EKSAKTONG alas dose ng hating gabi ng magising si Rosalinda dahil sa ingay ng cellphone na nakalapag sa side table. Ng tinignan niya kung kaninong selpon ang tumutunog ay nakita niya kay Jerome iyon. Kumunot ang noo niya ng makitang wala sa tabi niya ang asawa. 'Nasa'n naman kaya iyon nagpunta?' Huminto sa kakaingay ang selpon kaya Hhahayaan na lamang sana niya ito at matutulog ulit ng nagsimulang magingay na naman ito. Medyo naririndi siya sa tunog ng ringtone nito kaya wala siyang magawa kundi damputin ito para i-silent. Naiinis ngunit dahan-dahan siyang bumangon at pagkatapos ay nilakad ang papuntang side ng kinalalagyan nito. Medyo nahihirapan na rin kasi siyang gumalaw oara abotin ito kaya wala siyang magawa kundi bumaba ng kama. Nang dinampot niya ito ay bumungad agad sa kaniy

