Emily Malaki ang ngisi sa mukha ni Josie nang harapin niya ako. “Tara!” Halos umirit niyang sabi. Napabuga nalang ako ng hangin ngunit napangiti naman din sa huli. Sa totoo lang ay masyado pang maaga para sa akin para lumabas na agad kami. Pero heto nga at nag-aaya na siya gaya ng sabi niya na gigisingin niya ako ng maaga. Kulang na kulang pa ako sa tulog kanina dahil sa paglilinis ko sa library sa ilalim ng kastilyo nang madaling araw. At hirap na hirap ako sa paglilinis doon. Sobra na kasing maalikabok at ayaw kong makasira ng ilang daan taong gulang na sigurong mga libro doon. It was Miss Denaly’s strict command, too. And I have no plans in disobeying her. “Sige. Tara.” I breathed out. Masiglang tumago tango naman si Josie at agad na inilingkis ang braso niya sa akin at naglakad

