Chapter 14: You're The First

2021 Words
IANA's POV "Aba...! Anong himala ang pinaulan kahapon ng kalangitan at naambunan ka yata? Gising ka na ba talaga o iihi ka lang tapos babalik din sa higaan?" hindi ko malaman kung pinupuri ba ako o iniinsulto ng tita kong 'to. Tapos ang tingin pa, pailalim at may laman. Sarap tusukin ng barbecue stick eh. Hmp! Hindi ko na lang pinansin ang tita Gigi ko na nakasuot na nang uniform n'ya. Grade 12 s'ya at STEM ang strand na kinukuha. Sa ibang Academy ito pumapasok kung saan matatalino at 95 ang pinakamababang average ng grade. Matalino talaga si Tita Gigi. Bata pa lang ay achiever na s'ya. Magkagayunman, hinding-hindi kami pinagkukompara ni mama at papa. Mukhang kontrabida lang 'yun si mama, pero never s'yang gumawa or nagsabi ng mga bagay na nakakapanliit ng pagkatao ko. Kaya kahit binu-bully nila ako, malakas pa rin self confidence ko. "Hmp! Imbes magpasalamat ka sa ginawa kong paglilinis sa kwarto mo kahapon, ganyan pa ibubungad mo sa akin? Asan na ba puso mo ah?" Nakasimangot na tanong ko. Alas nueve na ako nagising. Wala naman akong pasok kaya iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi ako ginising nila papa. Ito lang talagang tiyahin kong 'to eh, kala mo araw-araw nireregla. "Oh, bakit? Maaga ka naman talagang gumising ah. Nung isang linggo halos sa higaan ka na tumira. May lakad ka?" Ni hindi man lang n'ya pinansin ang pag-aalburuto ko. Wala rin s'yang paki kung nakasimangot man ako. "Nakakainis ka. Modess kailangan mo? Lalabas ako baka magpapabili ka na rin." Nakaismid na sagot ko. "Adik, katatapos lang ng regla ko." Inirapan pa ako ng bruha. Kaya walang nagiging jowa 'to eh. Maganda sana, pagkasungit-sungit lang. Akala mo ay magmi-menopause araw-araw. "San lakad mo? Purgatoryo?" Seryosong tanong ko sa kanya noong paalis na s'ya para makabawi naman sa mga pang-aasar n'yang minsan ay wala na sa lugar. Huminto sa paglalakad ang tyahin kong magaling. Tiningnan n'ya ako ng pagkasama-sama kaya naman mabilis pa sa kabayong tumakbo na ako papunta sa loob ng banyo. Whew! Sa lahat ng nakakatakot sa bahay na 'to, pinaka-kinatatakutan ko ang galit ni tita Gigi. Matinding magalit 'yun aba. Nawawala lahat ng unan at kumot sa kwarto ko. "Kumain ka bago umalis. May iniwanang pera si papa at bibili ka daw ng sapatos," hiyaw ni tita mula sa ibaba ng bahay. Bigla akong nakahinga ng maluwag nang makapasok sa loob ng banyo. Mabuti naman at hindi tuluyang nag-transform sa halimaw si Giorgina. Minsan kase hinahabol ako n'yan tas kulang na lang patayin ako sa pangingiliti n'ya. Dali-dali na akong naligo saka kumain pagkatapos. Nang makatapos kumain ay kaagad na akong umakyat sa kwarto para pumili ng isusuot. Kulay itim na crop top off shoulder ang napili ko na ipinareha ko sa high waist na paldang maong. Malambot ang pagkamaong ng tela kaya naman komportable ako sa suot ko. I tie my hair into at bun at hinayaan ko na lang manlaglagaan ang mga baby hair sa noo ko. I get my white sneakers at nang maisuot iyon ay dinampot ko sa study table ang maliit na back pack na kagabi ko pa ihinanda. Tumingin muna ako ulit ako sa salamin bago tuluyang lumabas ng bahay. Umikot ako sa likuran saka kinalampag ang gate nila Nanay Betty. "Oh, Iana anak," nakangiting lumapit sa harapan ng gate ang matanda. "Aba eh... ang ganda-ganda naman ng batang ito," namimilog ang mga matang bulalas ni nanay Betty. Ramdam na ramdam ko tuloy ang biglang pag-iinit ng buong mukha ko. Si Nanay naman. Maliit na bagay eh, pinalalaki pa. " Asan po alaga n'yo nay?" "Nasa sala. Katatapos lang din magbihis." Kinakabahan na pumasok ako sa loob ng bahay nila. Umayos ka Gabrianna. Wala kang karapatang magkagusto na sa kanya okay? Taken na s'ya. It-tour mo lang s'ya at pagkatapos ay iiwasan mo na sila kapag sanay na sila dito. But then... I saw him, looking so dashing and handsome kahit na simpleng maong na pantalon at white na v-neck shirt lang naman ang suot n'ya. Nakaharap na naman s'ya sa computer. I watch him quietly while his ten finger dance on the keyboards. After ten minutes ay natapos din s'ya sa pagpipindot saka ako tiningnan. "Sorry. I'm just contacting someone." Hindi ako makaimik. Nagpaalam kaya s'ya sa girlfriend n'ya? How sweet. I smiled bitterly. Pero syempre, hindi naman nila mahahalata 'yun. "Let's go?" tanong ko. Baka mamaya napilitan lang s'yang tapusin ang pakikipag-usap n'ya sa girlfriend n'ya. Ayaw ko naman maging abala. Kaya ko naman maghintay kahit hanggang mamayang tanghali. O pwede din naman huwag na muna kami tumuloy. Makipag-chat na lang s'ya forever. Huwag ka ngang bitter, babae. Wala ka naman karapatan magselos alam mo ba 'yun? Hmp. Kung sana sila nanay at tatay Greg na lang ang kasama ko sa paglalamyerda ngayon, hindi sana masakit sa puso. Crack! c***k! I can only imagine how it looks like when my heart shattered into thousand pieces. Dahan-dahan tumayo mula sa kinauupuan si Kumag. Dinampot n'ya ang baseball cup na kulay itim sa tabi ng laptop n'ya pagkuwan ay naglakad na patungong pintuan. "Let's go," sabi nito na hindi man lang ako hinintay. "Go na Iana. Go!" nakangiting tinutulak pa ako ni nanay Betty palabas ng pintuan. Kow, nanay. Kung alam n'yo lang po ah. Binasted na ho ako ng inyong alaga, nanay. Napangiwi ako. Ang pait sa panlasa ng mga pangyayari sa totoo lang. "Alis na po kami nanay Betty, tatay Greg," paalam ko sa dalawang matanda, isang genuine na ngiti ang ibinigay ko sa kanila. Kumaway pa ako pagkalabas namin sa gate. Kung pwede ko lang i-request na silang dalawa na lang ang isama ko. Iwanan na lang namin ang pa-fall nilang alaga. Kaso sa ngiti nilang dalawa, hindi ko magawang alisin 'yun sa mga labi nila. Mabilis akong pumara ng tricycle nang makalabas kami. Ayokong maglakad mula dito hanggang sa paradahan ng jeep tapos makikita kami ng mga tao na magkasama. Mahirap magkaroon ng issue. Nakakahiya sa nanay at tatay ko. "Tara na," baling ko sa kasama ko. I'm trying my best not to think of how handsome he looked right at this moment or how my heartbeat is out of control just by looking at him. "Will I fit there?" Nakakunot-noong tanong n'ya. "Kakasya ka d'yan," walang kagatol-gatol kong sagot. Itinulak ko pa s'ya sa loob kahit na medyo nangangatal ang kamay ko sa kaba. Sumunod ako kaagad nang makaupo s'ya sa loob. Haist. This is madness! Medyo nakayuko nga s'ya. Napa-facepalm na lang ako sa kapalpakan ko. Nasobrahan yata sila Nanay Betty sa pagpapainom ng Cherifer dito. Halos hanggang balikat n'ya lang ako eh. Tas ang gwapo-gwapo pa. Darn you, Gabrianna. Tigilan mo na 'yang kalokohan mo ah. Haaaaayyyy! Mukhang tatanda na lang yata akong dalaga nito ah. Pero... Agawin ko na lang kaya s'ya? Palihim kong sinabunutan ang sarili kong kung anu-anong kabaliwan na ang iniisip. "Tyagain mo na lang, malapit lang naman eh. Mga 30 mins lang bago tayo makarating sa paradahan ng jeep." Naka-poker face kong sambit. Ayoko ng ipakita sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko deep within. Nakakahiya. May nagmamay-ari na sa kanya, "30 Minutes? That's near to you?" he asked faltly. My mouth twitch. It's just a joke okay. It would only take 10 to fifteen minutes bago kami makarating sa paradahan ng jeep sa Barrio. Mukha naman kase talagang hindi s'ya sumasakay sa mga ganitong mumurahing sasakyan eh. Sa kutis n'ya pa lang mukhang yayamanin na talaga s'ya. "You're the first person who make me ride this kind of thing," he said nonchalantly. Parang gusto ko na lang tuloy mag-evaporate dahil sa sinabi n'ya. Pero hindi. Ikaw nga eh. Pina-inlove mo 'ko tapos may iba ka naman na pala. "Sorry," sabi ko sabay ngiti sa kanya. Pero hindi ko sure kung nagmukhang ngiti ba ang ginawa ko coz I felt my mouth twitch again. "Did I make you upset?" may pagtataka sa malamig at nakaka-inlove n'yang boses. Huh? Maang na tiningnan ko s'ya. Nakatitig din s'ya sa akin. Napalunok na naman tuloy ako ng wala sa oras. Did he make me upset? Paano n'ya nalaman? Hindi pala s'ya manhid? Pero syempre. Bakit ko naman aaminin diba? Walang kriminal na aamin sa kasong ginawa n'ya. Not unless wala na s'yang ibang option kundi ang umamin. "Upset? No," mabilis kong sagot. Iniiwas ko kaagad ang paningin sa kanya. Dumaan kami sa palayan. Namumunga na ang mga nakatanim na palay doon. Ilang buwan na lang at mag-aani na naman ang mga magsasaka sa amin. Nakahinga ako ng maluwag noong makita kong malapit na kami sa paradahan. It's like we took forever bago kami makarating doon. Maigi na lang at nakontrol ko ang sarili ko. Kung hindi baka dinambahan ko na 'tong katabi ko. Layo-layo girl. Taken na 'yan, remember? "Manong sa tabi lang po," Kaagad namang ihininto ni kuyang driver ang tricycle n'ya. "Dito tayo." nagpatiuna na ako sa solar jeep. Sumunod naman kaagad sa akin si Shan. Mabuti na lang at hindi s'ya nag-inarte this time. Hinilot-hilot muna ni Zae ang leeg n'ya saka inilibot sa paligid ang kanyang paningin. Ngayon lang ba s'ya makakasakay sa ganitong uri ng sasakyan? "Hindi ka pa nakakapag-commute?" Curious kong tanong. Kahit naman siguro wala na akong karapatan na maging jowa s'ya, hindi naman siguro masamang magtanong ako ng kaunti about his personal life. Lahat ng mga taong nauna sa amin sa loob ng jeep ay napatitig sa kanya. Ang gwapo-gwapo ba naman n'yang tingnan sa mga sandaling ito, pakiramdam ko nga wala talaga akong karapatan na magkagusto sa kanya. But then I remember, wala nga pala talaga akong karapatang magkagusto. Supilin mo ang kabaliwan mo Gabrianna. Huminga ako ng malalim habang tila naririnig kong umaalingawngaw ang tinig n'yang nagsasabi na 'forget it'. "No. I'm not allowed," mahina n'yang anas. Ah? He's not allowed? Is he a prince? "Ah... we don't have any rent a car here. Ito lang ang pwede nating gamitin," mahinang sabi ko. "Not unless, may sarili kang sasakyan," "I'm planning to buy a car. It's fine," naupo na s'ya ng tuwid sa tabi ko. Nasa tabi s'ya ng partition kaya naman ako lang ang katabi n'ya. Ayaw n'ya sigurong may makatabing ibang tao kaya doon n'ya piniling maupo. Hindi lang s'ya mukhang celestial being, mukha din s'yang maselan! After 30 mins ay nakarating din kami sa Siudad. Ganito ang ginagawa ko araw-araw. Umuubos ako ng 40-45 minutes, o minsan pa isang oras sa pagpasok at pag-uwi. "Saan mo gustong pumunta?" Nang makababa na kami sa may babaan ay kaagad ko s'yang tinanong. May dinukot s'ya mula sa bulsa n'ya at inabot sa akin ang maliit na papel. Napakunot-noo ako nang makita ko ang nakasulat. Wala na ang building na nakasulat sa papel. Pero ang lugar na kinalalagyan ng private school, ganon pa rin naman ang pangalan. "Gusto mong puntahan ang private school na 'to? Pero matagal na 'tong na-demolished. Nagka-problema ang pamunuan ng paaralan kaya naman ipinagbili na n'ya sa founder ng academy namin. " Nagkataon pa talaga na ang lugar na gusto n'yang puntahan ay ang lugar kung saan nakatayo ang school na pinapasukan ko ngayon. " Is that so?" " Uhmn," "So, you're saying that this place is where your school right now?" nakakunot-noong tanong n'ya. " Yes, gusto mo puntahan natin?" " Not now. Where can I buy computers and surveillance cameras? " " Ahm, d'yan, " turo ko sa malaking building. Simple lang ang pagkakagawa sa building ng Electronics City, pero maganda ang interior noon sa loob. At nandoon lahat ng klase ng mga gadgets. They're even selling gaming chairs and everything na related sa gaming and gadgets. "Let's go," sabi ko saka humakbang patungo sa pedestrian lane. Kaso, hindi pa ako nakakarami ng hakbang nang hilahin ako pabalik ni Shan sa pwesto ko kanina. Gulat na napasubsob ako sa may dibdib n'ya. Sa ingay ng gulong ng kotse, kaagad akong umalis sa mga bisig ni Shan kahit na mas gusto ko na lang tumira doon. Nanlalaki ang mga matang sinundan ko ng tingin ang humaharurot na kotse. Oh my goodness! ito ang kaun-unahang pagkakataon na muntik na akong masagasaan ng kotse!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD