Chapter 3. In-Laws?

1731 Words
IANA's POV Puyat ako but I feel so refreshed! Ako lang yata ang puyat sa buong mundo na feeling refresh pa rin. Sa totoo lang, hindi ko rin ma-gets ang sarili ko. Ako lang yata ang abnormal na nakakaisip ng ganito. Napapailing na lang ako sa sarili ko. Ang tagal-tagal kong ginawa ang assignment ko kagabi para lang masilayan ang ipapakilala ko sanang future son-in-law nina mama at papa kaso wala eh, hindi na s'ya nagbukas ng ilaw. At parang hindi na rin s'ya bumalik sa kwarto. Naka-move on na ako sa sakit at kirot na naramdaman ko kagabi dun sa point na parang nakatingin lang s'ya sa hangin habang nakahubad baro ako. Anyway, since dito na sila titira. And since s'ya na ang target ko as my future jowa and my inay and itay's future son in law---maraming pagkakataon pa naman para akitin ko s'ya diba? Huwag naman sana s'yang manhid. Dahil kapag nagkataon, kahit na balatan ko pa ang sarili ko, kahit na gaano pa kakurbada ang katawan ko, wa-epek din kung parang tuod lang ako sa paningin n'ya. Hayy. Wait... Hindi kaya...? Hindi n'ya talaga kwarto 'yung pinagtambayan n'ya kagabi? Napatambay lang siguro s'ya 'no? Or baka naman natakot sa akin? Mag-borles ba naman ako sa harapan niya eh. Unang araw ba naman ng pagpunta nila dito tas may makikita s'yang di kanais-nais. Ewan ko na lang talaga kung di s'ya matakot. Tsk. Si mama naman kase eh. Alam na hubadera ang anak n'ya, nag-alis alis pa kase ng kurtina. Aish! Kakabaliw! Naiinis na sinabunutan ko ng bongga ang sarili ko. Hindi naman siguro s'ya affected sa nakita n'ya no? Hindi naman siguro s'ya nandiri at narimarim ano? Grrr! "Aba, himala 'dzai. Bakit maaga ka yatang nagising?" Pagkapasok na pagkapasok ko sa sala ay iyan kaagad ang bungad sa akin ng magaling kong tiyahin. Mukhang maaga na namang nagising ang isang 'to. Nagkibit ako ng balikat. Kailan ko ba naunahan sa pagbangon ang nilalang na 'to? Nakikipag-unahan yata 'to sa mga manok ng kapitbahay sa paggising. "Pakialam mo ba." Pinandilatan ko na lang ang tyahin kong si Gigi. Ang galing talaga nitong manira ng araw. "Anong oras ang pasok mo 'nak?" Mula sa kusina ay tanong ni papa. Mabuti pa si papa, palaging ang lambing-lambing. Pagkaswerte-swerte naman talaga ng nanay kong parang nakalunok ng megaphone. Tsk. Tsk. Tsk. "Mamaya pa pong ten pa," walang kagana-gana kong sagot. "Oh, bakit ang lungkot ng bunso ko?" Ang lakas talaga makaramdam ni papa. Alam na alam n'ya kapag hyper ako or kapag down na down ang pakiramdam ko. "Ano na namang kadramahan 'yan Iana?" masungit na tanong ni mama na nakaupo sa tabi ni papa. Tinatamad na nilingon ko si mama. Nasa early 50's na s'ya pero parang nasa 40's lang. Kaya hindi na talaga ako nagtataka kung bakit ang ganda ko eh. Kaso, bakit parang hindi ko yata namana ang karisma ni mother earth? Mula ata grade six, wala pa akong natatandaang may nagkagusto sa akin. Ay oo nga pala. May manliligaw nga pala ako ngayon. Kaso, parang nant-trip lang ang mokong. Tsk. Tsk. Kung hindi rin lang pala ako 'charismatic', then I'll just have to work hard para mapansin ng taong gusto ko. Ngayon na nga lang ako nagkagusto, susukuan ko ba kaagad? Muling lumitaw sa isipan ko ang gwapong mukha ng bago naming kapitbahay. Anong sinabi ni Dylan Wang sa itsura ng magiging future jowa ko? Kaso nga lang... Aish! "Hayy. I think I just lost your future son-in-law." Malungkot kong bulong habang bumubuntong-hininga na rinig na rinig ng buong pamilya ko na pawang mga bagong gising pa naman. "Hahaha. For real? Feeling mo may magkakagusto sa'yo?" ang lakas pa ng hagalpak ng tawa ng nanay ko. Kung makapanlait naman kala n'ya hindi ko nakuha ang pagmumukha ko sa kanya. Kung hindi lang talaga ako isusumpa ng kanunu-nunuan ko, kukutusan ko ng isa 'tong si mama eh. Nakakasakit na kaya s'ya. Bumababa self esteem ko dahil sa mga panlalait n'ya eh. Tsk. Mothers. Kung hindi nga kami magkamuka iisipin ko talaga na napulot n'ya lang ako sa imburnal. "Paaaa! Tingnan mo po asawa mo pa, oh. Para namang walang magkakagusto sa akin eh." Nakasimangot na reklamo ko at nagdadabog pa akong lumapit kay papa. Natatawang inabutan ako ni papa ng pera. "Ano 'to pa? Pampalubag loob?" "Your the prettiest, anak. Huwag mong pansinin ang mama mo. Now go. Bumili kang pandesal. Isoli mo ang sukli," natatawang ginulo pa ni papa ang buhok ko. Hmp! Ang galing galing talaga mang-uto ng tatay ko. Tatanggapin ko na sana ang suhol n'ya. Pambili pala ng pandesal. "Ilaaan?" Naghihikab kong tanong. "One hundred pesos," sagot ni papa. Tiningnan ko ang five hundred na inabot ng tatay ko. Tsk. Babalik na lang talaga ako sa higaan pagkabiling-pagkabili ko ng pandesal. At baka mamaya, gawin pa akong muchacha ni mama. Naghilamos lang ako saglit saka lumabas ng bahay namin. Nang mabuksan ko ang gate ay nakita ko ang matandang lalaki sa kapitbahay namin na nagdadamo sa harapan ng bahay nila. Wait... Biglang nag-twinkle ang mga mata ko nung marealize ko na si Tatang ay isa dun sa lalaking pumasok sa gate kahapon. Bigla akong nakaramdam ng pag-asa! "Hello po Tatay! Good morning!" masiglang bati ko sa future...ahm... Grandfather in law? Or would it be father in law? Alin sa dalawa? Well, tatay na lang muna for now. Play safe tayo. Lumingon sa akin ang matanda. Hmm, matanda na talaga s'yang tingnan. Maybe nasa late 50s? Or 60 plus? And he does'nt look like a rich one. Sabi ng tyahin kong magaling mga rich daw sila? Anyway, who cares if he's mayaman or not. I just wanted to give my mama and papa their future son-in-law, okay? His wealth does not concern me at all. Sa galing kong magluto, hindi kami magugutom. Fighting Gabrianna! Fighting! "Good morning." Nakangiting bati nya din sa akin kahit na nakikita ko sa mga mata n'ya ang mga katanungang 'kilala ba ako ng batang 'to? Nagkita na ba kami dati, kilala ko ba s'ya?' something like that. "Leng, bibili muna ako ng pandesal." sabi ng matandang babae na papalabas sa kinakalawang na gate. Napalingon ako sa matandang babae na lumabas sa gate ng bahay. "Good morning po. Gusto n'yo po bang sumabay? Alam n'yo po ba kung saan ang bakery?" Nakangiting tanong ko sa in-law ko na kitang-kita kong nagulat sa akin. Heh. Hindi ko po susukuan ang apo or anak n'yo. Please take care of me in the future. Nangniningning ang mga matang wika ko pa sa sarili ko. Tinitigan ako ni nanay. Pagkuwan ay tumingin s'ya saglit sa matandang lalaki na kanina pa huminto sa pagbubunot ng d**o. Tapos ay tumingin s'ya ulit sa akin. "Ako nga pala si Tatang Greg. Ito naman ang asawa kong si Bettina. Tawagin mo na lang s'yang Nanay Bet." "Oh, hello po. Ako po si Gabrianna. Gabrianna Joëlle po. Pero Iana na lang po itawag n'yo sa akin. Welcome to the neighborhood po." Malambing kong sambit saka ibinigay ang pinakamaganda kong ngiti. First impression lasts okay. So ngayon pa lang, magpapa-impress na ako. Yiee! Sulit din naman pala ang paggising ko ng pagkaaga-aga eh. Ngiti pa Iana. Okay lang 'yan. Ngiti ka pa kahit kita na buong gilagid mo. Basta 'wag ka lang mapapagkamalang supladita. So there. I gave my best to smile sweetly and genuinely. Yung ngiting mukang harmless. Yung ngiting hindi ako mapaghahalatang gustong-gusto kong kainin ng buo ang anak or apo nila. Ngumisi ako ng palihim. "Hindi ba ako nakakaabala sa'yo hija? Magtatanong-tanong na lang sana ako kung nasaan ang bakery dito." "Naku hindi po. Hindi po kayo nakakaabala. Pupunta din naman po ako sa bakery so it's no big deal po." Nakangiting hinawakan ko pa sa braso si Nanay para alalayan s'ya. Hindi naman sa sipsip ako. Malapit lang talaga ang loob ko sa mga matatandang babae. Or sa mga lola. Lumaki kase akong inuuto ang mga lolo at lola ko kaya sanay na sanay ako. "Salamat hija." "Iana na lang po. Baka mahirapan kayo sa Gabrianna. Kaya Iana na lang itawag n'yo sa akin. Pero okay lang din po ang hija," parang ang sweet po kase ng dating sa tenga ko. Dugtong ng kinikilig kong isipan. "Okay Iana. Bakit parang panlalakir yata ang tunog ng pangalan mo?" "Ah, si mama ko po kase ang nakaisip nun. Ayaw n'ya daw po ng pabebeng pangalan. Hehe. " Napangiti naman si Nanay Betty sa sinabi ko. Nagandahan siguro saken kaya kahit na walang sense ang sinasabi ko, ngumingiti lang s'ya. Ahehe. Gusto ko sanang magtanong about kay future jowa kaso kinakabahan ako. Haha. Baka ma-reject. Hindi pa nagsisimula ang labanan, reject na kaagad. Ayoko nun. "Saan po kayo nanggaling 'nay? Bakit dito n'yo po naisipan bumili sa probinsya ng bahay?" bandang huli, hindi ko rin mapigilan ang bunganga ko. Pero atleast diba, hindi patungkol sa anak or apo nila? "Sa Manila. Hindi na kase gusto ng alaga ko ang buhay doon kaya nagpahanap s'ya ng matitirhan sa malayong lugar. Yung malayo daw sa polusyon ng Maynila." Napatango-tango ako. So alaga n'ya lang. Meaning yaya lang s'ya? Tiningnan ko si nanay Betty pero nag-iwas s'ya ng paningin. Totoo nga kayang yayamanin si future jowa? Hmmm... Bakit pakiramdam ko parang malungkot si Nanay? "Kayo lang pong tatlo ang nakatira d'yan?" And again, hindi ko na naman mapigilan ang bibig ko. "Hmm, " simpleng ungol lang abg lumabas mula sa bibig ng may edad na babae. Parang may dinadala s'yang mabigat sa dibdib. "Well, hindi po kayo nagkamali ng desisyon 'nay. Tahimik po dito. Sariwa ang hangin. Malayo sa gulo. Pero minsan magulo po ang pamilya ko. Hehe. Minsan po punta kayo sa bahay. Marami pong alagang halaman ang papa ko. Baka gusto nyong manghingi ng maitatanim sa hardin n'yo para naman may mapagkaabalahan kayo." Nakangiti at masiglang sabi ko. Nginitian ako ni nanay Betty. Parang nawalang bigla 'yung lunkot n'ya dahil sa sinabi ko. "Salamat hija. Sana ay maging magkaibigan kayong dalawa ng alaga ko. Mabait ang batang yun, si Shan. Tahimik lang." "Huh? Ayoko p---ow. Sana nga po. Sana nga po maging magkaibigan kami. Hehe." Napapangiwing ngumiti ako. Umayos ka nga Gabrianna! Hindi mo pwedeng sabihin na gusto mong maging jowa at hindi kaibigan ang alaga niya, okay?! Huwag kang abnormal. Sa pagkakaibigan nabubuo ang lahat. Ngumiti ulit sa akin si Nanay Betty. Shan huh. Pati pangalan n'ya, ang gwapo. Yieee!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD