Third Person Point of View Tinitigan ni Hadiyaah ang hawla kung nasaan si Alejandra. Habang si Alejandra ay pinagmamasdan ang babae at ioobserbahan kung ano ang susunod na gagawin nito. “Hindi ko akalaing sila Callum at Harriet lamang ang makakahuli sa iyo,” sabi ni Hadiyaah at lumipat sa harapan ng hawla. “Ang dalawang mahinang mga demonyo na iyon ay nahuli ka? Tila nakakatawa ngunit wala akong pakielam pa sa storya kung paano ka nahuli pagka’t iba ag pakay ko kaya kinakausap kita. Nasaan si Valsen?” Hindi na nagtaka pa si Alejandra ng magtanong ito. Napansin niya rin naman dati ang kakaibang kinikilos ni Valsen dahil kay Hadiyaah. “Anong koneksyon niyong dalawa?” tanong ni Alejandra. “Wala ka ng pakielam doon,” sabi ni Hadiyaah. “Kung ganoon ay alamin mong mag – isa kung nasaan siy

