Chapter 12: Question and Answer Portion

2340 Words
IANA'S's POV "Good evening po, papa." Nagmano ako kay papa nang makapasok ako sa loob ng bahay namin. As usual, nagluluto na naman s'ya ng hapunan. Sinong mag-aakala na ang tatay kong isang mabangis na doktor ay nakasuot ng apron at may hawak na spatula tuwing nasa bahay namin? "Good evening 'nak. Magbihis ka na. Matatapos na ako magluto." aniyang hindi lumilingon sa akin Huminga ako ng malalim. Dahan-dahan akong lumapit kay papa saka yumakap sa braso n'ya. "Paaa." mas pinahaba at mas pinalungkot ko ang pagtawag sa kanya. "Oh?" Nag-aalalang yumuko siya saka ako tiningnan. "May problema anak?" I gave him my toothy grin. Sabay beautiful eyes. Sana effective! "Paaa." Kulang na lang maglambitin ako sa braso ni papa. "Anong kailangan mo, Gabrianna Joëlle?" Alam ni papa kapag may gusto ako. Kaya right at this moment, alam n'yang may ire-request ako kaya naman inalis niya sa kawali ang atensyon n'ya saka ako tinitigan. He's in a serious mode immediately. Ganito si papa sa aming lahat. Pinapakinggan n'ya lahat ng sinasabi namin. Kahit na anong tantrums pa iyan, anong request o reklamo. Pinakikinggan n'yang lahat 'yun. "Pa, dun ako sa kabila kakain ng hapunan." Mahinang sabi ko saka ngumiti ulit. Ngiting makapunit gilagid. Hindi ko mapigilan ang biglang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko, pero syempre, idadaan ko na lang sa ngiti para hindi masyadong obvious. Kakahiya. Baka sabihin ng tatay ko, kaladkarin ang anak n'ya. Hindi kaya itakwil n'ya ako ng wala sa oras? Pero hindi naman masyadong halata na kumikirengkeng ako diba? "Kakain ka ng hapunan d'yan sa kabilang bahay?" seryosong tanong ni papa. Dahan-dahan akong tumingala. Nakakunot-noo na ang papa ko at nakatitig ng matiim sa akin. Parang iniisip ba kung nagj-joke lang ako o seryoso ba ako sa sinasabi ko. "Ininvite ako ni Nanay Betty kumain dun, pa. Nakisuyo s'ya kanina. Ako po ang bumili ng pangsinigang nila. Baka naman daw pwede ko silang sabayan para pasalamatan daw po ako. Okay lang naman po, pa diba? Uuwi rin naman po ako kaagad pagkakain. Nahihiya lang po kase akong tanggihan si nanay Betty eh," sabi ko sa tonong nang-uuto. Yup. Inuuto ko right at this moment ang papa ko. It always work naman eh. Tinitigan pa ako ni papa. Ilang segundo s'yang hindi nagsasalita. Paaaaaa, you have to let me have my way this time! I crossed my fingers. Alam kong pinag-iisipan n'yang mabuti kung papayagan ba ako or hindi. Sana naman payagan n'ya ako. Sige naaaaaa! It's an opportunity to be with my future husband, okay? "Okay. Behave yourself there. Huwag mo kaming ipapahiya ng mama mo." bandang huli, as usual, nanalo ang mga pa-pretty pretty eyes ko. Yeeeees! Kulang na lang ay tumalon ako hanggang kisame pero behave self, behave. Ngumiti ako kay papa ng pagkatamis-tamis. Mabilis akong humalik sa pisngi n'ya saka lumayo ng kaunti sa kanya at baka mairita sa akin si papa ay patulugin na lang ako sa halip na palabasin pa. "Ang bait-bait ko kaya pa. Bakit ko naman kayo ipapahiya ni mama?" nakangiting tanong ko habang dumadampot ng fried patatas. Napapailing na lang na ipinagpatuloy ni papa ang niluluto n'ya. Wahahaha. Humanda ka Ye Shan! Once na pinapasok n'yo ako sa bahay n'yo, isusunod ko na ang buhay mo. Hahahaha! Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako. Napangisi ako ng wala sa oras dahil sa nagwawala kong imagination. "Gabrianna Joëlle. I don't like that smile of yours," nakakunot noong sita ni papa. Ooops! Mabilis kong tinakpan ng mga kamay ang bibig ko. Dahan-dahan akong lumayo kay papa dala-dala ang maraming gayat ng prinitong patatas na malamang isasahog sa niluluto n'ya. Delikado. Baka biglang mabasa ni papa kung ano ang iniisip ko. Hindi ko na nga kakampi si mama eh. Hindi pwedeng pati si papa mawala sa panig ko. Mawawalan na ng balanse ang bahay namin kapag nagkataon. "H-hindi po ako nakangiti pa. Magbibihis na po ako. Thank you pa. I love you!" Mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo na ako paakyat ng hagdanan. Pilit kong binubura ang nakakalokong ngiti sa pahamak kong bibig. Mabuti na lang wala pa si mama at tita Gigi. Dakilang kontrabida ng taon ang dalawang 'yun eh. Dali-dali na akong nagbihis nang makita kong nakasarado ang mga kurtina sa kwarto. Kinuha ko ang assignment ko saka patakbo uling bumaba sa hagdanan. "Punta na ako sa kabila pa." Hindi ko na hinintay ang isasagot ni papa. Baka magbago pa isip eh. Saka delikado kapag dumating na si mama. Malakas ang pakiramdam kong hindi n'ya talaga ako papayagan na makikain sa ibang bahay. Tas gagatungan pa s'ya ng magaling kong tiyahin. Nakuuu! Delikado talaga ang senaryong 'yun. Unahan ko na sila bago pa umariba ang ka-negahan nila. Dun na lang ako sa kabila gagawa ng assignment. Dali-dali kong tinawid ang kakaunting espasyo na naglalayo sa mga bahay namin. "Nanay Betty! Tatay Greg!" tawag ko mula sa labas ng gate nila. Mula sa loob ng bahay ay lumabas si Tatay Greg. "Magandang gabi po. " Magalang akong nagmano kay tatay Greg saka sumunod sa kanya papasok sa loob ng bahay. Wala ng hiya-hiya. Wala akong mahihita kapag di ko kinapalan ang mukha ko. Katatapos pa lang ni Nanay Betty maghugas ng karne nang pumasok ako sa loob ng kusina nila. "Hello Nanay. Makikigulo po ako sa inyo," bati ko kay nanay Betty. Ang lawak ng pagkakangiti n'ya pagkakita sa akin. "Tama po ba gulay na binili ko Nanay?" Tanong ko habang lumalapit sa matanda. Medyo nag-aalangan ako sa mga gulay na pinamili ko kanina. Baka kase hindi naman iyon ang gusto nilang gamitin. Iba-iba kase ng version ng sinigang ang mga tao. Pwedeng 'yung mga gulay na nilalagay namin ay hindi nila gusto, or pwedeng ganun din ang type nilang gamitin. "Oo anak. Tama lahat. Hindi kumakain si Zae ng sinigang sa gabi. Salamat ulit ha." "Wala po 'yun. Tulungan ko na po kayo dito." Inalis ko mula sa plastic ang kangkong saka iyon pinutol-putol. Sinunod ko ang okra, sitaw, talong, kamatis, sibuyas at labanos. Dahil sanay akong maggayat at magbalat ng kahit ano, mabilis kong natapos ang pagp-prepare sa mga gulay. "Wow. Marunong kang magluto, Iana?" manghang-mangha si Nanay Betty nang makitang nakaayos na lahat ng mga gulay na gagamitin n'ya. Bukod sa pulido ang bawat hiwa ko, hindi rin ako makalat gumawa sa kusina. Ayaw ko ng makalat. Iyon ang kauna-unahang turo ni papa sa akin eh. "Opo. Ayoko po kase matulad sa nanay ko. Haha. Masyadong spoiled kay papa. Si papa po palagi nagluluto sa bahay, saka po ako." Nangingiting kwento ko kila Nanay Betty. Hindi ko sinisiraan ang nanay ko ha. Nagsasabi lang ako ng totoo. Sabi ni papa, pabayaan ko na raw dahil ganoong buhay ang kinalakhan ni mama. Sa totoo lang, taon-taon kung bumisita sa amin ang maternal grand parents namin pero never pa kami nakarating sa kanila. Kahit sila kuya. Hindi rin nila alam kung saan ba nakatira sila pops at lola. May haka-haka nga ang mga kuya ko na baka may royal blood daw kami. Hahaha. Royal blood daw. Ang lalakas eh. Nagkikibit-balikat na nga lang ako sa tuwing napagkukwentuhan namin ang tungkol sa pamilya ni mama. Pero minsan, naiisip kong hindi naman imposible 'yun kase noong maliit pa kami ni tita Gigi, ang palaging kinukwento ni mama ay about sa mga palasyo, mga prinsesa at prinsipe. "Mahal na mahal siguro ng papa mo ang mama mo, hija. " Ani nanay Betty na s'yang nagpukaw sa naliligaw ng landas ko na namang isipan. "Wala pong siguro Nay. Mahal na mahal po talaga ni papa si mama. " proud kong sagot kay nanay Betty. And that's the reason why I respect relationships so much. Gusto kong magkaroon ng relasyon na kagaya ng kay mama at papa. Na hindi nag-aaway dahil sa third party. Nagbabangayan pero sa simpleng mga bagay lang. Mula ng magkaisip ako hanggang lumaki, nakita ko kung paano i-spoiled ni papa si mama. Kung paano naman irespeto ni mama si papa. At kung paano din kami mahalin ni papa. Mula kay kuya Zeb na sinuportahan nila kahit na noong nakabuntis, hanggang sa mga kuya kong kambal. Ako at si tita na mahal na mahal din nila. Lahat kami pantay-pantay sa paningin nila. Mas lamang lang talaga ang pagmamahal ni papa kay mama kesa sa amin. Si papa din ang dahilan kung bakit parang ang taas talaga ng standard ko sa lalaki eh. Well, may nabasa ako dati na mas dapat naman daw talagang mahalin ng babae or lalaki ang asawa niya. Dahil ang mga anak ay bonus na lang sa pagsasama nila. Kaya iyong mga lalaking iniiwanan ang mga asawa nila kase hindi daw sila mabigyan ng anak, for me, mga wala silang kwenta. Inasawa lang ba nila si girl para anakan? They're idiots. "Doon ka muna sa sala, anak. Halika. Ipapakilala kita kay Shan." Nagpunas si Nanay Betty ng kamay n'ya at ng makatapos ay iginiya ako papunta sa sala ng bahay nila. Habang naglalakad kami ay nagwawala na ang puso ko. Shems! Pinagpapawisan na ang mga kamay ko at... at parang ang hirap huminga! My goodness! Bakit naman ganito??? Pagkarating namin sa medyo malawak nilang sala ay naabutan naming nakaupo sa pang-isahang upuan si future husband. Ni hindi man lang kami tiningnan nang makapasok kami. "Shan, anak." Mahinang tawag ni nanay Betty sa lalaking nakaupo ng tuwid sa mamahaling sofa. He looked so regal and handsome. Side profile pa lang n'ya pero nakakapanlambot na ng tuhod. Sa kanya lang talaga ako may side effects na ganito. Why naman ganyan ka self? "Hmm?" umungol lang s'ya at ni hindi lumingon sa akin o kay nanay Betty. "May ipapakilala ako sa'yo." noon lang huminto sa ginagawa n'ya ang magaling na lalaki. Saglit na tumingin sa direksyon namin si Shan. Wala pa ring mababakas na kahit anong emosyon sa pagka-gwapo-gwapo n'yang mukha. "Shan, ito si Gabrianna. Iana, anak, ito si Ye Shan." mabilis na pagpapakilala ni nanay Betty sa amin. I immediately gave him my toothy grin. "Hi!" masigla kong bati. Para naman hindi masyadong obvious na gusto ng bumigay ng mga tuhod ko. Nakakaloka. Parang gusto ko na lang tumakbo pauwi tas titigan na lang s'ya mula sa malayo. Atleast, hindi ganito kalakas ang dating n'ya sa buong sistema ko. "Mmn," bahagya lang s'yang tumango pagkuwan ay muli ng itinuloy ang ginagawa sa computer n'ya. "Hindi talaga s'ya mahilig magsalita, Iana. Pagpasensyahan mo na. Halika dito. Dito ka na lang gumawa ng assignments mo. Tatawagin ko kayo kapag nakaluto na ako." Dinala ako ni Nanay Betty sa tabi ng maliit na table. Kapareha marahil iyon ng sofa set. At dahil masyadong mababa ang salamin na lamesita, sa tiles na sahig na lang ako naupo. Malinis ang sahig pero butas-butas na ang tiles. Dala marahil ng kalumaan. Kahit na ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinilit kong magpakakaswal. Ayoko naman mahalata n'ya na ninerbiyos ako. Kunwari wala ding epekto sa akin ang presenya n'ya okay? Kaming mga babae, magaling kaya kaming magpanggap. Kaya naming magpanggap na okay kahit deep inside eh nagkakarambulan na ang mga lamang loob namin. Parang hindi na nga alam ng puso, atay at balun-balunan ko kung ano ba ang mga trabaho nila sa loob ng katawan ko eh. Nakakailang back flip na ba ang puso ko? Baka ito ang ikautas ko ng maaga ah. "Student?" mula sa sinusulatang notebook ay nag-angat ako ng paningin at pansumandaling lumingon kay Shan. Student? S'ya ba ang nagtanong nun? Pero hindi naman s'ya nakatingin sa akin. Mabilis pa rin ang ginagawa niyang pagt-type sa netbook na nasa kandungan n'ya. Hmm. Guni-guni ko lang siguro. Pero 'yung boses... Hindi nawala sa pandinig ko kung gaano iyon kalamig. Ang sarap pakinggan ng paulit-ulit. Anak ng, minamaligno 'yata ako. Dapat yata ipa-bless muna nila nanay Betty itong bahay. Ang tagal na ba namang nakabakante nito eh. "Hmm?" muli akong napatingin sa kanya. This time nakatingin din s'ya sa akin. Lumunok ako. Pakiramdam ko kase sumakay ng roller coaster ang puso ko tapos lalabas na sa lalamunan ko. Napalunok ako ulit. Nakakatakot ang kabang binibigay n'ya sa buong pagkatao ko, sis. First time na nangyari ang ganito. Lalo tuloy akong ninerbiyos. "Ahm, yes. Grade 12." "Course?" Kaloka. Parang sila kuya Zike lang ang kausap ko. May bayad din malamang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. At sigurado mas expensive pa kesa sa mga kuya ko. "Home Economics." Hindi na s'ya nagsalita. Na-turn off ba s'ya sa Strand na napili ko? Hmp. Baka akala n'ya ha. Hindi lang s'ya sa pagmamahal ko mabubusog kapag ako ang jinowa n'ya? Kaya ko rin s'yang lutuan ng sari-saring ulam at iba-ibang desserts! "Ikaw?" napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko rin alam bakit lumabas sa bibig ko ang katanungang 'yun. Dahan-dahan s'yang nag-angat ng paningin. Tumitig s'ya sa akin. "Yes?" seryosong tanong n'ya. Para akong hinihigop ng mga mata n'yang singkit at matiim kung tumitig. "Ah, ahm." Hindi ko mahagilap ang sarili kong dila. Ano ba ulit ang sasabihin ko? Sasabihin ko bang huwag n'ya akong titigan ng ganyan dahil baka tuluyan ng bumigay ang puso ko? Or should I tell him, how attractive he is to me? Or, should I just directly tell him that I like him? Suskopo Inday! Ang tapang-tapang ko kapag mambabasted ng manliligaw, tapos ngayon nagbablangko ang isipan ko dahil lang sa tingin n'ya? Nakakaloka naman! Hold yourself together, Iana. Pagkakataon mo na 'to! "Ilan ang girlfriend mo?" Makalipas ang maraming minutong pag-iipon nang lakas ng loob ay lumabas sa bibig ko ang katanungang iyan na kaagad ko ring pinagsisihan kung bakit ko ba itinanong. Shems, Iana! Shems! Wala na bang mas magandang tanong? Iyong hindi nakaka-awkward ang after effect? "Why? You like me?" deretcha rin n'yang tanong. Ni hindi s'ya kumukurap habang nakatitig sa akin. Para bang wala lang sa kanya kahit na ano pang reaksyon ang makita n'ya sa pagmumuka ko. Huminga ako ng malalim saka nakipagtitigan sa kanya. This is it pancit! "Oo!" mabilis at seryosong sagot ko. Bahagyang kumunot ang noo n'ya. Ilang segundo n'ya pa akong tiningnan bago umiiling na ibinalik ang atensyon sa kanyang laptop. "Forget it," mahina ngunit maawtoridad n'yang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD