Chapter 2. Cold and Lifeless

2022 Words
IANA's POV "Ano pong ulam pa?" Bago ako umakyat sa hagdanan papuntang kwarto ay nakita ko ang gwapong-gwapo kong papa na abalang-abala sa loob ng kusina. Naka-apron pa habang naggagayat ng sibuyas. Walang-wala sa itsura n'ya kapag nasa bahay lang ang pagiging professional pediatric doctor. Siya ang tagaluto namin ng hapunan at almusal. Si papa rin ang madalas na gumagawa sa bahay everytime na may day off s'ya. Never pinakilos ni papa si mama sa tahanan namin. Sabi n'ya kase, pinakasalan n'ya si mama para maging ina ng mga anak n'ya at reyna ng kanyang buhay. Cheesy. Minsan takip tenga na lang. So ayun nga, hindi n'ya daw inasawa si mama para maging katulong at yaya naming mga anak n'ya. Kaya heto. Pero kahit pagod na 'yan galing sa trabaho, ni minsan hindi naisip ni papa na kumuha ng katulong. Ewan ko rin kung bakit. Kung tutuuisin, kaya naman nilang magbayad. Napapailing na lang ako. Kaya habang nagkaka-edad si mama lalong nai-spoiled sa kanya. Tsk. Mapapasana-all na lang ang lahat. "Adobong kangkong at pritong daing na bangus." habang seryoso sa ginagawa ay sumagot ang papa ko. Ni hindi man lang ako nilingon na bunsong anak n'ya. Ganoon talaga kapag hindi ka masyadong paborito. "Okay po. Mamaya na po ako kakain pa, ah. Tatapusin ko lang po mga assignments ko. Tirhan mo po ako ng maraming kangkong pa." "Copy mam!" Napangiti na lang ako sa sagot ni papa. Dali-dali na akong umakyat sa kwarto at saka hinagis sa kama ang bag na dala-dala ko. Ang totoo, hindi naman mahirap yung assignment na gagawin ko. At assignment lang 'yun, hindi assignments. Pina-OA ko lang dahil gusto ko munang tumambay sa higaan. Magmumuni-muni ba. Tas iidlip saglit. Tas iikot-ikot sa malambot kong kama. Saka ako bababa kapag kakain kapag tipong kinakain na ng large intestine 'yung small intestines ko kasama ang mga bulate ko pa sa tiyan. Walang habas akong nag-unat ng mga braso nang mahubad ko na ang long sleeve blouse na uniform namin. Isusunod ko na sana ang palda pero bigla akong na-estatwa sa tanawing nabungaran ko... May tao sa kabilang bahay. Nakatayo s'ya sa maliit na terrace ng kwarto at... His eyes were cold and lifeless while looking at my direction! Sa sobrang liwanag ng ilaw sa loob ng kwarto ko, imposibleng hindi man lang n'ya nakita kahit ang silhouette ko. S'ya nga kitang-kita ko eh. Kaso, bakit parang nakaramdam ako ng kaunting dissapoinment noong wala man lang akong mabasang reaksyon sa erhm... gwapong mukha n'ya? Para s'yang estatwa na nakatayo lang habang ang mga mata n'ya ay nakatutok sa direksyon ko. Ahmm... Yeah. Nakatutok nga ba? Yes, nagkatitigan pa nga kami. So he's defenitely looking at me. Gusto ko pa sanang lumaban ng titigan kaso may na-realize ako eh. Doon na nanlaki ang mga mata ko at dali-daling itinakip ang magkabila kong braso sa tapat ng dibdib ko. Anak ng teteng! Salamat sa bra dahil altleast natakpan ang dalawang mumunting bundok ko! Bigla akong nataranta at nahiya ng slight. Sinong matinong babae ba naman ang hindi matataranta kung kulang na lang ibilad sa mata ng iba ang murang katawan? Huhuhu. Magiging virgin pa ba ako? Never pa akong nagpakita ng naka-bra sa iba kaya nasa-shy ang lola n'yo! My goodness! Wahhh!!! gustong-gusto ko na talagang sumigaw dahil ang gwapong nilalang sa kabilang bahay. Nanatiling nakatingin sa akin! Huwag poo! Haist. Mapapalo ko na talaga 'yung nanay ko eh. Inalis-alis ba naman ang kurtina sa kwarto ko tapos hindi naman pinalitan?! Huhu. Paano na ang dangal ko ngayon? Mamaaaaaaaaa! Gusto ko tuloy maglupasay sa labis na gulat at kahihiyan. Kasalanan mo naman 'yan Gabrianna eh! Bakit ba kase hindi ka marunong mag-check ng paligid?! Alam mo namang may mga nakatira na d'yan sa kabila. Hindi na 'yan abandonadong bahay. Huwag ka namang hubad ng hubad ng wala man lang pasabi. Parang baliw na pinagalitan ko pa ang sarili ko. Gusto kong iuntog sa pader ang ulo ko pero huwag na lang. Ayoko sa masakit. Huminga na lang ako ng malalim. Ilang beses rin akong lumunok para mabasa ang nanunuyo kong lalamunan. Ipinikit saka ikinurap-nurap ko rin ang mga mata ko para marelax ako ng kaunti. My goodness! Anong sitwasyon ba 'tong pinasok ko?! Naniningkit ang mga matang tumingin akong muli sa estrangherong nasa kabilang bahay. He's still looking at me..? What to do?! Ako 'yung tinititigan habang naka-bra na lang pero bakit parang ako 'yung kriminal the way he look at me? Huwaahhhhh! Hindi ko naman talaga alam na may gagamit na niyang kwarto na katapat na katapat pa mismo ng kwarto ko okay?! Argh! This is so embarrassing. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka nagmamadaling sumalampak sa sahig. Asar na sinabunutan ko ang sarili ko. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang sinisilip ang lalaking nakatayo sa maliit na terrace sa kabilang kwarto, dinig na dinig ko ang pag-dug dug, dug, dug ng puso ko. Waaaaait...! Never in my entire life na nakaramdam ako ng ganitong kaba. Ngayon pa lang. As in ngayon pa lang. Sinapo ko ang nagkabila kong ulo saka nanlulupaypay na sumandal sa pader. Pilii kong pinapakalma ang sarili ko. Teka nga... Hindi kaya nagandahan s'ya sa katawan ko? Naakit kaya s'ya sa alindog ko? Halaaa! Nahihiyang tinakpak ko ng magkabila kong palad ang magkabila kong pisngi na parehong nag-iinit dahil sa pagb-blush. Nakakainis. Kasalanan talaga 'to ni mama. Nakakahiyaaaa! Parang gusto ko na lang ipakain ang sarili ko sa sahig. Dahan-dahan akong tumingkayad. Tiningnan ko kung naroon pa s'ya at muntik na akong mapasigaw noong makita kong nakatingin pa rin s'ya sa pwesto ko. Oh my goodness! Oh my goodness! Kalma Gabrianna, kumalma ka. Pero teka lang. Wala akong kasalanan okay? Hindi naman ako nang-aakit o ano pa man. Wala naman s'yang abiso na yung kwarto pa lang gagamitin n'ya ay katabi ng kwarto ko. So hindi ko sinasadyang magpakita ng katawan. Hindi talaga! Ang tagal-tagal ko ng ginagawa ang ganito eh. Natutulog pa nga ako minsan ng nakasando at panty lang tas nakabukas ang buong bintana. Pero syempre naka-lock ang kwarto dahil ayokong makita ako ni papa at nila kuya sa ganoong ayos. Ginagawa ko lang naman 'yun kapag mainit. Pumikit ulit ako ng mariin saka huminga ng malalim. Dear sahig ng kwarto ko na hindi pa rin ipinapa-tiles ni mama at papa. Pwede bang kainin mo na ako ngayon? Paano ko ba malulusutan ang kahihiyan kong 'to?! "Shan? Kakain na hijo. Bumaba ka na d'yan." Natahimik ako nang may marinig akong boses. Boses ng may edad ng babae. Galing sa kabilang bahay. "A'right. Coming." Lalong kumalembang ang puso ko noong marinig ang malamig at swabe n'yang boses. Englisero. At enebe. Boses n'ya pa lang sobra-sobrang palpitations na ang pinagdadaanan ng puso ko. Tumbling paharap at back flip na yata ang ginagawa ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy aatakehin ako sa puso ng wala sa oras. Dahan-dahan akong gumapang patungo sa bintana ng kwarto ko na katapat ng bintana niya. Palihim ko pa rin s'yang sinisilip habang papalabas s'ya ng kwarto n'ya. Hangtangkad besh! Likod pa lang ang sarap na sa mata! Weyt, weyt ,weyt...! Sandali nga Gabrianna. Bakit ba para kang asong di mapaanak sa kilig? Okay ka lang girl? May sapi ka girl? Naiiling na kinutusan ko ang sarili ko. Dali-dali na rin akong tumayo saka kumuha ng t-shirt sa drawer. Grabe. Nakakaloka talaga ang ginawa kong paghuhubad ng hindi man lang nagchi-check kung maayos pa ba ang estado ng kwarto ko. Nakakahiya ako. Ni hindi man lang sumagi sa isipan ko na walang kurtinang nakalagay sa mga bintana ng kwarto. Mariin akong pumikit para mawala sa isipan ko ang ginawa kong kahihiyan kanina. Haist. Don't get me wrong, Alam kong normal na lang ngayon ang makakita ng babaeng naka-bra or naka-two piece or one piece. Pero men, never ko pa talaga ginawa 'yun. Wala akong tiwala sa katawan ko kahit na paulit-ulit na lang sinasabi ng mga kaklase ko na maganda daw ang hubog ng katawan ko. Like duh. At teka nga. Ano nga ulit ang pangalan n'ya? Shan? Shaun? Shawn? Hindi ko masyadong narinig dahil I'm feeling so shaky inside, promise. Pero parang ganun nga yata ang tunog. Ano ba 'to self. Bakit ka naman nininerbyos ng ganyan? Hindi lang naman s'ya ang nakita mong gwapo in your whole life! Dahan-dahan akong naupo sa kama ko. Pagkatapos ay muli akong sumilip sa kabilang bahay. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa itaas ng bahay nila habang nakabukas naman ang lahat ng ilaw sa ibaba ng bahay. "Oh, anong nangyari sa'yong bata ka?" Napalingon ako sa pintuan nang kwarto ko. Nakatayo doon si mama habang may nakasukbit na kurtina sa isang braso nya. "Ikaw na ang magkabit nitong kurtina mo ha. " utos nito saka inilapag sa kama ko ang dala-dala n'ya. Tumango lang ako. Pilit kong pinipigilan ang pagtaas-baba ng dibdib ko. "Masama ba pakiramdam mo?" Nakakunot-noong tanong ni mama. Hihipuin n'ya sana ang noo ko pero bahagya akong umiwas at sunod-sunod na umiling. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nalulon ko ang aking dila. Hayyyy. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang itsura ng lalaking 'yun. Parang hindi s'ya nababagay sa lugar na 'to. Kulang ang salitang gwapo para i-define ang pagmumukang nakita ko kanina. And maybe, it's the main reason kung bakit ganito ka-kumplikado ang pagkabog ng dibdib ko. Oo sanay akong makakita ng gwapo, si papa, mga kuya at mga pinsan ko na lang eh. Kaya nga ako maganda diba? Kase nasa lahi talaga namin. Pero... He's like a celestial being. "Hoy! Gabrianna Joëlle! Ano bang nangyayari sa'yo ha?" Nakapamewang na si mama at hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala s'ya. Kailan pa naging si Flash ang nanay ko? Dahan dahan ko s'yang tiningala. Pinipilit ko pa rin pakalmahin ang puso ko. "Ma?" "Oh? Umayos ka d'yan kung hindi matatamaan ka talaga sa akin," banta na naman n'ya. Tumingin lang ako sa kabilang bintana. Nagkataon lang ba? Nagkataon lang ba na katapat na katapat ng bintana nang kwarto ko ang veranda nang kwarto n'ya? "Nakita ko na ang future son-in-law mo, ma." Seryosong-seryosong sambit ko sa mahinang boses. Isang malakas na kutos ang natanggap ko mula sa magaling kong nanay. "Umayos ka ngang bata ka. Akala ko pa naman sinasapian ka na. Nababaliw ka lang pala. Hala, baba! Kumain ka na ng magkalaman na 'yang utak mo. Sinasabi ng huwag magpapagutom." "Maa! Huwag naman po kayo sumigaw! Nakakahiya!" Palihim pa akong sumilip sa kabila. At nakahinga ako ng maluwag nang makita kong sa ibaba pa rin ng bahay nila ang may ilaw. "Umayos ka nga Iana! Iayos mo na 'tong kurtina mo ha. Iayos mo na yan at bumaba ka na. Puro ka kalokohan." Napanguso na lang ako nung lumabas na ng kwarto si mama. Sinundan ko s'ya ng tingin habang naglalakad s'ya palabas ng kwarto. Kita mo 'yan. Hahanap-hanapan ako ng jowa tas ngayong may gusto na akong juwain puro kalokohan naman daw ako. Hmp! Dahan-dahan akong tumayo saka kumuha ng upuan para doon tumuntong. Tila wala pa rin sa sariling inayos ko ang kurtina sa lagayan. Hindi mawala sa isip ko ang itsura ng lalaki kanina. Matalas ang memory ko kaya naman hindi mawaglit-waglit sa isipan ko ang mukha n'ya. And thinking about it again, wala man lang s'yang karea-reaksyon habang halos nakahubad na ako kanina. Para lang s'yang nakatingin sa hangin. Huminga ulit ako ng malalim. Napaka-assume-mera ko talaga. Paano ko naman nasabing mawawalan ako ng dangal eh wala ngang pake 'yung nakatingin. Para ngang walang nakikita kanina eh. Nataranta lang ako ng wala sa lugar. Nag-assume na pagnanasaan ako ng ganun kagwapo at kaperpektong nilalang. Parang bigla tuloy ako nawalan ng gana sa paglalagay ng kurtina. Dapat ba hindi na lang ako yumuko kanina? Pero hello, lahat naman siguro ganun ang magiging normal na reaksyon. Anyway. Naakit man s'ya or hindi. Paki ko ba. Pero, letsugas naman. Bakit ang lakas lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko?! Calm down! Calm down! Paulit-ulit ko pang tinapik tapik ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay lalabas na mula roon ang puso kong hindi malaman kung saan ipupwesto ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD