Chapter 9: I'm Going To Create My Own Opportunity

2221 Words
IANA's POV Tiningnan ko ang wall clock sa may pader pagkababa ko sa hagdan.6:30 pa lang ng umaga. Bago matulog si papa kagabi ay sumilip s'ya sa kwarto ko. Naabutan n'ya akong ibinabalik sa bag ang gitara ko na matagal-tagal ko na ring pinabayaang amagin. Nag-usap kami saglit at bago s'ya tuluyang bumaba ay nakiusap s'ya na maglinis muna daw ako bago pumasok ngayong araw, tsk, plano ko pa namang bumalik sa higaan dahil sobrang antok na antok pa ako. Halos di ako makatulog kakaisip dahil sa mga sinabi ni nanay Betty kahapon. Kaya siguro action ang tema ng panaginip ko. Kaloka. Para akong knight na sinasagip ang prinsipe kong in distress. Pero back to reality, dahil nga inutusan ako ni papa, I better do it na lang. Una kong tinungo ang lababo. Nagtambak ang mga pinagkainan nilang tatlo kaninang almusal. Pero dahil inayos na ni papa ang mga pinagkainan sa lababo, sasabunin ko na lang iyon at babanlawan. Hinawi ko ang window blinds ng bintana sa tapat ng lababo. Tinatamad akong magbukas ng ilaw kaya bubuksan ko na lang ang bintana at itataas ang blinds para pumasok ang liwanag mula sa labas. Kaso... May pa-surprise yata ang umagang 'to. Oh my! Damang-dama ko ang pagta-tumbling ng puso ko sa excitement. At dahil napaka-unexpected naman talaga. Natulala na lang ako kase paghilang-pagkahila ko sa tali ng window blinds, ang walang kaemo-emosyong mukha ni Shan ang nabungaran ko. I felt the butterflies going crazy inside my belly as I looked into his stoic profile. My, my, my. Paanong hindi ko gugustuhing iuwi sa bahay ang taong 'to? Lahat ng pakiramdam na ibinibigay n'ya sa akin, nakakapanibago. Nakakakaba na nakaka-excite, hindi ko rin maipaliwanag ang sobrang saya na nararamdaman ng puso ko. Iilang pulgada lang ang layo namin sa isa't-isa, halos magkadikit kase ang pader ng kusina namin sa bakod nila. Isinagad ba naman ni papa ang pagpapatayo ng bahay namin sa may bandang bakod nila eh. Tahimik na pinagmamasdan ko ang ginagawa n'ya. Nakayukong inaalis ni Shan sa kinakalawang nilang gate ang mga gumagapang na baging. Tapos nakaramdam yata. Napansin yata na may nakatingin sa kanya kaya dahan-dahan s'yang nag-angat ng paningin. Kaagad akong ngumiti at kumaway sa kanya. "Good morning!" Masiglang bati ko. Hmm, alam n'ya kayang nag-effort talaga ako sa pagkanta at pagtugtog ng gitara kagabi just to make sure na makakatulog s'ya ng maayos kaya naman ngayon bilang gantimpala, ibinabalandra n'ya ang pagkagwapo-gwapo n'yang mukha to reward me? Ahm, wait. Should I ask him kung nakatulog ba s'ya ng maayos? Ah no! No. I shouldn't ask him that. Hayyy. Sana araw-araw na lang ganito! Kapag ganito ba naman ang senaryo araw-araw, kering-keri lang kahit malusaw pa ang lahat ng balat ko sa kamay kakahugas ng mga plato. Isama na rin nila pati mga buto ko sa kamay, like I care! "Hey!" Kinaway-kaway ko pa sa harapan ng mukha n'ya ang palad kong may bula-bula. Napatitig tuloy s'ya sa akin pero hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng tingin ba 'yung ibinibigay n'ya. "Hello!" bati ko pa sa malambing kong boses. Sabay bigay ng toothy smile ko. He look at me for a second. Yeah. Just a SECOND. But it's fine, girl. Huwag na huwag kang panghihinaan ng loob! mo Pagkatapos ay muling