Chapter 4: The Son-in-law's Name

2013 Words
IANA's POV Magana akong nag-almusal habang nakasilip sa kabilang bahay. Nakabukas ang pintuan sa may kitchen namin na nakatapat sa likurang bahagi ng bahay nila nanay Betty. "Nanay Betty, good morning! Kape po!" Tumayo ako mula sa kinauupuan ko saka lumapit sa pintuan, itinaas ko pa ang tasa ng kape ko at nakangiting nag-alok. "Sige lang hija. Salamat. Tapos na kami." Nakangiting wika naman ni Nanay Betty na may hawak-hawak pang trash bag na malaki. Nakangiting bumalik ako sa kinauupuan ko saka dumampot ng pandesal. "Wow. Anong klaseng ngiti 'yan Gabrianna Jo? Bat kumukutikutitap ang mga mata mo? At kung makaasta naman feeling close ka masyado?" Pinandilatan ko ng mga mata ang tyahin kong magaling. Napaka neto. Ang epal masyado! "Wag ka ngang ma-issue. Tita kong pandak." "Kaya pala. Kaya pala hanggang noo lang kita." Hmp! Pasmado talaga bibig neto eh. "Pa," tinalikuran ko na lang ang tyahin kong manang-mana sa lola n'ya. Parehong-pareho sila ng ugali, pramis! Mabuti pang iwasan ko na lang ang nilalang na 'to dahil papangit lang ako sa stress kapag pinansin ko pa. "Oh?" Mula sa pagtitimpla ng kape ay lumingon si papa sa akin. Gusto ko sanang ipakilala si papa kila Nanay Betty kaso, mamaya na lang. Busy pa yung dalawang matanda sa paglilinis. And since dito na rin naman sila titira. Maraming pagkakataon pa para maipakilala ko sila papa sa kanila. "Alam mo ba kung ano ang pangalan ng future son-in-law mo?" Nangingiting tanong ko. "Oh? I have a son-in-law?" rinig ko sa boses ni papa ang panunudyo. Kitang-kita ko ang amusement sa mga mata n'ya. At natatawa pa s'ya ayaw lang ipahalata. "Future pa. Future son-in-law." Pagdidiin ko sa salitang 'future'. Excited naman masyado. Hindi pa nga ako nakakapagsimulang manligaw. "Yung kapitbahay ba natin 'yun?" tanong ni tita habang ngumunguya ng pandesal n'ya. "Yep!" mabilis kong sagot. "Wow. It's the first time that you liked someone you first met." Tiningnan ko si tita Gigi. Halos sabay kaming lumaki ng tyahin kong 'to eh. Thirteen years old pa lang si kuya Zeb nung makabuntis. Imagine, 13?! At iyong nabuntis n'ya naman ay fifteen. Sa bahay daw tumira ang babaeng 'yun nung mga panahong nagbubuntis pa. Tapos bigla na lang daw nawala ng makapanganak. Hindi alam ni kuya kung saan hahanapin. Kaya halos sila mama at papa na ang nagpalaki kay tita Gigi. Parang magkapatid rin lang kami, pero nakasanayan ko ng tawagin s'yang tita. May law firm na pinapatakbo si kuya Zeb ngayon. Yeah. He's a lawyer. And a good one at that. Pero wala pa ring jowa. Siguro hinihintay n'ya ang mother earth ni tita? We're not sure though. Hindi naman nakikialam sila mama at papa sa personal na buhay ni kuya. 18 naman si mama nun ng ipanganak si kuya. Malayo ang agwat ng edad ni kuya sa aming tatlo. 32 na s'ya ngayon habang 23 naman ang mga kambal na sina kuya Zikee at kuya Zian. Mag-i-eighteen naman si tita Gigi while I just turned 17. Nginisihan ko si Gigi. "Marunong ka rin pa lang maka-observe ng tama tita," "Yung bagong lipat ba 'yun?" Tanong naman ni kuya Zikee. Tumango ako. "We saw him yesterday. Not cool." Pinagtaasan ko ng kilay si kuya Ziam na hindi naman talaga mahilig makisali sa mga ganitong tsismisan. Hindi rin s'ya palasalita pero nagsalita siya ngayon. Aaand, base sa sinasabi n'ya. Hindi n'ya type si future jowa? Not cool? "Bakit 'not cool'?" Nagtataka kong tanong. "Not talking." tipid na sagot ni kuya Ziam habang nagpapalaman sa pandesal n'ya. Not talking? Minsan ang sarap ding kutusan nitong kuya ko eh. Tsk. Ang hirap kapag 'yung kapatid mo, may bayad ang bawat salitang lumalabas sa bibig. Nakasimangot na tiningnan ko si kuya Zike. Hindi ko na kailangang i-verbalize ang tanong ko, my face already says 'what does he mean by that?'. "Nakasabay namin s'ya kahapon sa Convenience Store. Snobbish." Snobbish? Isa pa 'tong hindi rin marunong magpaliwanag. Kaya siguro kahit kagagwapo ay hindi mga nagkakajowa. Ang hihirap kausapin. At saka... Teka nga. Ba't parang napaka-judgemental naman nila? Not cool? Snobbish?! Are they for real? Anyway, it does not matter. Hehe. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangisi na naman. That's the very type I like. I subconsciously bite my lower lip while imagining his handsome face. "Eww. You're so kadiri. Yuck." Parang naririmarim na sambit ni tita Gigi. Inirapan n'ya pa ako na tila nahuhulaan kung ano ang iniisip ko at the moment. And since I'm in a good mood, I just wink at her and gave her a lopsided grin. "So pa, are...you... interested?" Sinulyapan ako ni papa saka s'ya ngumiti. 'Yung ngiting kala mo eh hindi ako gumagawa ng kalokohan sa buhay. "Since you like him, there's no harm knowing his name, I guess." Papa said calmly. Lalong lumawak ang ngiti ko. Did I mention that my father is a pediatrician? He like kids and babies. And my mother is an interior designer. Masyadong mahinhin ang tatay ko, habang tila isang pinuno ng mga magigiting na mandirigma naman ang nanay ko na kala mo'y palaging susugod sa digmaan. Sobrang laki ng pagakakaiba ng mga ugali nila pero parang 'yun pa ang pinaka-main ingredients kung bakit ang tatag ng mga magulang ko. Sa tinagal-tagal ko ng nabubuhay sa mundo, never ko pa narinig na nagtalo si mama at papa about sa ibang lalaki or ibang babae. Tumikhim ako saka inilagay ang dalawang kamay ko sa may tenga ni papa. "Well. The name is Shan, pa. Ye Shan" Pabulong na sabi ko kay papa. "Oh, hijo. Good morning. Gusto mo ba ng kape?" Mula sa kabilang bahay ay narinig kong sabi ni nanay Bettty. Napaigtad ako at napalayo kay papa. Halos magkandaha ang leeg ko kakalingon sa kabilang bahay. Tama ba ang narinig ko? May tinawag na 'hijo' si Nanay Betty? Gising na si jowa? Sunod-sunod akong napalunok ng makita ko ang nilalang na kagabi ko pa ninanais na masilayan. And I almost forgot how to breath properly nj when I saw him stepping out of their house. "H...h... he's...he...papa...look at your future son-in-law!" Paimpit kong turan saka nagtago sa likuran ni papa habang palihim na sumisilip sa nilalang na para bang hindi nababagay sa lugar na kinaroroonan namin. He does'nt look like an ordinary person at all. Really. Para s'ya 'yung mga bida sa mga korean dramang pinapanuod ko. O isang prinsipe sa malayong kaharian. Pero hindiiii! Walang panama sa kanya ang mga oppa ko na palagi kong pinapanuod. Mas lamang ang kagwapuhan n'ya. Mas lamang ang appeal n'ya. Mas lamang ang lahat lahat sa kanya. "'m fine. What're you doing?" Accccccckkkkkk! My heart! Pinakikinggan ko pa lang ang boses n'ya parang sasabog na ang tenga ko sa kilig. Calm down Gabrianna. Calm down, please! "Nililinis namin 'tong bakuran, anak," narinig kong sabi ni Tatay Greg. "I'll help." W-what? He will help? Sipag naman. Yieee. Atleast, hindi tamad ang napili kong future jowa pero... Napalunok ako sa hindi ko malamang dahilan. Parang bigla akong kinabahan na ewan. Bu-dump. Bu-dump. Bu-dump. Ilang beses pa akong lumunok. Feeling ko rinig na rinig din ng mga katabi ko ang pagkabog ng dibdib ko. I am totally smitten by him. Lalo ko ng hindi maialis sa kanya ang paningin ko ng magsimula s'yang magputol ng bougainvillea. Parang hindi pa s'ya sanay gumamit ng malaking gunting. Ilang beses n'ya 'yung sinipat-sipat saka gumupit ulit ng mga sanga ng halaman. Ah..awts. Careful okay. Matinik 'yan myloves! Napangiwi ako ng huminto siya sa ginagawa at tiningnan ang braso n'ya. "Anak, mag-iingat naman. Matinik ang halamang 'yan." Nag-aalalang wika ni Nanay Betty. "A'right." Balewalang sagot n'ya. Pinunasan lang n'ya saglit ang maliit na sugat sa braso n'ya na nagdugo. And then, he continued what he's doing na parang walang nangyari. "A...are you sure about him, bunso?" Lumingon sa akin si papa. Medyo nagw-worry s'ya. Nangungulubot ang pagitan ng dalawang kilay n'ya. "Pa, asan medical kit natin?" Natatarantang tanong ko kay papa, ni hindi ko sinagot ang tanong n'ya. "Dali pa! Baka magka-rabies ang manugang mo pa. Asaan na po?!" Hindi ko inintindi ang tanong n'ya. Mas importanteng mabigyan ko ng first aid ang future jowa ko. "Baliw!" Kinutusan na naman ako ng nanay kong gangster. Nakapang-opisina na s'ya at bitbit ang laptop n'ya. Minsan talaga hindi ko maintindihan kung anong nagustuhan sa kanya ni papa. She's so brutal! "Maaa!" inis na napatili ako ng paimpit. Lalo akong nagtago sa likod ni papa. " Pa, tingnan n'yo po asawa n'yo oh. Di ba kayo natatakot magka-rabies ang mamanugangin n'yo?" Nasasaktan talaga ako para kay future jowa, promise! Bakit balewala lang sa kanya ang sugat n'ya eh masakit yun. Ilang beses na kaya akong sumabit sa bougainvillea nila na yan tuwing mangungulimbat ako ng mangga. Ang sakit sakit kaya. "Huwag ka ngang abnormal. Saan ka ba nakakita ng halamang may rabies?" Naka ismid na tanong ng magaling kong tyahin. Nakapa-kontrabida. Sarap kuyumusin ng bibig neto. Palagi na lang 'yan silang nagkakampi-kampihan ni mama. Maglola talaga eh! Kung di ko lang talaga kamukha 'tong dalawang 'to, iisipin ko talagang napulot lang ako sa imburnal. It's like naawa lang sa akin si papa kaya ako napadpad sa pamamahay na 'to. "Good luck. Someone like that, c'mon Gabrianna Joëlle. Hindi ka mapapansin ng ganyan kagwapo." Sabi naman ni mama saka hinalikan sa lips si papa. Eww. Hindi naman 'eww' na nakakadiri ah. It's just my typical reaction whenever I see my parents being so lovey-dovey despite their age. "Napaka-unsupportive talaga ni mama, pa," nagmamaktol kong bulong habang nagtatago pa rin sa likuran ni papa. "Hindi ka pa ba mag-aayos?" Pag-iiba ni papa ng topic. "Pero pa. Seryoso ako sa kanya. Ang lakas lakas ng t***k dito oh." Nakasimangot kong sambit sa papa ko. Don't tell me hindi na rin s'ya boto kay future jowa ko? Hmp! Itatakwil ko ang pamilyang 'to kapag hindi nila ako sinuportahan. Makikita talaga nila! Hindi ko na sila uuwian ng mga niluluto ko sa cooking class! Makikita talaga nila ang lupit ng paghihimagsik ko! "Okay, okay. My baby is seriously serious about that lad. So what should we do?" "Maaga pa, pa. Tulungan ko kaya muna sila Nanay Betty sa kabila?" Patanong kong sambit. Nagtatago pa din ako. Ayokong masilip nya ako at makita n'ya kaagad-agad na patay na patay ako sa kanya. Hayyy. Is this what you called love at first sight? "Umayos ka nga. Magpakahinhin ka naman for once." Tiningnan ko ng masama si Giorgia. Ansarap-sarap n'yang tawaging galunggong kapag ganito s'ya ka-epal. At anong ibig niyang ipakahulugan sa sinabi n'ya, aber? Na hindi ako mahinhin? Na kaladkarin ako? Aba, eh, hindi ko pa nga kinakaladkad si future jowa eh. Napaka-judgemental talaga ng mga 'to. "Pwede ba Auntie, nagpapakahinhin ako okay? Kung hindi ko iniingatan ang dangal at dignidad ng pamilyang 'to, kanina ko pa hinatak papasok dito ang jowa kong 'yan!" pagalit na sikmat ko sa tyahin kong hindi yata nakatulog kagabi. Kanina pa ako tinitira. Lahat yata ng masamang genes ni mama namana n'ya. Like grandmother like granddaughter. Hmp! Pagbubuhulin ko silang maglola ng makita nila eh. "Hmp. Magkape ka na nga lang. Para kang baliw d'yan. Alis na po ako, pa. Sasabay na po ako kay mama," Pinitik n'ya ako sa ilong bago s'ya humalik sa pisngi ni papa. Papa at mama din kase ang tawag niya sa parents ko na lolo at lola n'ya. While daddy naman ang tawag niya kay kuya Zeb. "Tingnan mo rin po 'yang apo mo pa, oh. Manang-mana sa lola n'ya." Naka-pout kong sambit. Natatawang inabutan lang ako ni papa ng pandesal na pinalamanan n'ya ng hotdog. "Tapusin mo na 'yang kinakain mo. Maglinis ka ng bahay bago ka pumasok. Aalis na rin kami ng mga kuya mo." Tsk! Wala talagang tiwala 'tong mga 'to sa charm ko eh. Sumilip ako ulit kila Nanay Betty. Busy pa rin sila sa paglilinis sa likuran ng bahay nila. Tch. Hayyy. Konti na lang talaga mawawalan na rin ako ng tiwala sa charm ko, naku. But... what to do? My heart is pounding like crazy whenever I see him or think about him. It's the first time, you know?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD