Third Person Point of View Lumapag sila David sa pinakatuktok ng gusali ng kanilang headquarters. Agad silang nagtungo sa kanilang klinika upang mabigyan ng lunas. Noong mapansin ni Erapel ang mga kasama ay agad niyang binuksan ang pintuan at pinapasok ang mga ito. “Anong nangyari?” tanong ni Erapel na lumapit kay Fuji. “Mahabang salaysalay,” ani ni Fuji sa kanya habang hawak – hawak ang balikat. Lubos naman na nag – alala si Erapel sa nakitang butas sa balikat ng kanyang nobyo. “Si Alejandra ang unahin mo,” ani ni Fuji noong tangkang gagamutin siya ni Erapel. “Malalim ang sugat na tinamo niya. Kailangan niya agad mabigyan ng lunas dahil kung hindi ay baka ikamatay niya. Ayos lamang ako. Hindi naman masyadong malala ang natamo ko.” Sa katotohanan ay nanghihina rin si Fuji sa sugat

