Chapter 6: Miss Heart Breaker Finally Found Someone That She Likes

2217 Words
FRANCESCA's POV Oh my! Seriously??? Our Iana baby na takot na takot sa multo pero mas astigin pa sa mga gangster sa kanto kapag napapa-trouble, inlove daw? Tunay talaga? I can't believe it. "Are you done breaking innocent hearts, Ianna?" Natatawang tanong ni Evie. I also want to ask that question. Like really? Is our Iana finally doing girly stuff now? Sa dinami-dami ng mga lalaking estudyanteng nanligaw kay Iana baby ni isa sa mga 'yun, wala man lang s'yang nagustuhan. Tingin n'ya sa mga manliligaw n'ya ay mga toddlers na nagkakagulo sa kending maibibigay n'ya. Sadly, kahit isa sa kanila wala man lang s'yang natipuhan. "Kailan pa 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko. It's really unbelievable. Mas naniniwala pa akong pinapa-prank n'ya kami kesa sasabihin n'yang nagsasabi s'ya ng totoo. Parang ang bilis naman kase to the point na hindi na talaga kapani-paniwala. Just yesterday pinapakain n'ya pa kami nung nasunog n'yang chocolate cookies pero wala naman s'yang binabanggit tungkol sa pagiging in-love n'ya. "Ay wait! Lalaki ba 'yan?" I bit my nails after firing that question. Baka kase nakakita na ng babaeng mas astig sa kanya tas natipuhan n'ya na naman. Minsan feeling namin, babae talaga ang type netong baby Iana namin eh. Ang hilig n'ya din kaseng magka-crush sa mga babae. Tiningnan ako ni Iana ng matalim. Napalayo tuloy ako ng konti. Ah, why? Did I say something wrong? Sumikdo ang dibdib ko nang biglang inilapit n'ya sa mukha ko ang kamay n'ya. The fudge?! Hihipuin lang pala ang noon ko, akala ko sasakalin ako eh. My gosh! "Wala ka namang sakit pero bakit ba parang hindi ka nakainom ng gamot the way you ask and look at me? Seryoso ka Iska? O naabnormal ka na naman? Mukha bang babae ang gusto ko? Mukha ba ha? Palaban lang ako pero gusto ko kapag nagkagusto ako, ilalaban din ako," nakasimangot na maktol ni Iana. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa ginawa n'yang paghawak sa mukha ko kanina. Tapos raratratin n'ya naman ako ng mga ganyang mga tanong. Aatakehin talaga ako sa puso dahil sa kaibigan naming 'to. Hindi ko ma-imagine na ganito pala attitude n'ya kung mai-inlove. Pero...inlove nga ba talaga? My gosh! Nagtatanong lang naman ako diba? Bakit naman parang ang laking kontrabida ko sa paningin n'ya? This never happened before. "Sorry! sorry, okay. I'm not judging you or whatever. I'm just asking you diba? Eh sino pala ang malas na lalaki?" tanong ko ulit. Malas naman talaga ang lalaking 'yun kapag nagkataon. Kami ngang mga kaibigan n'ya hirap na hirap s'yang paamuin at espelengin minsan eh. Lalong tumalim ang tingin sa akin ni Iana baby. What the fudge is happening with this girl? Nagtayuan yata lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa pagkakatitig n'ya sa akin. Bakit napaka-sensitive n'ya today? Ano bang meron at parang lahat ng lumalabas sa bibig ko eh lason sa pandinig n'ya? Dahan-dahan akong tumayo at naupo sa tabi ni Fafa sa may gilid ng railings. "What's happening?" Mangiyak-ngiyak kong bulong kay Fafa na pinisil lang ang siko ko. "Ano bang nakain neto?" Tanong ni Iana baby sa tatlo sabay turo sa akin. Kulang na lang isuot ko ang sarili ko sa katawan ni Fafa. First time ito na ituro ako ni Iana. Huhu. I'm her favorite person pero ngayon hindi na. Parang gusto na n'ya akong ibitin ng patiwarik tas i-shoot sa kawang may kumukulong tubig Huwahhh. Luluha na talaga ako ng balde-balde. Hindi ko s'ya ma-gets! Something's wrong with our baby girl talaga. Huhu. Ano bang mali sa tanong ko? Kagabi lang naman n'ya nakita ang lalaking 'yun diba? Bakit kung makaasta s'ya ngayon parang matagal na silang magkarelasyon? lahat ng lumalabas sa bibig ko, hindi maganda sa pandinig n'ya. Why naman ganito? Magwewelga na talaga ako. Parang nantitrip lang naman ang babaeng 'to. "Bakit parang pasmado yata bibig n'ya?" Tanong n'ya pa ulit habang nakaturo pa rin ang kanang hintuturo n'ya sa akin. Tuluyan na akong nagtago sa likuran ni Fafa. Gusto ko na talagang umiyak, promise. Hindi naman ganito ang baby Iana namin eh. Sweet talaga s'ya at nagiging monster lang kapag may nakikita s'yang namb-bully or umaapi sa amin. Kahit na magkaibang strand ang kinuha namin, she's just one call away. Kulang na lang lumipad s'ya para lang makarating kung nasaan kami kapag naririnig n'yang naaagrabyado kaming mga babies n'ya. "Tsk. Tsk. Mukhang inlove ka na nga," natatawa at na-amuse na sambit ni Fafa. Asar na kinurot ko s'ya sa tagiliran. At may time pa talaga s'ya para ma-amuse? May nakaka-amuse ba sa inaasal ngayon ni Iana baby namin? Iana's freaking me out! "Stop looking at Iska like that, Iana." narinig kong saway ni Stella. See? Hindi lang ako ang nakakaramdam na nanganganib ang buhay ko. "San mo ba nakilala ang lalaking 'yun?" Tanong ni Stella na parang hindi man lang nakakaramdam ng pressure sa paligid. Inilabas n'ya mula sa kanyang bag ang spongebob lunch box na paborito n'ya. Sana all may gana pang kumain. Ako kase parang nawalan na ang taste bud dahil sa nakaka-heart attack na tinging ipinupukol ni Iana. Dahan-dahan kong hinilot ang batok ko dahil parang nagtatayuan pa rin ang mga balahibo ko doon until now. "Bagong kapitbahay namin. Kagabi lang sila lumipat," mabilis n'yang sagot. Nakayuko ang ulo n'ya at nakatitig sa pagkaing nasa harapan. Nilaro-laro ng hawak n'yang kutsara ang natitirang kanin sa baunan. Aabutin ko na sana ang lunch bag na nakalagay sa tabi n'ya pero mabilis akong nagpigil dahil baka bigla na lang n'yang dambahin ang braso ko at i-wrestling ang kulang sa exercise kong katawan. "Kahapon mo lang s'ya nakita and now you're telling us na inlove ka?" hindi ko pa rin mapigilan ang matabil kong dila kaya naman naibulalas ko 'yun ng wala sa oras. Ano ba 'yan, Francesca. Are you knocking at death's door? Tsk. This girl is really not going with the flow pa naman. Love at first sight? Of all people s'ya pa talaga ang nakaranas ng ganong phenomenon? "Nakita ko rin s'ya kaninang umaga," out of the blue ay sambit n'ya. Tumitig s'ya sa kawalan na para bang nananaginip ng gising. "So nakita mo s'ya kahapon, tapos kaninang umaga nakita mo rin... anong pinagkaiba?" nakangangang tanong naman ni Stella. I know right. May pinagkaiba ba ang oras ng pagkikita nila? Este, s'ya nga lang pala ang aware sa existence nung guy. Baka nga hindi nun alam na nag-i-exist ang baby Iana namin. "Nagka-usap na ba kayo?" Tanong naman ni Fafa. "Nope." mabilis n'yang sagot. See? "Hmm," "Ahm," "Wow. Problema nga 'yan. " sabi ni Fafa na parang s'ya lang ang may kakayanang magsalita ng mga sandaling 'yun. "I want to make this guy my parents future son-in-law, any suggestions para mapadali ang lahat?" tanong ni Iana baby ng hindi man lang kumukurap. Goodness. Buhay namin ang mapapadali ng dahil sa kanya eh. Grabe. Parang itinatanong lang n'ya kung anong lagay ng panahon ngayong araw. Cough, cough. Sabay-sabay yata kaming nabulunan dahil hindi lang ako 'yung mag-isang dinadalahit ng ubo. "Cough. S-seryosong t-tnong ba 'y-yan? Cough, cough," narinig kong tanong ni Fafa. Tumikhim naman ako ng ilang beses para mag-clear ang nakabara sa lalamunan ko. Feeling ko kung hindi n'ya makukuha ang lalaking yun sa maayos na usapan, gagamitan n'ya tiyak ng dahas para lang makuha sa paraan at panahong gusto n'ya. " Well honestly, kung sa ganda rin lang. Malaki ang panlaban mo girl," seryosong sabi ni Fafa na nakapangalumbaba habang nakatitig kay Iana. "Bukod sa ayusin mo lang 'yang kilos mo dahil para kang maton sa kanto minsan, wala naman na kaming maisa-suggest na bongga," Kung seryoso ang kaibigan namin sa sinasabi n'ya, kailangan din namin s'yang seryosohin para hindi s'ya ma-discourage. Ito ang unang beses na nag-open s'ya tungkol sa pagkakaroon n'ya ng crush. Crush or first love. Kung ano man 'yun. Ito talaga ang unang beses na nagkwento s'ya tungkol sa ganoong bagay. Ito rin ang kauna-unang beses na nagtanong s'ya kung paano magiging nobyo ang isang lalaki. Hindi kung paano i-basted ang isang lalaki. Ang laki ng pinagkaiba noon ah. Our dearest baby Iana is slowly involving. Kaya lang... I dried my imaginary tears. She's extreme! Kung paanong binasted n'ya ng sabay-sabay isang umaga sa flag ceremony ang lahat ng nanliligaw n'ya, gusto n'ya namang makuha kaagad-agad ang lalaking 'to. Poor guy. Ngayon pa lang parang gusto ko na s'yang ipagtirik ng kandila. Nagkatinginan kami nila Fafa, Stella, at Evie. Alam ko namang hindi lang ako ang naku-curious sa kung paano ma-inlove ang kaibigan naming ito. Lahat kami ay napapaisip what she will become when she's inlove. Nagsisimula pa lang s'ya ngayon. Paano kung hindi naman talaga s'ya magustuhan ng lalaking 'yun? Ano na lang ang mangyayari? "That's all?" nakakunot-noong tanong ni Iana kay Fafa. "Hmm, wala ba s'yang kasama sa bahay na pwede mong lapitan? Like kapatid n'yang babae? Mama n'ya? Or katulong kaya? Or kung feeling mo naman makapal-kapal na 'yang mukha mo, why not tell him directly na gusto mo s'ya? " patanong ding sagot ni Fafa kay Iana. Napansin n'ya siguro na seryoso si baby Iana sa pinag-uusapan kaya naman nagbibigay na rin s'ya ng seryosong sagot sa mga tanong ng aming kaibigan. Kaming apat ay nakaranas ng makipag-boyfriend. Yeah, even the nerd Stella. Si Iana lang talaga ang may problema sa mga mata dahil kahit isa sa mga manliligaw n'ya, wala man lang s'yang natipuhan. Napakataas ng standard. Sabagay nga naman, kung napapalibutan na s'ya ng naggagwapuhang lalaki sa buong angkan nila, hindi na importante sa kanya ang panlabas na anyo. Kailangan may character ang guy na magugustuhan n'ya at dapat ay karapat-dapat maging parte ng kanilang pamilya. "Wala s'yang mga magulang at kapatid pero 'yung dalawang matandang nakausap ko... alaga daw nila si future jowa?" Patanong na sambit ni baby Gabrianna. Future jowa ah. Talaga lang ah. "Eh ayon naman pala. Di tropahin mo 'yung dalawang matanda. Mangalap ka ng mga impormasyon about sa alaga nila. Make a good impression. And just be you. Hindi mo kailangang magpanggap na kahit na sino para lang magustuhan ka ng iba," sabi ni Fafa. Narinig naming huminga ng malalim si Iana. Nakakapanibago talaga. Dati-rati, wala s'yang paki kahit halos lumuhod na ang manliligaw n'ya mabigyan lang ng second chance. Ngayon, mukhang s'ya naman ang maninikluhod para lang sa taong gusto n'ya. Nak-curious tuloy ako kung anong karisma meron ang taong 'yun. "Bakit ba problemadong-problemado ka? Kakalipat pa lang 'tong tao, jowang-jowa ka na. Karma na ba 'yan?" Lahat kami ay napatingin sa nagsalitang si Evie. May halong pangungutya 'yung tanong n'ya while eating bubble gum. Medyo kinabahan ako dahil baka mamaya bigla na namang mag-iba ang mood ni Iana baby. And to my surprise, tumingin lang s'ya saglit kay Evie at pagkatapos ay sa kawalan naman. "Well, siguro. Alam ko naman, may kanya-kanya tayong karma. But guys!" tumingin ulit sa amin si baby Iana using her very effective puppy eyes. "I really like him! Hindi n'yo man lang ba ako tutulungang iuwi s'ya sa amin?" Muntik na naman akong masamid sa kinakain ko eh. Sunod-sunod akong napaubo. Maagap na hinagod-hangod ni Fafa ang likuran ko saka iniabot ang tubigan ko. "My gosh Iana! Nakaka-stress ka pa lang magkagusto? Nakakaloka ka!" sorry na agad, okay? Hindi ko na talaga mapigilang ibulalas ang nasa loob ko. "Hmp, nagpunta pa kayo dito kung di rin naman pala kayo tutulong," inirapan nya pa kami after saying those words na may kasamang talim. "Hmm, since you know how to cook, bakit hindi ka palagi magbigay ng share ng ulam n'yo sa kanila? O kaya naman, haranahin mo? Maganda naman ang boses mo. Maalam ka gumamit ng gitara. Maalam ka mag-piano, kung tutugtog ka, just make sure that he's around. Malay mo diba? " Lihim akong nag-thumbs up kay Stella. Malakas ang kutob kong ni-research n'ya ang tungkol sa mga bagay na 'yan. Nagka-boyfriend lang naman 'yan ng sapilitan eh. Nagka-boyfriend lang s'ya, but I doubt it kung na-inlove ba talaga s'ya. " Maganda ang suggestion ni Stella, " sabi ko. " Yeah, " sabay na sagot naman nila Fafa at Evie. " Well, okay. I'll do that, " tila hindi kumbinsidong sambit ni Iana baby. " Basta kung hindi mo kayang sabihin ng deretcho sa kanya, doon ka muna sa Plan A. Kaibiganin mo muna 'yung dalawang matanda. Get to know them, introduce yourself. Make a good impression. Huwag mong ipapakita sa dalawang matanda ang pagiging gangster mo baka ma-ekis ka kaagad. Magkunwari kang mahinhin, mabait, hindi makabasag pinggan," mahabang payo ni Fafa. Tumango ako. Sinasang-ayunan ko ang sinabi n'yang lahat dahil tama naman talaga 'yun. " Okay. Tatandaan ko 'yan," " Nga pala, may nanghingi na naman ng number mo kanina sa classroom namin. Sabi ko hingin ng personal sa'yo," Singit ni Stella. " I don't care about them. D'yan na kayo, may tatapusin pa ako," nakangiting sabi ni Iana na ni hindi man lang nainis sa sinabi ni Stella. Dati-rati nanggagalaiti na 'yan kapag naririnig n'yang may bago na naman s'yang manliligaw. Pakiramdam n'ya daw kase pinagpupustahan lang s'ya ng lahat kaya kahit isang manliligaw wala man lang s'yang binigyan ng pag-asang sasagutin n'ya. Tahimik na pinagmasdan ko ang baby Iana namin. Nagniningning ang mga matang ngumiti s'ya at muling tumingin sa kawalan. Hayy. Our baby Iana is really inlove. Nakakapanibago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD