Third Person Point of View Nakayuko lamang si Alejandra. Masakit para sa kanya ang malaman ang katotohanan. Sa lahat ng itim na anghel ay si Leviar pa talaga ang hindi niya inaaasahan. Ginulat siya nito sa mga nangyari. Hindi niya lubos maisip na kayang gawin iyon ni Leviar. Malaki ang tiwala ni Alejandra sa lalaki gayon na rin ang kanyang pagmamahal dito. Kaya labis labis siyang nasasaktan sa ginagawa nito. Naguluhan na rin siyang bigla. Pagka’t sinabi nito na niloko lamang siya ng lalaki ngunit nagmamahalan sila dati. “Kung ganoon ang anghel na kilala mo rati ay ang hari ng impyerno ngayon,” ani ni Helena. “Kailangan niya ang yong pakpak dahil hati ang kapangyarihan niya ngayon at dahil sa sugat na ginawa mo sa iyong sarili kaya lamang nakawala kayo sa kanyang mga kamay.” “Ganoon na

