bc

Shifting Sands (Obsidian Series #1)

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
decisive
heir/heiress
blue collar
bxg
serious
mystery
loser
campus
like
intro-logo
Blurb

(On-Going)

Elsinore Maiorani is a complex figure—feared for her bullying nature yet harboring a soft spot for her love interest, KD. While others think they know her, she remains an enigmatic puzzle, revealing her true self only to KD.

Kuel Dendrin Pascall is an aloof figure, his demeanor frigid and indifferent to those around him. Mistaken for a womanizer, he actually prioritizes his studies above all else. However, everything changes when Elsinore enters his life, challenging his icy exterior and revealing a depth he never knew he possessed.

-

•Written in Tag-Lish

•Avoid plagiarism

•Book Cover Photo not mine

credits to the rightful owner

chap-preview
Free preview
PANIMULA
Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ay napadako ang paningin ko sa nagkukumpulang mga kababaihan, hindi nalalayo sa pwesto ko ngayon. Naging sa kuryusidad ay agad naman akong nagtungo sakanila. Habang papalapit ay rinig na rinig ko na ang angil, hiyawan at inis na singhal ng mga babae roon. "Pst, ano yan?"curious kong tanong sa isang babaeng malapit lang saakin. Lahat sila napahinto at napatingin saakin. Sinusuri nila ang sarili ko mula sa pananamit hanggang sa dulo ng hibla ng buhok ko. Weird "Ohh, bakit? Sasali kaba saamin?"tanong ng isa. Napanguso ako. Hindi ko nga alam ang ginagawa nila tapos pinapasali pa ako. "Ano ba ginagawa niyo?" Kuno't noo kong tanong. Sabay sabay silang napakamot sa kanilang batok na para bang ngayon lang nila narelahisa. "Ah oo, naglalaro kami ng logic game. Alam mo yun?" Napatango tango ako. "Oo naman. Ano ba rules niyo?" "Simple lang naman. Bawal ang ingles tsaka kapag hindi nahulaan ay magbabayad ng isang daan. Ano game kaba?" Ngumiti ako ng matamis saka nag thumbs up pa. "Oo, tara tara." Nagsimula na kaming maglaro. Ikutan lamang ito kung sinong magtatanong. Siguro'y pang walo pa ako sa magtatanong dahil marami rami rin kami rito. "Pero bago ang lahat, magpapakilala muna kami. Ako si milan at puro's 17 na kami." "Sheya naman ako"sambit ng naka asul na damit "Yeska" "Lyra" "Sammy" "Haley" "Reece" Tanging tango lamang ang naisagot ko. "Ako naman si norem 17 din." "Game, game. Ako na ang mauuna. May tatlong mansanas, tapos kinain nung unggoy yung isa, ilan nalang natira?"tanong ni milan. Napakamot ng ulo ang ilan at tila ang iba naman ay nag iisip pa. Napailing iling nalang ako dahil simpleng tanong ay hindi nito masagutan. "Dalawa nalang yun mel kasi kinain na yung isa."sagot ni sheya. Sumang ayon naman ang iba sakaniya pati narin si milan na noo'y tila proud pa sa sagot ng kaniyang mga kaibigan. "Eh, mali kayo." Pagtutol ko. Napatingin sila saakin na nagtataka kung papanong naging mali ang sagot kung gayong subtraction lang naman. "Anong mali dun? Tatlo ngalang ang mansanas tsaka yung isa kinain na kaya diba 3-1=2? Hay nako norem, para namang napilitan lang isabak ka sa elementarya noon."sambit ni haley. Nagsipag tawanan ang mga kalaro ko ngunit ako lamang ang nakanguso. "Mali nga kasi" Napasimangot na si lyra at tila ba'y naiinis na dahil tama naman 'raw' ang sagot nila. "Sige nga kung mali, ano ang tamang sagot ha?"nanghahamong tanong nito. Napakibit balikat ako. "Aba, syempre tatlo parin." Nagugulat na tumingin sila saakin saka nagsimulang tumawa. "Sinasabi ko nanga ba eh, pinilit kalang talaga mag elementarya noon, norem. 3-1=3 amp. Astig" Mas lalo pa akong ngumuso. " Mali naman kasi talaga. Bakit, inubos ba nung unggoy yung mansanas? Sabi lang naman kinain wala namang sinabing inubos eh kaya tatlo padin ang natira." Napanganga sila, hindi inaasahan ang sagot ko. Nakita ko pa ang iba na pumipikit pikit pa " M-may point siya mel"utal na sambit ni sammy kay milan Sumang ayon naman ang iba kaya naman walang nagawa si milan at malalim na mapabuntong hininga. Inihanda ko na ang palad ko para sa tig iisang daang pesos. Naintindihan naman nila ang ibig kong sabihin kaya kahit labag man sa kalooban ay ibinigay nila saakin ang tig iisang daan nila. Ayos ah, isang laro palang ay nakatanggap na ako ng pitong daan. "Grabe ka naman norem, mukhang sisimutin mo ang pera namin na pang perya ah."nakabusangot na sambit ni sammy. Ngingiti ngiti nalang ako sakanila saka masayang pinagmamasdan ang mga pera sa kamay ko. Nagpatuloy ang laro namin. Ako palagi ang nananalo kaya lumampas sa tatlong libo na ang nakokolekta ko. Kumusta naman ang mga kalaro ko? Ayun, halos maingat na marahil raw ay nalulugi na sila saakin. "Ako naman magtatanong ah. Madali lang to kaya hindi kayo maghihirap"nakangiti kong saad. Tumango sila saka seryosong nakinig saakin. Halatang gusto na nila mabawi ang perang nasa kamay ko "May limang tao sa dulo ng bangin. Inutusan ko silang lahat na tumalon.. ilang nalang ang natira?" Napapalakpak ang iba at animo'y excited na sumagot. Heh, akala niyo masasagot niyo to ah. "Wala ng natira norem. Kasi diba inutusan mo silang lahat na tumalon sa bangin."sagot nilang lahat. Sabi nanga ba eh, mukhang ubos nanaman ang pera nila saakin. "Mali kayo heh. Syempre lima parin noh"nakangisi kong saad. Naguguluhan itong tumingin saakin. "Ha? Bakit naman?" "Inutusan ko lang naman silang tumalon eh. Wala naman akong sinabing tumalon sila sa bangin.."matamis akong ngumiti sakanila saka inilahad ang palad ko. "Bayad..." Halos magpantay na ang mga kilay ng mga babaeng kalaro ko. Hindi narin maipinta ang mukha ng iba Napipilitan silang nagbigay ng pera saakin at ako naman ay masayang inamoy amoy ito saka dahan dahang binilang. Napaatras narin ako ng pakonti konti. "Mukhang nadaya tayo ah? Teka, ikaw yung norem na nakalaro namin last week ah? Sammy, nadaya nanaman tayo!"sigaw ni milan "Hala siya nga!! Habulin si norem!!"utos ni sammy. "Habulin!!!"sigaw nilang lahat saka nagsimulang tumakbo patungo saakin. Mukhang nabisto na ako. Mabilis akong tumakbo habang iwinawagayway ang mga perang nakuha ko sakanila. Sinuwerte nanaman ako dahil hindi nila ako nakilala kaagad. Takbo lang kami ng takbo at kahit isa ay wala pang nakakahabol saakin. Tatawa tawa akong tumatakbo at nahinto ng mapansing wala na sila sakto namang nasa tapat na ako ng isang gasulinahan. Mukhang mapagod na sila kakahabol Hinihingal akong napasandal sa isang motor at napahawak sa dibdib. Habol habol ang hininga ko ng mapansin kong may isang lalaki na nakatayo sa gilid ko. "A-ah miss, motor ko kasi ang sinasandalan mo. Pwede bang umalis ka riyan at nagmamadali ako?"pakiusap nito saakin. Pinasadahan ko naman ito ng tingin. Matangkad siya ng kaunti saakin at masasabi kong mas pogi siya sa pinsan ko. Nahihiya akong umalis sa pagkakasandal saka gumilid. Sumakay na ito sakaniyang motor ngunit bago paman ito makaalis ay sumigaw ako. "Norem, ako si norem."pagpapakilala ko Tiningnan lamang ako nito saka pinaharurot ang sasakyan palayo saakin. Napaubo ubo ako ng malanghap ko ang usok ng tambutso. Hanep, ayaw niya ba saakin? Cute naman ako eh. Aarte pa siya Napangiti ako ng mapansing maitim na ang suot kong puting t shirt. Nako naman, crush siguro ako non. Nag iwan pa talaga ng alaala saakin. Sinadya niya bang itapat ang usok ng tambutso sa harap ko para hindi ko siya makalimutan? Sweet.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
45.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
323.8K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
104.0K
bc

The Forgotten Wife

read
43.6K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.2K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
30.9K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook