FOUR

3656 Words
CHAPTER FOUR Emily "Mortal," "Tao," "Hindi siya taga Viloria." Napakapit ako sa bag na nakasukbit pa rin sa kanang braso ko. Hindi ako makatingin sa mga kasama ko dito sa loob ng kwarto. Katulad ko ay sinusubukan din nilang makapasok bilang tagapagsilbi sa kastilyo ng Viloria. Muli akong napatingin sa envelope na pinasok ko sa bag kanina habang paalis ng bahay ni Nanang Amy. "Nasa tamang daan ka. Magkikita tayong muli, Emily Alby." Iyon ang mga nakasulat sa envelope na dala ko. Patuloy na napakunot ang noo ko. 'Yun na' yun? Pero iyon ang mga huling katagan na sinabi niya. Napabuga ako ng hangin. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi na ba niya ako babalikan dito? Paano kung hindi ako tanggapin? Nang tuluyang sumara ang pintuan sa harap ng nakangiti niyang mukha, agad na naramdaman ko ang titig ng mga taong nasa loob pala ng kwarto. I stood frozen on my spot and for the first time, met their eyes. At sana ay hindi ko nalang iyon ginawa. Tumataas ang mga balahibo ko sa memorya ng pwersa galing sa mga nanlulukob nilang mga mata. Katulad ng mga nadaanan namin ni Nanang sa kalsada kanina, their eyes are making me uncomfrotable. Beyond uncomfortable, if truth be told. There's nothing really different in their eyes' appearances, pero may hindi ako mapangalanang kakaiba sa mga mata nila. Parang tumatatak. Nanghihigop. Nakakapanghina. Kaya minabuti ko nalang na patuloy na tumitig sa puting sahig na gawa sa marmol. The room was lit by a warm gold light. But despite that, the room doesn't feel warm to me. It feels cold. Biting. Tearing into my flesh. Hindi ko alam kung ako lang ba ito, but they're just giving me that feeling ever since I stepped inside this kingdom.  Habang naghihintay, inabala ko ang sarili sa marmol na sahig as I fidget on my feet. Rinig ko pa rin ang mahihinang bulungan ng mga kasama ko dito tungkol sa pagiging mortal ko. Muli kong naisip ang laman ng envelope. What was that for? Inulit niya lang ang mga katagan na nasa sulat kanina.  Akala ko pa naman ay ginawa ni Nanang Amy ito upang makatulong sa pagpasok ko sa kastilyo bilang tagapagsilbi. I thought there was something very important inside it, but no. Para saan iyon? Para may thrill? She's just really different, is she? Napaayos ako ng tayo at natahimik ang lahat nang bumukas ang pintuan sa pinakagilid na bahagi ng kwarto. Sa unang pagkakataon ay inilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ang chandelier na siyang pinagmulan ng malamlam na gintong ilaw sa paligid. Binaling ko ang mga mata sa harapan. An aged lady stood tall in front of us. Her black gaze behind those glasses are intimidating. "I am Margaret Denaly. I am the Head Maid of the Vilorian castle." Nakasuot siya ng uniporme na halos itim lahat bukod sa iilang puting parte sa bewang at lislis ng mga braso. Maraming butones na nakalinya sa harap na bahagi nito. Like a dress type. Katulad ni Nanang Amy, medyo may kulubot na rin ang mukha niya at pansin na ang hibla ng puting mga buhok sa ulo niya. But not like how cheerful and youthful the latter feels, this lady in front of me feels... sullen.  "I've been the Head Maid in the castle for 113 years," nanlaki ang mga mata ko. Isandaang taon?! Ganoon ka haba ang buhay ng mga Vilorian?! Biglang napunta sa akin ang madilim niyang mga mata. Piercing me with her sharp gaze. Naitikom ko bigla ang bibig. "So, I know when I see someone trustworthy or not." Pagpapatuloy nito. Halos mapalunok ako. Kalma, Emily.  Napabuga ako ng hangin nang muli siyang bumaling sa mga kasamahan ko. Itinaas niya sa isang kamay ang isang papel na walang laman. "Sa papel na ito, isulat niyo ang inyong mga pangalan. Once your names are called, follow me inside immediately. Am I understood?" Halos sabay kaming napatango lahat. "Good." Mabilis na kinuha ng lalaking nasa pinakakanan ang papel na hawak niya.  Nagsimulang magsulat ang nasa unahan at natahimik ang buong silid. Nasa pinakakanan pa ang papel at ako ang nasa hulihang pinakakaliwa. I nervously stood on my spot as I waited for the paper to arrive on my place. Nagsimula akong himashimasin ang namamasa kong kamay. I can't help but fidget. Now that I'm inside the Vilorian castle, mas ramdam ko ang pakiramdam na nakukuha ko sa paligid kanina. Sobrang tahimik ng buong paligid. Ni ingay sa labas o sa kabilang mga kwarto ay wala akong marinig. There's just this atmosphere in this palace that screams dark and quiet yet was masked with its elegance and class. Kita at ramdam ko sa atmosphere ng kastilyo ang ganda at kapangyarihang lumulukob dito, but there's something deep and silent behind it.   The kind of quiet that screams menace and eats you alive when disturbed. I shivered in thought. Napatingin ako sa papel na pinagpapasahan. Nasa pangatlong tao pa ito at labin-isa kami dito. I heaved a deep breath. Ito na ba talaga? Papasok na ba talaga ako bilang tagapagsilbi sa kastilyo ng Viloria? Sa kastilyo ng nilalang na kinakatakutan ng mga kauri ko?  Desisyon mong pumasok dito sa Viloria, Emily. At tama si Nanang Amy, kaya magtiis ka kung ayaw mong mahanap ka pa ng mga tumutugis sa iyo.  Muli akong bumuga ng hangin. Napapakagat labi sa sariling naiisip. I glanced at the paper again. It's on the fifth person. Gaano ba kahaba ang mga pangalan nila?  Muling dumagundong sa silid ang pormal na boses na iyon. But this time, it is laced with wonder that made me even more nervous than I was earlier. "Isang mortal."  Nahigit ko bigla ang hininga ko.  Wala akong halos marinig bukod sa naghaharumintado kong dibdib, pero ramdam ko halos ang mga mata nilang lahat sa akin. Like needles pricking my skin. I suddenly wanted to scratch my arm. I almost visibly trembled when I faced the lady in front. Behind those thick glasses, Head Maid Margaret Denaly stared straight into my soul. Napalunok ako. Biglang pumilantik sa sahig ang sapatos niya nang magsimula siyang humakbang sa akin. Muli akong napalunok. Unti-unti akong napaatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na dingding sa likod ko. Tumigil ang nakakatakot na ginang sa aking harap. Sobrang lapit namin sa isa't isa na ramdam ko na halos ang init ng hininga niya. Ang itim na itim niyang mga mata ay hindi mawaglit waglit sa akin. I think I just stopped breathing. "Ano ang pangalan mo, mortal?" At tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "E-Emily Alby, po." Nauutal kong sagot. Bigla niyang itinaas ang manipis na kilay sa akin. "Ano ang kayang gawin ng isang hamak na mortal dito sa kastilyo? Para sa mahal na hari?" Muli nitong tanong na ikinalunok ko. "M-marunong po ako sa lahat ng gawaing bahay. Sa paglilinis, sa paglalaba, sa pag-organisa ng mga bagay. A-at magaling po ako sa mga halaman." Sagot kong hindi maiwasang maiutal palabas dahil sa kaba. Sinabi nang kumalma ka, Emily! Nakapigil ang hininga na hinintay ko ang ginang na muling magsalita. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi pa rin gumagalaw. Ni ang mga kasama namin sa loob ay hindi gumagawa ng ingay. Pinigilan kong mapalunok sa harap niya. Her deep dark eyes remained still. Staring. Calculating.  Hindi ko na alam kung ano ang nasa isip niya. "Bilisan niyo ang pagsusulat."  Biglang dumagundong sa silid ang buo niyang boses. Napabuga ako ng malalim na hangin nang humakbang siya palayo sa akin.  Tumalikod ang Head Maid sa amin at taas noo siyang naglakad habang pumapalatak sa sahig ang suot na sapatos. Walang lingon likod na pumasok siya sa kwartong nilabasan niya kanina. That... was intense. Muling tumahimik ang buong kwarto at ni isa sa amin ay hindi nagsalita. Tuluyang napunta sa akin ang papel at ballpen na pinagpasa pasahan nila para sa mga pangalan namin. Napatitig ako doon ng ilang segundo bago bumuntong hininga. Nandito na rin naman ako kaya itutuloy ko na ang trabahong ito. It's not as if I have a better thing to do. At hindi ko rin alam kung paano ko mapapakain ang sarili sa lugar na ito. Tama si Nanang Amy. Agad na isinulat ko sa pang labing isa ang pangalan ko na nasa hulihan ng listahan. Matapos magsulat ay napatingin ako sa pintuan na nasa gilid namin. Paano namin ito ibibigay sa ginang? And as if to answer my silent query, bigla akong napasigaw sa biglaang nangyari. "Aayy!" Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kamay na wala nang laman. Hinahanap ang papel at ballpen na kanina lang ay hawak. A-anong—anong nangyari? I immediately heard scoffs and sniggers in the room. Uminit ang pisnge ko sa hiya. This only shows how human I am in this place. How out of place I am. Hindi ako sanay sa mga nararamdaman at nakikita ko sa paligid. Napabuga ako ng hangin. Nakakahiya talaga.       DUMAAN ang ilang mga minuto at nagsimula nang magtawag mula sa loob si Binibining Denaly, kung tawagin nila. Tahimik na isa-isang pumapasok doon ang mga kasama ko sa kwarto at ni isa sa kanila ay hindi na bumalik hanggang sa ako nalang mag-isa. Leaving me almost cold and deathly silent in this golden lit room.   Muli akong napakapit sa bag ko. Ano'ng nangyari? Natanggap ba agad sila? Pinauwi? Paano na ako? "Emily Alby." Agad na napaayos ako ng tayo at napatitig sa pinto. Inayos ko ang suot kong damit at huminga ng malalim. Ito na. I shouldn't be too nervoous about this. Or more like, I shouldn't let them know how nervous I am for this. Kailangan ko ito. Dahil wala na talaga akong mapupuntahan pa upang makapagtago. Pinihit ko ang pintuan at agad na bumungad sa akin ang isang madilim at malawak na bulwagan. Naiangat ko ang tingin sa malalaking poste na nakapalibot sa silid. Sa malawak na engrandeng crystal chandelier sa ibabaw na hindi nakasindi. Thick draperies were covered on the huge walls of the Victorian castle that made the entire ballroom dark and filled with that same devouring silence and darkness. But despite that, I can still see the shadows of those circular pillars that were intricately designed with Victorian sequences.  Umagang umaga sa labas, pero madilim ang loob ng kastilyo. And just like the entirety of the castle, the room radiated an atmosphere that almost leaves me gasping. There's too much pressure in the air that a mere human like me can't seem to fully take in. Nakakapanghina ng tuhod ang pakiramdam ng lugar. Too intimdating.  Napahawak ako sa magkabila kong braso. Even the wind's chill is different in this place. "Quickly, human." Napaayos ako ng tayo at agad na napabaling sa pinaggalingan ng boses na iyon. Sa gitna ng madilim na bulwagan, nakatayo si Binibining Denaly kasama ang isang lalaki at isang babae na kasama ko lang sa kwarto kanina. Nangunot ang noo ko. Nasaan na ang iba pang kasama namin? Akala ko ba iinterview-hin niya pa ako? Mabilis na naglakad ako palapit sa kanila at agad naman na nagsalita ang ginang. "I picked the three of you for special places in the castle." Tanggap na ako?  Sumikdo ang dibdib ko sa hindi mapangalanang emosyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot sa isiping maninirahan ako sa malaki at madilim na kastilyong ito bilang tagapagsilbi. "You," Walang kagatol gatol na turo ng ginang sa nag-iisang lalaki sa amin. "Will be assigned in the rose garden. Huwag na huwag kang pumalpak dahil iyon ang paboritong parte ng hardin ni Miss Althea." Nakataas kilay niyang babala na agad namang tinugunan ng lalaki. In the darkness, I saw the guy shaking his head in agreement. "At ikaw," Turo niya ngayon sa katabi kong babae. "Magaling kang magluto, kaya doon ka tumulong sa kusina. Ipatikim mo muna sa akin ang lulutuin mo ngayong gabi. At kapag hindi ko ito nagustuhan, alam mo na ang mangyayari." "Opo, Binibining Denaly." Ako ang kinabahan sa babala ng ginang sa kaniya. Ni hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero pakiramdam ko ay katakot takot ang mangyayari sa amin pag kami ay pumalpak. Of course. We are serving the king. Lahat dapat ay perpekto. At sa mga estorya palang na naririnig ko tungkol sa kaniya, I doubt the infamous dark king accepts imperfections. "At ikaw," Muli akong natuod sa kinatatayuan. In the darkness, the Head Maid feels even twice intimidating. "Sa library ka. Huwag kang mangingialam ng ibang bagay bukod sa mga librong aayusin mo doon. Naiintindihan mo?" "O-opo, Binibining Denaly." "Bukod sa ibinigay kong tatrabahuin niyo, gusto kong makita kayong kumakayod para sa preparasyon ng taunang pista ng ani. The ball as usual will be held in the palace, and I don't want you slouching specifically on that day. Am I understood?" "Opo, Binibining Denaly." Sabay na sagot naming tatlo na umalingawngaw sa tahimik at walang katau-taong bulwagan. Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Nasaan na ang iba pang mga tagapagsilbi? Because for sure, a huge palace like this is opted to have countless of people maintaining it. But I can't seem to see nor hear a single soul roaming inside the Victorian palace. Masyadong madilim at tahimik. Maganda nga at well maintained, ngunit walang kasigla sigla.  "Good. I don't want to see anyone of you roaming around the palace except when you're working. Do not ever let the king see you roaming without working. He wouldn't like that." I mentally took note and nodded. Kaya pala wala akong nakikitang tao. The dark king doesn't like it. "Tonight, I want you all in place during dinner." Pagpapatuloy ng ginang. "Now, go to your assigned rooms and wear your uniforms. I want to see you in your respective places in less than ten minutes. Quickly!" At agad kaming tumalikod sa malakas na palakpak niya.  Breathing in so deep, I slowly accepted the fact that I will be staying here. Dito sa mismong pugad ng pinakakinakatakutang bayan sa pulu ng Asturia. Sa lugar na kung ilarawan ng mga tao sa labas ay kahindik hindik at katakot takot. Isang lugar na hindi ligtas para sa mga mortal. But ironically, this is the safest place I could run into. Luke "Your Highness," Officer Hidalgo bowed the moment he stepped inside my dimly lit office. Sinalubong ko ang mga mata niya, my bright golden eyes gleaming in the midst of the darkness. He immediately stood straighter. I know what effects I have around people. And it's helpful most especially when I need something seriously done and urgent. "The thief. Where is he?" Buo ang boses kong tanong. Pero agad na napakuyom ang kamao ko nang muling yumukod sa harap ko ang opisyal. "Still the same, Your Highness. But we had sightings of him one week ago." He immediately added. Humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao at seryosong itinutok ang ginto kong mga mata sa kaniya. "Where?" "He was seen on the streets. Parang papunta sa bayan ng Beroth." My brows creased. Beroth? Iyan lang ang may sakayan na tren patungo dito sa Viloria. What is this cunning theif up to, this time?  Muling yumukod ang opisyal. "We will keep on tracking his whereabouts, Your Highness. Maybe he's just confusing us, letting us run in circles. But I guarantee, Your Grace, we will have him." He said with his eyes still on the ground. I know he's feeling my impatience. I can see how he glances back and forth at the wind outside my window.  I kept my calm and contained myself. Pumikit ako saglit at nang dumilat ako ay nakayukod pa rin sa akin ang pumapangalawa sa ranggo ni Benjamin. With my eyes still striking gold in fury, I said, "Don't tell any bad news to Althea. I want her fully rested."  "As you wish, King Luke." I nodded at him then he immediately went out of my office. Agad kong tinalikod ang upuan ko at napatitig sa malakas na hangin sa labas. As King of Viloria, my abilities are amplified to almost extremes. Kung noon ay nakokontrol ko lang ang iilang mga hayop, ngayon ay pati na rin ang halos galaw ng kalikasan.  But even with all those powers I have, without the ancestral symbol, I can barely do anything to save the kingdom. Which makes me furious! What's the point of these powers now? Now that my kingdom is suffering and most especially now that my soon to be queen is getting weaker by the day? Naikuyom ko ang mga kamao. I just don't see the damn point! The silence inside my office was suddenly interrupted when I sensed something different. Agad na napunta ang tingin ko sa pintuan ng opisina. Nabura sa isip ko ang galit nang ganun ganun nalang. In a snap, my full attention went to that almost aching feeling that was brought by someone outside my office.  Something is pulling me. Calling. I trained my golden gaze towards the closed door. Napakunot ang noo ko. Something passed by my office. Something... alluring. Magnetic. It made me want to stand up and look for it. And that's what I did. Agad na sumalubong sa akin ang tahimik na hallway sa labas ng opisina ko. I looked around, but no one was in the midst of the carpeted and dimly lit hallway. Tuluyan kong sinara ang pintuan at nilakad ang kabuuan ng pasilyo. What was that? What was that pull I felt?   Sa kabila ng dilim, nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa opisina. Sinusundan ang kakaibang pakiramdam na nakukuha ko sa paligid. It was still calling. Like luring a lion into its cage. And with my mind clouded at this very moment, I don't seem to mind being the lion. The mighty lion who would gladly meet its end. Nagpatuloy ako sa pagtingin tingin sa paligid. Yet, no one was there. No one was there like how I want it to. This floor is only for my office and the library. Unless Miss Denaly is cleaning the library, I should be the only one here. But I know this isn’t Miss Denlay. It’s far from anyone’s presence in the castle. I stood in front of the closed library doors.  Agad na mariin akong napapikit. Pleasurable feelings are suddenly succumbing my senses. Mabilis at walang pag-aalinlangang pinihit ko pabukas ang pintuan. And I immediately clenched my teeth to keep my control. Waves of drowning sensations crashed into me. Pumupuno sa mga sensasyong kanina ko pa nararamdaman. I stood there, feeling and letting msyelf get drowned by those intensity of feelings.  What in the damned hell is this? It's eating me alive. Drowning me in pleasure.  Definitely a willing lion, huh? Bumuga ako ng hangin at kinalma ang sarili. I can almost hear Max growling in the forest. Feeling all these sensations with me. As my main guardian, siya lang ang nakakaramdam ng mga mabibigat na damdaming nararamdaman ko.  I walked through the empty halls of the antique library. Seeking and anticipating something or someone to appear. I badly want to know kung saan nanggagaling ang mga pakiramdam na ito. I've never felt these sensations so strongly before. I haven't been feeling these things since the burglary happened. Since Althea could barely move. But I remember feeling these things four months ago-- and damn if I'm going to admit! Pero hindi ko kayang maitanggi na ramdam ko rin ito pati noong araw na nakita ko ang mortal na iyon sa gubat. "Is somebody here?" Tanong ko sa walang laman na silid. Hoping for someone to pop out of the shelves. And that's when I suddenly heard a book crashing on the floor. Naidirekta ko ang gintong mga mata sa pinakadulo ng silid aklatan. Without a second thought, I walked towards the last shelf. Towards that magnetic force pulling me towards it.  With my heart pounding erratically in my chest, I stopped beside the last shelf. Mabilis at malalalim ang bawat hingang pinakawalan ko as I waited for myself to calm down. My inner animal, willing itself to be let out. Calm down! When I feel like I can control myself this time, I took a step forward, expecting those explosion of pleasures I so anticipated to feel, only to be disappointed. My heart sunk and I want to bang myself to the nearest wall for feeling this way. Who the hell did you expect, Luke? Sumalubong agad sa akin ang mala-anghel at pamilyar na mga matang iyon. Althea.  "Luke? What are you doing here?" She asked. Again, for some goddamned twisted reason, I feel disappointed that she's the one I saw. What the hell is wrong with you? She's your fiancee! "I-I'm just looking for a book." Mabini siyang tumango sa akin. Not even sensing that I was lying. And when she smiled, I immediately want to strangle myself for thinking this way. You son of an animal! "Did you find it?" Imbes na sagutin siya, I knelt down infront of her and held her cheeks. For the first time in two weeks, I tasted her lips on mine again. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero agad naman niya akong tinugunan. A few seconds later, I broke away from the kiss.  "What was that for?" She whispered while our lips still connected. Feeling each others breath. Umiling lang ako. Feeling so guilty for wanting something else while she should be the one I'm expecting. While she's in this state of condition.  I forced out a smile for her. "Can't I kiss the one I love?" You lying douchebag! Nagtagis ang bagang ko. She giggled. Nilayo ko ang mukha ko sa kaniya at tumungo sa likod ng wheelchair na inuupuan niya to hide myself and to stop myself from lying furthermore in her face.  "Let's get out of here and have dinner together later, shall we?"  "Yes, I'd love that." Masaya niyang usal at hinawakan ang kamay kong nasa likod niya. Napatitig ako doon. I hate myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD