Emily Nagising ako sa maliwanag na sinag ng araw sa bintana sa harapan ko. Naibaling baling ko ang tingin sa kwarto. Malaki ito ng bahagya kumpara sa kwartong inuukopa namin ni Josie, ngunit halos magkapareho lang ang disenyo. “Emily.” “Binibining Denaly.” Agad akong napatayo sa hinihigaan at yumukod sa Head Maid. Nakagat ko ang labi. Did I collapse last night? Siya ba ang kumuha sa akin papunta dito? Ano ba ang nangyari sa akin kagabi? Bakit nagkaganon? Napapikit ako ng mariin sa mga naiisip. “Humayo kana’t kumain. Tatapusin mo pa ang mga gawain sa hardin.” Hindi ako nakapagsalita nang mabilis niyang isinara ang pintuan ng kwarto. Ni hindi man lang niya ako binalingan ng maayos na tingin at tinanong kung ano ang nangyari o pinagsabihan sa nangyari kagabi. Napabuga nalang ako ng ha

