Third Person Point of View “Ayos na ba ang iyong pakiramdam?” tanong ni Atticus sa babaeng kaharap niya habang kunot ang noon a pinagmamasdan ang dalaga. Napahawak naman si Aciera sa kanyang tiyan. Magaling na ang mga sugat niya roon salamat kay Erapel. Mabilis lamang na naghilom ang kanyang sugat. Tumango tango si Aciera habang nagbibigay ng mga mabigat na paghinga. “Ayos na ako,” sagot ng babae at dumiretso sa kanyang upuan. “Naghilom na ang mga sugat na ibinigay sa akin ni Lilith, ang tanging hindi ko lamang alam ay kung nawala rin ang sumpang dulot ng kanyang kunai.” “Ano ba ang dahilan at hindi mo agad nasangga ang kanyang mga tira?” tanong ni Atticus sa dalaga. “Hindi mo dapat ibinababa ang iyong alerto sa mga ganoong sitwasyon.” Napayuko naman si Aciera sa narinig. Tama ang la

