Simula
"CONGRATULATIONS on your engagement, Sir! Finally, pagkatapos ng ilang taong paghihintay ay successful niyo pong naitawid sa ibang level 'yong relasyon ninyo ni Miss Jasmine," may kagalakan na sabi ni Rosalinda sa kaniyang boss na si Jerome.
Napatigil sa ginagawang pagtingin ng mga papeles si Jerome at saka napangiti, halatang nasiyahan sa tinuran ng sekretarya. "Thanks a lot, Ms. Liray," taos-pusong pasasalamat nito.
Malaki ang pasasalamat ni Jerome kay Rosalinda, lalo pa't malaki ang naitulong nito nang mapagpasyahan niyang magpropose sa kanyang long-term girlfriend. Kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang sekretarya, ay baka hindi magiging perpekto ang lahat. Tumulong kasi ito sa paghahanda at sa pagpaplano. Mula sa pagpili ng magandang lugar na pwedeng gawing venue ng proposal niya, sa magiging set-up hanggang sa paglaan ng oras para kontakin ang mga tao na importante sa kaniyang nobya. Kaya tuloy mas lalong matagumpayan niyang nakuha ang matamis na 'Oo' ng kaniyang nobya kahapon.
"Don't forget my bonus, Boss. Baka inakala mo na tumatanggap lang ako ng thank you. Wala pa naman lib—"
"Libre sa panahon ngayon." Pagdudugtong ng lalaki sa sinasabi ni Rosalinda. "Oo na. I get it. I'll wire some money to your bank account. Use it to treat yourself and as one of my thanks, you can go home early and take a rest today."
Malaki naman ang pumaskil sa mga labi ni Rosalinda. "Talaga, Boss? Thank you po."
"Yeah," maikling sagot ni Jerome habang ang mga mata ay nasa cellphone na tumutunog. Nakita ni Rosalinda kung paano kabilis na gumuhit ang ngiti sa labi ng kaniyang boss. Sigurado siyang nakatanggap ito ng mensahe galing sa nobya nito.
Tumikhim si Rosalinda. "Kung may kailangan po kayo, Boss. Tawagan niyo lang po ako. Mauna na po ako," paalam niya rito.
Hindi na siya nagawang tapunan pa ng tingin ni Jerome at tanging tango lang ang itinugon nito dahil naging abala na ito sa pagtitipa.
Pagkalabas ni Rosalinda sa opisina ng kaniyang boss ay agad na unti-unting napapawi ang kanina pang nakapaskil na ngiti sa mga labi niya. Ang kaninang puno ng kasiyahan at puno ng buhay na mga mata ay unti-unting nawawalan ng buhay. Ramdam niya rin ang nanunuot na sakit sa kalooban niya. Tila may mga punyal na paulit-ulit na tumatarak sa puso niya. May tila bumabara rin sa kaniyang lalamunan kaya tumikhim siya para alisin ito.
Sa magaan na kamay ay marahan niyang tinapik ang kaniyang bandang dibdib kung nasa'n ang puso niya.
"Ayos lang iyan, Rosalinda. Ang mahalaga ay nakita natin siya na masaya. Iyon naman talaga ang napag-usapan nating dalawa 'di ba?" Pag-aalo niya sa sarili.
Matagal na kasi siyang may lihim na pagtingin sa kaniyang Boss. At matatawag na siguro siyang napaka-sadista sa sarili dahil nagawa niya pa talagang tulungan ang lalaking mahal niya para magpropose sa girlfriend nito. Pero ano ba naman ang laban niya kung isa sa sikat na modelo ang fiancee ng boss niya, habang siya ay isang hamak na sekretarya lang? Doon palang sa estado ng buhay ay talo na agad siya. Mahal na mahal din ito ng lalaki at nakikita ang sarili na magiging ama ito sa magiging anak nila ng fiancee nito, samantalang siya ay isang tauhan lang at nakakasama o nakaka-usap lang dahil sa trabaho.
Bumuntong-hininga siya.
Mabibigat na inihakbang ang mga paa niyang tinungo ang hugis-oval na mesa niya. Pagkarating niya ay agad niyang inayos at niligpit mga gamit bago niya isinukbit ang sling bag sa kaniyang balikat.
Tinapunan niya muna ng tingin ang pinto ng office ni Jerome saka tuluyan na siyang umalis.
***
"Isa pa nga," sabi ni Rosalinda mula sa kaharap na bartender.
Ang plano niya kanina na magpahinga sa bahay at manood sa paboritong k-drama ay nauwi sa paglalasing niya sa isang bar. Mas pinili niyang lunurin ang sarili sa alak kaysa sumabay sa pagiyak sa pinapanood.
"Hey, beautiful. Are you alone?" Isang matangkad, mestiso na foreigner ang lumapit sa kaniya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
Bahagyang natatamaan na ng alak si Rosalinda kaya naliliyong niyang tinignan ang lalaki. Sinuyod niya ang katawan nito at pagkatapos ay mapait na napangiwi.
'Walang-wala pa rin kay boss. Mas hamak na gwapo at handang luluruhan ko ng kusa kaysa sa lalaki na ito.' Piping pagkukumpara niya sa isip.
"No, I'm not alone. Kasama ko ang kaluluwa ko." May kalakasan ang boses at pilosopa niyang sagot, dahil na rin sa lakas ng musika.
Hilaw naman na napatawa ang foreigner sa sinabi niya.
"I'm sorry, but I can't really understand you." Pasigaw at nahihiyang pag-amin nito.
"Naku, it's okay!" aniya habang may pekeng ngiti sa labi. Sabay inabala ang sarili sa kalalapag lang ng bagong inumin.
Inisang lagok niya lang ang laman ng shot glass na may tequila at pagkatapos ay dinilaan ang asin na nasa likod ng kamay niya at tyaka sumimsim sa nakahandang lemon.
Naramdaman niya ang anghang at mainit na sensasyon na idinulot ng alak sa tiyan niya.
"Can I get your number?" pagsasalita ulit ng foreigner sa kaniya.
"Ano? Number?" Naliliyo niyang tanong.
"Yes, your number," sagot ng foreigner at mas malapit na sa tainga niya ang bibig nito.
"Ah, I see. Number 7, paboritong number ko iyon." Nakangiti niyang sabi at humingi ulit ng panibagong order sa bartender.
"No. Not your favorite number. What I mean was your cellphone number or landline number and of course, your room number." Isang pilyo na ngiti ang sumilay sa labi ng foreigner dahil sa huling sinabi nito.
Natigilan siya saka napangiwi.
"I'm sorry. But I don't do one night stand. Hanap ka nalang ng iba." Pagtanggi niya at sabay tumayo para iwan ito.
Hindi naman nagpumilit pa ang foreigner at mas piniling kinausap nito ang katabi nitong babae.
Halos masubsob si Rosalinda sa biglaang pagtayo niya, mabuti nalang ay mabilis siyang nakahawak sa bar counter.
"Ayos lang po kayo, ma'am?" tanong sa kaniya ng bartender.
Nang umayos ang pakiramdam at tuluyang makapag-adjust ay tumango siya.
"Ay bayad ko pala," aniya saka naglapag ng ilang pera sa counter at naglakad paalis. Hindi na hinintay yung sukli o nagbahala na baka may kulang pa.
PAGKARATING niya sa parking lot ay agad niyang pinaingay ang sasakyan. Pumasok agad siya rito saka umupo sa driver seat.
Malalim siyang huminga. Ramdam niya ang pagod at bigat ng kalooban niya. Gusto niya na lamang umuwi at matulog.
Binuhay niya na ang makina at akmang paandarin ang sasakyan nang makatanggap siya ng tawag sa Boss niya.
Sa inakalang urgent ito at baka may kailangan ay sinagot niya agad ito.
"Yes, Boss? Goodevening." Mahinahon sa tinig niyang bati rito.
Inaasahan niya ang maririnig niya sa kabilang linya ay ang boses ng Boss niya. Ngunit isang hindi pamilyar na boses ang tumambad sakaniya. "Hello? Is this Rose?"
Tinignan niya ulit ang caller ID para siguraduhin na hindi lamang siya namalikmata. Nakita niyang galing sa numero talaga ito ng boss niya.
"Rose? This is Rosalinda Liray. The secretary of Mr. Jerome Natavidad—the owner of the cellphone that you're using right now. So, who is this at bakit na sa iyo ang cellphone ng boss ko?"
"This is Glen po, a bartender in exclusive bar Drive-n Bar. Kasalukuyang walang malay po si Mr. Natavidad at nakita ko po na nasa emergency contact ka po nito."
Hindi maiwasan na sumikdo nang mabilis ang puso ni Rosalinda dahil sa narinig.
Tumikhim siya para pakalmahin ang sarili. "Alright, I'll fetch him. By the way, ayos lang po ba siya?"
"Yes po, maliban ngalang po na lasing at walang malay at nakasubsob ngayon sa bar counter," sagot ng bartender na nasa kabilang linya. Pagkatapos maputol iyong tawag ay wala na siyang oras pang inaksaya.
Mabilis niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng boss niya.
Pagkarating ay agad niya naman itong nakita at nilapitan.
"Boss." Paggigising niya rito habang paulit-ulit na tinatawagan ang numero ng fiancee nito.
"Please, pick up your phone," mahina niyang usal.
Ngunit laging voice message lang ang naririnig niya sa huli. Wala na siyang magawa kundi tumigil at asikasuhin ang lalaki na kasalukuyang walang malay.
"Boss, uuwi na po tayo. Ihahatid na po kita sainyo," aniya habang bahagyang tinatapik-tapik ang pisnge nito.
Unti-unting nagigising naman si Jerome at pagkatapos ay lasing na umayos sa pag-upo.
Muntikan pa itong mahulog sa kinauupuan kung hindi niya lang agad itong nahawakan.
"Ayos kalang boss? Kaya mo na ba? Ihahatid na kita sa penthouse mo. Hindi kasi sumasagot si Miss Jasmine," puno ng bahid na pag-aalala niyang ani.
"Stop calling her. She won't pick up anyway. She was too busy from her works." Mahihimigan na may pagtatampo sa boses ng lalaki.
Napabuntong hininga naman si Rosalinda. Mukhang hindi okay ang boss niya at ang fiancee nito. Kakaayos lang ng mga 'to kahapon tapos ngayon ay nagkakatampuhan na naman.
"Ihahatid na kita sainyo, Boss. Para rin naman makapaghinga ka na."
Hindi umimik si Jerome, kaya iyon ang naging hudyat niya para alalayan itong tumayo. Sa tulong din ng ilang tauhan sa bar ay hindi naman siya nahirapan na pasakayin sa sasakyan si Jerome.
Masyado ng lumalalim ang gabi at maluwag na ang daan, kaya mabilis niyang narating ang penthouse ng lalaki.
Halos maubusan pa siya ng lakas nang tuluyang makapasok sila sa penthouse nito.
"Maraming salamat, Manong Roger," pagsasalamat niya sa security guard matapos nang tuluyang maihiga sa couch si Jerome. 'laking pagsasalamat niya talaga sa may edad na lalaking security guard, dahil kung wala ito ay baka kanina pa sila nagkanda-subsob sa sahig ng lalaki. May kabigatan pa naman ang boss niya at malaki ang agwat ng pangangatawan nilang dalawa.
"Walang anuman, Ma'am Liray," tugon ng matanda at ito na rin ang nagsara ng pinto.
Nang tuluyang naiwan silang dalawa ng boss niya sa tahimik na penthouse nito ay pagod niya itong tinignan. Bumuntong hininga muna siya bago nagsimulang hubarin ang suot nitong sapatos at pagkatapos ay kumuha ng basang bimpo para ipunas sa mukha nito.
"Ba't ka ba naman nagpakalasing, Boss? Pero mukhang ito na rin ang huling beses na ako 'yung magaalaga sa'yo sa tuwing nalalasing ka." Puno ng sakit niyang sabi habang maingat na pinupunasan ang mukha nito. "Dahil sa susunod na malalasing ka ay iba na ang mag-aalaga sa'yo." Isang butil na luha ang kumawala sa mata niya.
Mabilis niya itong pinunasan at pagkatapos ay tumayo. Tapos na ang role niya dito sa gabing ito kaya uuwi na siya.
Maaga pa naman ang trabaho niya kinabukasan at maraming papeles na aasikasuhin kaya kailangan niya ng umuwi at magpahinga.
"Mauna na ako, Boss. Kapag nagising ka ay lumipat ka na lamang sa kama niyo po, tutal malaki at matanda ka na." Yumuko siya para gawaran ng magaan na halik ang labi nito.
Alam niyang mali ang gagawin niya ngunit sa huling pagkakataon ay gusto niyang maramdaman kung gaano kalambot ang mga labi nito. Pinapangako niya rin na pagkatapos ng gabing ito ay babaunin niya hanggang sa hukay ang tinatagong pagmamahal niya para rito.
Kabado niyang inilapit ang mukha sa pagmumukha nito. Ilang beses rin siyang humiling na sana ay huwag muna itong magising at mahuli siya.
Habang papalapit ang mga labi niya ay nararamdaman niya ang mainit na binubuga na hininga nito. Naamoy niya ang alak na ininom nito.
Nang tuloyan magkalapat ang mga labi nila ay halos hindi na siya huminga. Ninamnam niya lang ang pagkalapat ng mga labi nila ng ilang sandali habang nakapikit ang mga mata.
'Mahal na mahal ko ang lalaki na ito Lord. Kaya sana ay masaya siya palagi,' piping dasal niya. Hindi niya maiwasan na mapaluha kaya natutuluan pa ang pisnge ng lalaki.
Kusa niyang inilayo ang mga labi niya sa labi nito. Ngunit agad siyang nanigas nang magkasalubong ang mga mata nilang dalawa.
Sa mga sandaling iyon ay tila biglang tumigil sa pagikot ang mundo at tumigil rin siya sa paghinga. Malakas na kumabog ang puso niya at natatakot siya dahil nahuli siya nito.
Nang tuloyang makabawi ay mabilis siyang tumayo ng tuwid at akmang aalis para tumakas nang nahawakan siya nito sa pala-pulsohan. Pagkatapos ay walang kahirap-hirap na bumangon at umupo ito habang hawak pa rin siya.
Sa takot na baka kung ano'ng gawin nito sa kaniya ay mabilis siyang lumuhod sa harapan nito.
"Sorry po, Boss! Hindi na po mauulit! You can fire me boss! Sorry po talaga!" naluluha niyang sabi nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at hinintay ang galit na ibubuga nito sa kaniya. Subalit gulat siya nang hinawakan nito ang baba niya saka inangat ang ulo niya. Agad niyang naidilat ang mga mata at nakita niyang matiim siya nitong tinignan.
"You're such a bad girl, Rose," anito sa malalim at baritonong tinig saka walang babala na sinunggaban siya ng mainit at mapusok na halik.