa mga susunod pang henerasyon. Hindi ko alam kung bakit hindi tuluyang binura ni papa ang pangalan ni Ali at kontribusyon nito sa clan. Marahil ay may natitira pa itong kahihiyan o nag-giguilty ito sa kanyang ginawa. Napangisi ako. Guilty? In my wildest dream. Mukhang hindi na nga ito nakakaramdam ni konsensya man lang sa dami na ng nagawa nitong kasalanan ngunit patuloy parin ito sa kanyang ginagawa na parang walang nangyari. Napatitig ako sa tahimik na si Martini. Titig na titig ito sa larawan ng aking ama. "Martini," Mukhang napukaw ko naman ang atensyon nito at binaling ang tingin sa akin. Malumanay na ang kanyang itsura at nawala narin ang nakakunot na noo nito gaya ng pagtitig niya sa larawan ng aking ama. "Kung hindi ka lang personal hired ni papa. Iisipin ko talaga na may galit ka rito at gusto mong makapaghiganti sa titig na ipinupukol mo sa larawan nito." I laughed. "I'm sorry, Lady Gianna." aniya. I waved my hand. "Nah, you did nothing wrong. Kung sakaling totoo man, I will root for you, Martini." "I will let you kill, Giran Giordano, II." seryoso kong sambit sa kanya ng lumiko kami sa mahabang pasilyo. Hindi man lang nagbago ang mukha nito sa sinabi ko. "Joke lang." dagdag ko at tumawa. Tss. Mukhang may malalagot na naman mamaya. Napakuyom ako at binilisan ang paglalakad. Mas lalo tuloy akong nagutom at gusto ko ng kumain. Kung anu-ano na lang pumapasok sa kukuti ko. Martini is a loyal watchdog of Giordano Clan. At ako itong malaking hangal, sinabi pa talaga ang bagay na 'yon sa kanya. Nakakainis. Sa mga panahong lumipas, nababawasan ang pagkatao ko sa islang ito. Hindi ko na nga minsan kilala ang tunay na ako at kung meron pa bang natitirang pagmamahal sa ibang bagay na nahilig ko noon. I am just a walking puppet ng Giordano clan na kailangan lamang nila para ituloy ang mga gawaing alam kong tuluyang wawasak sa aking pagkatao sa bandang huli. I am just a mere tool. A puppet na kahit maluklok man sa pinakamataas na posisyon ay walang magiging sariling desisyon. Sunod-sunuran lamang sa mga matatandang myembro na walang ibang inisip kung hindi ang panatilihin ang kapangyarihan ng Giordano clan at matatamasa ang limpak-limpak na mga salapi habang buhay. They're all ruthless and greedy. Wala silang pakialam sa mga nakapaligid sa kanila bukod sa kanilang mga pansariling yaman. If only I can change and redirect the clan. I will see to it na uunahin kong pagbayarin ang mga matatandang hukluban na 'yon. Lalong-lalo na ang ama ko. Sa takdang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD