Chapter 5: I Have A Bigger Problem

2221 Words
IANA's POV Huminga ako ng malalim saka lutang ang isipang pumasok sa loob ng school campus. Naglinis lang ako ng bahay kanina pagkatapos ay nagtago na ako sa kwarto ko habang palihim na sinisilip sa ibaba si future jowa. Hindi ko mahanap ang kapal ng apog ko para lumapit at umastang feeling close sa kanya. Natotorpe ako. Pakiramdam ko nawawala ang abilidad kong mag-isip ng tama kapag nakikita ko s'ya o kahit kapag naiisip ko lang. Tapos hindi pa nakikisama ang puso ko. Kung makakalembang naman kapag napapatingin ako kay future jowa, wagas na wagas. Haist! Paano ba ako magsisimula? Saan ko ba sisimulan? Tch. Hinilot-hilot ko ang aking sentido dahil talaga namang sumasakit na yun ng bongga. Ito talaga ang unang pagkakataon na humanga ako sa isang lalaki. Hindi ko maintindihan at maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nai-excite ako na natatakot. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko pero dagli ko ring iminulat dahil nakarinig ako ng mga pamilyar na boses mula sa likuran ko. "Gabbi, help!" "Wait lang! Emergency!" "Gabbi, sandali!" "Iana! Nakakunot-noong huminto ako sa paglalakad dahil alam ko namang ako yung Gabbi at Iana na tinatawag. Dito sa school, napakarami kong pangalan. Lahat ng mga teachers ko ay Miss Ocampo ang tawag sa akin. Lahat naman ng malalapit sa akin sa school ay tumatawag ng Iana. Habang ang karamihan sa mga kaklase ko at kakilala sa loob ng school, Gabbi ang tawag nila sa akin. Lumingon ako sa limang babaeng hingal na hingal. San naman galing ang mga taong 'to? Ang aga-aga pawisan na agad. "Nag-jogging ba kayo?" curious kong tanong sa kanila. Pansumandali kong kinalimutan ang namomroblema kong puso. "We need your help. Athena's in trouble!" Sabi ng isang estudyante. Kaklase ko s'ya nung Grade 10 pero magkaiba kami ng kinuhang strand nang mag-grade 11 na. Pero teka lang? Bakit naman mapapa-trouble si Athena? Antahi-tahimik nun eh. Ni hindi nga makapatay ng langaw 'yun. "Pinagt-trip-an s'ya nung bagong transfer," seryosong wika ng babaeng tumawag sa akin ng Iana kanina. She's one of my closest friend, Stella. Because she liked studying so much, marami ang nagbabansag sa kanya ng 'the number 1 Nerd'. She's wearing glasses and a short hair. Awtomatikong tumaas ang kilay ko nung marinig ko ang sinabi ni Stella. Transfer student? Heh. Mukhang may mga baguhan na hindi nakakaalam kung kaninong teritoryo ang pinasok n'ya ah. Honestly speaking, epekto yata ng pambubully sa akin ng buong pamilya ko sa bahay namin kaya against na against ako sa mga nilalang na mahilig mam-bully. Lalo na kapag alam nilang mas mahina sa kanila ang mga binubully nila. They're so pathetic to do such thing. Nasanay ako na palaging ipinagtatanggol ang sarili ko sa bahay namin kaya naman kahit hanggang dito sa school, dala-dala ko 'yun. Hanggang sa pati ibang estudyanteng inaapi ay ipinagtatanggol ko na rin. Wala eh. Superhero ata ako nung past life ko to act like this. Stupidly heroic. Although maraming nakaka-appreciate, hindi rin syempee mawawala 'yung mga against sa akin na palaging nagsasabing napaka-pasikat ko. "Baka walang nagsasabi sa kanya na teritoryo ko 'to?" Nakangising tanong ko kay Stella. Medyo mainit ang ulo ko ngayon dahil kay mama at auntie. Maglalabas lang ako ng kaunting init sa bunbunan ko. "Sinabi na namin sa kanya kanina. Pero hindi daw s'ya natatakot kahit na kaninong poncio pilato," " Wala daw s'yang pakialam kung sino ka. Wala daw s'yang paki sa kahit na sinong pinuno sa lugar na 'to. Dahil daw sa ginawa ni Athena, gusto man n'ya o hindi, pinagbabayad n'ya si Athena. Natapunan kase s'ya ng hindi sinasadya ni Athena ng lugaw kanina. Eh kung hindi naman s'ya pahara-hara sa daan, wala namang mangyayaring ganun," nakasimangot na wika ng isa pang estudyante. Madalas kong s'yang makita na nakabuntot kay Athena. Mag-best friend yata silang dalawa kaya ganun na lang s'ya ka-concern. " Kailangan daw s'yang bayaran ni Athena ng fifteen thousand dahil branded daw ang suot n'yang damit," Sunod-sunod na nagsumbong ang mga kasama ni Stella. Kulang na lang ay umigkas patungong outer space ang kilay ko dahil sa sobrang pagkakataas. S'ya ang kauna-unahang transfer student na walang paki sa batas naming mga batas dito sa school. "Is it a guy?" seryoso kong tanong. It better be a guy. Medyo ilag akong mambugbog kapag babae eh. " Yeah," "Gwapo s'ya," "Walang panama 'yung escort natin nung Grade 10," Hinilot ko na lang ang nose bridge ko dahil sa mga sinabi nila. Mabuti na lang talaga at napahiwalay ako sa kanila. Minsan ang lalabo nilang kausap. Hello?! Para namang may paki ako kung gwapo ang nilalang na 'yun. Ang gusto ko lang namang malaman ay kung babae o lalaki ba ang nilalang na 'yun para naman alam ko kung sampal o sapak ba ibibigay ko kapag di nakuha sa pamatay kong tingin. "Where's Evie?" Baling ko kay Stella. Hindi ko na pinansin ang pagbubulungan ng mga katabi n'ya. Pinagtaasan lang ako ng kilay ni Stella. Na para bang sinasabi ng tingin n'ya; 'are you seriously asking me that question?'. Nagkibit-balikat na lang ako. Sayang naman. Pero bakit ko nga ba nakalimutan ang sakit ni Evie? Hay naku Iana, di ka na nasanay. Pumapasok lang ang babaeng 'yun kapag tapos na ang first class nila o kaya kapag mataas na ang sikat ng araw. Minsan pa nga nagpunta 'yun sa school eh, matatapos na ang klase. Dinala ako nila Stella sa likod ng STEM Building. Stem Strand ang kinukuha nila Stella, Evie, Iska at Fafa. Ako lang talaga ang napahiwalay sa aming lima. I don't like going with the flow. Hindi porke't nasa Stem sila lahat ay pahihirapan ko rin ang sarili ko. There's no way I would do that. Hindi ko uubusin ang gabi ko sa pags-solve ng nakaka-brian damage na mathematical equation or kung ano pa man. Mas gusto kong kwentahin kung ilang gramo ba ang ilalagay kong pansahog sa niluluto kong menu. Or kung ilang carrots ba ang babalatan ko para sa carrot cake na ibi-bake ko. I love simple things. Ayokong pinapahirapan ang sarili ko. Napakunot-noo ako ng makita ko si Athena na nakaluhod sa harapan ng lalaking bago nga sa paningin ko. "Linisin mo ang sapatos ko gamit yang buhok mo. Baka sakaling bawasan ko ang halaga ng babayaran mo. Simple lang hindi ba?" Nakangisi n'yang tanong. Tanging hikbi lang ang isinagot ni Athena saka sinimulang linisin ang sapatos ng lalaki gamit ang buhok n'ya. She's one of the beautiful faces here in school. Tahimik lang at sobrang clumsy. Dahan-dahan akong lumapit sa kanilang dalawa ng lalaki. Tiningnan ko si Athena na mukhang walang balak manlaban. Hayy. Huminga ako ng malalim saka dahan-dahang yumuko. "Hey," Sandaling tumitigil sa ginagawa n'ya si Athena. Dahan-dahan s'yang nag-angat ng paningin. Namilog ang mga mata n'ya at kitang-kita kong sunod-sunod na umagos ang masaganang luha mula sa mga mata n'ya. "Stand up. I'm here," Sunod-sunod s'yang umiling. " N-no. B-but t-thank y-you. I-it's m-my f-fault, Gabbi," humihikbi at utal-utal n'yang tugon. Tumayo ako saka hinarap ang lalaking sabi nila ay gwapo daw. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay. Well. May itsura naman. Mukang anak mayaman din. "Patitigilin mo si Athena o masasapak kita?" I'm not trying to intimidate him. Ganito lang talaga ako makiharap sa mga gago at sira-ulong kagaya n'ya. "Hah? Baka hindi mo ako kilala. Pamangkin ako ng mayor," nakangisi n'yang sagot. " Ayusin mo nga!" Tinitigin ko s'ya ng matiim habang pinagmamasdan ko kung paano n'ya apakan ang kamay ni Athena. Pamangkin pala ni Mayor ah. Bago n'ya pa maapakan ulit ang mga kamay ni Athena ay isang uppercut na ang ibinigay ko sa 'gwapong' pagmumukha n'ya. "Pamangkin ka ng Mayor kaya asal aso ka? Baka gusto mong samahan pa kitang magsumbong." Nakangisi kong sambit saka s'ya sinikmuraan dahil hindi ako kontento sa uppercut na pinakawalan ko. Hindi naman talaga ako mapanakit na tao. May mga times lang na napupuno ako, hindi ko mapigilan ang reflexes ko. Saka nanggigil lang talaga ako habang pinagmamasdan s'yang inaapakan ang mga kamay ni Athena na kitang-kita naman kung paano alagaan sa bahay nila. Mukha ngang hindi nakakaranas maghugas ng pinggan ang mga kamay n'ya eh. Athena is a very sweet daughter to her parents. Hindi kami close pero alam kong malapit s'ya sa mga magulang n'ya dahil isang pediatrician din ang mama n'ya. Kapag may mga okasyon sa ospital nila papa. Palagi n'ya kaming isinasama ni tita Gigi at si mama. Kaya madalas kong makita si Athena na kasama ang mga magulang n'ya. Hindi pa ako nakontento kaya naman hinila ko ang kamay ng lalaking 'to na masyadong feeling entitled para sana baliin na 'yun for good pero may matapang na nilalang na bigla akong pinigilan. "Gabbi, stop!" "Babalian ko lang ng kamay para quits, " seryosong sabi ko kay Athena na nakayakap ng mahigpit sa braso ko. Sunod-sunod na iling ang ginawa n'ya. Panay din ang pagtulo ng mga luha n'ya. Haist. S'ya na ang nasaktan, s'ya pa ang nakikiusap para sa taong nanakit sa kanya. Tsk. Tsk. Tsk. "Okay. Since umapela si Athena para sa'yo, that's enough kahit na bitin na bitin pa ako. And ow, bestfriend nga pala ng pinsan ko ang bunsong anak ni mayor. You think maniniwala si Mayor sa'yo kung sa akin papanig ang anak n'yang si Loki? " nakataas ang kilay na tanong ko sa bagong salta. Tinitigan ko s'ya sa mga mata para makita n'yang hindi ako nagbibiro. Akala ba n'ya s'ya lang ang may connections sa nakakataas? Ano pang silbi ng mga pinsan kong lalaki kung sa mga ganitong sitwasyon eh, hindi ko sila mapakinabangan? Kitang-kita kong nanlaki ang mga mata ng 'gwapong' bagong salta at bigla na lang s'yang namutla. "Hindi porke't tingin mo eh mas mahina kaming mga babae, gagawin mo lahat ng kagaguhan mo ha. This is my turf. Don't try to mess with me. Let's go. Stella, you help Athena. Mauuna na ako. Tawagan n'yo ko kapag ginulo pa kayo ng lalaking 'yan." bilin ko sa kanila. Hindi ko na hinintay na sumagot pa sila. Nagmamadali na akong umalis dahil magsisimula na ang first lesson ko para sa araw na 'to. *** " Hindi ko ini-expect na patitikimin mo kaagad-agad ng isang upper cut with paninikmura pa ang transfer student," Kasalukuyan akong nasa rooftop ng Home Economics Strand Building at nagmumuni-muni. Lumingon ako sa pinanggaling ng boses at magkakasunod na dumating sila Iska, Fafa, Evie at Stella. Nakahalukipkip pa si Iska habang sinusuri ako ng tingin. "Wala ka talagang katakot-takot ano?" ani Francesca Marie Yamamoto o Iska. Kami lang ang may karapatang tawagin s'yang Iska. Kaming matatalik n'yang mga kaibigan. Bukod sa s'ya ang number 1 Beauty sa campus namin, s'ya din ang pinaka-OA sa lahat. As in, kahit mga simpleng bagay pinalalaki n'ya. Napaka-wild ng imahinasyon n'ya. Pramis! "Ni hindi man lang s'ya natakot sa pamangkin ng Mayor," segunda ni Louise Adelfa Rodriguez or Fafa. She came from a military family that's why she have a big sense of justice. Kulang na lang lahat ng mga rules and regulations na nakasulat sa board, pagtirikan n'ya ng kandila. "I told you to call me when there's something like that, " walang emosyong sambit naman ni Elvie Grace Hansen or Evie. Sa aming magkakaibigan, si Evie ang pinakatahimik. A---t! Pinakalapitin ng gulo. Hindi dahil sa maraming namb-bully sa kanya kundi dahil palagi s'yang gumagawa ng gulo para lang mapansin s'ya ng kanyang mga magulang na halos sa kani-kanilang opisina na nakatira. Pinagtaasan ko sila ng kilay. "You did not tell them how that bastard almost crushed Athena's hand and fingers?" Baling ko kay Stella na nakikisalo na sa pagkain ko. Stella Williams is one of the best student in our campus. Dahil sa scholarship na ibinigay ng school sa kanya, nakakaraos silang mag-ina. Isang foreigner ang ama n'ya, sadly, ni hindi man lang n'ya nasilayan dahil baby pa lang s'ya nung inabandona sila. " Ayaw nilang makinig. Galit na galit na kaagad nung marinig nilang nanapak ka." " Because we're worried okay?" " You always break the rules, Gabrianna," Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Fafa at Iska. "Hmp! He deserve my uppercut, okay? Kulang pa nga 'yun eh." Ismid ko. " Saka huwag n'yo ngang problemahin ang damuhong 'yun. Meron akong mas malaking problema, " Parang iisang tao na tumingin silang lahat sa akin. " Ano? " Sabay-sabay na tanong nila Iska, Fafa at Stella. Isa-isa ko silang tiningnan. Wala naman akong mapagtatanungan kundi sila lang kaya mas mabuting sa kanila na lang ako magsabi at magtanong. "Spill it," anaman ni Evie. "I've found my mom and dad's future son-in-law," " Ah?" " Ano daw?" " Son-in-law?" "So are you saying that you're inlove?" Napatingin kaming lahat kay Evie. Mukhang hindi lang ako ang nagulat sa tanong n'ya, maging 'yung tatlo ay pinagnilay-nilayan din ang katanungan ni Evie sa akin. Tapos tinitigan nila ako na para bang bagong specie. "Siguro? Sabi ko sabay kibit ng balikat. " Kase imagine-in n'yo ha. I can't look properly at him. My heart always goes 'dug dug, dug, dug dug' and ...." Sasabihin ko bang nakita n'ya akong hubad-baro? Huwag na lang. It's not that important. Respeto na lang sa sarili. Umupo ako ng tuwid saka tumingin pabalik sa kanila. "And?" Nakataas ang kilay na tanong ni Iska. "I think he's the most handsome guy that I've ever seen in my entire life," sabi ko sabay ngiti ng wagas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD