Chapter 11: A Sudden Invitation

2058 Words
IANA'S POV So tired! Tumingin ako sa relong suot ko. Alas sais na ng hapon. I must hurry dahil baka ma-traffic pa ako, nakakahiya kila nanay Betty kung hindi ko maiuuwi ang pangsinigang na ipinabibili n'ya. Sabi n'ya lulutuin n'ya raw iyon para ngayong hapunan nila. Nagmamadaling nagligpit ako ng mga gamit saka patakbong lumabas sa building namin. "Sandali nga, Gabrianna. Teka nga! Ano bang meron Gabrianna Ocampo at madaling-madali ka?!" Hinihingal na tanong ni Beilly. Mabilis akong nagpreno sa paglalakad. Hindi ko napansin na nakasunod pala sa akin si Beily. At ang malala, sinasabayan n'ya pa ang bilis ng lakad ko at dahil malalaki ang mga hakbang na ginagawa ko, halos mapugto na ang hininga n'ya makahabol lang sa bawat hakbang ko. Hindi ko sinagot ang tanong n'ya. Tumingin ako sa wristwatch na suot ko at muling naglakad palabas ng campus. Halos lakad takbo na nga ang ginawa ko para makalabas kaagad. "Shems, Iana! Can you slow down?!" hinihingal na sambit ni Beily na humahabol pa rin sa akin. "Sorry Bei, pupunta pa kase ako sa palengke kaya hindi kita masasamahan ngayon. Don't follow me na lang para hindi ka mapagod masyado," sabi ko sa apologetic na tono. My future depends on it, friendship. You must forgive me this once. "Palengke? At ano ang gagawin mo sa palengke?" takang-takang tanong ni Beilly habang naghahabol pa rin sa akin. Alam ko 'yun dahil kilala ko ang tunog ng takong n'ya. Kahit naman yata sino magtataka sa biglaang trip ko. Usually, hindi talaga ako pumupunta sa palengke na mag-isa. Palagi kong kasama ang mga ka-grupo ko kung may lulutuin man kami sa cooking class or si Beilly since mahilig kami mag-foodtrip. "May nakikisuyo lang. Nagpapabili ng liempo," Hah. Kahit ako hinapo rin ng bonggang-bongga ng makalabas na sa campus. "Hindi ka pa ba uuwi?" binalingan ko si Beilly na tinitingnan pa rin ako. Halos mawala ang singkit na n'yang mga mata dahil sa pag-o-obserba sa akin. Ano na naman kayang iniisip ng babaeng 'to? Nakakatakot makatingin eh. "Liempo talaga ang bibilhin mo?" tanong n'yang hindi ko malaman kung maiiyak o maiinis ba. "Oo," "Pinahabol-habol mo ako. Halos mapugto na ang hininga ko. Kulang na lang kumalas na pati ang fake eye lashes ko dahil sa sobrang pawis dahil lang hinahabol kita para bumili ng liempo?" tanong ni Beily na para bang hindi makatarungan ang ginawa ko sa kanya. But hey! I never told her to follow me in the first place. Bakit naging kasalan ko 'to ngayon? "Tell me, may hindi ka ba sinasabi sa akin Iana? Sigurado bang bibili ka ng liempo at hindi sasabak sa gulo?" nakapamewang na tanong ni Beily. Namumula ang mukha n'ya dahil nga siguro sa ginawa n'yang paghabol sa akin. Pawis na pawis din s'ya at medyo hinihingal pa. "Wala nga. Kailangan ko lang makauwi sa bahay before seven kaya naghahabol ako ng oras." "Seryoso ka...?" Biglang napahinto sa pagsasalita si Beily. Nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa akin at sa kung sino mang nilalang na nasa likod ko. May multo bang bigla na lang lumitaw sa likuran ko? Kinakabahan na lumingon ako sa likod at napa-face palm ako mentally. Sa lahat naman ng makikita ko, bakit si Kiel Aragon pa ang sumulpot sa likuran ko? "May pupunta ka ba? Samahan na kita?" Tanong ni Kiel pagkahinto sa tabi ko then he smiled handsomely. Gwapo naman talaga s'ya. Hindi ko lang talaga alam kung bakit hindi ko nararamdaman sa kanya yung nararamdaman ko towards Shan. Sa napakaabnormal pa lang na pagtibok ng puso ko, alam kong anlaki na ng pinagkaiba ng dating nila sa akin. "Ah, no. No than..." "Can I tag along? I heard, pupunta ka daw sa palengke, may pinapabili din kase sa akin si mommy." Nalunok ko lahat ang mga sasabihin ko sana. Hindi ko mapigilang pasadahan ng tingin si Kiel mula ulo hanggang paa. Pupunta sa palengke ng pusturang-pustura? Mamahaling sapatos pa ang suot? Anong palagay n'ya sa palengke? Cat walk ng mga rich kid na kagaya niya? Napakamot ako sa ulo. Delikado ang isang 'to. Mamaya sa halip na 200 lang ang liempo maging 500 per kilo pagkakita pa lang sa ayos n'ya. "Ahm, no. I don't want you to tag along. This errand is very important to me. Bakit hindi na lang si Beilly ang isama mo? Bei, ikaw na muna ang bahala kay Kiel ha. Nagmamadali lang talaga ako eh." Deretchang sabi ko. Ni hindi ko tinapunan kahit na matipid na ngiti si Kiel. Noong una pa man sinabi ko na sa kanya na wala s'yang mahihita sa akin. S'ya lang ang makulit at feeling close. Tag along. Tss. Ano na naman kayang trip ng lalaking 'to at may pa-tag along pang nalalaman. I rolled my eyes and turned around Nagmamadali na akong tumakbo papunta sa jeep na huminto sa may di kalayuan. "Bye, Bei! See you tomorrow!" Kumaway pa ako kay Beily na nakakunot-noo pa rin habang nakatitig sa umaandar na jeep. Ten minutes lang ang naging byahe ko mula school hanggang palengke. Kayang-kaya ko naman sana lakarin, kaso andun si Kiel. Malakas ang kutob kong kukulitin n'ya ako at malamang, baka sabayan pa ako sa paglalakad ko. Ayokong dumikit sa kahit na sinong poncio pilato tapos mamaya pupunta ako sa bahay nang future husband ko. Para sa akin isang uri 'yun ng kataksilan. Pagkahinto ng jeep ay mabilis na akong bumaba at nagmamadali akong pumasok sa palengke. Pamilyar ang bawat panghakbang ko. Hindi na rin ako hinaharang ng ibang magtitinda dahil alam nila kung gaano ako ka-loyal sa suki ko. Nakangiti akong tumakbo papunta sa isang pwesto. "Aling Boleng! Magandang gabi po," nakangiting bati ko sa matabang tindera ng karne. Nag-angat ng paningin ang ginang na abala sa paggigiling ng laman ng karne. Kitang-kita ko ang pag-aliwalas ng mukha ni Aling Boleng nang makura n'ya ako. Probably "Aba, mag-isa ka yata. Bakit napasugod ka, Iana?" Nakangiting tanong nya sa akin. May edad na si Aling Boleng. Mas matanda s'ya kay mama ng apat na taon. Pero dahil sa hirap ng trabaho at sabi pa n'ya na noong araw daw nagbibilad s'ya sa kainitan paglalako ng mga isda. Kaya siguro mas matanda na s'yang tingnan compared sa tunay n'yang edad. Mabuti na lang dahil sa kasipagan nilang mag-asawa, meron na silang pwesto sa palengke. Ka-schoolmate ko rin 'yung bunsong anak nila Aling Boleng. " May bibilhin po akong importante eh. Meron po ba kayong sariwa at magandang klase ng liempo, Aling Boleng? May nagpapabili po kase," sabi ko sa kanya using my very sweet tone of voice. "Baka sa susunod samahan ko na po si Nanay Betty dito para malaman po nyya itong pwesto n'yo." Dagdag ko pa. Napangiti na lang si Aling Boleng. Tropa kami nito eh. Madalas n'ya akong bigyan ng discount at palaging sariwa ang binibigay n'yang produkto sa akin. "Naku ikaw na bata ka talaga. Nagpapasikat ka na naman. Pero salamat, anak." Nakangiting sambit ni Aling Boleng saka kumuha ng liempo. " Ang dami-dami mo ng dinalang costume dito. Mukhang kailangan ko na talagang mag-ipon para sa 18th birthday mo." Natatawang dagdag pa ng ginang. "Hindi na po. Ipag-pray n'yo na lang na sagutin ako nung liligawan ko. Haha," natatawang sambit ko. Kabiruan ko talaga s'ya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit may sweet spot sa akin ang mga nanay na kagaya n'ya. Feeling ko talaga si mama lang ang may ayaw sa akin. Parang laging nasa gyera kapag nagbibigay ng command, ay utos pala. "Liligawan mo? Ano bang gayat nito, anak?" magkasunod n'yang tanong na bahagya pang nagtaas ng ulo. "Pangsinigang po. Opo. May nakita na po akong liligawan ko. Hehe." Napailing-iling si Aling Boleng dahil sa sinabi ko. "Babae ba 'yan?" walang paligoy-ligoy n'yang tanong. Huminto s'ya saglit sa ginagawa n'ya at tiningnan ako ng deretcho sa mga mata. "Naku, hindi po," Tila nakahinga naman s'ya ng maluwag pagkarinig sa sagot ko. Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod n'yang sinabi. " Bakit hindi mo lang sagutin si Ben?" tukoy ni Aling Boleng sa anak n'yang bunso. Infairness, gwapo si Ben. Pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. At isa pa, hindi s'ya nanliligaw. May nililigawan s'ya na hindi ko alam kung anong Strand ang kinukuha. Nagtatanguan lang kami kapag nagk-cross ang landas namin sa school. "Tropa lang po kami ni Ben, Aling Boleng. Kayo naman. Baka marinig kayo nung nililigawan. Sige kayo. Magkano po?" "Hay naku. Ang bata bata pa panliligaw na ang inaatupag ng batang 'yan. One eighty na lang para sa'yo anak." Gusto ko tuloy humalakhak dahil sa sinabi ni Aling Boleng. Sagutin ko raw ang anak n'ya. Pero ng malamang may ibang nililigawan puro panliligaw daw ang inaatupag. Kakaloka. Mga nanay talaga. Parang mga baliw eh. Parang nanay ko. Hinahanapan ako ng jowa. Nung may makita na ako, hindi naman daw ako magugustuhan. Hmp! "Salamat po. Ay teka. Pabili na rin po ako nitong kangkong. Dalawang tali po nitong sitaw, dalawang talong, one fourth na kamatis, ito pa pong raddish." Pinagpatong-patong ko lahat ng gulay sa isang pwesto. "Samahan n'yo na nga rin po ng isang sinigang mix, Aling Boleng." Hindi ako sure kung nagkalagay ba ng gabi sa sinigang sila Nanay Betty. Next time nga hihingin ko number n'ya para naman matanong ko sa mga kailangan n'ya. "Isandaan na lang 'to lahat, Iana," Inabutan ko si Aling Boleng ng one hundred peso bill. Pagkabayad ay kaagad na akong nagpaalam sa kanya at nagderetcho sa paradahan ng jeep. Mabuti na lang at mabilis palaging mapuno ang mga jeep na pauwi sa Barangay namin. Iilang minuto pa lang akong nakakaupo pero paalis na kaagad. Pagbaba ko sa tapat ng arko sa may Barangay namin, pumara na ako at sumakay naman sa tricycle. Naglalakad lang talaga ako pauwi palagi kase nanghihinayang ako sa sampung piso. Kaso dahil gabi na at lulutuin pa ang mga dala-dala ko, mas minabuti ko ng sumakay na lang sa tricycle. Saktong ala-siete ay nakababa na ako sa tapat ng bahay namin. Pumasok ako sa bahay namin pero sa may gilid ako dumaan. Nakabukas ang ilaw sa likuran ng bahay nila future husband. "Nanay! Nanay Betty." tawag ko sa may gate nila sa gilid ng bahay namin. Ito ang palagi kong dinadaanan noon kapag mangunguha akong mangga eh. Pinapalitan na pala nila ng bagong gate. Hindi na kinakalawang at hindi na rin mapapasok ng basta-basta. Mula sa may pintuan sa likuran ng bahay ay lumabas si Nanay Betty na nakasuot pa ng apron. "O hija, nand'yan ka na pala." Ngumiti ng malawak sa akin si Nanay Betty. Ngumiti din ako habang itinataas ang supot ng pinamili ko. "Ito na po 'yung pinapabili n'yo. Saka ito po 'yung sukli." magkasunod kong iniabot ang mga 'yun sa matanda. "Salamat Yana ha. Dito mo ba ibinawas ang pamasahe mo, anak?" "Naku, hindi na po. May pamasahe naman po ako. Saka malapit lang po talaga sa school yung palengke, kaya hindi naman po ganun kahirap yan gawin." Kinindatan ko pa si Nanay Betty pagka-abot ko sa kanya ng mga pinamili ko. "Salamat Yana. Oo nga pala, nakausap ko na si Shan kanina. Pumayag naman s'ya noong tanungin ko kung okay lang ba na sumabay ka sa amin mamayang hapunan. Ikaw hija? Okay lang ba sumabay ka sa amin mamaya?" T-te-teka lang... Tama ba ako ng narinig? Tinanong ni Nanay Betty si future husband kung pwede ba akong sumabay sa kanila mamaya, tapos... tapos.... tapos pumayag s'ya?! Nanlalaki ang mga mata at sobrang lakas ng kabog ng dibdib habang tinititigan ko si nanay Betty. Napangiti din s'ya ng makita ang reaksyon ko. Ilang ulit s'yang tumango na para bang binibigyan ako ng assurance na totoo ang sinasabi n'ya at hindi s'ya nagbibiro. Muntik na akong tumili at tumalon sa galak! "Seryoso po?" Paimpit kong tanong. Nakatakip ang mga palad ko sa kamay ko. tumango ulit si nanay Betty. "Mapasalamatan ka man lang namin sa ginagawa mong mga pabor sa amin anak." Waaaaahhhhhh!!! Ang saya-saya ko. Hahahaha. Hindi ko pinansin si nanay Betty na natatawa habang nakatitig sa akin. Kulang na lang mapunit bibig ko sa sobrang pagkakangiti eh. "Ahm, ahm, sa-sige po Nanay. Punta na lang po ako mamaya pagkabihis ko po," mahinang sambit ko sa medyo kaldamong boses. Pero shems! Hindi kumakalma ang buong sistema ko! Pakiramdam ko nagb-back flip na naman ang puso ko dahil sa ligaya. Haha. Makaka-first base na yata! Hahaha. Salamat nanay Betty!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD