Chapter 7: I Will Let The Fate Decide

1975 Words
IANA's POV Maaga akong nakatapos sa ginagawa ko sa last subject namin kaya naman nagmamadali na akong nagligpit ng mga gamit. "Hey, hatid na kita," Paglabas ko ng corridor ay kaagad na sumalubong sa akin ang isang matangkad na lalaki. Taga-kabilang kabilang building lang s'ya at as usual, may dala-dala na naman s'yang isang balot ng hopia. "Ahm, sorry Michael. Nagmamadali ako," hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Kagaya ng mga una n'yang attempt, hindi ko rin pinansin or kinuha ang dala-dala n'yang pagkain or kung anuman ang maisipan n'yang dalhin. Para sa akin kase, kung hindi mo gusto ang isang tao, huwag mo s'yang bigyan ng kahit na kaunting dahilan para lalong umasa sa'yo. Kapag ayaw mo, ayaw mo. Hindi 'yung tumatanggi ka sa tao tapos panay naman ang tanggap mo sa mga ibinibigay. Pang-aabuso 'yun for me. Hindi mo na nga type, buburautin mo pa. "Pakipot," "Akala n'ya naman ang ganda-ganda n'ya," "Bakit hindi na lang kase ako ang ligawan ni baby Michael?" I flip my hair and walk away. Bakit ko ba pagpapapansinin ang mga taong nakikitingin lang naman sa buhay ko. Wala silang ambag, okay? Wala silang karapatang magsabi ng kung anu-ano. At isa pa, hello?! Ang tagal-tagal ko ng sinabihan si Michael na tumigil na s'ya. Ayaw n'ya lang talagang makinig. Mabilis akong lumabas ng campus dahil magdidilim na. Siguro nakauwi na sa bahay si papa. Palaging maaga kung umuwi 'yun para lang ipagluto kami ng makakain sa gabi eh. Sumakay ako kaagad sa humintong jeep sa harapan ako. Kung sa bahay ay nai-stress ako sa nanay at auntie ko, dito sa school, mas maraming nagpapa-stress sa'kin pero mas pinili kong huwag na lang pansinin. Mabilis lang ang naging byahe. Hindi ma-traffic, mabuti na lang. Kaagad akong bumaba sa may maliit na talipapa. Dahil malapit ang aming Barangay sa dagat, halos lahat ng mga kalalakihan sa tabing dagat ay puro pangingisda ang kabuhayan. Kaya naman naisipan ng Brgy. Captain namin na pawang mga lamang dagat lamang ang ititinda sa talipapa, 'yung mga gustong magluto ng karne ay kailangan pang dumayo sa Kabayanan. May ilang nagreklamo pero mas marami ang nagpasalamat sa kapitan dahil kahit papaano ay kumikita sila. Malayo-layo pa ang bahay namin pero nakasanayan ko ng lakarin mula dito sa talipapa hanggang sa subdivision kung saan kami nakatira. "Hija!" Dahil siguro sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko pinapansin ang mga taong nakakasalubong ko. Naramdaman na lang na may kung sinong bigla na lang humila sa braso ko. "W---," what the fudge sana ang sasabihin ko pero nalunok kong lahat 'yun nang bumungad sa harapan ko si Nanay Betty na ang lawak-lawak ng pagkakangiti. "O, nanay sino po ang kasama mo?" bigla akong kinabahan. Kasama kaya si ano? "Ako lang hija. Naisip ko kase na dito na kami maninirahan simula ngayon kaya naglilibot-libot ako," nakangiting wika ng ginang. Ah, hindi pala s'ya kasama. Sabagay, bakit nga pala inaasahan kong sasama s'ya? Para namang sasama ang isang kagaya n'ya sa ganitong lugar? Huminga ako ng malalim at mabilis pa sa alas-kwatrong bumalik sa normal ang t***k ng puso ko. Napaka-imposible naman noon. Pero iyong makita kong namimili si Nanay Betty dito, at take note, s'ya ang unang bumati sa akin ha, it's a big blessing for me. "May nabili na po ba kayo? Alam n'yo na po ba kung saang banda ang bilihan ng mga seafoods? Nakahiwalay po ang bilihan ng mga gulay Nanay Betty. Samahan ko po kayo kung gusto n'yo po," "Ay talaga ba?" Biglang kumislap ang mga mata ng matanda. "Sasamahan mo ba ako hija?" Tumango ako ng marahan habang tinitingnan ang nakangiting matanda. Mukhang ang saya-saya ni Nanay Betty na nakalabas s'ya at nakapasyal sa labas. Maliit lang ang Barangay Matahimik. Kaya naman pati mga kabilang barangay ay kakilala namin, kung hindi man, kakilala sa mukha. "Doon tayo nanay Betty. Nandoon ang mga gulay," turo ko sa kabilang lugar kung saan nag-uumpukan din ang mga tao. 'Bolante' ang tawag ng karamihan sa lugar na iyon dahil doon binabagsak ang mga gulay na ibabyahe patungong Syudad o sa Kamaynilaan. Tinulungan ko ang matanda sa mga buhat-buhat n'ya. "Magandang hapon tatay Pedring," bati ko sa matandang lalaki na abala sa pagpaplastic ng mga labanos. "Oh, Gabrianna, anong kailangan mo anak?" nakangiting tanong ng matandang may mabait na mukha. " Ah, tatay Pedring, ito nga po pala si Nanay Betty. Bagong lipat po sila sa tabing bahay namin. Nanay, ito po si tatay Pedring. S'ya po ang pinakagwapong nagtitinda ng gulay dito," nakangiti kong pagpapakilala sa dalawa. Malakas na halakhak ang pinakawalan ni tatay Pedring. Ang lawak din ng ngiting pinakawalan ni nanay Betty. "S'ya, s'ya, ano ang kailangan mo Betty? Bibigyan kita ng malaking discount," "Naku, hindi ko iyan tatanggihan," mabilis na dumampot ng iba't-ibang gulay si Nanay Betty. Nang makatapos s'ya sa pamimili ay halos mapuno ang bayong na dala-dala n'ya kaya naman nagpresenta akong bitbitin iyon. "Salamat hija." "Wala 'yun nanay. Nasaan nga po pala si tatay Greg at alaga n'yo?" hindi ko masyadong ipinahalata sa boses ko na sobrang naku-curious ako sa alaga n'ya. "Nasa bahay lang sila. Si tatay Greg mo, nag-aayos pa rin sa bakuran. Si Shan, andun sa kwarto n'ya. Nagw-work at home s'ya," "Work at home? Hindi na po s'ya nag-aaral?" "Hindi ko alam hija. Sa totoo lang, ilang buwan pa lang naming nakakasama si Shan. Alam mo ba? Nakita namin ang batang 'yun sa pinaka-hindi namin inaasahang sitwasyon," Tahimik lang akong nakikinig. Pero wag ka, medyo kinakabahan ako. Sobrang tiwala ba si Nanay Betty sa akin kaya s'ya nagsasabi ngayon? Or hinuhuli n'ya lang ako? Hinuli or...pinapakiramdaman? "Sa kalsada lang kami nakatira ng tatay Greg mo. Dati kaming nakatira sa Davao. Naisip naming ibinenta ang lahat ng ari-arian para lang makapunta sa Maynila at makita ang mga anak namin. Pero..." Napalingon ako kay Nanay Betty noong huminto s'ya sa pagsasalita. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang may edad ng mukha. "Nang maubos na ang perang dala namin, iniwanan na lang kaming mag-asawa ng manugang kong babae sa isang maliit na restaurant." Napahinto ako sa paglalakad at nakanganga ang bibig habang nakatitig sa matanda. Ngumiti s'ya. Pero sobrang lungkot at namamasa-masa ang gilid ng mga mata n'ya. "Ilang araw, linggo...buwan hanggang sa inabot ng dalawang taon. Nangangalakal kami ng basura ni Greg para makaipon, para makauwi na lang ulit sa Davao. Pero kamakailan lang, natagpuan namin ang katawan ni Shan sa tambakan ng basura. Puro sugat at galos ang katawan n'ya. Punong-puno ng dugo kahit ang mukha n'ya. Isinugod s'ya namin sa pinakamalapit na public hospital. Lahat ng ipon namin ay ginastos namin sa mga gamot n'ya. Ang pera, kayang kitain. Pero ang buhay ng tao, hindi iyon matutumbasan ng pera." Pakiramdam ko nasa isang area ako kung saan panay ang dating ng aftershock. Umuwi lang ako galing sa school, hindi sinasadya nakasalubong ko si nanay Betty. At heto ngayon, nakakarinig ako ng mga kwentong ni sa hinagap ay di ko inaasahan. Si Shan? Sa tambakan ng basura? Puro sugat at galos ang katawan? I can even imagine the blood covering his handsome face. At parang gustong lumabas ng puso ko dahil sa biglang pagkabog noon ng malakas. "Sabi ng mga doktor, himala daw at buhay pa si Shan. Limang bala ang nakabaon sa katawan n'ya. Sabi pa ng mga doktor isang malaking himala ang paggaling ni Shan." Lumunok ako ng paulit-ulit. Hinintay kong humarap si nanay Betty sa akin sabay sigaw ng 'Izaprank!' Pero hindi. Tahimik na kumuha s'ya ng isang maliit na panyo saka pinahiran ang nangangalubot n'yang mata. "Pasensya ka na hija. Napakaraming lumipas na taon, wala man lang akong nakitang tao na gustong kumausap sa amin ng tatay Greg mo ng mata sa mata, tao sa tao. Karamihan sa mga kabataang kagaya mo kapag nakakasalubong namin, pinandidirihan kami. Kung maaawa man, mag-aabot lang ng pagkain pero aalis din agad. Na-miss ko ang ganito. Na bukod sa tatay Greg mo, may ibang kakilala akong nakakasabay sa paglalakad at nakakakwentuhan," Si nanay Betty lang ang nagsasalita ng nagsasalita. Hindi ako makapagsalita dahil unang-unang, it caught me off guard. At pangalawa, hello, nanay Betty never prepared my entire beings okay? Wala man lang 'hija brace yourself ha kase I will tell you something nakakawindang'. Wala man lang ganun! "Pasensya ka na hija. Na-miss ko lang ang magkwento," anang ginang saka nahihiyang ngumiti. "A-ah, w-wala po 'y-yun n-nay," nagi-stummer kong sagot. "Magaan ang pakiramdam ko sa'yo. Alam ko isa kang mabuting bata na maayos na napalaki ng mga magulang mo," Hindi ako makangiti dahil sa sinabi ni nanay Betty. Mabuting bata? The fudge people of the universe. I'm not bata anymore! "Eherm, hindi na po ako bata Nanay Betty," sabi ko after kong tumikhim. Pinilit kong pakalmahin ang buong sistema ko para lang makasabay sa matanda na parang nagkukwento lang kung saan s'ya pumasyal kanina. Na para bang hindi ganun ka-big deal 'yung sinabi n'yang iniwanan silang mag-asawa ng mahadera nilang manugang. Na para bang simpleng kagat ng lamok lang 'yung pagkakatanggal ng limang bala ng baril sa katawan ni future husband. Sandali akong natigilan sa naisip ko. Husband? Well, desidido na rin lang akong gawin s'yang son-in-law ni mama at papa I must stop calling him, future juwa. It should be future husband. Correct self? "Si Shan ang nagdala sa amin sa lugar na ito, hija. Sabi n'ya, kung hindi daw dahil sa aming mag-asawa, baka patay na s'ya ngayon kaya naman malaki daw ang utang na loob n'ya sa amin," ngumiti si nanay Betty. Usad pagong ang lakad naming dalawa. " Ang totoo n'yan, para sa aming mag-asawa, s'ya ang pinagkakautangan namin ng malaki. Inalis n'ya kami sa lugar na 'yun. May dahilan na ulit ang buhay namin. " Namayani ang katahimikan sa aming dalawa ni nanay. Nalungkot akong bigla sa istorya ng buhay nila. Nagagalit ako sa daughter-in-law n'ya at lalo lang yatang tumaas ang lebel ng paghanga ko kay Shan. " Ang anak n'yo nga po pala nanay? Sinubukan n'yo na bang kausapin?" curious kong tanong. Marahang tumango ang matanda. "Dahil mukha kaming pulubi at palaboy ni tatay Greg mo, ipinagtabuyan n'ya kami. Wala na daw s'yang mga magulang mula noong araw na ninakawan namin ang asawa n'ya," "Hah?!" Ang kapal naman ng mukha ng manugang nila nanay. "Ang kapal naman ng pagmumukha nang manugang n'yo nanay! Sinabi n'yang ninakawan n'ya kayo?!" Mapait na ngumiti ang matanda. "Hinayaan na lang namin ni tatay Greg mo. Matatanda na kami. Ang gusto na lang namin noon ay makauwi sa probinsya para makapamuhay ng simple. Pero mas maayos na kami ngayon, anak. Parang apo na ang tingin namin kay Shan. At hindi naman n'ya kami itinuturing na iba. Masaya na kami doon," Huminga ako ng malalim. "Kaya salamat Yana, anak. Ikaw ang kauna-unahang bumati sa amin. Ikaw rin ang kauna-unahang kaibigan namin dito," Nginitian ko si nanay Betty. Nakuuuu! Kapag nakita ko talaga ang plastic n'yang manugang, masasabunutan ko talaga 'yun ng bongga! "Wala 'yun nanay. Nagkataon lang na crush ko alaga n'yo---syeteh," mabilis kong tinakpan ang matabil kong bunganga. Tinitigan ako ni nanay Betty. Kumikislap ang mga mata n'ya. Hindi naman ako makatingin. I mentally face palmed. Ano ba Gabrianna?! Napaka-tactless mo. Hindi na ba makatiis? "Sabi ko na nga ba," mahinang bumungisngis pa si nanay Betty. "Nanay, huwag ka pong maingay ah, pleaseee," nahihiya at talaga namang nagb-blush na sambit ko. Parang gusto kong ibaon sa lupa ang nag-iinit kong mukha. "Haha. Hindi naman nakakapagtaka iyon, hija. Sadya namang napaka-gwapo ng alaga ko, haha." Nanunudyong wika pa ng matanda. "Nanay, huwag n'yo ng ipangalandakan. Alam ko po 'yun," nakasimangot kong sambit pero nakahinga ng kaunti ang puso ko. Atleast, alam na ni nanay. Kung tulungan n'ya man ako or hindi, okay lang 'yun. Basta, parang hindi ko kayang gamitin sila ni tatay Greg para lang makuha ang atensyon ni future husband. Bahala na ang tadhanang gumawa ng paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD