Third Person Point of View “Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako napapatawad?” tanong ni Aciera kay Lilith. “Ilang beses ko pa kailangan lumuhod sa harap mo upang mapatawad mo? Ilang beses ko pa ba sasabihin sa iyo ang mga salitang patawad?” Tumawa ng malakas si Lilith. “Patawad?” tanong ni Lilith. “Sa tingin mo ba kung marunong kami magpatawad ay narito kami sa kinalalagyan namin ngayon?! HINDI!! Alam mo kung bakit? Dahil kahit kailan ay hindi namin mappatawad ang mga taong nagawa sa amin ng kasalanan! Sa sakit na dinulot mo ay kahit hindi ko na mabilang ang paghingi mo ng kapatawaran ay hindi mo pa rin makakamit ang kapatawaran ko!” Naguguluhan si Atticus ngayon kung anong meron sa dalawa. Hindi niya alam na may nakaraan ang mga ito. Gayunpaman ay alam niya kung ano ang dapat

