Kabanata VIII

1523 Words
Habang nasa loob ng byahe ay doon lang na-realize ni Rosalinda kung gaano nakakahiya ang nangyari kanina. The doctor already told her about from her suden changes of mood or mood swings. Pero hindi niya inaasahan na gano'n kalala. Nakakahiya pa dahil sa harap pa ng lalaki na mahal niya nagawa. Agad na inihinto ni Jerome ang sasakyan sa tapat ng ramen shop na sinasabi niya kanina. "Get in first and find a vacant spot for us," anito. Nahihiyang tumango naman siya at walang imik na lumabas ng sasakyan nito. Pagkapasok niya palang sa loob ng shop ay bumungad agad sa kaniya ang puno at abala na atmosphere. Sa loob ng ramen shop ay parang japanese style siya. May pa-cherry blossom pa siyang nakikita. May nakikita rin siyang mga painting at may nakasulat na tila saying. Subalit ay hindi niya ito maintindihan dahil nakasulat ito sa pang hapon na sulat. Totoo nga talaga ang sinabi ng blogger na nabasa niya kanina na palaging dinadagsa ito ng mga tao lalo na't sa pagsapit ng gabi. Sa dami kasi ng customer ay gusto niya nalang panghinaan ng loob lalo na at makitang walang bakante na upoan siyang mahanap. Napanguso siya. Tinignan niya ang labas gamit ang babasagin na wall glass. Nakita niyang naglalakad na sa labas si Jerome—papalapit sa shop. Sa takot na baka mainis ito sa kaniya ay sinuyod niya muli ng tingin ang loob. Nakuha ang atensyon niya sa may isang pangdalawahan na mesa na katabi sa wall glass. Kasulukuyang may isang lalaki ang naka-occupied nito. Halang nagi-enjoy na kumakain ito ng mag-isa at mukhang wala namang kasama kaya pwede niyang hintayin na matapos ito sa pagkain. Mabilis niyang nilapitan ang parte na iyon sa takot na baka mas maunahan pa siya ng iba. Nang tuloyan siyang makalapit sa kinaroroonan nito ay pigil ang sarili niya ngumiti ng makitang maliit na lamang ang laman ng mangkok nito. 'Yes!' may kagalakan niyang ani sa isipan. Tila napansin naman ng lalaki ang ginawa niya kaya naglakas loob itong tignan siya kinausap. "The seat infront of me was fortunately vacant. You can sit there and occupy it if you want, Miss. Just let me have a peace to enjoy my food without your stares poking through my head. I can almost read what you're thinking." Agad siyang tinuboan ng hiya dahil sa sinabi nito. "Sorry po." Pagso-sorry niya agad nito. Bastos at nakakailang nga naman ang ginawa niya. "What happen?" Agad siyang napalingon sa bandang likod niya ng marinig ang boses ni Jerome. "Wala naman," sagot niya at sabay umiling. "Mag-take out nalang kaya tayo?" Pagtatanong niya sa lalaki. Abala rin itong tumitingin ng bakante na pwedeng mauupoan. Tumango ito. Napangiti naman siya. "Ako na ang oorder. Hintayin mo nalang ako dito, Sir. Bakante daw iyong upoan na nasa harapan ni Sir, kaya pwede kang umupo diyan." Bago pa makasagot si Jerome ay agad niya itong iniwan at pumila sa harapan. Agad niyang hinanap ang kanina pang gusto niyang kainin, sa itaas na kung saan nakapaskil ang menu. Napahinga naman siya ng maluwag ng makitang hindi pa ito sold out. Bahagya niyang sinulyapan ang kinaroroonan ng boss niya. Para siyang timang naman na tarantang inalis ang paningin niya mula sa kinaroroonan nito ng magkasalubong ang paningin nilang dalawa. Ramdam niya ang paghaharumintido ng puso niya sa sobrang bilis ng t***k nito.. Ilang minuto rin ang itinagal sa paglinya bago pa umusad. Unti-unti na rin nauupos ang pasensya niya kaya halos hindi siya makangiti sa harap ng tindera ng turn niya na sa pag-order. "Goodevening po, Ma'am. What's your order po?" "Goodevening, one spicy miso ramen, please...and also one order of Tonkotsu Hakata, and tonkotsu shoyu." "Okay. Anything else Ma'am? By the way, dine or take po ba?" pagtatanong nito at Ddoon niya rin narealize na hindi niya alam ang gustong kainin ng kasama niya kaya agad niya itong pinadalhan ng mensahe. 'Just same with yours.' reply ni Jerome sa kaniya. "Please add one order for spicy miso ramen and also for take out, Miss." Nakangiti niyang ani sa harapan. "Anything else, Ma'am?" Umiling siya. "That's will be the all." "Alright. Uulitin ko lang po iyong order niyo, Ma'am. Two spicy miso ramen, one order of Tonkotsu Hakata, and tonkotsu shoyu for take out. Is it correct, Ma'am?" Paninigurado nito sa kaniya. Tumango naman siya. Sinabi nito kung magkano ang lahat niyang babayaran at binigya siya nito ng isang bagay na iingay daw ito kapag ready na ang in-order niya. Hindi niya maiwasan na bumasangot ang mukha. Kanina pa siya gutom at natatakam pero kailangan niya pang maghintay ng panibagong mga minuto. Sa dumaan na minuto ay ramdam niya ang pagkainip. Sinulyapan niya muli ang kinaroroonan ni Jerome at nakitang abala ito sa cellphone nito. Nakikita niya ang kasiyahan sa mukha nito at alam niya agad kung ano ang dahilan. Napabuntong hininga na lamang siya at napansin na wala na iyong lalaking naka-okupido kanina sa upoan. "Looking for me?" Bahagya siyang nagulat ng marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Tinignan niya ito at nahanap na bahagya itong malapit sa kinaroroonan niya para magbayad sa counter. "Just wait for a little minute, Miss. Stop frowning, it will bring you a bad luck." pagsasalita nito at bahagyang kumindat sa kaniya. Iirapan niya sana ito ng tumalikod na ito at tuloyan ng lumabas ng shop. Lumipas pa ang limang minuto ay umingay na iyong binigay ng crew kanina. Agad niya naman nilapitan ang in-order niya at maingat na binitbit. Tinignan niya agad ang kinaroroonan ni Jerome at bahagyang napahinto sa paglalakad—papalapit nito ng makitang may dalawang babae ang kausap nito. Nakita niyang tipid itong ngumiti. "Are you waiting for someone, Sir?" Narinig niyang pagtatanong sa isang foreigner na babae, ng tuloyan siyang makalapit sa may gawi nila. "Ah, yes. I'm waiting for my wife. There she is." sagot naman ni Jerome at agad na tumayo ng makita siya. Kinuha nito ang bitbit niya. Malalaki ang mga mata niyang tinignan ang lalaki dahil sa sinabi nito. Ayaw niya man aminin ngunit may kung anong kiliti ang idinulot nito sa puso niya. Tinignan siya ng dalawang foreigner. Nakita niya ang pagkabigo sa mga mukha nito at nagpaalam na aalis na. "Let's go?" pagtatanong nito sa kaniya. Pigil naman ang sarili na ngumiti siyang tumango. "Mauubos mo ang lahat na 'to?" Pagtatanong nito at tinutukoy ang isang sapot na laman ang order niyang hawak. Mukhang napansin nito ang pasulyap-sulyap niya sa pagkain. Nagaalala kasi siya na baka lumamig na ito. Kasulukuyang nasa loob na sila ng sasakyan. Gustohin man niyang sabihin sa lalaki na kakainin na nila iyong in-order bago pa umuwi, kaso wala naman siyang lakas loob na sabihin ang gusto niya. "Uuwi na tayo?" Tanong naman niya sa lalaki. Nang mapansin ang daan na pauwi na tinatahak nila. "Manang called me earlier. Hindi ka pa nakakauwi daw. You didn't give her a call about being going home late." Pagaamin nito ng rason kung bakit pumunta pa ito ng kompanya, gayun may 'private meeting' ito. "Sorry, nakalimutan ko. At balak ko sanang bumalik sa kompanya dahil marami pa akong tataposin na kailangan mong pirmahan bukas." Aniya tungkol sa mga papeles na naghihintay sa kaniya. "You can finish it tomorrow." tanging sabi lang ng lalaki at agad ng namatuwi ang katahimikan sa loob ng kotse. Patagong napangiti si Rosalinda sa magaan na atmosphere na namatuwi sa kanilang dalawa ng lalaki. Pagkauwi ay agad siyang pumunta ng kusina at inihanda ang pagkain. Naamoy niya palang ang aroma na bumungad sa kaniya mula sa miso soup ay natatakam na siya. Naamoy niya rin ang anghang nito. She lick her lips. At pagkatapos ay sinimulan niya ng lantakan ang mga ito. Dumating naman ang kakabihis lang na Jerome. Nakapangbahay na ito, samantalang siya ay suot pa rin ang pang-kompanya niyang uniporme. Tanging hinubad niya lang ang suit niya kaya nakikita ang puting tube na suot niya. Bahagya siyang natigilan sa pagkain ng umupo sa harapan niya ang lalaki at gulat na tinignan ito. "What?" may pagtatakang tanong nito sa kaniya ng mapansin ang pagtitig niya. Ito ang unang beses na makakasabay niya ang lalaki ng kusa kahit wala ang matandang kasambahay. Sa mga nagdaan na raw na tumitira sa iisang bahay ay nakakasabay niya lang itong kumain kapag pinapatawag ng matandang si Josefa. "Nothing." sagot niya lamang at patuloy ang paghigop ng sabaw. "That looks so spicy. Is that safe for the baby?" pagtatanong nito sa kaniya at tinutukoy ang miso ramen na nasa harapan. "Ang sabi ng doctor ay ayos lang. Basta't hindi lang too much. And also the baby craved for it." Sagot niya at hindi man lang nagawang sulyapan ang lalaki. Narinig niya ang paghinga ng malalim ng lalaki kaya napatingin siya nito. Tumigil siya sa pagkain ng makitang sinusubokan na rin ni Jerome ang miso ramen. Nakita niya ang bahagyang pagbago ng ekspresyon nito at agad na kumuha ng tubig sa loob ng refrigerator at uminom. Hindi niya mapigilan na mapatawa ng mahina. Sa mga sandali na iyon ay masarap sa pakiramdam ang idinulot nito sa puso niya. 'Sana ay magpatuloy ito...' piping hangad niya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD