Chapter 8: A Lullaby For Him

1773 Words
IANA's POV "Halika hija, pumasok ka sa loob," Huminto ako sa mismong tapat ng bahay nila. Iyong puso ko na kani-kanina lang ay tumitibok ng normal, nagwawala na naman ngayon dahil sa nakaka-tempt na alok ni nanay Betty. Gusto ko sanang pumasok kaya lang, hindi ba nakakahiya? "Tulungan ko lang po kayo sa pagpasok nitong mga gulay, nanay Betty," sambit ko na pilit magtunog normal ang boses kahit na ang totoo, gusto ko na pumiyok. Pakiramdam ko tatalunan na 'yung puso ko palabas ng lalamunan. Ganito ba talaga kapag inaanticipate mong makita or masilayan man lang ang taong gustong-gusto mong makita? Kaloka. Normal ba talaga 'tong nararamdaman ko? Hindi kaya na-triggered lang ako nung nakita n'ya akong that night tas naka-poker face lang s'ya? It's crazy. I can't imagine that liking someone is like a crime. I felt like a criminal every time I anticipating his arrival or our next encounter with each other. Naunang pumasok sa loob ng bahay nila si nanay Betty, nag-aatubili talaga ako pero dahil gusto ko rin, hindi ko rin napigilan ang sarili kong humakbang papasok sa loob ng bahay. Pigil-pigil ang paghinga ko pagkatuntong ko sa loob ng bahay nila. Napahinto ako sandali sa paglalakad nang may naririnig akong pinapatugtog na lullaby. Mahina lang pero rinig ko 'yung hum. "May bata po kayong pinapatulog nanay Betty?" Nagtataka kong tanong sa matanda. Parang wala naman akong napansin na may kasama silang bata. Hindi kaya may iba pang dumating habang nasa school ako? "Ahh, hindi na naman siguro makatulog si Ye Shan kaya ganyan, hija. Nagpapatugtog s'ya ng lullaby para makatulog," Napakunot-noo ako. " Nahihirapan po ba s'yang makatulong, nanay?" curious kong tanong. Hindi ko napansin na punong-puno na pala ng concern ang boses ko kaya naman napangiti si Nanay Betty. Ang laking mama ni Shan tapos pampatulog n'ya lullaby? Hindi kaya may pinagdadaanan s'ya kaya ganun? May emotional problem kaya s'ya? "Hindi naman madalas hija. Ngayon ko nga lang ulit s'ya narinig magpatugtog ng mga kanta n'yang iyan," nakangiting wika ng matanda. Napatango-tango ako. Pero hindi ko pa rin maalis ang pag-aalalanh bigla na lang sumibol sa dibdib ko. Ewan ba. Kahit ako hindi maintindihan ang sarili ko. Tsk. Tama nga siguro mga kaibigan ko. Sa dinami-dami kong binasted, as in, wala ni isa man akong binigyan ng pag-asa..baka nga karma ko na 'to. "Dito ko na lang po ilapag ang mga pinamili natin nanay Betty. Uwi na po ako at baka hinihintay na po ako nila papa," paalam ko kay nanay Betty. I don't like to intrude more. Tama na 'yung nasilip ko ang loob ng bahay nila at matuklasang lullaby ang pampatulog ni future husband. "Salamat anak. Ihahatid na kita sa labas," marahang inilapag ni nanay Betty sa lamesa ang mga dala-dala n'ya. Nauna din s'ya sa akin paglabas ng kusina. "Sige nanay. Good night," "Salamat hija," " Wala po 'yun. Kapag namili po kayo ulit at kailangan n'yo ng kasama, tawagan n'yo lang ako." Sabi ko sabay kaway sa matanda. Mabilis akong nakalabas sa kinakalawang nilang gate. Tapos ay inilang hakbang ko lang ang papunta sa gate ng aming bahay. Marahan kong hinubad ang sapatos ko at inilagay iyon sa shoe rack na nasa may gilid ng pintuan. "Bakit gabi ka na?" Kaagad na bungad ni mama sa akin. Kinuha ko ang kamay n'ya saka nagmano at humalik sa pisngi n'ya. "Sinamahan ko po si nanay Betty sa pamimili sa may bolantehan at isdaan ma," " Sila ba 'yung bagong lipat sa kabila? " Curious na tanong ni mama. " Sila nga po. Nasaan po si papa? " Narinig kong bumuntong-hininga si mama. Napataas ang kilay ko. Parang antagal na mula noong huling narinig kong bumuntong-hininga si mama kapag si papa na ang nagiging topic. " May problema po ba? Nagtataka kong tanong. " Mabuti naman at pinakikisamahan mo ng maayos ang kapitbahay natin. Nakakalimutan namin lagi ng tatay mo na i-welcome man lang sila. Paano naman kase ang ama mo. Hayy, ang tatay mo. Next week na ang birthday," Napanganga ako. Namimilog ang mga matang natitigan ko si mama. Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Next week na nga pala ang birthday ni papa! Napakamot ako sa ulo. Kakaisip ko kase sa ireregalo kong manugang kay mama at papa, nakalimutan ko na ang importanteng araw na 'yun. Tsk. Ba 'yan, Gabrianna! "At kapag birthday n'ya alam n'yo naman ang panata ng inyong ama. Nagpupunta s'ya sa mga liblib na lugar para magbigay ng libreng medical assistance, " parang stress na sambit ni mama. "Ma, hindi ba taon-taon na iyang ginagawa ni papa? Parang hindi pa po kayo sanay," mahina kong sambit. Hindi ako sanay mag-comfort ng kahit na sino. At isa pa, mas sanay ako kapag naka-war mode si mama. Nakakapanibago kapag ganitong mukha s'yang stress sa buhay eh. "Nai-stress lang ako ng kaunti. Haaah!" humugot ng pagkalalim-lamin na paghinga si mama. "Kailangang matapos ko na ngayong gabi 'yung project na ginagawa ko at hindi muna ako tatanggap ng mga project for the coming month. Hindi pwedeng pabayaan ko ang papa n'yong mamundok mag-isa," naiiling na sambit ni mama saka muling bumalik sa sala. Naupo s'ya sa sofa saka muling tinitigan ang ginagawa sa kanyang laptop. "Akyat na po ako ma," hindi ko na inabala at mas lalong wala akong balak abalahin pa si mama. Every year, ginagawa talaga ni papa at mama 'yun. Magdadala sila ng mga medical supplies pati na rin mga educational books and toys para sa indigents na pupuntahan nila. As usual, malamang kasama ni mama ang secretary n'ya tapos magsasama naman si papa ng dalawang nurse na lalaki para may umassist sa kanya doon. Since bata ako gawain na nila 'yun kaya naman bahagi na talaga ng buhay namin ang ganoong kalakaran. Once a year, isang buwang nawawala si papa para tulungan ang kapwa na walang kakayanang magpacheck up ng anak. Marami ng natulungang bata si papa. Being a pediatric neurosurgeon, marami ng inoperahan si papa ng libre. Lalo na 'yung mga batang may cleft palate na nakatira sa mga lugar na malayo sa syudad. Nagdadala talaga si papa ng medical team para sa mga ganoong gawain. Nagsasama din s'ya minsan ng iba pang mga doctor to help him diagnosed and gave treatment. At dahil nasa Kamaynilaan na sila kuya, malamang sa malamang kaming dalawa lang ni tita Gigi ang maiiwanan dito sa bahay this month. Wala naman problema doon dahil sanay naman na kami sa ganitong set-up. Iyon nga lang, mamimiss namin ang mga luto ni papa at sermon ni mama. For one month. Isi-celebrate namin ang birthday ni papa pagkababa pa nila sa bundok. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay may nakahain na sa lamesa. Wala si papa, wala din ang intrimitida kong tita. Nag-aayos siguro si papa ng mga dadalhin n'ya for next week. Tahimik na nagtungo ako sa harap ng lamesa at kinain ang portion ko ng pagkain. Nang makatapos ay niligpit ko lahat ng mga hugasin saka ako nagtungo sa kwarto ko. Naririnig ko pa rin ang lullaby na mahinang tumutugtog sa kabila. Sabi ni nanay, pampatulog daw iyon ni Shan. Ano kaya kung... Dali-dali akong kumuha ng mga damit na pantulog. Kumuha rin ako ng malaking towel saka tumakbo pababa ng hagdan. After thirty minutes ay tapos na akong maglinis ng katawan kaya naman patakbo akong bumalik sa kwarto ko. Mula sa malaking built-in-cabinet ay kinuha ko ang gitarang antagal-tagal ko na ring hindi nagagalaw. Wait, wait. Lullaby? Anong lullaby ang kakantahin ko? Nagkukumahog na kinuha ko ang cellphone ko saka nag-search sa youtube ng pwedeng tugtugin. Andami kong alam na kpop song, pang-broken at iba pang kanta pero bakit naman lullaby ang trip ng mapapangasawa ko? Nakakaloka naman. Tahimik akong napa-face palm. Antagal kong nagtingin sa youtube pero wala naman akong nagustuhan. Until maalala ko ang favorite naming panuorin ni tita Gigi noong mga bata kami. Inaantok ako palagi kapag pinapakinggan ko 'yung Somewhere over the Rainbow sa Wizard of Oz. Hinanap ko sa youtube kung paano ko tutugtugin sa gitara ang kanta. Kinakanta namin 'to ni tita palagi noon. Tuwang-tuwa lagi si papa at mama noon tapos ipapatong kaming dalawa sa mesa saka sila papalakpak ng mahina. May pag-sway pa sila ng mga katawan. Kaya kami namang magtita na parehong uto-uto, lalong gaganahan sa pagkanta. Tsk. Napangiti ako at napapailing. Memories. Matatawa ka na lang but then, you feel warm inside. I started to sing the first stanza. Sa tonong malumanay pero malinaw ang bawat lyrics na lumalabas sa bibig ko. Tumingin ako sa kabilang bahay habang kumakanta. Wala na halos liwanag ang mga bahay na nakapalibot sa amin. Although magkakalayo kami ng mga bahay, kitang-kita ko naman palagi mula sa bintana ng silid ko kapag nakabukas na ang mga ilaw sa kapitbahay namin. Itong bahay namin saka bahay nila future husband ang sanggang dikit. Bukod tanging ito lang. Kaya antahi-tahimik namin dito kase medyo malayo 'yung ibang bahay sa amin eh. Habang kumakanta ako. Parang naririnig ko sa aking isipan ang mga kwento ni nanay Betty kaninang nasa palengke pa kami. Ang daming katanungan na naglalaro sa isipan ko. Kagaya na lang kung saang lugar nanggaling si Shan? Bakit sa basurahan s'ya nakita nila nanay Betty. At bakit sugatan s'ya? Bakit may tama s'ya ng baril? Take note, hindi lang iisang tama 'yun kaya malabong naligaw na bala lamang iyon. Limang tama? Lima! for goodness sake. Huminga ako ng malalim saka ifinocus na lang sa kanta ang isipan ko. Habang tinutugtog at kinakanta ko ang huling stanza, napansin kong tahimik na sa kabilang bahay. Pero nakabukas pa rin ang ilaw sa kwarto ni Shan na katapat na katapat nang kwarto ko. May pakiramdam akong pinapakinggan n'ya ang kanta ko kaya naman inulit ko sa simula ang kanta. Bakit kaya lullaby ang nagpapaantok sa kanya? May sentimental value ba sa kanya ang mga lullabies? Or baka naman nakasanayan n'ya lang at masyado lang akong nag-uusisa eh wala naman akong karapatan? Tsk. Ganito pala ang feeling ng nagkakagusto. You want to know that person. You want to get involve. You want to protect that person and be the source of his or her strength. Kalahating oras yata akong kumakanta at tumutugtog bago ko naisipang huminto. Noong nanahimik na ang gitara ko, tanging mga ingay nang kuliglig na lang ang naririnig ko. Hindi ko mapigilang mag-isip. Paano kung kagaya ko na walang magustuhan sa mga taong nagkakagusto sa akin...hindi n'ya rin ako magustuhan? Tsk. It will be a very painful karma for me. Pero okay lang masaktan. Kesa naman pilitin ang sarili kong makipagrelasyon sa taong wala naman talaga akong nararamdaman. Mga taong kulang sa aruga lang ang gumagawa ng ganyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD