Third Person Point of View “Kung ganoon ay ang pakpak ni Alejandra ang kailangan nila upang tuluyang makapunta si Urdu sa lupa,” ani ni Patricia habang hawak – hawak ang bote ng alak. Binuksan niya ang aparador sa kanyang itaas at inilagay doon ang kabibiling alak sa malaking tindahan na hindi kalayuan sa kanilang gusali. Tahimik naman na nakatingin si Helena sa labas ng kanyang malaking babasaging bintana. Pinagmamasdan niya ang mga kotseng nag uunahan sa kalsada. Bukod pa roon ay iniisip niyang mabuti kung ano ang dapat niyang gawin. Iniisip niya kung ano ang magandang hakbang. Maging siya ay nagulat sa nalaman. Hindi niya akalaing kakilala ni Alejandra ang hari ng impyerno ngayon na si Urdu. “Sa tingin mo ba ay si Alejandra ang dahilan kung bakit nais sakupin ni Urdu ang sangkatau

