Emilly “Dito. Ito ang linisin mo sa ngayon.” Napatitig ako sa glass bookshelf na natatabunan ng tela na nasa harapan ko. Biglang hinila ni Binibining Denaly ang pulang tela na nakatabing dito at sa unang pagkakataon, nakita ko ang kabuuan ng glass shelf na matagal ko nang gustong makita sa loob ng library. Unang araw ko ng paglilinis noon dito sa library nang makita ko ang iilang larawan na nasa maliliit na frame dito. Napahakbang ako papalapit sa glass at tinitigan ng malapit ang isang larawan. Luke looks so much like a king in that portrait. It looks like it was taken not many years ago. At sa suot niya dito ay pawang kinuha ang litrato na ito sa araw ng koronasyon niya. Akala ko noon ay nakasuot lng siya ng itim na suit, pero kung titingnang mabuti, his suit was more on velvety bla

