Chapter 10: You're Late!

1734 Words
IANA's POV "Ano ba 'yan Gabrianna, kanina pa kaya ako naghihintay sa'yo," nakasimangot na salubong sa akin ng kaklase kong si Beily. Transfer student s'ya at may pagkamaarte. Bagay silang magsama ni Francesca sa totoo lang. Sadly, HE and kinuha n'yang strand at hindi STEM. Nagkunwari akong walang naririnig. Hindi ko pinansin ang nagkandahaba n'yang nguso. Alam ko naman kase kung ba't ganan na naman 'yan. Ipupusta ko lahat ng baon ko, hindi na naman n'yan ginawa ang assignment n'ya. Tapos wala pa siguro s'yang nahahanap na kokopyahan kaya malamang, matagal na s'yang naghihintay sa pagdating ko. Matalino naman, tamad lang. "Medyo na-traffic ako eh," katwiran ko. Ayoko naman aminin ang tunay na dahilan kung bakit natagalan ako sa pagpasok. Ano na lang ang sasabihin n'ya? Na nagiging malantod na nilalang na ako? Idol pa naman ako nito. Wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya ang plano kong gawing manugang nila mama at papa si Shan. Nakakahiya. Beily is one of my closest friend nung pumasok ako sa HE Strand. Dahil pareho kaming walang grupong kinabibilangan, we stick to each other. Kilala rin s'ya noong apat kong childhood friends. Iyon nga lang, nai-stress sila lalo na si Fafa at Iska dahil kapag gumagawa ako ng gulo, palaging naka-back up sa mga pinaggagagawa ko si Beily. "Hmp! Obviously." naka-pout n'yang tugon na kaagad sumunod sa akin. Magkatabi kami ng upuan. Walang magawa mga kaklase at teacher namin dahil palagi silang dinadramahan nitong si Beilly. She's a dramaqueen. Pangarap n'yang maging isang award winning actress pero hindi ko maintindihan kung bakit H.E Strand ang kinuha n'ya. Dire-diretso akong nagtungo sa upuan ko. Hindi naman talaga ako late na late. Wala pa nga kaming teacher eh. Hindi lang siguro sanay ang babaeng 'to na ako 'yung nahuling pumasok sa aming dalawa ngayong araw. "Pero alam kong bukod sa traffic may itinatago ka pa sa akin. Ano ngang nangyari? Bakit nagt-twinkle 'yang mga mata mo?" seryosong pansin n'ya. Titig na titig s'ya sa buong mukha ko kaya naman ako na 'yung nailang. Pinilit ko lang na hindi ipahalata. Pero... Nagt-twinkle? Ganun ako ka-obvious? Tiningnan ko rin ng seryoso ang kalahating intsik kong kaibigan. Hindi ko lubos-maisip na kaya n'ya na akong basahin samantalang iilang buwan pa lang naman kaming magkasama. Napakamot ako sa ulo. Malakas naman pala pakiramdam ng babaeng 'to bakit palagi na lang s'yang niloloko ng mga ex-boyfriend n'ya? "Nagt-twinkle? Paano 'yung nagt-twinkle?" Patay-malisya kong tanong kay Beily sabay ngisi ng nakakaloko. Pinagtaasan n'ya ako ng kilay. Tinitigan n'ya ako mula ulo hanggang paa. "Mukha ka ring blooming. Di ka naman nagli-liptint pero naka-liptint ka ngayon," pansin n'ya pa. Gusto ko na tuloy maglaho ng tuluyan dahil sa mga pinagsasasabi n'ya. Pati ba naman pagli-liptint ko? The fudge. Ano bang meron ngayon at napaka-observant nitong si Beily? "Type ko lang mag-liptinit." Sabi ko sabay kuha ng notebook sa bag ko. Mahina kong inginudngod sa mukha n'ya ang notebook. " Ayan, kumopya ka na para matigil ka sa kapupuna mo sa akin," Nakita kong napailing-iling si Beily habang nakatingin sa kinokopya. "Ano nga pala ang nangyari bakit nagpunta ka sa rooftop kahapon ng hindi ako isinasama? Tapos sumugod pa ang mga bff mo? May problema ba?" seryoso pero may pag-aalalang tanong n'ya habang nakatutok pa rin ang paningin sa kinikopyang assignment. Pati iyon alam n'ya. Sinadya ko talagang hindi sabihin sa kanya ang pagpunta ko sa rooftop dahil gusto kong magmuni-muni. Gusto kong liwanagin ang mga nakakalokong nararamdaman ko para kay Shan sa sarili ko. Kaso, dumating 'yung apat na bruha. Kaya sa halip na malinawan ako parang lalo lang akong lumubog sa kung saan ko man gustong umahon. Sasabihin ko ba sa kanya ang problema ko tungkol kay future husband? Naputol ako sa pag-iisip ng kung anu-anong nang marinig kong magsalita ulit si Beily. "Umamin ka nga." Tuluyan ng huminto sa pagsusulat si Beily. Humarap s'ya sa akin at pinagsalikop ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib." Sinagot mo na ba si Kiel?" Nakataas ang kilay na tanong n'ya. Seryosong-seryoso pa ang mukha n'ya habang tinititigan ako ng matiim. Muntik na akong mahulog sa upuan. Ano daw? Ano naman ang pumasok sa utak ng babaeng 'to at naisip na sinagot ko na ang kumag na 'yun? Alam n'ya namang hindi ko type ang manliligaw na 'yun kahit na galing pa ito sa prominenteng pamilya. Ewan ko ba, okay naman si Kiel pero hindi ko talaga s'ya magawang magustuhan. Siguro dahil hindi ko naman makita sa kanya ang sinseridad? O dahil nakukulangan ako sa kanya? I dunno. Kagaya ng iba, hindi ko rin nararamdaman sa kanya kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Shan. Hindi ko nga rin maintindihan kung saan ko nakuha 'yung pakiramdam na hindi naman talaga s'ya sincere sa gingawa n'yang panliligaw. Pero imagine ha, may nanliligaw bang paisa-isang cloud 9 or bengbeng lang ang ibinibigay? Minsan pa nga hello. Or kapag walang-wala na sigurong budget, tatlong flat tops. Tingin n'ya yata sa akin Grade 1. Doon yata nagsimula ang misconception ko sa kanya. Kundi ba naman s'ya baliw eh. S'ya lang 'yata 'yung manliligaw na parang takot na takot gastusan ang nililigawan. Hmmp! Anak mayaman pero kung mag-abot sa akin ng mga tsokolate akala mo'y pulubi. I know it's bad to say that. Na parang ako pa ang choosy eh ako na nga binibigyan. Pero hello?! Kung ako man ang lalaki mahihiya akong magbigay ng ganoon sa nililigawan ko tapos isang piraso lang? Erw. Nakakahiya. Pero teka lang, bakit naman napunta sa kolokoy na 'yun ang usapan namin? "Sinasabi mo d'yan?" nakangiwi kong tanong. Hindi ako magtataksil sa future juwa ko, okay? Hindi ko s'ya ipagpapalit sa hello, sa bengbeng, or kahit na sa isang karton pang cloud9. "Eh, bat ganyan mukha mo? Para kang naka-jockpot?" naiiling na tanong ni Beilly. "So kapag sinagot ko si Kiel Aragon, naka-jockpot na ba ako nun?" "Hmm, why not? He's handsome. Popular. Rich. And he has his own car," Ganun lang? Ganun lang para sa kanya ang naka-jockpot? Samantalang ako...iniisip ko pa lang na bibigyan ako ng makalaglag pusong ngiti ni Ye Shan, ay! Paniguradong jockpot pa sa jockpot ang pakiramdam ko. "Sorry. Hindi ako materialistic. Besides, I don't find him mature enough to be in a relationship with." I said matter-of-factly. Kung yaman lang ang magiging basehan ko para magustuhan ang isang tao. Napaka-cheap ko naman. Madalas akong sabihan ni papa na huwag maging judgemental. Kaya naman hindi ko jina-judge ng bonggang-bongga si Kiel. Kaunti lang. As in kaunti lang talaga. Saka wala naman sanang problema kung iyon lang ang kaya n'yang ibigay. Kaso one time nahuli ko s'ya noong bumibili ako sa canteen. Nilibre n'ya buong kaklase n'ya. Tapos ang iaabot n'ya sa akin 'yung tira-tira. Funny. I'm not that cheap. "Sabi mo eh. Anyways, hindi ko rin naman s'ya type para sa'yo. Parang feeling ko nga hindi naman bagay sa'yo ang magka-boyfriend." mahinang sabi ni Beily. Nagsusulat na s'ya ulit kaya hindi ko makita kung ano ba talaga ang reaksyon ng mukha n'ya. Lokong 'to ah. Parang nahahawa na kay mama at tita Gigi ang tabas ng dila nitong babaeng 'to ah. "Alam mo kopyahin mo na lang 'yan at baka maabutan ka na ni mam," asar kong sambit. Napairap tuloy ako sa hangin. Tsk. "Hmm, paano ko ba makukuha ang atensyon ng lalaking 'yun ng maisampal ko naman s'ya sa pagmumuka ng mga 'to na walang katiwa-tiwala sa pagmumukha ko. Nakakaasar na ah," nagngingitngit kong bulong. Hindi ko namalayan na medyo malakas pala ang pagkakasabi ko kaya narinig iyon ng magaling kong kaibigan. Saglit na huminto sa pagsusulat si Beilly. Lumingon s'ya sa akin at napangiwi dahil sa sinabi ko na para bang isang malaking kalokohan ang narinig n'ya. "Nangyayari sa'yo Iana? Nag-almusal ka ba? Baka may kabag ka? Nababaliw ka na naman ba? Sinong lalaki naman 'yang pinaplano mong biktimahin?" Nakakunot-noong tanong ni Beilly. " Tumahimik ka nga. Nahahawa ka na talaga kay Iska at Gigi eh. Pagbubuhulin ko na talaga kayo," "Hay naku Iana. Kung hindi ko lang alam na matagal ka ng baliw. Papatulan na talaga kita." naiiling n'yang sambit na ni hindi man lang pinansin ang mga irap at panlilisik ko ng tingin sa kanya. Hay naku. Isipin ko na lang, makikita ko na naman mamaya si future husband. Kaya lang... Habang iniisip ko s'ya, nagbabalik sa ala-ala ko ang mga sinabi ni nanay Betty. Parang tatanim na talaga sa isipan ko ang mga sinabi n'yang 'yun. Haist. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kinakabahan ako sa hindi ko naman malamang dahilan. I'm being paranoid. Hindi naman ako ganito. Palaging buo ang loob ko kapag lumulusob ako sa gyera. "Uy, Gabrianna!" "Ocampo!" "Miss Gabrianna Ocampo!" Isang malakas na tampal sa balikat ang nadama ko bago ako bumalik sa kasalukuyan. "Ano?" nagtataka kong tanong? Nakatulog ba ako? "Ano bang nangyayari sa'yo? Kanina pa ako salita ng salita dito pero bigla na lang nagdilim 'yang mukha mo. Hindi mo ba napuruhan 'yung lalaki kahapon? Gusto mo bang balikan natin? Sinabi ko naman sa'yo, huwag mong sosolohin ang galit mo. Sabay nating ilabas 'yan," mahabang paglilitanya ni Beily. Umupo ako ng tuwid. Mukha ngang madalas akong wala sa sarili ah. Ganito ba talaga kapag nagkakagusto ka sa isang tao? Para kang lutang? "Sorry na. May iniisip lang ako." Mahina kong sambit. " Tapos ka na ba? " " Yeah. Almost, " " Tapusin mo na 'yan at baka dumating na si mam, " sabi ko pa saka nakapangalumbabang tumingin sa labas ng bintana. Kung iisipin kong mabuti, para naman talagang hindi nabibilang sa lugar na 'to si Shan. Pero dahil nga siguro may nagbabanta sa buhay n'ya, napilitan s'yang tumira sa lugar namin. Huminga ako ng malalim. Dapat siguro kausapin ko s'ya. Walang hiya-hiya. Aamin ako sa kanya at itatanong ko kung may pag-asa ako. Paano pala kung pinapabayaan ko ang sarili kong lalong mahulog sa kanya tapos may girlfriend pala s'yang iniwanan sa kanila? O kaya dahil tingin ko eh chinese s'ya, paano kung mahigpit ang pamilya n'ya sa babaeng pipiliin n'ya? Sabi ni nanay Betty. Hindi nila alam ang apelido ni Shan. Basta ang alam nila Ye Shan ang pangalan ni future jowa. Kaya malakas ang kutob kong chinese s'ya or half chinese. Huminga ako ng malalim at mariing napapikit. Mag-iisip na ako ng mga paraan para makausap s'ya na hindi ako masyadong makakaramdam ng awkwardness. Fighting Iana! Kaya mo 'yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD