Third Person Point of View Agad na hinawakan ni Alejandra ang lupa upang doon pagapangin ang liwanag niyang enerhiya noong umalis si Lilith doon. Susubukan niyang gamitin ito upang matunton ng kanyang mga kasama ang pinaglalagyan niya. Unti – unti niyang pinagapang ang liwanag sa lup. Sa paglabas nito sa kanyang kamay ay humihina ang liwanag dahil malakas ang enerhiya ng dilim na pumapalibot sa lugar. Hindi niya pwedeng mas padamihin pa ito dahil paniguradong uubusin agad nito ang kanyang enerhiya. Pumikit siya upang damdamin ang lupa at ng makita kung saan dapat dumaan ang liwanag. Isang lalaki ang tumapak sa liwanag na iyon sa labas ng gusali noong makita niyang unti unting gumagapang ito. Mabilis na sinakop ng itim ang liwanag at mabilis na sinundan nito ang pinanggalingan nito.

