XXXVI

1808 Words
Third Person Point of View Naalala ni David ang lalaking dumungaw sa bintana habang kausap ni Alejandra si Jack. Iba ang dating nito sa kanya. Maiging pinagmasdan ng binata ang lalaking nasa pinakalikod ng bus. Wala itong bahid ng dugo sa katawan. Matapos ay tinignan niya ang bangkay. Kumpleto pa ang gamit nito. Isa lamang ang nasa isip niya. Ang hinahabol ni Alejandra ay ang tunay na may gawa ng krimen. At sadyang hinimok ng lalaking iyon na sumakay si Jack sa bus dahil alam nitog may itim itong balak ngunit sa anong dahilan ay hindi itnitinuloy ni Jack ang balak na pagnanakaw sa babae kaya siya na mismo ang gumawa ng krimen para dito. “Demonyo,” bulong ni David at agad na tinahak ang daan na tinakbuhan nila Alejandra kanina.   “Ang lakas ng loob mong maging alagad ng batas gayong hindi naman kayo mga patas na nilalang,” ani ni Alenjandra sa kanyang dalawang kaharap. Napatawa si Callum sa kaharap na anghel at sinipat ang suot suot na unipormeng pulis. “Bakit? Huli ka na ba sa balita? O sadyang napag – iiwanan ka na,” ani ni Callum dito at itinaas ang tingin. Doon na  nakita ni Alejandra ang mga pulang mga mata nito. Pinapakita nito ang bahagyang anyong demonyo. “Nakasuot na ng mga uniporme ang mga demonyo ngayon.” “Kung hindi sa pangingielam mo ay nakakanain n asana muli ako ng bagongkaluluwa,” ani naman ni Harriet. Ang lalaking sakay ng bus kanina. Doon naman napabaling si Alejandra. Tinanggal ni Harriet ang kanyang sombrero at lumabas doon ang malalaking sungay nito. Isa itong royal at kinutuban na  si Alejandra na royal rin ang pulis na katabi nito. “Magkasama kayong gumagawa ng kasamaan,” ani ni Alejandra sa  dalawa. Hindi siya makapaniwalang maiisip ng mga ito na pumasok sa mga ganoong trabaho. “Hindi na ako magtataka kung patuloy na lumalaganap ang krimen at halos walang mahuling kriminal na maging ang ma inosente ang napagbabalingan. Dahil sa inyong dalawa ay nalalanta ang isang halaman. Mga peste kayo sa halaman.” Umiling iling naman si Harriet. “Diyan ka nagkakamali, anghel,” ani nito at ngumiti. “Hindi ako pulis. Isa akong kriminal. Hindi ko na nga mabilang kung ilan na ang mga napatay ko. Kahit naman wala si Callum ay hindi pa rin ako mahuli huli ng mga hangal na tao.” “Tumahimik ka pagka’t ikaw ang hangal at hindi sila,” ani ni Alejandra dito. Malakas na napatawa si Callum dito. “Iyan ang pagkakamali mo,” ani ni Callum sa kanya. “Pagka’t mas hangal pa ang mga tao kaysa sa mga demonyo. Kung iisipin mong mabuti ay tao rin naman ang iba sa amin dati ngunit biruin mong napabilang sila sa royal at napalitan pa nila ang mga demonyo talaga. Mas mapanganib pa ang mga tao kaysa sa amin, anghel. Mag iingat ka.” “Huwag na natin patagalin pa ito,” ani ni Harriet at inilabas ang mga itim na pakpak. “Gagamitin ko na agad ang aking buong lakas upang agad kang matalo. Ikaw na lang ang ipapalit ko sa nawala kong pagkain kanina.” Nagdadalawang isip si Alejandra kung haharapin niya ba ang dalawang demonyong na sa harap niya ngayon. Nasa panganib siya ngayon gaya na nga ng sinabi ni Helena ay dapat niyang protektahan ang kanyang sarili laban sa mga ito dahil siya ang hinahanap ng demonyo. Mas lalo siyang mapapahamak kung malalaman ng mga ito na siya ang hinahanap nilang anghel. Hindi pa batid ni Alejandra kung gaano kalakas ang mga kalaban niyang ito. Hindi niya pa ito nakakalaban. Mas makakabuti para sa kanya ang umatras na lamang ngayon gayong nag iisa siya. Umatras si Alejandra ng bahagya at alam na ni Callum ang senyales na iyon kaya  inilabas niya rin ang kanyang itim na pakpak saka lumipad at tinahak ang likuran ni Alejandra upang wala itong puntahan. “Wow,” ani ng isang bata na nasa pinakataas ng gusali at nakadikit ang mukha sa glass window. Manghang mangha ito sa kanyang nakikita. Mula sa kanyang kinalalagyan ay kitang kita niya ang mga pakpak ng dalawang lalaki na napakalaki. “Look mommy,” ani ng bata dito. “An angel!” “Mommy look!!” dagdag pa nito ng hindi pinansin ng ina. “Wait lang, baby,” ani ni Maxima sa kanyang anak. “May ginagawa ang mommy.” Nag aayos ito ng mga papeles ng kanilang kompanya habang inaantay ang kanyang asawa. Hindi na lang nagkulit pa ang bata at patuloy na pinanood ang tatlong tao na naglalaban sa baba.     Nag apoy ang palad ni Callum at mula roon ay lumabas ang isang gintong baril. Ngumiti ito at mabilis na itinutok kay Alejandra ang kanyang baril saka pinaputok ito ng apat na beses. Sa lapit nila sa isat isa at nakatalikod pa si Alejandra ay sigurado siyang tatamaan ito sa posiyon ng kanyang mga bala ngunit napatigil siya at napatitig sa mga balang nakalutang lamang at  hindi tumama kay Alejandra. Para itong nagfreeze sa ere. Kumunot ang noo ni Callum sa nakikita. Nabatid niyang kayang kontrolin ng anghel na ito ang mga bagay. Naghiwalay ang apat na bala at nahati sa dalawa. Inilagan nito ang nakatalikod na si Alejandra at mabilis na tinahak ang kinalalagyan ni Harriet. Agad naman na isinumon ni Harriet ang kanyang karit sa apoy at mablis na sinangga ang mga balang patama sa kanya. “Alejandra,” ani ni Harriet at napangiti saka napadila ng labi. “Ikaw ang tinutukoy nilang anghel. Ang anghel na hinahanap ni Urdu.” Napatawang muli si Callum. “At sinong mag aakala na dito ka namin makikita?” ani n Callum dito. “Na ikaw pa ang maghahabol sa amin. “ Nagtinginan si Harriet at Callum at tumango sa isat isa. Mabilis na tinahak ni Harriet ang kinalalagyan ni Alejandra. Si Callum naman ay sunod sunod na pinaputok ang kanyang baril. Mabilis na inilabas ni Alejandra ang kanyang pakpak at lumipad paitaas. Agad rin na lumipad paitaas sila Harriet at Callum saka hinatak pababa si Alejandra. Malakas na bumagsak si Alejandra sa lupa dahil inatsa siya ng dalawa pabagsak. Paglingon niya sa mga ito ay mabilis na nasa harapan na niya si Harriet at nakaamba na ang karit nito upang sugatan siya. Agad naman na inilabas ni Alejandra ang kanyang espada sa kamay ay mabilis na sinangga ang paparating na karit ni Harriet. Sinipa niya ito palayo sa kanya. Ang bala naman ni Callum sa itaas ang mabilis na sumalubong sa kanya. Mabilis na hinati ni Alejandra ang mga balang ito gamit ang matalim na espada niya. “Hindi mo nga binbigo sa laban ang kalaban mo, Alejandra,” ani ni Callum dito. “Sadya ngang magaling ka.Ngunit sayang lang ang iyong galing dahil mamamatay ka lang naman din.” “Sisisguraduhin kong mamatay muna kayo bago ako,” ani ni Alejandra dito at siya naman ang sumugod. Alam niyang wala na siyang ibang choice kundi nag labanan ang mga demonyong ito. Mabilis niyang tinahak ang kinalalagyan ni Callum at inamba niya dito ang kanyang espada. Nasagi ng talim nito ang kamay ni Callum ngunit kaonti lang dahil mabilis ring nakailag ang lalaki sa ginawa niyang pagsugod. “Mukhang may tatapat sa bilis ni Lilith,” ani ni Harriet habang nakangiti. Nag eenjoy ito sa laban nila ngayon. Nagsasawa na rin siya sa laban niya sa mga tao dahil walang binabatbat ang mga ito sa lakas niya. Siguro siyang mahahasa nanaman ang kanyang galing kapag nakahanp siya ng kanyang katapat. “Mukhang nagmamadali na ata kayo sa mga inaatas na misyon sa inyo,” ani ni Callum kay Alejandra. “Parang noong minsan lamang ay kalaban niyo ang mga kasama naming royal at ngayon ay kalaban ka naman namin.” “Nakakatawa na wala man lang kayong nahuli ni kahit isa sa kanila,” natatawang sabi ni Harriet. “Balita ko ay ipinadala na kayo lahat pero mukhang mas malakas pa rin talaga ang grupo namin kaysa sa inyo. Medyo nadisappoint ako roon na kumpleto pa rin kaming royal kahit na nagkaharap na kayo.” “Dahil kayo ang unang malalagas sa kanila,” ani ni Alejandra at itinapat ang kamay sa dalawang demonyo. Napatingin sila Callum at Hariiet sa kanilang mga sandata na kusang gumagalaw. Nanginginig ang mga kamay nila habang pinipigilan ang mga ito. Kusang tumutok kay Harriet ang baril ni Callum at ilang segundo lang ay sunod sunod na pumutok ito. Hindi naman maigalaw ni Harriet ang kanyang karit kaya wala siyang nagawa kundi ang ilagan ang mga ito ngunit hinabol pa rin siya ng mga bala. “Ilayo mo sa akin ang mga bal among ito,” ani ni Harriet habang iniilagan ang mga balang wala siyang balak tigilan. Nakangiti naman si Callum habang pinagmamasdan ang lalaking umiilag. “Ang lakas ng loob mong utusan ang aking mga bala,” ani ni Callum kay Alejandra. “Ngunit pasensya na, anghel pagka’t ako pa rin ang may pinaka may kontrol sa kanika.” Nabalot ng apoy ang mga bala at naglaho ito na parang isang bula. Napatigil naman si Harriet sa pag ilag at itnago na rin ang karit sa apoy. Walang silbi ang kanilang mga armas kay Alejandra kaya naman wala ng saysay upang ilabas pa nila ito. Tumubo ang mga sungay sa ulo ng dalawa at naglabas sila ng mga apoy sa kamay. “Hindi naman siguro kailangan na buhay natin siyang dadalhin kay Urdu,” ani ni Callum kay Harriet at mas nagalab ang apoy sa mga kamay. “Hindi naman natin kailangan patayin ang babaeng ito,” ani ni Harriet kay Callum. “Mas malaki ang pakinabang niyakung buhay siya.”   “WOW FIRE!” sigaw ng bata sa may binatana habang  pinagmamasdan ang mga nilalang na naglalaban sa baba.   Habang sa kabilang banda naman ay magkatitigan si Cassiel at Adalene. Nag iba na rin ang anyo ni Cassiel. Naging pandigma na ang kanyang suot. Hudyat lamang na handa na siyang makipaglaban kay Adalene. Hawak hawak ni Adalene ang kanyang tiyara at nag inat inat. “Kung hindi ka nila napatay noon,” ani ni Adalene kay Cassiel. “Ako ang papatay sa iyo ngayon. Nangangati ang aking mga kamay na sirain ang iyong mukha.” Hinampas naman ni Cassiel ng latigo ang lamesang nakaharang sa kanilang harapan. “Hindi ako mamatay dito,” ani ni Cassiel sa kanya. “Hindi, habang hindi ko pa siya nakikita.” Napatawa si Adalene sa kanya. “Wala ng heneral ang magsasabi sa iyong tumakbo upang makaligtas ka, anghel,” ani ni Adalene dito na ang tinutukoy ay si heneral Xi na tagapaglingkod ni Cassiel dati. “Iniwan mo siya sa ilog.” Napadiin ng pagkakahawak sa kanyang latigo si Cassiel. Apektado pa rin siya hangang ngayon ng kanyang nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD