Emily Abala sa paglalagay ng mga bulaklak sa mga lamesa, bigla akong napatalikod at nakita na naman ang kakaibang mga tingin na iyon nina Bernadette at ng dalawa pa naming kasama. Agad naman silang umiwas nang makita akong nakatingin din sa kanila. Ibinalik ko ang atensyon sa mga rosas na hawak. Inayos ko itong muli sa pagkakalagay sa mesa habang nag-iisip. Kanina ko pa ramdam ang kakaibang tingin sa akin ng mangilan-ngilang mga kasama kong tagapagsilbi. Ano ba ang nangyayari? Napahawak ako bigla sa pisnge ko. May dumi kaya ako sa mukha? Nanggaling pa naman ako sa hardin upang tulungan si Mang Fermin na mamili ng mga bulaklak para dito sa loob. Natutok ang mga mata ko sa puting makintab na paso na hawak ko at nakita ang repleksyon ng mukha ko. Hinagod ko ang pisnge ko. Wala namang k

