Emily Nagising ako sa pakiramdam nang pagpupunas ng medyo basa na tela sa noo patungo sa braso ko. I opened my eyes at agad na bumungad sa akin ang pamilyar na walang ilaw na chandelier sa itaas ng madilim ngunit magarang kwarto. Ibinaling ko ang tingin sa gilid. Sa taong patuloy na nagpupunas sa nanginginit ko pa ring katawan. “A-ano ang nangyari?” Agad na nagsing-abot ang tingin namin ni Vin Le Sandreas. Ang asul na asul niyang mata ay umiilaw sa gitna ng dilim ng kwarto niya. His dark luscious hair wasn’t in its usual ponytail. “You lost consciousness. I took you and came here.” Sabi niya habang patuloy na pinupunasan ang braso ko. Umalis siya saglit sa pagkakaupo sa higaan at narinig ko nalang ang daosdos ng tubig sa isang planggana sa ibaba. Patuloy ko siyang tinitigan habang p

