Emily Halos hindi pa rin maproseso sa utak ko ang narinig. Pero kakasabi niya lang na nag-iisa lang sa Viloria ang kapangyarihan na taglay ng susunod nilang reyna. Paanong nag-iba agad ang salita niya? Tinitigan ko ang nakangiting mukha ni Josie sa gilid ko. Nakatanaw lang siya sa labas habang tinuturo sa akin ang mga nadadaanan naming mga lugar na inakala niyang tinitingnan ko rin. Pero hindi ko mawaglit sa kaniya ang mga mata ko. Ano ang nangyari sa kaniya? It seemed like she just… buffered. “… tapos sabi pa nga ng kuya ko, ako daw ang palagi niyang naaalala pag nakita niya ang kahoy na ‘yun kasi nga ang lakas ng tawa niya nong nahulog ako dun. ‘Di ba ang sama ng ugali? Ako na nga ‘tong 9 years old lang nong nangyari ang insidente at nagkasugat sugat, ako pa ‘tong tinawanan ng hus

