Emily Wala akong halos na makita habang kinakaladkad ako ng taong nasa likod ko patungo sa kung saan. In the midst of the darkness, nakita kong dinadala ako ng taong hindi ko matukoy kung sino patungo sa malayong parte ng hardin ng kastilyo, towards even the back of the maze. At wala akong magawa dahil sobrang lakas niya at halos hindi ko siya makita, kahit na ang braso na nakahaklit sa akin. It seems like this person is invisible, camouflaged with the darkness. "Hmmph!" Pagpupumiglas ko pero mas humigpit lang ang kapit niya sa akin na ikinahapdi ng balat sa bibig at tiyan ko. I once again thrashed against him, pero agad naman akong napahinto nang isang suntok sa tiyan ang nakuha ko. Napasinghap ako sa bigla at sakit na idinulot nito. At doon naman napiling muling humapdi ang balikat

