Chapter 13: He's Taken

2163 Words
IANA's POV Whaaaaat?! Forget it? Bakit n'ya nasabi 'yun? May girlfriend na ba s'ya? Kasal na ba s'ya? O baka naman nasa isang seryoso s'yang relasyon? Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko mula sa bibig n'ya. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na biglang lumukob sa puso ko. Parang nawala lahat ng enerhiya ko sa katawan. "Ow. Ah..ahm, I'm sorry," Ganito pala ang pakiramdam kapag binasted ka? Tinamaan ng magaling. Ang sakit pala. Dahil distracted ako, hindi ko halos nasagutan ang assignments ko. Bigla na lang nagblangko ang utak ko. I can't think of anything. "Kakain na," ang malakas na boses ni nanay Betty ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Dali-dali kong tiniklop ang assignment ko sa Media Information. Kahit isa man lang sa mga umquestionare ay wala talaga akong nasagutan. Dali-dali akong tumayo. Kung hindi lang nakakahiya ay uuwi na lang sana ako para magmukmok. "Ako na po ang mag-aayos ng table nanay Betty," pinilit kong huwag mahalata ni nanay Betty ang lungkot sa boses ko. "Nasaan po pala ang mga pinggan n'yo?" "Nandoon Iana," itinuro ni Nanay Betty ang dish cabinet na mukang bagong bili. Sa itsura pa lang, alam ko ng mamahalin ang makintab na kahoy. Kumuha ako ng apat na plato, at tig-apat din na mga kubyertos. "Good evening po," Mula sa pag-aayos ng lamesa ay napalingon ako sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni papa. Teka nga. Naramdaman kaya ni papa na nadudurog ang puso ko kaya andito s'ya para sunduin ako ngayon? "Ay, good evening po." Kaagad na lumapit kay papa ang mag-asawa. Nakatitig lang ako sa kanila. Okay lang kung papauwiin na ako ni papa. Parang mas okay na 'yun. Parang hindi ko na kayang tumagal sa lugar na 'to. Nakaka-suffocate. "Good evening po. Ako po si James. Papa po ni Gabrianna, kaluluto ko lang po nitong relyenong bangus. Pagpasensyahan niyo na po ang panggugulo sa inyo ng dalaga ko," narinig kong sabi ni papa. " Masarap po ito habang mainit pa," dagdag pa ni papa. Napakagat labi ako. Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Ang sakit talaga. Bakit naman ganito? Parang gustong-gustong tumula ng luha ko lalo na after kong marinig ang boses ni papa. Kunyari pa s'ya eh. Alam ko naman na gusto lang n'ya makita kung tinatrato ba ako ng maayos dito. Hindi s'ya kampante kase hindi n'ya pa naman personal na kilala sila nanay Betty. My heart felt so warmm Saglit kong nakalimutan ang lalaking kanina-kanina lang ay nagpabilis sa t***k ng puso ko. Pero s'ya rin pala ang magiging dahilan kung bakit parang hirap na hirap sa paghinga ang dibdib ko. Nakakaiyak na naman. Umayos ka nga Gabrianna. Lalaki lang naman 'yan. Andami mong manliligaw. Bakit hindi mo kaya sila sagutin ng sabay-sabay? Build your own harem of men. But, dang. Ito lang ang kaisa-isang lalaking tumatak sa isipin ko. Ang unfair. You really are a b***h, karma!. Parang ang sarap isigaw lahat ng nararamdaman kong ka-unfair-an ngayon. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang tao tapos... hindi pala pwede? Bakit naman? Ang saklap dude. "Naku, hindi. Napakabait ng anak mo, James. Napakalaking tulong sa amin ni Gabrianna. Ako nga pala si Gregorio. Tatay Greg na lang itawag mo sa akin. Ito naman si Nanay Betty mo." Nakangiting pagpapakilala ni Tatay Greg saka tinanggap ang pagkaing dala-dala ni papa. "Maghahapunan pa lang kami, gusto mo bang samahan muna kami?" Mukang palagay kaagad ang loob ni Tatay Greg kay papa. Lahat naman. Kaya ang haba palagi ng pila sa clinic n'ya. Maraming gustong ipa-check up ang mga anak nila kay papa. "Hindi na po Tatay Greg. Nag-aayos na po ng lamesa ang asawa ko. Kung may mga kailangan po kayo, or kung may mga katanungan. Magpunta lang po kayo sa bahay namin." "Salamat anak. Hindi nakakapagtakang napakabait ng dalaga mo. May pinagmanahan pala. Halika, pasok ka muna." Si nanay Betty naman ang nag-aya. "Next time na lang po Nanay Betty. Pagpasensyahan niyo na lang po ang dalaga ko kung medyo may kakulitan 'yan. Sabik po kase 'yan sa kapitbahay. Aalis na rin po ako. Welcome po dito sa Barrio namin. Ito nga po pala baka gusto n'yong magtanim-tanim d'yan sa likuran n'yo. Masyado akong busy sa ospital kaya hindi ko nagagawang itanim ang mga binhing ito," "Ay, salamat hijo. Salamat," abot-abot ang pasalamat ni tatay Greg kay papa. Rinig na rinig namin sa boses n'ya ang galak pagkatanggap sa mga pananim na ibinigay ni papa. Magkasabay na bumalik sa loob ng dining room ang mag-asawa. Narinig kong tumunog ang kinakalawang na gate nila Nanay Betty. "May dalang relyenong bangus ang papa mo, Iana. Kaya pala ang ganda-ganda mo. May pinagmanahan ka pala." Nanunudyong wika ni Tatay Greg. Ang lawak ng ngiti ko dahil sa sinabi ni Tatay Greg eh. Pansumandaling nawala ang kirot at hapding nadaram ko. "Pero Tatay Greg si mama po talaga ang kamuka ko. Hehe," sino bang hindi matutuwa kapag sinasabihan ng maganda? Lahat naman siguro talagang papalakpak ang tenga. "Shan. Halika ngang bata ka," "'m here," Napalingon ako sa tabi ko. Hindi ko alam kung sinasadya n'ya ba or upuan n'ya lang talaga ang inupuan n'ya ngayon. Hindi ko naman napigilan ang sunod-sunod na pagb-back flip ng puso ko. Sa tabi ko lang naman sya naupo. As in, konting kibo ko lang, masasagi ko s'ya nang siko ko. Umayos ka girl. The life and death rule in our Ocampo clan is never to involve yourself with a taken man or woman. Whether it's a girlfriend or boyfriend, husband or wife, never involved yourself with them. Bigla tuloy akong natakot gumalaw. "Huwag kang mahihiya Iana. Kain lang ng kain. " Nakangiting wika ni Nanay Betty saka inilagay sa tabi ko ang isang mangkok ng sinigang. Tigi-tigisa kami ng mangkok nang sinigang. Unang tingin ko pa lang, kitang-kita ko na na mas marami ang share namin ng alaga nila kesa sa share nilang dalawa na mag-asawa. "Ang dami po neto, Nanay Betty. Hindi ko po ito mauubos." Nahihiya kong sambit. Nasanay ako sa bahay na share share kami sa ulam na nakalagay sa malaking bowl. Kaya hindi pwedeng mag-unahan kami sa pagkain. Dapat hangga't maari, sabay-sabay dapat kaming dudulog sa mesa. "Konti lang yan anak. Mga bata pa kayo kaya dapat kumakain kayo ng marami," sabi ni Tatay Greg. Hindi na ako nagsalita. Kumuha na lang ako ng kanin saka inilapag ang lagayan malapit kay Shan pagkakuha nang portion ko. I watched him as he scoop his own rice. At ang sarap sa mata ng bahat kilos n'ya. He's like a prince, moving and eating like a royalty. Sa panunuod ko pa lang sa kanya nabubusog na ako ng bongga. Kaya lang, parang ang pait bigla ng panlasa ko. Oo nga pala. He's off limits. I shouldn't think of him that way. It's illegal. Pero... Arrgh! Hindi ko talaga mapigilang hindi s'ya tingnan sa peripheral vision ko. Dang it! Why does he look so elegant while eating sinigang? I guess that's something I can't do. Sabi nga nila papa, parang biik daw ako kung kumain minsan. Aish. Habang turn on na turn on ako sa kanya, nat-turn off naman ako sa walang silbi kong sarili. Baka hanggang pagluluto lang talaga ang talent ko. "Hindi ba masarap ang pagkain 'nak?" Ewan ko lang, hindi ko namalayan kung kailan nagsimula si Nanay Betty na tawagin akong 'anak'. Ang sarap lang sa pandinig. "Ahh! Masarap po. Sobra!" Nakaka-insecure lang po talaga 'yung katabi ko and at the same time, nakaka-bitter. Syempre hindi ko naman iyon masabi ng harap-harapan kila nanay. Pinilit ko na lang alisin sa katabi ang atensyon ko. At dahil gutom naman talaga ako, pansamantala kong naalis sa kanya ang atensyon ko.  Ang sarap ng sinigang ni Nanay Betty. Nanunuot sa liempo ang maasim at malinamnam na lasa. "Hindi ka kumakain ng talong, anak?" Napatingin ako kay Tatay Greg, pagkatapos ay sa talong na hindi ko nagalaw kahit isa. I bite my lips. Ano gagawin ko? I don't like eating eggplant not unless its fried. "S-sorry po. Hindi po ako kumakain kapag hindi tortang talong," nahihiya kong sabi sa mahinang boses. Kahit na pilitin ko pa ang sarili ko, hindi ko talaga makakayang lunukin ang talong na 'to. Ayokong masabihan ako ng maarte pero ayoko naman pilitin ang sarili ko. Ilang beses akong lumunok at nakipagtitigan sa talong. "Ahm, sa'yo na lang." Iniusod ko kay Shan ang mangkok na puro sabaw at talong. Sa ganitong paraan man lang ay mabawian ko s'ya. Na-broken heart na nga ako sa kanya, hindi ko pa ba babawian? Nilakasan ko na loob ko. Nahihiya ako sa dalawang matanda eh. Nag-effort sila sa pagluluto tapos hindi ko naman kakainin. Nakakahiya. Kesa manghinayang sila, ipakain ko na lang sa alaga nila. Mas okay na iyon kesa masayang ang food. Hindi ko na napansin na nagkatingin ang dalawang mag-asawa dahil sa ginawa ko. Hindi ko pinansin ang tinging ibinibigay sa akin ni Shan. Ang lakas naman ng loob na tingnan ako ng masama. S'ya itong nambasted eh. Ilang gayat na talong lang naman ang ipinapakain ko sa kanya. Nginitian ko s'ya ng pilit. Ayoko s'yang tingnan pero mas malakas ang awang nararamdam ko para sa matanda kesa sa sarili ko. My broken heart can wait. I'm a strong-willed person at kaya ko 'tong i-manage hanggang matapos ang kainang ito. "Tss," Muling ibinalik ni Shan ang atensyon n'ya sa kanyang pinggan. Mula ng marinig ko sa kanya ang mga katagang 'forget it' kanina, parang hindi ko na s'ya kayang tawagin na future juwa or future husband. Akala ko makapal na mukha ko. Hindi pa pala ganun ka kapal. Mula sa sulok ng mga mata ay pinagmamasdan ko si Shan. Tahimik na kinuha n'ya mula sa mangkok ko ang talong pati na rin ang sabaw. "Finish," nakangiting ipinakita ko pa sa dalawang matanda ang mga mangkok. Kumikinang ang mga mata nila na para bang isang malaking achievement sa kanila na mapakain kaming dalawa ng alaga nila. Ngumiti sila. "Bukas Nanay Betty, gusto n'yo bang samahan ko kayo sa palengke? Wala po akong pasok bukas eh." tanong ko para naman maipasyal ko si nanay Betty. Saka, kung wala naman na talaga akong pag-asa sa alaga nila. Parang ang awkward kung bubuntot ako palagi sa dalawang matanda. "Hmm, bakit hindi mo kaya samahan si Shan bukas, anak? Hindi ba at may gusto kang puntahan na lugar dito, hijo?" kaagad na sagot naman ni Tatay Greg. Gusto ko sanang itaas ang isang kamay ko, habang nakapatong pahiga ang isa ko namang kamay making a 'T' gesture. Time freeze okay? Bakit ko naman sasamahan ang isang 'to eh gusto ko ngang maka-move habang maaga pa? Hindi ko tuloy alam kung tatawa ba ako o maglulupasay habang umiiyak. Ano ba 'to? Forget it na nga sabi n'ya. Eh, paano ko naman gagawin kung ganito ang ginagawa ng dalawang matanda? Silang dalawa na lang ang concern ko okay? Nasimulan ko na rin lang na tulungan sila, ayaw kong bigla na lang huminto at iwanan sila sa ere. "Gusto mo ba, hijo?" Si nanay Betty naman ang nagtanong kay Shan. Shems! Bakit kaya hindi ako ang tanungin nila kung gusto ko ba. Like, seriously? Lumingon ako kay Shan para sana balaan s'ya na huwag na huwag papayag sa gusto ng dalawang matanda. Kaso... umiinom s'ya ng tubig at... Hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa tanawing nakikita ko. Dang. Why does he look so sexy even when just drinking water? "A'right. What time?" Tapos na sa pag-inom at kasalukuyan na s'yang nakatingin sa akin nang matauhan ako. "Huh?" Nag-hang ba ako? Kailan pa? Bakit? Paano? "Is it okay if I go with you?" he asked seriously. Lumunok ako ng isang beses. Parang mas pumait yata ang panlasa ko. Nakaka-bitter. Sabagay, sa tsura n'yang 'to napakaimposibleng walang nagmamay-ari sa kanya. "Bukas ng alas diyes nine thirty ang open ng mga malls." Dire-diretso kong sagot. As in wala talagang preno. Bahala na si Batman. Makisama ka na lang girl kahit masakit. Nagpapaka-good samaritan ka kase eh. Magdusa ka tuloy ngayon. "A'right. You two, rest. I'll wash this. And you," baling n'ya sa akin. At anak ng tokwa, bigla na namang nawindang ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. "...?" Hindi talaga ako makapagsalita. Parang tumakbo palayo ang dila ko habang tila nagkukumawala naman ang puso ko palabas. " Go home," Para na naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Para bang biglang ini-spray-an ang puso kong naglalagablab ang apoy. Nanamlay bigla ang pakiramdam ko pero hindi ko ipinahalata. "Salamat po sa dinner," nakangiting sabi ko sa dalawang matanda. Pwede na siguro akong bigyan ng award for best actress. Mabilis kong naitago ang tunay kong nararamdaman. Ayokong ipakita sa dalawang matanda na malungkot or nakasimangot ako. Baka isipin nila, hindi ako satisfied sa kanila. Dali-dali na akong lumabas sa bahay nila pagkatapos kong magpaalam sa mag-asawa. Gustong-gusto ko ng makarating sa kwarto ko sabay itulog lahat ng di magandang pakiramdam na meron ako ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD