Third Person Point of View Napahawak si Filomena sa balikat ni Louie dahil bigla syang nanghina sa mga narinig niya. “Imposible,” ani ni Filomena. “Maaaring maalala mo ang nakaraang buhay mo ngunit mga sandaling parte lamang nito. Sa mga sinasabi mo ay tila nakita mo ang lahat na tila nabuhay ka muli sa nakaraan. Paano mo akong nakilala, Louie? Matagal na akong binura sa isipan mo.” Walang ibang nagawa si Filomena kundi ang umamin na. Labis rin siyang nagulila sa lalaking kaharap niya ngayon. Lagi siyang naghihintay para dito. Nadala siya ng kanyang damdamin sa mga oras na ito. “Hindi ang isipin ko ang nakaalala sa iyo, Filomena, kundi ang aking puso,” sabi ni Louie at ngumiti sa kanya. Napapikit muli si Filomena upang hindi makita ang mga ngiting ito. Dahil baka iba na ang piliin ni

