Luke Lumaki ang ngiti ko sa labi nang mamula ang pisnge ni Emily. Adorable. “H-hindi. Kinukulit lang ni Mang Fernan si Fidel. Kaya gano’n.” Halos hindi pa makatingin sa aking sabi niya. Lumapad ang ngiti ko nang mapasinghap siya nang tuluyan kong hapitin ang bewang niya para mas magkalapit kami. “K-King Luke, b-baka may makakita sa atin.” Ramdam ko ang pag-aalinlangan sa mga kamay niyang lumapat sa dibdib ko. Her hands are just slightly suspended in the air. As if she will burn if she starts touching me. I don’t blame her. I feel the burn with her, too. And it is indeed trying to consume us. Kinuha ko ang kamay niya at pinagsiklop iyon sa akin. At least to compromise. For me to continue touching her while she gets the distance she needed to be comfortable. Sa ginawa ko ay medyo napaatr

