XXXVII

1792 Words
Third Person Point of View Pinagmasdan ni Cassiel ang mukha ni Adalene. Ibang iba na ang itsura nito sa imahe nito dati bilang si Adalene Miller. Sunog ang halos buong mukha nito ng asido at hindi mo na ito makilala. Kumpara sa bulaklak siya ay isang minsang nagniningning na peony ngunit ngayon ay nalanta na. Maging ang damit nito ay parang isang basahang gutay gutay, punit – punit, madumi at sunog na halos labas na lahat ng balat ng dalaga. Ngunit halos lahat rin ng parte ng katawan nito ay buto na dahil sa asidong sinaboy sa kanya. Nakayapak lang rin ang dalaga. Basag rin ang bungo ng artista na nakuha niya noong itinulak siya ng mga kasamahan mula sa loob ng gusali palabas ng bintana. Habang si Cassiel naman ay nakasuot ng damit pandigma. Isang mahabang puting bestida ang suot ni Cassiel na hindi aabot ng siko ang haba ng manggas at maging ang haba ng bestida ay hindi aabot ng litid ng likod ng binti. Napapaligiran ng baluti na kulay pilak ang dibdib nito hanggang sa mga hita. May bahid ng kulay ginto ang kanyang baluti at suot na bota. May nakaukit na pakpak ang suot na sinturon nito na sumisimbola lamang na miyembro siya ng supremo. Mula sa dulo ay dahan dahang ininat ni Cassiel ang hawak na latigo sa kamay pahaba. Noong sapat na ang haba nito ay mabilis niyang inikot ito sa may ere sa taas lamang ng kanyang ulo. Hinihintay niya ang susunod na gagawin ni Adalene. Si Adalene naman ay  inihanda ang kanyang tiyara. Iyon ang gagamitin niya sa kanyang pakikipaglaban kay Cassiel. Mabilis siyang sumugod kay Cassiel at noong malapit na siya ay nagpadulas siya sa ibaba upang doon tirahin ang dalaga. Mabilis naman na nakatalon si Cassiel at kasabay niya ang paghampas niya ng kanyang latigo patungo sa kinaroronan ni Adalene. Nabasag ang tiles ng silid noong dumapi roon ang malakas na hampas ng latigo ni Cassiel na siya namang mabilis rin na nailagan ni Adalene na gumulong pagilid. Noong mapaharap siya kay Cassiel habang gumugulong ay agad niyang initsa ang kanyang tiyara pataas para salubungin ang pabgsak sa lupang si Cassiel. Nadaplisan si Cassiel ng tiyara sa kanyang tuhod ngunit hindi ito malala dahil nagawa niya pang iikot ang sarili niya sa ere upang ilagan ang tiyara ni Adalene. Kusa namang bumalik ang tiyara ni Adalene sa kanyang kamay na parang may buhay. Tumayo si Adalene sa kanyag pagkakahiga. Nagkapalit na sila ng pwesto ni Cassiel. Mabilis na ininat ni Cassiel ang kamay na may hawak na latigo at parang isang mabilis na kidlat ang kanyang latigo na tinahak paabante ang kinallagyan ni Adalene. Mabilis naman na tumagilid si Adalene upang ilagan ang latigong ito.   Pagkatama ng latigo sa pintuan ay bahagyang pinihit ni Cassiel ang pagkontrol niya dito upang bumalik at madali sa leeg si Adalene ngunit  tumalungko agad si Adalene upang ilagan ito. Sinalo ni Cassiel ang mabilis na latigo sa kanyang kamay noong mabigo siyang tamaan si Adalene Miller. Mabilis na tinahak ni Adalene ang kinalalagyan ni Cassiel. Muling hinanda ni Cassiel ang kanyang latigo at tinira ng tinira ang kinalalagyan ni Adalene ngunit mabilis itong nakakailag sa bawat kumpas niya ng latigo. Hanggang sa isang hakbang na lamang ang kanilang pagitan at ininat paabante ni Adalene ang kanyang kaliwang kamay na may mahahabang kuko upang kalmutin sa mukha ang dalaga. Napaatras bigla si Cassiel at muntik na siya maabot ng mga kuko nito. Ngunit hindi doon nagtapos ang pagtira ni Adalene dahil nasa ibaba ng kamay nito ang nakatagong tiyara. Inilabas niya ito at kung hindi agad na puluputan ni Cassiel ang paa ni Adalene ng kanyang latigo ay naabot na ng tiyara ang kanyang mga mata. Isang sentimetro na lamang ang layo nito at kitang kita niya ang talim ng tiyarang hawak ng kalabang demonyo. Napaismid si Adalene at hinatak naman ni Cassiel ang kanyang latigo kaya napadapa ang demonyo. Buong laka na hinapas ni Cassiel ang kalaban sa magkabilang pader ng silid. Tumama pa ito sa malaking salamin ng dressing room at nabasag nito. Hindi niya ito tinigilan at hinapas niya rin sa ibabang semento paitaas. Nadali ng katawan ni Adalene ang malaking bumbilya ng silid. Mabilis itong sumabog sa likod niya at nawala ang ilaw sa loob. Tanging ang natirang bumbilya sa salamin na nag iisa na lamang ang nagbigay ilaw sa saradong silid ng artista. Napabagsak si Ada sa bandang pintuan. Mabilis na umupo ito at sinubukang putulin ang latigong nasa kanyang paa ngunit matibay ito at hindi kaya ng talim ng kanyang tiyara. “Bwiset!” inis na sabi ni Adalene at napahawak sa door knob ng pintuan noong hinatak na siya ni Cassiel. Itinarak niya rin ng malakas ang kanyang tiyara sa katabing pader ng pintuan at humawak roon at nakipagmatigasan sa paghatak ni Cassiel. Natanggal na ang door knob ng pinto sa lakas ng pagkakahatak sa kanya ng anghel kaya napilitan si Adalene na kuhanin na ang tiyara at magpadala sa paghatak sa kanya. Noong nasa may ere na ay inilabas na niya ang kanyang pakpak at binalutan ang sarili. Mabilis na ibinagsak ni Cassiel ang kanyang latigo ngunit laking gulat niya ng hindi bumagsak si Adalene kasama ng latigo at ibinuka nito ang pakpak patungo sa kanya. “AAHHH!” sigaw ni Cassiel noong tamaan siya ng talim ng tiyara sa mukha. Mula sa kanyang kaliwang kalahating mukha ay bumaon ang matulis na tiyara ni Adalene paitaas sa kanyang kanang mukha at nadali nito ang kanyang mata. Napahawak si Cassiel sa kanyang mata habang dumudugo ito. Ramdam niya ang init sa loob ng kanyang sugat. Nahaluan ang kanyang laman ng dugo ni Adalene. Si Adalene naman ay lumipad pabalik ng pintuan habang dala – dala ang ngiti sa kanyang labi. Tinignan ni Cassiel ang dulo ng kanyang latigo dahil nagtataka siya kung paanong nakawala sa kanya si Adalene at nakita niya dito ang kaliwang paa na putol na at nakakabit pa sa kanyang latigo. Pinutol ng dalaga ang kanyang paa kapalit ng isang malaking sugat sa mukha ng anghel. Tuwang tuwa si Adalene habang pinagmamasdan ang mga tumutulong dugo sa mukha ng anghel na nasa harap niya. “Nasira na ang maganda mong mukha,” sabi ni Adalene at tumawa ng nakakaloko. “Hindi na rin makakakita ang iyong kanang mata. Napadiin ng pagkakahawak sa kanyang latigo si Cassiel. Hindi niya aakalaing puputulin ng kalaban ang paa nito. Hindi niya iyon naiisip. Habang patagal ng patagal na nakakatingin siya kay Adalene ay napapansin niya gkung gaano ito kademonyo. Kasiyahan nito ang makasira ng iba. Gusto niya ring hatakin ang iba kasama niya pababa. Pinalabas ni Cassiel ang kanyang enerhiya at nag ilaw ang kanyang paligid. Bigla namang nabalutan rin si Adalene ng itim na enerhiyang mula sa kailailaliman ng impyerno. Naglalaban ang dilim at liwanag sa kwarto. “Ang isang bulaklak na pilit na nagkukubli sa dilim ay patuloy na malalanta at hindi na muling tatamis pa,” ani ni Cassiel sa kalaban. “Hanggang nag aalab ang apoy sa malawak na taniman ay hindi nito hahayaang tumubo ang isang bulaklak ng pag asa. Kahit ilang beses mong tanungin ang mga bagay na iyon sa mga tao sa pamamagitan ng iyong kanta at kahit ilang beses mo pa makuha ang kasagutan ay hindi mangyayari ang hinahanap mo kung wala kang gagawin upang pumunta sa liwanag at patigilin ang apoy Adalene Miller.” “Pagka’t walang kapatawaran ang ginawa nila,” sabi naman ni Adalene sa sinabi ni Cassiel. “Itunulak nila ako sa matarik na bangin at ang bangin na iyon ang nagbangon sa akin.” “Umalis ka sa bangin,” ani ni Cassiel dito. “Huwag kang kumuha ng iba kasama dito. Huwag mo silang hatakin pababa! Gumising ka sa iyong kahibangan! Habang patuloy mo silang hinahatak ay patuloy kang naghuhukay paibaba at sa estado mo ngayon ay napakalayo mo sa liwanag.” Umiling si Adalene sa kanya. “Nasa bangin na ang mga ugat ko, anghel,” ani nito sa kanya. “Isipin mo na lamang na isa akong bulaklak na nakatanim sa bangin na ito at ang tanging bumubuhay sa akin ay ang lupang ibinibigay nito sa akin.” Napapikit si Cassiel. Alam na niya na walang pupuntahan si Adalene kundi kamatayan. Naniniwala si Adalene na wala ng ibang naghihintay sa kanya. Walang araw o liwanag sa dulo ng kanyang paglalakbay kundi dilim at kamatayan lamang. “Kung bubuhusan kita ng asido at itutulak mula sa pinakmataas ng gusaling ito ay mananatili kaya ang pananaw mo?” tanong ni Adalene dito. “Mananatili ka bang isang mabuting anghel at patatawarin ako o gugustuhin mong patayin ako ng paulit ulit?” “Isa akong mandirigma ng liwanag,” ani ni Cassiel sa kanya. “Handa akong magpatawad.” Napatawa ng mapait si Adalene. “Kay’ daling sabihin,” ani nito sa dalaga. “Hindi ako naniniwala. Hanggang may galit sa akin ang mga napatay ko ay hindi ako naniniwala.” Hindi na nagsalita si Cassiel at mabilis na niyang pinagalaw ang kanyang latigo patungo kay Adalene. Papaluputan na niya ito ng kanyang latigo at  babalutan ng liwanag. Sinangga naman ni Adalene ng kanyang tiyara ang dulo ng latigo ni Cassiel. Iniatras ni Cassiel ang kanyang latigo. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang maisahan si Adalene. Naglabas naman ng apoy si Adalene sa kanyang kamay kung nasaan ang kanyang tiyara. “Lasapin mo, anghel,” sabi ni Adalene kay Cassiel. “Ang sakit na naramdaman ko.” Matapos ay initsa ni Adalene ang apoy sa itaas kung nasaan ang labasan ng tubig kapag may sunog. Napatingin naman si Cassiel doon at ilang segundo lang ang lumipas ay pumusitsit na ito. Hindi tubig ang lumabas dito kung hindi asido. Napakaraming asido. Naramdaman ni Cassiel ang maiinit na asidong sumusunog sa kanyang balat. Hindi lang ordinaryong asido ito. May halo itong itim na enerhiya kaya tumatagos sa kanyang balat ang sakit nito. Inilabas ni Cassiel ang kanyang pakpak at ibinalot ito sa sarili. Kailangan niyang makalabas roon. Tinira ni Adalene ang mga pumupusitsit ng kanyang tiyara at nasira ito. Lumabas pa roon ang mas maraming asido at diretsong tumama ang isa sa pakpak ni Cassiel dahil katapat niya lamang ang isang labasan nito. Napatingin si Cassiel sa kanyang mga paa. Umaapas na ang asido sa sahig. Naalala niyang may bintana sa sulok kaya umatraas siya dito at binangga ito ng binangga ng kanyang katawan hanggang sa masira at doon ay lumabas si Cassiel at ibinuka ang nasunog na pakpak. Napatingin siya kay Adalene na walang emosyong nakatingin sa kanya at nalilgo sa asido. Nanlalabo na ang mga mata ni Cassiel at nasunog na halos ang kanyang balat kaya kailangan niya munang umatras. Lumipad na siya paalis roon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD