CHAPTER FIVE
Emily
"Yes, I'd love that."
Ang huling mga katagan na narinig ko bago muling sumira ang pintuan ng library. The almost chilly silence once again swarming my senses.
Napabuga ako ng malakas na hangin.
Tumayo ako sa pinagtataguan kong shelf sa gilid. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Binibining Denaly bago niya ako pinaakyat dito sa ikatlong palapag ng palasyo.
"Kung may pumasok man sa silid aklatan, gawin mo ang lahat na hindi ka nila mapansin. Hangga't maaari ay dapat na makilala ka muna ng pormal ng hari bago ka makita ng kahit na sinuman doon sa aklatan. Am I understood?"
Mabilis na, "Yes, Miss Denaly," ang naging tugon ko sa strikta niyang habilin sa akin. Matatalim ang mga mata niya sa kabila ng dilim sa paligid. Kaya nang may maramdaman akong pumasok sa silid, agad na nagtago ako sa pinakahuli at gilid na bahagi ng library.
I stood up straight at kinuha ang librong nahulog ng babaeng naka wheelchair kanina. Hindi ko nakita nang buo ang mukha niya pero may kakaiba akong naramdaman sa presensya niya. A feeling that left me bothered.
Habang nakaupo sa sahig at nakasilip sa siwang ng iilang libro, nakarinig ako ng creaks at mahihinang yabag ng paa sa sahig. Hindi ko pa nakikita ang taong pumasok sa library, pero nagtago na agad ako.
"Miss Denaly?" tawag ng isang manipis na tinig.
Doon ko nalaman na babae ang kasama ko sa aklatan. Maliwanag ang silid aklatan na ito kaya nang dumaan siya sa siwang ng mga libro, doon ko nakita na naka wheelchair siya.
Sa kabila noon, ramdam ko sa pagkakaupo niya ang angkin niyang lakas. As if she was brought up with grace and elegance. With strength and power. May brown siyang buhok. Swaying on her side. Nakatagilid siya sa akin. Ngunit nasilip ko pa rin ang mga mata niya. Kakulay ito ng mahaba niyang buhok.
Sabay kaming napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas. And to my confusion, mabilis na tumungo ang babaeng naka wheelchair sa hulihang shelf kung nasaan ako.
"Is somebody here?" kasabay ng malalim na boses na iyon ang pag-abot ng babae sa isang libro sa harap niya na ikinahulog nito.
Nangunot ang noo ko. Did she do that on purpose? Pero nawaglit ang atensyon ko doon nang agad na may kakaibang sensasyon na lumukob sa kabuuan ko.
Pangs of sensations took over inside my chest. Agad na nagharumintado sa bilis ng pintig ang dibdib ko. What is this? Ano ang nangyayari sa akin?
"Luke? What are you doing here?" Muling nagsalita ang babae. Halos kapusin ng hangin, malalim at mabibilis ang bawat hingang pinakawalan ko.
"I'm looking for a book." Doon ko na nahigit ang hininga at napalunok.
Ang boses na iyon. That deep voice sends deep tingles down my spine. Halos panindigan ako ng balahibo sa idinudulot na sensasyon ng presensya at boses na iyon sa akin. It was calling me. Drawing me near like a metal to a magnet.
Pinagpawisan ako sa pagpipigil na gumawa ng ingay. Ngunit gustung-gusto kong makita ang lalaking nagsasalita ngayon. Pero hindi ako gumalaw. At hindi ko alam kung bakit. I just sat on the ground, frozen and drowning with those tight emotions swarming inside my chest.
Muling napahawak ako sa dibdib ko. My heart beats calmly now. The moment the two of them stepped out of the library, agad na humupa ang kakaibang sensasyon na lumulukob sa puso ko kanina.
What was that? At bakit parang pamilyar ang pakiramdam na iyon sa akin?
NAKAPAGDESISYON akong maglinis nalang ng library hanggang sa gumabi. Ang pagpahid sa mga alikabok at pagsasalansan ko lang ng mga libro ang gumagawa ng ingay sa buong paligid.
Ang bilin kasi sa akin ni Miss Denaly ay lalabas lang ako ng aklatan pag magdidinner. Dapat ay nasa silid ang iilang mga tagapagsilbi kapag nandoon at kumakain ang hari dahil sa kasintahan nitong kailangan na pagsilbihan.
Doon din daw niya ipapakilala sa hari ang mga bagong tagapagsilbi. At doon din namin makikilala ang mapapangasawa nito.
Halos pangilabutan ako sa isipin pa lang na sa wakas, makikita ko na ang haring kinakatakutan ng buong Asturia. Hindi ko lubos maisip na sa lahat ng tao, mortal, kagaya ko ay ako pa ang unang makakakita sa kaniya.
I don't know how I should react to him. I don't even know his name. But with the kind of presence he exudes according to what most people say, you will denfinitely know who he is even with the thickest crowd gathered. Ganoon umano kalakas ang presensya niya that bowing down would be an immediate response to his regal ang powerful aura.
I shiver at the thought of seeing him.
Biglang pumasok sa isip ko ang babaeng naka wheelchair kanina. Remembering those vague details I've seen of her, I can only describe her in one word: classy.
Ngunit sa sinabi ni Miss Denaly tungkol sa mapapangasawa ng hari— na may kapansanan ito, hindi ko maiwasang maisip. Could it be that she was that woman I saw earlier? At ang hari. Siya ba ang lalaking pumasok sa aklatan kanina? Ang may-ari ng boses na iyon?
Agad at mabilis akong umiling iling. No. Imposible. Iba ang naramdaman ko kanina. It was wonderfully different. Ibang iba sa inaasahan kong mararamdaman kapag nakita ko na ang misteryosong hari na iyon.
And that man's voice. Hindi ko man narinig ang lahat ng usapan nila kanina, hindi maiwasang tumatak sa isip ko ang malalim at lalaking boses niya. It was making me feel things I was sure I've never felt before. But I don't know. Hindi na rin ako sigurado. Ni hindi na rin ako sigurado sa naramdaman kong mga sensasyon kanina.
Muli akong napahawak sa dibdib ko at nakagat ang labi.
Baka ang mga naramdaman ko kanina ay dulot lang ng kaba na nararamdaman ko sa presensya ng mga nilalang na katulad nila. Sa madilim at tahimik na kaharian nila. Hindi pa lang siguro talaga ako nasasanay.
Oo. Baka iyon nga 'yun.
HABANG nagsasalansan ako ng mga libro sa isang shelf mga dapit hapon na, nakita ko ang isang nakatago na glass shelf sa pinakagilid na bahagi ng aklatan. May pulang kurtina na nakatabon doon. Pero medyo nakahawi ito at nakikita ang iilang bahagi nito sa labas. Curiously, lumapit ako doon.
Just like how every shelf in this place are, luma ito at gawa sa kahoy. Pero ang isang ito ay may nakatakip na glass. Nang tumingala ako ay may nakita akong mga litrato sa pinakataas na bahagi shelf.
I curiously looked at it. Katamtaman ang laki ng picture frame sa itaas. But I can make up some of the features of the person in the picture.
Lalaki. Nakasuot ng pormal na suit. Hindi siya nakangiti at walang makikitang emosyon sa mukha niya. But with the way he stood and stared at the camera, one can tell he was a force. He looks and feels regal.
May kalapit pa itong ibang mga litrato. Luma rin kung titingnang mabuti at may tig-tatatlong mga tao o dalawa. Pero hindi ko na makita ito ng maayos.
Muli na lamang akong napatitig sa lalaking nasa picture frame.
Kahit nasa litrato lang, parang hinihigop ng maliwanag niyang mga mata ang atensyon ko. Despite the glass covering and my distance from the picture, I can see how striking his features are. Itim na itim na mga buhok. Matangos na ilong. Manipis na labi at makakapal na mga kilay. Pero ang mga mata niya ang hindi ko matigilan ng tingin. Maliwanag. Sobra. Like a flowing, melting gold.
I stared at it. Somehow feeling something I can't name inside my chest.
Akala ko ay hindi ko na maiaalis ang mga mata ko sa lalaking nasa larawan, because even with just being in a picture, he lures me to delve into his manly appearance. Towards his magnificence. Pero biglang may nahagilap na sulat ang aking mga mata sa likod ng litrato.
Naningkit ang mga mata ko. Ang kulay nito ay parang pinaglumaan na ng panahon. Dirty white with splotches of brown. Hindi ko na rin halos mabasa ang sulat kamay doon.
"M-ma.. magen—"
"Emily."
Halos mapasigaw ako sa bigla nang dumagundong ang boses na iyon sa tahimik na library.
"P-po?" napalunok ako ng makita si Miss Denaly. Tinitigan niya lang ako.
"Oras na para kumain." Walang emosyon niyang sabi at agad na tumalikod sa akin. Bigla siyang huminto bago muling makalabas sa aklatan.
"Sa susunod ay huwag ka nang magpapatawag." Walang emsoyon pa rin nitong turan. Mabilis akong humingi ng paumanhin. "Pasensya na po."
"At nagtatrabaho ka bilang tagapangasiwa ng silid aklatan. Malinaw na sa mga libro lang dapat ang atensyon mo." Napalunok ako at hindi nakapagsalita. Tuluyan siyang naglakad palabas. Palayo sa akin.
Napabuga ako ng hangin at napatitig nalang sa mahinang pagsara ng kahoy na pintuan sa tahimik na silid aklatan.
"KUMAKAIN ba kayong mga tao ng ganito?"
"H-ha?"
Nakatunghay sa aking tanong ng isang babaeng tagapagsilbi dito. Namimilog ang mga matang naghintay siya ng sagot sa akin.
Pito kaming nakaupo sa isang lamesa dito sa Maids' Quarters. Nakahilera sa harap ng mga pagkain na inilalagay ng tagaluto sa mesa.
Hindi ko maiwasang manibago. Bukod sa unang pasok ko kasama ang sampu pang tao sa pagpasok bilang tagapagsilbi, ito ang pinakaunang pagkakataon na makakita ako ng maraming panuhin sa loob ng kastilyo.
Ang silid din na ito ay hindi kasing gara ng nakasanayan ko sa kastilyo. Kakaiba ang atmosphere sa buong kwarto. The yellow lights provided by the fire of the cooks' side and the few bulbs on the ceiling makes the room feel less cold and grandiose. It gave out more of a warm and cozy feeling which I feel like a foreign and unlikely feeling in this place.
Pati ang babaeng nakatunghay sa akin ngayon ay masyadong masigla sa nakasanayan ko. With her dark brown curly hair in a messy ponytail, she's looking at me as if I was a foreign specimen. Even her eyes are not as piercing. Nakasuot din siya ng uniporme na katulad ng suot ko. Black dress with white linings on the side and as big as a napkin, white cloth on the stomach.
Sinalubong ko ang namamangha niyang mukha. Kakaiba at malayo ang pakiramdam na nakukuha ko sa kaniya. Malayong malayo sa mga naranasan kong seryoso o nakakatakot na pakiramdam sa ibang kauri niya.
Bigla siyang umayos ng upo at ngumiti. "Ako nga pala si Josie. Ikaw?" Magiliw nitong tanong.
Napatingin ako sa mga kasama namin sa hapag. Sila rin ay may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan. Pero kahit na ganoon ay hindi ko ramdam na tinuturing nila akong iba. They're not acting like I'm not here with them, which I honestly expected.
"Emily ang pangalan ko." Tugon ko kay Josie na siyang naghihintay ng sagot ko. Muli siyang ngumiti.
"Hmm. Kung maaaring itanong," panimula niya. She paused for a while and smiled sheepishly. "Bakit napunta ka dito sa Viloria?"
Hindi agad ako nakapagsalita. Ano nga ba ang sasabihin ko sa kaniya? Na nandito ako sa bayan nila para magtago? Para takbuhan ang mga taong gustong pumatay sa akin?
Mukhang napansin ni Josie ang pag-aalinlangan ko. She chuckled nervously. "Naiintindihan ko kung ayaw mong sabihin. Pasensya na. Nakakapagtaka lang kasi na makita ang isang mortal na boluntaryong pumasok dito sa Viloria. Hindi naman sa ipinagbabawal iyon, ngunit alam naman siguro ng lahat na ayaw ng mahal na hari ang ibang nilalang na basta-basta nalang pumapasok sa kaharian namin."
Kimi nalang akong ngumiti. "Pasensya na rin. At naiintindihan ko ang katanungan mo." Malapad siyang ngumiti sa akin at tumango.
"O, Josie. Tama na iyang pakikipagdaldalan mo sa mortal. Kumain ka na at nang makakain na rin siya." Sabi ng cook na lalaki kay Josie. He playfully bumped the latter on her shoulder. Napanguso naman ang huli.
"Nagtatanong lang naman, eh. Tsaka unang beses ko kaya makaramdam ng presensya ng mortal. Ganito pala iyon, no? Magaan, tsaka may kakaibang halimuyak sa paligid." Nakataas pa ang tingin niya habang nilalarawan ang pakiramdam.
Really? Ganoon pala ang pakiramdam naming mga mortal sa kanila?
"Pero alam mo," biglang seryosong usal niya habang nakatingin pa rin sa itaas at nakakunot noo. "May kakaiba sa'yo." Nakaturo niyang usal sa akin.
Binaling niya sa akin ang mga matang kanina lang ay masisiglang kumikinang. Yet those eyes are glittering in serious curiosity now. Hindi ako nakagalaw.
"Bakit, Josie? Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na unang beses mo palang makaramdam ng presensya ng isang mortal?" Biglang pagsasalita ng isang kasama namin dito sa hapag. Napanguso ulit si Josie.
"Wala lang. Hindi ko alam, eh." Nakakamot sa ulo nitong turan. Muling nagtagpo ang mga mata namin. "Pasensya ka na sa akin, Emily, ha." Halos mawala ang mga mata sa laki ng ngiti na sabi niya.
"Oo nga. Pagpasensyahan mo na rin iyan para bukas at makalawa dahil sobrang daldal ng batang iyan." Iiling iling na muling pagsasalita ng cook dito na dahilan ng pagsisitawanan ng mga kasama namin.
Nginitian ko si Josie na muli na namang napanguso. "Okay lang. Wala namang kaso sa akin iyon."
"O, tingnan niyo! Kayo lang talaga itong maaarte, eh!" Nakaturo ulit sa aking sabi niya. Defending herself against the seven others we are with. Napailing nalang ako.
They sure are not what I am expecting them to be.
Napatingin ako sa mga kasamahan namin. May limang lalaki, kasama ang cook at apat na babae. Ang mga lakaki ay halos magka edaran lang at ang isang babae naman na kasama ng cook ang mukhang pinakamatanda sa amin. Napatingin ako kay Josie. Mukhang kami yata ang pinakabata sa grupo namin dito.
"O, bilisan niyo na't kailangan niyo pang pagsilbihan si Binibining Althea at ang hari." Sabi ng babaeng cook.
"Ikaw din, Emily. Kailangan ka pang maipakilala sa mahal na hari kasama ng mga bago dito sa palasyo." Napatingin ako sa katabing lalaki ni Josie. "Ginagawa niyo po ba iyon palagi?" Tanong ko. Agad siyang tumango.
"Bilin ng hari na dapat kilala niya sa pangalan at mukha ang bawat tagapagsilbi rito." Tumango naman si Josie.
"Oo, naging mas mahigpit ang hari matapos nang nangyari kay Binibining Althea." Napakunot ang noo ko. "Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari?" Agad na tumango ang huli.
"Nandito sa kastilyo mismo kinuha si Binibining De Luca nang kamuntikan na siyang mamatay." Unti-unting namimilog ang mata ko. Oh?
Uminom muna ng tubig si Josie bago nagpatuloy. "Si Binibining Althea kasi ang naatasang mamahala sa simbolo ng Viloria." Napakunot naman ang noo ko ngayon. Simbolo?
"Ayusin mo kasi ang kwento, Josie." Iiling iling na usal ng katabi niyang lalaki. Sinalubong niya ang mga mata ko. "Na kay Althea De Luca ang ancestral symbol na kung tawagin ay Immortal Flame. Ang mismong espiritu ng kapangyarihan ang pumipili sa pagbibigyan nito ng sarili." Turan nito.
"At ang simbolo ang pinakamakapangyarihang pwersa dito sa Viloria. Pawang ito mismo ang puso ng buong kaharian. Kaya ngayon na nanakaw ito kay Binibining Althea, unti-unti siyang humihina pati na rin ang aming kalikasan. Naaapektuhan ang buong kaharian sa pagkawala nito."
Sumang-ayon naman ang mga kasamahan namin sa silid tungkol sa sinabi niya. Na pawang ramdam nila ang epekto no'n dito.
"Kaya ngayon, tinutugis na ng mahal na hari at ng mga tauhan niya ang kawatan na gumawa no'n sa kaharian at kay Binibining Althea. Dapat ay magpapakasal na sila noong mga panahon na iyon. Pero iyon nga at may isang hangal na kinalaban ang hari. Tsk." iiling iling na sabi ng lalaking cook.
"Kawawang nilalang. Pag nahanap iyon, agad na tutuluyan iyon ng hari. Maling mali ang kinalaban niyang nilalang. Kawawa kaya si Binibining Althea." Sumang-ayon naman ang lahat kay Josie.
Nakinig lang ako sa lahat ng impormasyon na sinasabi nila. Bumalik sa isip ko ang imahe ng babaeng naka wheelchair sa library kanina.
Ang makinis niyang kutis. Ang malambot niyang boses. Ang mahaba at maganda niyang buhok. Ang mga mata niya. Ang wheelchair niya. Ang pakiramdam na nakuha ko sa kaniya kanina.
Mukhang siya nga talaga ang babaeng tinutukoy nila at siyang mapapangasawa ng hari.
Bigla akong napahawak sa sentido ko. Sa hindi malamang dahilan, parang may humahalukay sa ulo ko. Mariin akong napapikit at naikuyom sa ilalim ng lamesa ang kamay.
Pumasok ulit sa isip ko ang babaeng naka wheelchair. But surprisingly this time, nakaharap siya sa akin at kita ko ang buong mukha niya. Lalo na ang nakangisi niyang mga labi at maliwanag niyang mga mata.
Mas naidiin ko ang pagkakapikit at pagkakakuyom ng kamao. Vague images suddenly swarmed inside my head that made my head turn in pain and left me confused and unfocused. Ngunit may isang pakiramdam na tumatak sa akin.
For some unknown reason, hindi ko magawang mabigyang simpatya si Althea De Luca.