n'yang itinuloy ang pagtatanggal ng mga baging sa gate ng bahay nila. Aba... Mas kaaya-aya bang pagmasdan ang mga baging sa harapan n'ya? Nagdududa na talaga ako. Maniniwala na talaga ako sa sinasabi ng pamilya ko na imposibleng may magkakagusto sa akin. Pambihira. Hindi nga siguro ako kaakit-akit. Parang gusto kong maglupasay sa sahig at lumuha ng mas marami pa kesa sa inilalabas ng gripo. Parang tumingin lang sa hangin ang lalaking 'to eh. Matapos ko s'yang kantahan nang kantahan kagabi? Hindi man lang nagbigay kahit konting tango man lang? Totoo nga ang sinabi ng kambal. Snob nga pala talaga. For the first time, pinaniwalaan ko ang sinabi sa akin ng isa sa kambal namin. I mentally face palmed. Halos lahat ng kasama mo dito sa bahay n'yo ay puro bully girl, kaya sanay na sanay ka ng masaktan. Makapal na apog mo. Matibay na ang dibdib mo. Hindi ka na basta-basta napapasuko ng mga pipitsuging hamon ng buhay. Kaya huwag mong susukuan kahit na sungitan ka pa ng lalaking gusto mo. First try mo pa lang, girl! Hmp. Humanda ka talaga sa akin kapag naiuwi na kita dito sa bahay namin! Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Nagmamadali na akong niligpit ang mga pinagkainan at inayos ang lamesa. Kung makabunot naman sa mga baging at d**o kalo mo s'ya lang masipag. Masipag din ako okay? Ako kaya ang dakilang dishwasher dito sa bahay namin.. Mabilis na akong natapos sa paghuhugas ng mga plato. Nang makatapos ay nagtungo naman ako sa itaas. Nilinis ko ang kwarto ko saka ko isinunod ang kwarto ni kuya Zeb na si tita Giorgia na ang gumagamit mula nang sa Manila na tumira si kuya. Dati kaming magkasama sa kwarto ni tita, pero dahil nakabakante lang naman ang kwarto ni kuya, doon na lang s'ya pinag-stay nila mama at papa. Nang makatapos ako sa kwarto namin ay isinunod ko naman ang kwarto ni kuya Zian at kuya Zikee. Hindi ako nagtagal sa paglilinis ng mga silid. Saktong alas-otso naman ay tapos ko na ring linisin ang hagdanan. Sinunod ko ang kwarto nila mama at papa sa baba saka ang buong sala. Konting punas ng mga alikabok saka ayos-ayos ng mga naka-display na kung anik-anik saka ko isinunod ang pagwawalis sa gilid ng bahay namin. Dumampot ako ng walis ting-ting at nagsimulang magwalis sa likod ng bahay. "Wala ka bang pasok Yana?" tanong ng boses matandang babae. Mula sa pagwawalis ay lumingon ako sa kabila. 'Yana?' Sino nga ulit si Yana? Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Maaliwalas na ang bakuran sa kabilang bahay. Hindi na iyon creepy tingnan. Pagharap ko sa taong nasa likuran ay si nanay Betty ang nakita kong nakatayo sa tapat ko. May dala-dala s'yang walis ting-ting at dust pan. Si Nanay Betty lang pala. Akala ko masamang espiritu na tas naghahanap ng tao na nagngangalang 'Yana'. Bakit ba nakalimutan kong 'Yana' nga pala ang tawag sa akin ni Nanay Betty? Ayan, kakaisip mo sa alaga n'ya hindi mo na nabibigyang pansin ang ibang mga bagay. Tsk. "Mamayang 10 pa po nanay Betty. Magwawalis lang po ako tas maliligo na." magalang kong sagot sa matanda. "Malapit lang ba ang school n'yo?" tanong ulit ni Nanay Betty. "Sobra po sa kalahating oras ang byahe po. " Sagot ko saka tiningnan ang wristwatch na...wala pala akong suot. Napakamot ako sa ulo. Tumingin ako kay Nanay Betty pero wala rin naman s'yang suot na relo. "Here," Muling kumalabog ng walang pasabi ang dibdib ko nang marinig ko ang malamig na boses. Napatitig ako sa kamay nang may-ari ng barintonong tinig na nag-aabot ng sako kay Nanay Betty. "Ay, salamat, hijo," narinig kong sambit ni nanay Betty. "What are you doing? Let me help..." Hindi ko pinansin ang usapan ng dalawa dahil sa suot na relo ni future husband naka-focus ang atensyon ko. Ahemm...tumikhim ako ng mahina. Pilit kong kinalaban ang dugudog sa dibdib ko. Hinarap ko si Shan at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Uy, alaga ni Nanay Betty. Anong oras na?" Kinapalan ko na ang mukha ko. Lumapit pa ako ng bahagya kay Shan na tinutulungan si Nanay Betty sa pagsasako ng mga damong inalis niya sa bakod kanina. Kahit na kabadong kabado ako sa pagtatanong ay nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kung ngayon pa lang ay susukuan ko na kaagad ang kung anumang paghangang nararamdaman ko, then, I don't deserve this feeling diba? Wala naman sigurong masamang sumubok. If one of these days he find me annoying, then, I'll just stop. Nag-angat s'ya ng paningin at tiningnan ako saglit. Tapos ay tiningnan n'ya naman ang suot n'yang wristwatch. Bawat kilos n'ya ay pinagmamasdan kong mabuti. And it's so mesmerizing. He's really beautiful, shems! "Nine." mahina at tipid n'yang sagot. Parang napipilitan pa. Ni hindi inalis ang mga mata n'ya sa d**o. Deym. Mas kaakit-akit bang tingnan ang mga baging at carabao grass kesa sa pagmumuka ko? "Nine? Nine what?" tanong ko ulit sa medyo pabebe na tono. Saglit s'yang napahinto sa ginagawa n'ya at tiningnan ako na parang bang hindi s'ya makapaniwala na may isang nilalang na nag-i-exist na kagaya ko. Nginitian ko lang s'ya ng pagkatamis-tamis, ulit. "Eksaktong nine ba? Or 9:15 or 9:30?" hindi ko talaga pinansin ang bahagyang pagkunot ng noo n'ya. Nagpatay-malisya lang ako. Kunwari hindi ko pansin ang kaunting iritasyon sa gwapong mukha n'ya. Nginitian ko lang s'ya habang nakatitig ng buong ningning ang bilugan kong mga mata. Bahagya s'yang natigilan. Ilang segundo din kaming nagkatitigan bago n'ya inalis ang tingin sa akin. "If I say it's nine. Then it's nine." Parang mabibiyak ang ngiti kong matamis dahil sa sobrang dry at cold ng pagkakasagot n'ya. Ansaket ha. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi. Parang mahihirapan yata talaga akong pasagutin ang isang 'to ah. Bakit parang hindi naman ako ganito kasungit kapag binabasted ko 'yung mga kumag na pumuporma sa akin? Pero atleast, he's unlike me when talking to the suitor. Kagaya ko, palagi akonv nagsasabi na 'alam ko na ang pakay mo, stop that nonsense ngayon pa lang kung hindi magsisisi ka lang'. Ganyan ako ka-direct kapag ayaw ko sa lalaking nanliligaw sa akin. Ayokong nag-aaksaya ng panahon ng tao. "Thank you." Tanging nasabi ko na lang. Dali-dali ko ng niligpit ang mga ginamit kong walis at dust pan. Nagpaalam ako kay nanay Betty saka pumasok na ako sa loob ng bahay. Saglit lang akong naligo at nag-ayos. By 9:30 ay naka-uniform na ako. Naglagay din ako ng liptint at kaunting pulbo. "Nanay Betty, alis na po ako." I don't know what got into me pero hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na magtungo sa likuran at magpaalam sa matanda. Kaagad na tumigil sa ginagawa si Nanay Betty. Tumingin s'ya sa akin at nakangiting kumaway. "Sige anak. Ingat ka." "Opo," nakangiting sagot ko saka tumalikod na. " Bye!" baling ko naman kay Shan na bahagyang tumingin sa akin. Kumunot ang noo n'ya kaya naman ngumiti lang ako sa kanya sabay takbo palabas. Parang nakatuntong sa alapaap ang mga paa ko habang isinasarado ang pintuan ng bahay. Pero bigla akong napatigil sa pagsasara ng may maalala ako. "Nanay Betty!" Dali-dali akong bumalik palapit sa matanda. "Malapit nga lang po pala sa palengke ang school namin Nanay. Baka may gusto ka pong ipabili?" Dagling huminto sa ginagawa n'ya si Nanay Betty. "Ah...eh, okay lang ba hija? Hindi ba nakakahiya naman sa'yo?" Medyo na off-guard si Nanay Betty sa biglaang offer ko pero hindi n'ya rin mapigil ang bibig n'ya. "Gusto ko sanang magsinigang mamayang gabi. Isang kilong liempo sana, anak, kung okay lang sa'yo. " nahihiyang anas pa niya. "Wala pong problema nanay. Okay lang po. 200 po isang kilo ng liempo 'nay. " walang paligoy-ligoy kong sambit. Para may dahilan akong lumapit pa sa kanila diba? If there's a will, there's a way nga eh. Gagawin ko lahat ng paraan para mapalapit sa lalaking 'to. Kung hindi ako bibigyan ng pagkakataon ng tadhana. Ako ang gagawa ng sarili kong pagkakataon. Hindi ko 'to titigilan hangga't hindi ko nasusubukan. Magka-crush? Ma-inlove? I don't know any of that. Pero mula ng makita ko ang lalaking 'to. Parang may gusto akong makuha na hindi ko maipaliwanag na s'ya lang ang tanging makakapagbigay sa akin. Maybe he's the answer that I've been waiting for. Nagmamadaling kumuha ng pera sa bulsa nya si Nanay Betty. Pero iisandaan lang ang nabunot n'ya. "Here. Take this." Bago pa ako maka-react ay may isanglibo na kaagad na humarang sa paningin ko. Tiningnan ko ang pera pati na rin ang magandang mga daliri na may hawak doon. Lumunok ako ng ilang beses. Hiyang-hiya naman ang mga daliri ko sa mga daliri n'ya. Pati mga daliri ang sarap sa mata. "Baka mga 7pm na ako makauwi nay. Okay lang po ba?" natutulala kong tanong. Nati-temp na talaga akong ikulong sa mga palad ko ang palad na nasa harapan ko pero nagpigil ako ng bongga dahil baka mapagkamalan akong m******s. "Sige lang anak. Walang problema. Ako nga ang nahihiya sa'yo at palagi na lang kitang naabala. Maraming salamat Yana ha," Ngumiti ako kay Nanay Betty. "Ano ka ba 'nay, maliit na bagay lang po 'yun," sabi ko in a humble tone. "Sige nanay, aalis na po ako. Baka ma-late na ako eh. Balik ko po ang sukli mamaya. Ba-bye!" Kumaway ako sa kanilang dalawa habang naglalakad palayo. Kaagad kong isinarado ang pintuan sa kusina. At nagmamadali akong umakyat sa itaas ng kwarto ko. Mula sa ilalim ng drawer ay bumawas ako ng isang libo sa inipon-ipon ko saka isiningit sa isang notebook ang isanglibo na galing kay future jowa. Hindi ko ito iwawala or isasama sa secret account ko na nakuha ko mula sa pambuburaot sa mga pinsan at kay tita Gigi ko. Dito lang 'to sa loob ng kwarto ko para nakikita at naamoy ko kapag nami-miss ko si Shan. Nangingiting isinarado ko ang pintuan ng drawer. Yieee. I'm gonna keep this as our memento. Hehe. Muli akong sumulyap sa orasan at kulang na lang ay lumipad ako pababa at palabas ng bahay. Shemmmms! Mali-late na talaga ako neto!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD